Tuesday, December 20, 2011

Enchanted Daughters of the Ancient Fairy 6



THE DANCER & THE SHAPESHIFTER

NOELLE ARROYO

 

 

Teaser

MULA nang matalo sa konsyerto nina Guinevere at Caleb ay hindi nagparamdam sa mga Encantara si Leica Soldita Malvado. But on the day Georgette le Charme Encantara, the last of the Enchanted Daughters, dreamed her Prince Hero dead, nagalaw ang balanse ng enerhiya sa magical realm. Inagaw ni Leica ang kapangyarihan ng Diyosa ng Kalikasan at hindi na lang ang kanyang buhay ang nanganganib sa masamang bruja kundi kaligtasan ng sangkatauhan at nang lahat ng mga nilikha sa buong mundo.
Pero hanggang hindi naililigtas ang kanyang Prince Hero, alam ni Georgette na wala siyang silbi sa lahat. O kahit sa kanyang sarili.

SI Daniel ay isang manunulat na shapeshifter na kahit kailan ay hindi pa nakalayo sa invisible na isla ng Vernaa. Pero nang matuklasan niyang meron siyang misyong mas malawak kaysa kanyang simpleng eksistensya—at makakasama niya sa misyong iyon si Georgette na isang fairy-witch—hindi siya halos makapaghintay na simulan ang kanyang adventure.
Sa imahinasyon niya sila nagsimula, pero sa isang masalimuot na pangitain nang ina ni Daniel noong sanggol pa lang siya magtatapos ang kwento ng mananayaw at nang kanyang Buriway.
Ang tanong, pagkatapos ng kwento ay buhay pa rin kaya silang dalawa?

“Sa panaginip ko, halos mabaliw ako noong akala ko namatay ka. Hangga’t hindi ka nila nakikita hindi ako natahimik. Noong dumating ka bilang bayawak, kahit hindi pa ako sigurado na ikaw nga ‘yon gumaan agad ang aking dibdib. Kung hindi pa kita mahal n’on hindi ko na alam kung ano ‘yon.”


Kahit na ako’y makapagsalita ng iba’t ibang wika

ng mga tao at mga anghel,

para lamang akong kampanang kumakalembang

o pompiyang na maingay

kung wala akong pag-ibig.


1 Corinto 13: 1

 

 


ONE


BILOG ANG BUWAN nang gabing iyon ng Marso at mistula iyong isang makapangyarihang bantay na mapagpasensyang nakatanod sa lahat ng nilalang sa lupa.
Sa pusod ng gubat sa rancho ng mga Encantarang nasa dulo ng bayan ng San Bernardino, magaan ang mga paang nagsasayaw pauwi si Georgette. Ang tangi niyang gabay ay ang liwanag sa taas na nakakatakas sa mga butas sa pagitan ng mga dahon at dalang ilaw ng mga mumunting alitaptap na masiglang nagsisisunuran sa bawat niyang pagkilos. Minsan, tumatakbo siya; minsan ay lumulukso… at naririnig ang kanyang masayang halakhak tuwing dumadapo ang maliit na mga ilaw sa kanyang balat. Yapak ang mga paa niyang patingka-tingkayad sa mahamog na damuhan na parang isang naglalarong ballerina sa sariling entablado… o mas tamang sabihing witch enchantress sa sariling maka-kalikasang kaharian.
Isa iyong gabi na puno ng magic. Sa mga bansa sa Norte, simula ng spring… simula ng buhay. Buntis ang lupa at malapit nang manganak. Nararamdaman niya ang mahika sa nagtatampisaw na liwanag mula sa makapangyarihang buwan sa kalangitan. Hinihinga niya iyon sa kapaligiran.
Mabini siyang tumatalon sa ibabaw nang nakausling ugat nang isang matandang puno. Nang bumagsak ang kanyang mga paa sa lupa ay nakaipit na ang orkidyas sa kanyang teynga. Natatanaw na ang hardin ni Lola Mertha sa labas ng gubat at bumilis ang takbo niya. Nagpasalamat siya sa mga alitaptap sa pagsama ng mga ito sa kanya.
At nang makalabas siya sa kagubatan ay ngumiti siya sa liwanag ng buwan na bumagsak sa kanyang mukha at nagbigay ng banayad na init na unti-unting lumukob sa kanyang katawan bilang isang magical na enerhiya.
Tinungo ni Georgette ang bed rock sa gitna ng hardin ng mga bulaklak at nahiga siya roon. Ang spot na iyon sa gitna ng hardin ang kanyang pinakapaborito sa buong universe. She did her dreaming here—both asleep and awake.
Dito rin niya naiisip maging kanyang mga problema.
Nataboy ang saya sa kanyang dibdib.
Tatlong buwan na lang—TATLONG BUWAN—at siya naman ang haharap sa sumpa sa kanya ni Tita Leica. Ni anino nang kanyang mangingibig, hindi pa nakikita. Ginagamit na lahat ng paraang praktical at mahiko para hanapin ito pero hindi pa rin ito mahanap. Kahit sa mga visions ng mga seers, wala.
Where. Was. Her. Prince?
Masyadong nanghina si Tita Leica mula noong mataboy ito kay Aleka ng awit ng pag-ibig nina Ate Guinevere at Kuya Caleb nang gabi ng konsyerto. Naroroon din nang gabing iyon si Gregory at ito si Aleka ay nakatakda sa isa’t isa. Isang taon matapos gumaling si Aleka mula sa masamang epekto nang mapagkontrol na salamangka ni Tita Leica noong alipin pa nito ito ay ikinasal ang dalawa at ngayon ay tahimik nang naninirahan sa rancho.
Pero hindi pa rin nagpaparamdam sa kanila ang masamang bruha kaya nag-aalala lahat sa kung anumang maaaring hinahanda nito para makaganti at makuha siya.
Itinataboy niya ang takot niya sa pag-alalang binigyan ng proteksyon ng kapangyarihan si Kuya Orlando bago pa nito makilala si Ate Soliel. Malakas ang kapangyarihan ng pag-ibig. Throughout history, man has always been fickle and weak… but love always remained steadfast in the end.
Nanonood sa nagkikislapang mga bituin sa langit, napabuntunghininga siya. Sa Norse Mythology, noong nilikha ni Prometheus ang mga nilalang sa mundo, sinadya nitong nakayuko ang lahat ng mga hayop maliban sa nag-iisang biniyayaan ng pagkatuto. Hinulmahan nito ito ng tuwid na spine para makatayo, makatingala sa langit at mamasdan ang kalawakan ng perpektong sistema ng mga buwan, ng mga planeta at kumikinang na mga bituin.
Na nagsasabing kahit gaano man kagulo sa mundo, posible ang perfection sa universe. Na kung susundin ng tao ang batas ng kalikasan, they could achieve that beautiful perfection. Eventually, everything would be alright.
Thank you, Prometheus, nangingiti niyang naisip.
Hinanap nang kanyang mga mata ang mga bituin ni Lolo Pilay. Pero madaling-araw na at kapag tinawag niya ito sa ganoong oras, she might give the poor old man a heart attack.
Napalabi siya. Ang pagiging paranoid ni Lolo Pilay ay understatement pa lang ng paranoia nang lahat. Hindi ibig sabihin na hindi lumalabas si Leica, hindi ito nakakaisip nang masama. Malamang na sine-save nito ang pinakamatinding pagsalakay na gagawin nito sa huling mga araw bago ang kanyang kaarawan. Dahilan kung bakit natatakot siya para sa kalagayan nang kanyang mangingibig, saanman ito naroroon.
Tumagilid sa pagkakahiga si Georgette at nang mamasdan ang mga bulaklak ay gumaan kahit papaano ang kanyang loob. Kung ipipikit niya ang kanyang mga mata ay alam niyang makikita niya ang maririkit na mga kulay na parang nasa kasikatan iyon ng araw—pula, rosas, dilaw, orange, pinakamatingkad na blue at pinakamaputing puti sa lahat ng mga puti. Kahit ang kaberdehan ng mga sanga at tsokolateng kulay ng mga katawan ng puno ay buhay na buhay.
Pero napakaganda pa rin ng mga ito sa kabila nang mabining liwanag ng gabi… kagandahang misteryoso… mystical. Nangungusap iyon sa kanya, binubura ang takot niya—sinasabing ligtas ang kanyang mangingibig saan man ito naroroon… nabibigyan ng proteksyon ng kapangyarihan nang kanilang nakatakdang pag-ibig.
Nalukob siya ng kapayapaan at unti-unti siyang inantok. Naghikab siya kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata.
She could hear a soft song in the wind… the songs of distant fairy voices. Nakakaengganyo iyong pakinggan… nanghehele… nagpapaantok.
Nang makatulog siya, ni hindi niya iyon halos namalayan.

NANG MAGMULAT muli si Georgette ay napakunot-noo siya.
Gabi pa rin.
Pero napakadilim. Tumingala siya. Nasaan ang bilog na buwan? Nasaan ang kanyang mga bituin?
Then she realized that she wasn’t awake.
She was dreaming.
And it wasn’t a pleasant dream. Hindi halos makita ang mga bulaklak. Hindi matanaw ang liwanag nang kanyang mga kaibigang alitaptap sa bukana ng kagubatan. Everything was black ang gray. She did not like it.
May narinig siyang mahinang tunog sa kanyang tabi at naiinis na napalingon siya roon. Pagkatapos ay umalpas sa kanyang bibig ang napakalakas na irit.
“Eeeeeeeeeeeek!”
Halos mahalit ang lalamunan ni Georgette sa pagsigaw. Nagtatayuan ang mga balahibo sa kanyang buong katawan nang mahulog siya sa lupa sa tarantang paglayo sa kanyang nakita.
May butiki sa ibabaw ng bato! Hegante at napakahabang butiki!
Anong ginagawa ng bayawak sa kanyang panaginip?!
Gusto mang tumakbo, sa sobrang sindak ay nanigas siyang parang flagpole.  Baka habulin siya nito! Saka niya naalala…
Oo nga pala! Fairy ako, witch pa—powerful  ako. At bakit ako matatakot eh panaginip ko ito?!
Pero anong gagawin niya sa butiki, nadidismaya rin niyang naisip. Hurting it made her cringed. Wala naman itong ginagawa kundi panoorin siya sa kanyang kawalan ng poise. That’s not enough for her to zap it to oblivion.
“Ano naman kayang klase ng panaginip ito?” naiungol niya.
Monitor lizards were reptiles, weren’t they? Kinilabutan na naman siya. Pero sinermunan niya ang kanyang sarili.
Georgette, you’ve handled clay zombies. Snap out of it!
“Right,” sabi niya nang malakas. “It’s just a lizard. No problem,” dagdag pa niya. She could maybe stare it down.
At nakipagtitigan nga siya rito, pinakikita ritong hindi siya natatakot. Na kahit anong gawin nito, hindi siya tatakbo at hindi siya sisigaw at hindi siya hihingi ng saklolo.
What was it doing in her dream, anyway. Usually, she could control her dreams. As in really. Kapag-pumapangit-na-nagigising-na-siya-period. Pinahid niya ang pawis sa kanyang noo. May nakita ba siyang bayawak o pictures niyon recently para managinip siya nang ganito?
Wala naman siyang maalala.
Ang laki nito talaga, mas malaki pa sa water lizard na nakita niya sa Manila Zoo. But instead of black skin and white spots, this one’s colors were very alive they were almost breathing. Ito lang ang nag-iisang may kulay sa gray and white niyang panaginip.
Pinaalala niya sa sariling reptile ito, pinsan ng mga alligators at ahas. Walang cute na reptile.
Wrooong. Tortoises were reptiles and tortoises were cute.
And that was it. Even as she tried, she wasn’t that scared of the lizard anymore.
Dahil nagsisimula na siyang ma-curious.
“And God hath made the word CURIOUS and CURIOUS was GEORGETTE,” lumabas sa kanyang bibig.
Napangiwi siya. Guilty. Siya ang fly sa flame. And Ate Soliel and Ate Guinevere weren’t here in her dream to shoo her away.
At in fairness sa bayawak, it wasn’t really a dangerous-looking flame. Hindi pa rin ito kumikibo. Ang mga mata nito ay half-lidded na parang antok o bored. His skin was scaly but the colors were extra-ordinary—dilaw ng araw at berde ng bagong sibol na halaman. Sandaling kumibo ang buntot nito, a flicking that took its own time and didn’t scare her at all, habang patuloy siya nitong pinanood na parang naghihintay itong ipahiya na naman niya ang kanyang sarili.
Hindi na talaga siya natatakot. Maingat siyang lumapit. Huwag sana itong manunggab dahil baka magitla siya at magi itong butiki sa kisame.
Pero wala pa rin itong ginawa. His eyes followed her, oo, pero gaya lang nang isang bored na pusang nakakita ng kilala pero ni hindi nagkainteres bumati. Parang si Garfield, mukha nga lang bayawak.
Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng bato. Kumiling ang ulo nito na parang gusto siyang makita sa mas magandang anggulo.
At kumibinsido na si Georgette na walang masamang balak sa kanya ang bayawak. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, basta alam lang niya.
She reminded herself again that she was inside a dream, very conscious, but still in a dream. And she knew—this wasn’t just an ordinary dream. It’s a magical dream. Anong mensahe ng panaginip na ito sa kanya?
Noong natititigan na niya ito nang walang takot, napagtanto niyang hindi talaga ito pangit. Gaya nang ibang nilalang, it has a beauty all its own. Van Gogh painted flowers that were picked from the countryside then sold years after his death for millions of dollars because now, the beauty of the flowers could be seen through his eyes. Ganoong klase ng perspective.
At lalo siyang nakumbinsing merong mensahe sa kanya ang panaginip.
“Hello…” sabi niya rito. Improvement. Kinakausap na niya ang bayawak. Ano naman kayang gagawin niya kung bigla itong sumagot?
Right. Butiki.
Inangat niya ang kanyang kamay at dahan-dahan niya iyong ipinatong sa ibabaw ng ulo nito.
Pagkalapat na pagkalapat nang kanyang kamay rito, nakarinig siya nang mahinang ingay na hindi nalalayo sa kuntentong purr nang isang pusa. Hindi niya napigilang matawa.
Ahhh. Alam na niya ang misteryo.
He’s a confused bayawak who thought himself a cat.
“You just love that, don’t you? Someone must have spoiled you reckless.”
It opened its mouth and flicked its tongue out. Nandidiri niyang nabawi ang kanyang kamay. Nilawayan siya nito!
“Eeeww. Daniel, kadiri ka!”
Natigilan siya.
Daniel….?
Now where did that come from?
Daniel… ulit niya sa kanyang isip, hindi maipaliwanag ang init na lumukob sa kanyang katawan hanggang sa maabot niyon ang kanyang puso.
“D-Daniel…?” mahina niyang bulong habang nabibingi sa kabog nang kanyang dibdib.
For a moment, nothing happened.
Pagkatapos ay nagsimula itong mangatal. Nangaligkig ang mga spikes sa ibabaw nito at kumislot ang mahaba nitong buntot. Taranta siyang napatayo. Lumakas ang seizure, then blood spurted from his eyes.
“Oh my God…!” naiiyak niya sa takot.
Hindi na lang ang spine kundi ang mga buto ang gumagalaw sa loob ng balat nito na parang gustong umalpas! Sindak na natulala si Georgette dito.
Dahil alam niya kung anong nangyayari. Nagdaraan siya sa ganoon gabi-gabi.
Her beautiful bayawak was changing form right infront of her eyes!
Pero hindi gaya niya na nababalutan ng liwanag, nililindol ito nang kung anong delubyo mula sa loob. It looked so painful, napaluha siya sa sobrang awa rito. Lumapit na naman siya para sumaklolo.
Pero sa kanyang panghihilakbot, bigla itong sumabog.
“Daniieeeeel!” irit niya.
Sa harap niya, umalpas rito ang mahahabang mga biyas, flat na torso at matipunong dibdib nang isang lalaki. Huli ang ulong ang mukha ay nababahiran nang matinding sakit, takot, at matinding pagkatuliro.
Gumiray ito sa ibabaw ng bato. Georgette had no time to get out of the way… bumagsak ito sa kanya. Bumagsak sila sa damuhan, crushing little wild flowers on the ground. Air was forced out of her lungs. Mabigat ito.
Umungol ito.“Georgette...!”
The feeling of suffocation vanished when she heard that. Pero bumagsak ang ulo nito sa kanyang balikat at hindi na ito gumalaw.
She turned her shocked eyes to look at his bloody face. Parang nagyelo ang puso niya nang makilala niya ito.
Ang kanyang Prince sa wishing well.
And he looked dead.
Nagising si Georgette sa mataas na sikat ng araw.
At umaalpas sa kanyang bibig ang klase ng sigaw na hindi pa narinig mula sa kanya kahit kailan.

5 comments:

  1. sana po i publish ito sa phr book

    ReplyDelete
  2. naku po!! indi ako maka get over...... anu po ang nangyari kay daniel???huhuhuh

    ReplyDelete
  3. ay, haha. nasa phr na po ito. it's for publishing na talaga. =)

    ReplyDelete
  4. talaga po??? naku!!! sana makaabot dito sa bacolod....

    ReplyDelete
  5. Hindi pa pala ito ipa-publish as a pocketbook. the plan is for the series to be adapted as a graphic novel. i dunno when it'll be published as a phr novel.

    ReplyDelete