My Books




















What You Mean To Me
By Noelle Arroyo

“Hindi ko pa rin alam kung ano’ng ginawa ko to deserve you, pero pagod na ako sa kakaisip at kakatanong. Mahal kita… `Yon lang ang alam ko.”


Nang gabing magpunta si Anne sa bar ng kaibigan niya para sa kanyang blind date ay desidido na siya sa plano niya—she would seduce her date hanggang sa may mamagitan sa kanila. Dahil gusto niyang magkaanak, iyon lamang.
Pero sa huling pagkakataon ay sinalakay siya ng takot. Hindi pala niya kayang gawin ang ganoon. At naroon si William para i-rescue siya. It did not matter that he was the president of the company where she worked; nakahanap siya ng masasandalan sa katauhan nito. Natagpuan na lang niya ang sariling sinasabi rito ang mga pangamba niya at ang mga pangyayari sa nakaraan niya na ni hindi niya magawang ikuwento sa mga kaibigan niya.
Hindi niya inakalang ang pagkakataong iyon ang magiging daan upang pukawin ang mga damdaming akala niya ay hindi na siya capable na madama. At hindi niya kayang basta na lang ignorahin ang nadarama niya para dito.
Pero natatakot siyang isugal ang puso niya kay William…


No comments:

Post a Comment