"If you stop believing in me, I will not have anything else to hope for. Importante sa 'kin that you believe in me. At this point in my life, ikaw lamang ang importante..." |
Alam ni Belle na imposibleng umibig sa kanya ang isang tulad ni Cedric Montepiedad. Guwapo ito, mayaman, overachiever, at anak ng may-ari ng hacienda sa kanilang lugar; samantalang siya ay isang simpleng barrio lass na ang tanging passion sa buhay ay magsulat ng mga kuwento. Ngunit tila ganoon ang nangyari kung ang pagbabatayan niya ay ang init ng mga halik nito sa kanya. Wala naman silang malinaw na unawaan. Gayunman, nang kailanganin nitong mag-aral ng master’s nito sa Harvard, ipinabaon niya rito ang isang bagay na napakahalaga sa kanya: ang kanyang sarili.
He promised to come back to her. Pero nalaman niyang nagkakamabutihan na pala ito at ang isang kaibigan niya na nag-aaral din sa Amerika at matagal nang may gusto rito. Ayaw niyang makahadlang sa kaligayahan nito, lalo pa’t nagbunga ang kapusukan nila…
PROLOGUE
TEN YEARS AFTER THE STORY…
There she is…
Dumating ang sandaling pinakahihintay ni
Cedric. Bumukas ang pinto at lumabas ng bahay nito si Belle. Sampung taon na
ang nagdaan, pero napakaganda pa rin nito. Simpleng kagandahang sa halip na
mapingasan ng mga taon at mga karanasan ay parang lalo pang nadagdagan.
“You didn’t tell me she’s beautiful,”
sita sa kanya ng kaibigan niyang si Grey na katabi niya sa front seats ng kotse.
“Man… and you’re telling me this is all about the kid?”
Umiling siya. “Don’t be fooled by that
beauty, Grey. Hindi simpleng babae o mahinang babae si Belle. Mas matapang siya
at mas matatag kaysa sa ‘yo o sa ‘kin.”
“She kept the kid from you so you’d go on
with your plans for your life, I get it. Ang hindi ko maintindihan, kung bakit
kailangan pa niyang magtago kahit noong nakuha mo na ang gusto mo at sinubukan
mo siyang hanapin.”
Nagbuntunghininga siya. “Is that really
impossible? Baka meron na siyang ibang nakilala.”
“Oh. So do I detect jealousy in your
voice?”
Tinapunan niya ito nang masamang tingin.
“I came here to talk to her and you came with me for moral support. Remember?”
“Hindi ka makikipagbalikan sa kanya?
Hindi ka manliligaw? Dude, she’s the mother of your kid.”
“Which she tried to hide from me.”
“So go and talk to her, then.”
Napatingin siyang muli sa harapan ng
bahay. Kinukuha nito ang laman ng mailbox. Nakita niyang ngumiti ito nang may
makita, saka napailing. Isa iyong box ng roses. Nasa koreo.
“Uh-oh. Mukhang may iba na nga siya. With
a smile as sweet as that, the woman’s definitely in love.”
“Will you shut up?” naiinis niyang
sambit.
“Shutting up.”
Nagdaan ang ilang sandali.
“Maybe she’s better off without me. Maybe
she’s happier—“
“Pare, hindi mo malalaman kung hindi ka
bababa sa kotse at hindi mo siya lalapitan.”
Napalunok siya. “Hindi ko pa rin
nakakalimutan na itinago niya ang pagbubuntis niya para magawa ko ang gusto
ko.”
“Then go and tell her that if you’d
known, you’d much rather be with her than get another degree that would just
waste away as a tablet in your display shelves,” marahan nitong sabi.
“What if letting go of her isn’t a bad
thing?” Saan ba niya iyon narinig noon? Napabuntunghininga siya. Kay Belle. She
believed in the goodness of everything, even bad things.
Pumasok na sa loob ng bahay si Belle.
Nagbuntunghininga siya nang malalim, saka hinawakan ang manibela para buhayin
ang engine ng sasakyan.
“Where are we going?” tanong ni Grey.
“I need more time to think of what I’m
going to say,” aniya.
Pero muling bumukas ang pinto ng bahay at
pakiramdam niya ay naririnig pa niya ang tawa nito nang makita ang mukha nitong
namumula sa kasiyahan. Imagining the sound of Belle’s laugh made him hungrier
than he had any right to be. Tumatawa ito habang hila-hila nang isang batang
babae. Isang batang babae na alam niya kung ano ang edad.
Nine years old.
“There’s your little girl,” ani Grey sa
kanya. “Now tell me, kailan ka pa magkakalakas ng loob magpakita sa kanila para
malaman nilang natagpuan mo na sila?”
Dahil sa bikig sa kanyang lalamunan,
hindi siya nakapagsalita.
Chapter ONE
THE STORY…
Nakakunot ang noo nang labing siyam na taong
gulang na si Cedric habang nakabaling sa labas ng bintana sa backseat nang
tumatakbong SUV. Wala siyang nakikita kundi ang kulay na green saanmang dako
siya tumingin. Lahat ng shades ng green—light, dark, yellow green, at golden
yellow na may greenish tint—mula sa madamong kapatagan hanggang sa bulubundukin
na mistula’y borderline ng lugar na ito.
And it was depressing. Hindi pa man siya
nakakarating sa hasyenda, naiinip na siya.
Pero hindi iyon lang ang dahilan kung
bakit mainit ang ulo ni Cedric. He could have tolerated it at any other day.
Pero pwersahan ang pagpapabakasyon sa kanya nang kanyang mga magulang sa sulok
na ito ng mundo. In fact, pinatapon siya rito na parang batang wala pang
kakayahan na mag-isip para sa kanyang sarili. Siya, na sa ikalabing-siyam na taon
ng buhay ay nakatakda nang kumuha ng Masteral sa Harvard University.
Nakakatawa.
Ni hindi siya hinarap ng mga ito. Sa
halip, pinaasikaso na lang siya sa loyal na alalay ng kanyang dad, si Andrew,
na nakaupo sa tabi ng driver sa harapan at hindi na umimik matapos siyang
sabihang isuot ang seatbelt.
Like a kid.
The adults never really talked to him,
anyway. At him, but not to him. It was like talking to a brick wall.
Kapag hindi umaayon sa plano ng mga ito ang maririnig, nabibingi ang mga ito sa
kanyang boses.
Ang nakakainsulto, pinatapon siya sa
lugar na ito na parang isang suwail na anak na kailangang parusahan. “You have to slow down ang think, anak. You
have to take a break,” sabi ng kanyang Mommy. Lumabas ang isang hindi
makapaniwalang tawa sa kanyang bibig. Mapaklang tawa. Who would have believed
that he was being treated like this right now because he has too many
accomplishments?
Nag-aalala ang mga ito. Nag-aalala. Na
baka raw nakalimutan na niyang bata pa siya, that he has to slow down. That
however he busied himself, that wouldn’t make him forget the fact that his
Uncle Tom was dead.
Gumuhit ang pamilyar na ngayong
kirot—pamilyar pero hindi kailanman nabawasan—sa kanyang puso. Tumiim ang
kanyang bagang. At gaya nang automatic na ginagawa kapag naaalala ang sakit, ibinalik
niya sa pagmamaktol ang isip.
It was better to be angry than be hurt.
He would choose anger any time of the day.
Kabibili lamang ng kanyang mga magulang
sa hasyenda three months ago. He’d never been there, as his parents. Andrew
arranged everything.
He wouldn’t be surprised if his mother
bought the godforsaken place to be his cell—the best prison for her only son—until
they forced him to do what they wanted him to do.
Ang mag-relax. Ang mag-isip.
Nakadama siya ng panic.
No, he couldn’t think. It was too
painful. And he couldn’t relax. He has no right to relax. He has no right to be
happy.
Napakurap-kurap siya. A sting in his eye.
Namalayan na lang niyang nakatingin siya sa labas na parang umiiwas sa tingin
nang kung sino kahit wala naman siyang kasama sa backseat. And then he was
assailed by the mountains again.
Shit, everything was just so fucking
green.
Naalala niya bigla ang childhood friend
niyang si Grey. Kung kasama niya ito ngayon, the first thing the bastard would
plan to do was to find a pretty village lass.
Grey would have thought an appropriate joke about the place, about the
scenery, about the color. Unfortunately, his parents had shipped him to
boarding school because he wanted to marry his girlfriend. And that’s that.
That seemed to have happened
a long time ago, hindi noong isang taon lang. He’d left Grey behind a longer
time than that. He’d left everybody behind.
Maybe it was his thoughts that were
depressing, hindi ang scenery.
At ipinikit niya ang kanyang mga mata,
nagdarasal na patahimikin nang kung sinong diyos ang in-charge sa ngayon ang
kanyang isip.
Except noone seems to be in-charge. Lagi.
Dahil kahit kailan, hindi namahinga ang
kanyang utak sa kaiisip.
NANG MAKAPASOK si Cedric sa pinto ng
mansyon matapos bumwelta sa sasakyan isang segundo pagkaparada niyon, ang gusto
niyang gawin muli ay lumabas sa open air.
“I have to get out,” putol niya sa
welcoming speech nang tarantang caretaker. “Just… take my things upstairs. I’m
going to take a walk.”
Piping tumango ang matanda. Pagpihit
niya, naroon si Andrew at binigyan niya ito nang malamig na tingin. “That’s
okay, right?”
“You know you’re free to do anything you
want, Cedric.”
Sarkastiko siyang gumibik. “Yeah, right,”
sabi niya bago niya ito nilampasan para muli ay makalabas sa bukas na front
doors.
Para siyang hinahabol ng multo. Nang
makatapak nang muli sa aspaltadong driveway, agad iyong nilamon nang kanyang
mga paa hanggang sa nakatapak na siya sa malambot na damuhan. It was all he
could do not to run.
He headed for the woods at the edge of
the grounds. And for maybe about thirty minutes, he just did not mind where he
was going. He just kept on walking.
Until his head cleared. There’s something
about forests and woods that had always calmed him. Naramdaman niyang parang
nahugas sa kanya ang tensyon at sama ng loob—pansamantala, at least—habang
naglalakad nang mabilis at pinupuno ang kanyang baga nang malinis at malamig na
hangin. Pumikit siya, hindi kayang itaboy ang muling pag-alala sa kanyang Uncle
Tom. They always took hikes, camped, climbed mountains. Yes, they also loved
horses but this… he loved being with him in forests most. Muntik na siyang
mapaiyak nang maisip na napakatagal na siyang umiwas sa kahit anong klase ng
greenery, immersing himself in his studies, to forget.
He’d caused his death. Siya ang may
kasalanan kung bakit wala na ito. Siya.
He wished to forget but he couldn’t. He
couldn’t.
Dahil ang hirap. Dahil saan man ito
naroroon sa mga sandaling iyon, sigurado siyang hindi siya nito sinisisi. Hindi
ang kanyang Uncle Tom. Nagngalit ang kanyang mga ngipin. Ang problema ay hindi
iyon sapat para tumigil siya sa paninisi sa kanyang sarili. At ang pagkawala nito
ay nananatiling isang masakit na sugat na nagnanaknak. Isang malaking
kahungkagan na hindi niya alam kung paano niya pupunan.
Nasa gitna siya ng kagubatan at para
siyang nauupos. Sa ganitong lugar sila madalas magtungo ni Uncle Tom. Sa
ganitong lugar sila nagpapalipas nang masasayang mga oras. Hindi lamang iyon.
Sa aliwalas ng hanging dumadampi sa kanyang pisngi, he could almost feel his
hand, touching his face.
He’s never been anywhere where there’s so
much greenery since Uncle Tom died. He shouldn’t be here.
Umalpas ang unang hagulhol sa kanyang
bibig at tumakbo siya, gustong tumakas.
Napatigil lamang siya nang makarating sa
gilid nang isang exposed na bangin sa kabilang dulo ng kakahuyan. He wanted to
jump but he knew, as soon as he thought it, that he wouldn’t.
He wanted Uncle Tom to be proud of him,
not be ashamed of him.
At doon, habang nanonood ang asul na
kalawakan, hindi na niya nilabanan pa ang mga luha.
SISIPOL-SIPOL PA ang labing-anim na taong
gulang na si Belle habang naglalakad sa kakahuyan. Dito siya nagdaraan dahil
mas madaling makarating sa kanila sa halip na sa kalsada. Wala pa siyang
makakasalubong na ibang tao.
Galing siya sa trabaho. Sa suot na
maruming t-shirt, shorts na mula sa ginupit na lumang jeans at backpack sa kanyang
likod, mukha siyang mas bata pa kaysa sa tunay niyang edad na sixteen. Nakasalapid
pa mandin ang mahaba niyang buhok sa kanyang likod. Sa hardin kasi ng mga
Aventura siya nagtrabaho ngayong araw na ito.
Tigil siya sa pagpasok. Sana’y fourth
year highschool na siya pero hindi siya nag-enroll. Namatay kasi ang kanyang Mama
at baon sila sa utang. Nagtatrabaho nga siya ngayon sa hasyenda ng mga magulang
ng kanyang kaibigang si Casey. Marami kasing gawain sa bahay ng mga ito at doon
siya tumutulong sa kung anu-ano, mula sa paglilinis hanggang sa pag-e-encode sa
computer ni Tita Yeng na mommy nito. Kaibigan ng mama niya si Tita Yeng noong
buhay pa ito. Ang mama niya ang mananahi ni Tita Yeng noon.
Napangiti siya, naaalala ang tudyo sa
kanya ni Casey tungkol sa shortcut niyang kakahuyan. Kasi naman, basta
napapasok na siya rito ay nagtatagal siya sa pag-uwi kaysa napapadali. Noong
isang taon lang kasi ay may nadiskubre siyang secret spot sa kabila ng
kakahuyan, isang bangin na nakatunghay sa ilog. Nagtatambay siya sa lugar na
iyon dahil maaliwalas ang hangin, malambot ang damuhan at maganda ang tanawin.
Nawiwili siyang magsulat. Tapos, kung alam kung saan bababa ay makararating sa
ilog kung saan napakasarap maglangoy sa napakalinaw na tubig.
Isa pa sa sikreto niya ay ang kanyang
sinusulat. Hindi na lang iyon short stories na ginagawa niya noong elementary
pa siya, kundi isang love story na nasimulan niya bago namatay ang Mama niya at
hanggang ngayon ay hindi niya matapos-tapos. Nobela na.
Paano kasi, masyado siyang nawiwili sa
nakakikilig na istorya at buhay nina Gabriel at Esmeralda. Laging may bagong
nangyayari kapag akala niya, patapos na. At susunggaban niya ang pagkakataong
mapalawig pa ang kwento nang walang kahihiyan. Iyon talaga ang dahilan kung
bakit nagtatagal siya sa kakahuyan.
Alam ni Casey ang tungkol sa kwento at
tungkol sa bangin pero hindi ito mahilig magbasa kaya kinukwento na lang niya
rito ang development ng kwento at hindi pa nito nararating ang bangin dahil ni
hindi niya ito mapapasok sa kakahuyan. Palibhasa mayaman, delikado.
Malapit na siya sa bangin nang bigla
siyang napatigil. May naulinigan siya, isang ingay na hindi pamilyar sa
kakahuyang iyon.
Nagkamali ba siya, o nakarinig siya nang
umiiyak na tao, nakakunot ang noo niyang tanong sa sarili. Pagkatapos ay nawala
ang kunot na iyon nang muli niyang narinig ang ingay.
May umiiyak. May umiiyak talaga!
At hindi lamang iyon isang simpleng iyak.
Parang hinuhugot ang iyak mula sa kaibuturan ng kaluluwa nito. Namalayan na
lang ni Belle na naglalakad na naman siya, parang hinihila patungo sa direksyon
kung saan nagmumula ang ingay. Palakas nang palakas iyon habang siya’y
lumalapit.
Hanggang sa wakas ay nakawala siya sa
kakapalan ng mga puno.
Pero hindi pa man siya nakakalabas,
nakikita na niya ito.
Isang lalaki. Isang tingin dito at alam
niyang hindi niya ito kakilala o nakita kahit saan dito at sa bayan kahit halos
nakatalikod ito sa kanya. Mamahalin ang bihis nito at nadadala nito iyon, sa
nakikita niya sa porma nito at tindig. Maganda rin ang kutis nito kahit lalaki,
pantay ang pagkaputi at malinis. Mukha itong mayaman. Sina Casey lang naman ang
mayaman sa malapit at ang kabilang hasyenda naman ay naipagbili na dahil
nag-migrate na sa Europe ang mag-asawang matandang may-ari niyon. Kung merong
bisita sina Casey, sana alam niya dahil araw-araw siyang naroroon.
Kung ganoon ay sino ito?
Napahakbang pa siya palapit, hindi
natatakot. Tingin niya ay hindi ito masamang tao. Hindi tingin lang, kundi
kutob. Dahil siguro sa iyak nito. Hindi niya maipaliwanag kung paano, pero may
tumutugon sa kanya sa iyak na iyon. May nababagbag.
Naaawa siya rito. Sigurado siyang may
nawala ritong isang importanteng tao, dahil iyon ang iyak niya noong namatay
ang kanyang Mama, kahit nga handa na sila noon sa mangyayari. Kahit nagpapasalamat
pa nga siya dahil hindi na ito nahihirapan pa. Namatay sa kanser sa dugo ang
kanyang ina.
Ang isang taong umiiyak nang ganoon ay
malalim magmahal, naisip niya. Kaya sa kaibuturan nang kanyang puso, batid
niyang hindi ito masamang tao.
Pinanood niya ito nang hindi nahihiya. At
nagulat pa siya nang makitang hindi pa ito isang mama. Para ngang hindi ito
masyadong nalalayo sa edad niya. Kahit nakabaling ang mukha nito sa kabila,
sapat na ang nakita niyang isang side ng mukha nito para makitang hindi ito matanda.
At na hindi rin ito pangit. Napakagwapo
nito.
Parang si Gabriel.
May kilig na gumuhit sa kanyang
puso—kilig na agad niyang itinaboy. Umiiyak na nga ‘yung tao, kung anu-ano pang
naiisip niya.
Sino kayang namatay? Pinanood niya ito,
naaawa rito. At nang unti-unti nang humina ang pag-iyak nito, hindi na siya
nakatiis.
Tumikhim siya.
Parang haplit na pumihit sa kanya ang ulo
nito. Nang makita siya, napapitlag ito.
“Jesus fucking Christ!”
Napangiwi siya. Hindi niya inakalang
magigitla ito nang ganoon. “Sorry.”
“A-Anong ginagawa mo? Kanina ka pa ba
d’yan?” tanong nito habang naninigas sa pagkakatayo roon. Basa pa sa luha ang
mga mata nito, namumula ang mga pisngi nito.
“Nagdaraan kasi ako at narinig kita kaya
napalapit ako.” Sinipat niya ang mukha nito. Gwapo nga. Mas pa kaysa kaninang
gilid lang ng mukha nito ang nakikita niya. Naku, kapag nakita ito ni Casey,
tiyak na kikiligin ito rito. Ito kasi ang tipo ng lalaki na maka-crush-an nito.
Habang siya, wala pa talagang natipuhan. Maliban siguro kung mabubuhay si
Gabriel.
Pero hindi totoo si Gabriel, imbento lang
ng imahinasyon niya. Sobrang perpektong karakter sa kanyang nobelang hindi
matapos-tapos. Kahit naihambing niya ang lalaking ito kay Gabriel, para sa
isang babaeng tulad ni Esmeralda si Gabriel—therefore, ganoon din ito. Si Casey
na sing ganda at sing-yaman din ni Esmeralda ang bagay sa lalaking ito.
Ibinalik niya sa lalaki ang atensyon
niya. As usual, lumipad na naman sa ere ang utak niya. “Okay ka lang ba?”
“No,” maikling sagot nito, na para bang
wala itong panahong gustong sayangin sa pakikipagkwentuhan sa kanya. O sa kahit
sino.
Pero curious siya. At kapag si Belle ang
na-curious, sing-kapal nang sa kalabaw ang mukha niya. “Bakit ka umiiyak?”
May nagdaang ngiti sa mga labi nito,
sobrang bilis para mapagkamalang hindi nangyari pero sigurado siyang nakita
niya iyon. “Are you usually this inquisitive with strangers?” tanong nito
habang naglalabas ng panyo.
“Hindi naman. Depende sa strangers. Kung
mas matanda ka pa siguro, baka ni hindi ako nagpakita sa ‘yo.”
This time, hindi na naitago ang ngiting
iyon. Halatang napilitan pero ngiti pa rin iyon. Mas gwapo ito kapag ganoon.
“Hindi ka natatakot?”
Napaangat ang isa niyang kilay at tuluyan
na siyang lumapit para ibaba ang kanyang bag sa damuhan. “Ikaw, nakakatakot?
Pagkatapos kitang makitang umiiyak? Ano sa palagay mo?”
Sumimangot ito. Saka nagpahid ng luha.
Naupo siya sa damuhan at ibinaling ang
tingin sa malayo para mabigyan ito ng privacy at pagkakataong i-compose ang sarili.
Iba syempre iyong walang habas na panonood sa pag-iyak nito nang hindi nito
nalalaman. Nakatingin pa rin siya sa malayo nang maupo ito sa hindi kalayuan sa
damuhan.
“So, sinong namatay?” tanong niya.
“How do you know someone died?” tanong
nito sa medyo naiinis na tinig.
Napangiti siya. “Gan’on din kasi ang
naging iyak ko noong namatay ang Mama ko noong isang taon.”
Wala na ang inis nang magsalita ito. “I’m
sorry.”
Sinulyapan niya ito. “Okay lang. Hindi mo
naman alam, eh. Sabi ng kaibigan ko, minsan nga raw may pagkataklesa ako.”
“She’s right,” sagot nito, may amusement
sa tinig. “How did she die?”
“Hindi pa patay ang kaibigan ko,” sagot
niya, nananadyang manudyo.
“I meant your mother,” sabi nito, wala na
ang amusement.
Mabilis itong mapikon. Obserba lang niya.
“Leukemia. Na-diagnose siya na malala na. Hindi na siya nailigtas ng mga
doktor,” sagot niya, hindi maitago ang damdamin sa tinig kahit sinubukan niya.
Hindi yata maaalis ang sakit hanggang sa mamatay siya. Sana, matagal pa.
“I’m so sorry,” sabi na naman nito.
“Bakit ka ba sorry nang sorry? Ikaw ba
ang nagbigay ng sakit sa nanay ko?” tanong niya, napapatingin muli rito.
Umikot ang mga mata nito. “Of course not.
I’m sorry kasi alam kong mahirap mawalan ng ina.”
“Bakit, nawalan ka na ba ng ina?”
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletesan po kasunod
ReplyDeletesaan po ba pwedeng bumili?
ReplyDeleteBitin naman
ReplyDeleteGood afternoon po....paano po mabasa ang story ni Cedric and Belle...thanks I like the story po kasi..kaso bitin
ReplyDeleteAng ganda nman.,bitin lang.hehehe
ReplyDeleteganda, sana buo :-)
ReplyDeletenice sana buong story
ReplyDeletePano po mabasa ng bou tnx.
ReplyDeletei like the story and i love the author ! sana magawan din ako ng mara fairy tale na love life. hihihi
ReplyDeleteHow can I read the full story???
ReplyDeleteBorgata Hotel Casino & Spa - JTR Hub
ReplyDeleteLocated in งานŕ¸ŕ¸ŕ¸™ŕą„ลน์ Atlantic City, septcasino.com Borgata Hotel Casino & Spa offers the finest herzamanindir.com/ in amenities and entertainment. It also provides titanium ring a seasonal outdoor swimming www.jtmhub.com
I to yong pinaka ayaw ko...ang mabitin.
ReplyDeleteGreat and I have a nifty offer: Whole House Renovation general contractor for home renovation
ReplyDelete