Agents Specs and Violet
Noelle Arroyo
SA isang simpleng exhibit ng private collections na mga artifacts nang
isang napakayamang pilantropo, isang krimen ang nagaganap. Ninanakaw ng isang
sophisticated group of thieves ang isang five hundred year old mummy… at naipit
sa gitna niyon sina Agent Specs at Violet.
Sa kolehiyo pa man ay
magkaibigang matalik na sina Alejandra Salcedo at Billie Kuran at sobrang ideal
ng pagkakaibigang iyon, hindi tuloy nila magawang maamin ang lihim nilang mga
damdamin sa isa’t isa. Pero nang napasama sila’t nakidnap ng mga nagnakaw sa
mummy, at isang historian/archeologist na dating propesor ni Billie sa
kolehiyo, ay pagkakataon na ang nagtulak sa kanilang “mabisto”.
Kasabay nang pag-usbong ng
kanilang mga damdamin ay ang tawag ng misyon nila sa bayan—ang iligtas ang
mummy at ang Puso ni Solomon na ang pinagtataguan ay itinuturo ng body tattoos
nito. Dahil ang mummy ay isa sa mga maharlikang ninuno ng bansa at simbolo nang
kagitingan at karangyaan ng nakaraan ng mga Pilipino bago dumating ang mga
mananakop—at ang Puso ni Solomon ay ang simbolo nang katotohanan tungkol sa
isang nakaraan na magbabalik sa identity ng mga anak ng bansa.
Isa iyong misyon na mas mahalaga
pa sa kanilang pag-ibig—mas mahalaga pa sa kanilang mga buhay.
At hindi nila kapwa alam kung may
posibilidad ba na mailigtas nila ang mummy, ang Puso ni Solomon, at maging ang
kanilang pag-ibig.
“Multo ko iyong magising ka isang umaga at matagpuan ang sarili mong in
love sa kung sinong Pontio Pilato. And I know I’ll wring his neck before I hang
myself.”
Chapter ONE
“ANO? Nagbibiro ka ba?”
Iyon ang gulat na naitanong pa ni Allie
kay Billie bago siya nito ibinalibag sa mats ng dojo.
Sandaling umikot ang paligid at nang
mag-focus sa mukha nito ang mga mata niya, napabuntunghininga na lang siya.
Sanay na siyang itinatapon nito kung saan-saan sa mats—that’s why she had been
to every spot and every corner of those mats, naisip niya nang may magkahalong
sarcasm at pagsuko. Dinaganan siya nito para sa grappling at para iyong
pakikipag-grapple sa isang maliit na bear nang isang kuting—iyon bang alam
niyang wala na siyang pag-asa? Kahit malaki na rin ang in-improve niya nitong
nagdaang mga taon sa combat sessions na mandatory kahit sa mga in-house elites,
hindi naman nito natanggap ang nickname nitong Little Elf dito sa gym ng Black
Bureau for nothing.
Elf ang tawag nila sa kanilang combat
instructor na anim na beses nag-champion sa Martial Arts sa buong Southeast
Asia, si Harold Monzon. Bakulaw kasi sana ito sa taas na six’ two” kung hindi
malapad ang katawan dahil sa bukul-bukol na mga muscles kaya nagmumukha itong pandak—hence
the misnomer Elf. At naging Little Elf si Billie Kuran dahil sineryoso nito ang
pag-aaral ng Combat Martial Arts at nabihasa ito hanggang sa puntong ang mga
ekstrang oras nito sa gym ay napupunta sa pag-a-assist nito sa instructor sa
pag-train sa mga junior elites at bagong recruits. Kaya rin kayang kaya na
nitong harapin kahit sino sa kanilang field elites—at pulbusin ang mga kulelat
na gaya niya.
Hindi talaga maliit si Billie. Pantay
lang sila halos at sa taas na five’ eight” ay average lang ang taas nito sa
pangkaraniwang Pilipinong male habang siya, sa taas na five’ seven” ay
matatawag nang matangkad sa pangkaraniwang Pilipinang babae. Iyon nga lang,
pangkaraniwan ding matatangkad ang kanilang male elites kaya sa tabi ng mga
ito, parang mas mababa pa ito kaysa totoo.
Pero hindi naman ito pahuhuli sa iba pa
nitong physical assets. Matangos na ilong, deep-set na mga mata at mga labing
seksi kung makangiti, hindi nga lang nito alam na alam niya iyon o ni iniisip
niya iyon—ang mga assets na bumawi sa kakulangan nito sa height. Dark ang kulay
ng balat nito at malinis ang kutis pero bahagyang mabalbon. Ang pinakagusto
niya sa lahat ay ang mga mata nito. Mababait ang mga iyon, may makapal at
malantik na pilikmata na parang sa babae. May mga Arabyano daw kasing nahalo sa
mga ninuno nito at sa mga ito rin nito nakuha ang bahagyang maitim nitong
balat. Isa sa mga iyon, noong panahon ng mga Kastila na pinapalitan ng
Christianized names ang mga pangalan nang dinatnang mga tao sa mga isla, ang
nagpilit sa apelyidong Kuran dahil Muslim ang mga ito. Nakaligtas ang ninunong
iyon dahil hindi pa outright na nakikipag-away sa mga sibilisadong lahing
dinatnan ang mga bagong dating, pero kinailangang magtago sa mga kamag-anak sa
Mindanao at Indonesia ang sumunod na mga henerasyon ng Kuran para makaligtas sa
opresyon at panlulupig sa mga rebelde ng mga Kastila.
Sa kabila ng gothic t-shirts at jeans na
pangkaraniwan na nitong get up araw-araw at iyong five o’clock shadow na
persistent sa pagtubo sa kabila nang regular na pagse-shave nito ng panga, he
managed to always look clean and fresh—yes, parang sa mga deodorant
commercials. And those wavy, dark hair more than made up for the thick lenses
of his spectacles that he only looses when he’s combating with somebody on the mats.
Nakasuot ito ng contact lenses kapag narito. Minsan hindi siya sanay na
nakatutok sa kanya ang maririkit na mga matang iyon nang walang harang kahit
man lang ba salamin. Matindi itong makatitig sa isang tao kapag nalilito ito
rito—gaya niya rito sa mga sandaling iyon—at ang epekto ng titig na iyon ay
makamandag, batid man nito iyon o hindi. Bahagya na niyang nalabanan ang
kiliting naramdaman ng kanyang traydor na katawan.
Kiliting nakapagpapaalala sa kanya
tungkol sa matagal na niyang na-overcome na atraksyon rito sa university noon…
at nagdadala rin ng kutob na mali siya ng akalang nalampasan na niya iyon. Good
thing that he didn’t have a clue about it—at all—dahil hindi niya alam kung
paano niya iha-handle iyon kung sakali.
“Why’d you think I was joking?” sa wakas
ay tanong nito.
“You’re asking me out… on a date,”
paalala niya rito habang nagpipilit pumalag.
Lalong kumunot ang noo nito habang
nanatiling mahigpit ang hawak. “Yes. Hindi ka nakikipag-date right now?” At
nakikita niyang gumana ang utak nito na parang machine, hinahanap sa memorya
kung sino ang huli niyang naka-date. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito.
“Anong ginawa ni Mike?” Hindi nito gusto si Mike, alam niya. Nayayabangan ito
rito. Hindi man nito sinabi pero halatang na-relieved ito noong sinabi niyang
busted na sa kanya ang dating manliligaw.
Isa itong over-protective friend. Piling
pili niya ang mga lalaking pwedeng umastang protective sa kanya dahil
uber-dependent din siyang babae. So far, nag-iisa pa lang ito at inaabuso naman
nito iyon nang walang kahihiyan. “Wala…!” sagot niya habang pinandidilatan ito,
na peligro sa kanyang lumuluwa nang eyeballs dahil nasa leeg niya ang isang
muscle-an nitong braso. “Wala pa…. hindi pa… naman niya… ako dinadala sa…
isang… museum!”
Umangat ang isang makapal na kilay sa
isang ekspresyong insolente at cute. Cute na cute. “So? Para museum lang—”
“Ng… artifacts!” Nag-tap siya. Nilubayan
siya nito. Naghabol siya ng oxygen, fast.
“Anong masama sa artifacts?” tanong nito
na parang takang taka nga.
Mas madali na ngayong mandilat. “Mukha
ba akong artifact kind of date?!”
Sa labas ng mats, narinig ang naimpit na
tawanan ng mga nanonood. Pero mukhang ni hindi man lang natawa ni nabagbag si
Billie. “I’ve noone to bring.”
Oh. Of course. So logical of him. “At
ano naman ngayon sa ‘kin?” sarcastic niyang tanong.
“You’re a friend?” hopeful nitong sabi.
Para pang emphasis, noon siya nito inalalayang makatayo.
Bilang ganti, bumalik siya sa attack
stance sabay nang pagsama rito ng tingin. At kahit nagtatawanan na naman sa
labas ay hindi siya umagwat. Kasi, totoong masama ang kanyang loob.
Unfair… so unfair. Pero soo true. Dahil
sa nagdaang walong taon nila rito sa BB right after graduation from college,
naisama na siya nito nang ilang beses bilang “date” sa mga okasyong wala itong
ibang madala pero inaasahan ng well-meaning na mga kaanak na may madadala ito.
Ang galing galing niya sa mga okasyong iyon dahil “friend” siya nito.
Gaya nga nang sabi niya, abusado.
Pero syempre, hindi na naman iyon ang
lumabas sa kanyang bibig.
“Specs, we’re talking about like
ancient—dead—people.”
“Mummies are actually fascinating, like
thick books that’s just waiting to be read.” Muling narinig ang impit na
tawanan sa labas ng mats at natatawa nitong tiningnan ang mga kaibigan nila doon.
“They are,” giit nito.
“Ayoko pa rin,” singhal niya kay Billie
nang tumingin itong muli sa kanya.
Muli, iyong insolenteng tingin. “They’re
not going to strike you ‘coz they’re dead. Not like your vampire.” Umiling pa
ito na para siyang lost cause. Tinutudyo na naman siya nito sa pagkahibang niya
sa supernatural fiction.
Umingos siya. “At least, pwede silang
pagnasaan. While your mummies…” OA siyang nangatal. Nagtawanan na naman ang
kanilang audience.
Bumulong ito. “Kung gusto mong makita si
Edward Cullen, I can make you a wax figure.” Bahagya siyang kinilig sa bulong
na iyon. Delicious. Pero nag-revert din agad ito sa normal na kaswal at lohikal
na pagsasalita. “Pero kung tunay na katulad niya ang hinahanap mo, tatanda kang
walang asawa. Plus, maybe he likes grays. Didn’t you ever notice that Bella
always dress in grays? No violet in there whatsoever,” sabi nito habang
sinusulyapan ang ilang highlights ng violet na naroroon sa kanyang dark brown
na buhok.
“You are helpless!” inis niyang sambit.
Nagbuntunghininga ito habang bumabagsak
ang mga balikat. “Alejandra, please…? I can’t just bring anyone tonight. Ikaw
ang gusto kong isama. Please…?”
“Uh-oh,” halos sabay-sabay na sambit ng
mga nasa labas ng mats. Kapag ganoon na ang hitsura ni Specs, wala nang makahindi
rito—lalong lalo na ang bestfriend nitong si Violet.
Siya naman ang tumingin sa mga ito,
exasperated. “Tigil!”
“Noong tinawagan ako ni Prof. Tamayo,
nag-insist siya na isama kita. I mean, bukambibig kasi kita dahil nga kaibigan
kita at iba ang inisip niya.” Bahagya itong naasiwa. “Kaysa kulitin niya ako
tungkol sa lovelife ko, I let him think what he wanted to think. I mean, he did not have to know you’re not
really a date. Gusto talaga kitang isama. Eh ‘di kunwari na lang, date kita.”
Bago siya makasagot, tumikhim si Elf sa
labas ng mats. “May plano kayong tapusin ito bago mag-Christmas?”
Nagtawanan na naman. Umikot ang kanyang
mga mata. Tuloy, hindi niya napansin noong biglang kumilos si Billie, para
tapusin ang session nila bago mag-Christmas, pwera noong nakatihaya na ulit
siya sa mats at biktima ng kata-gatame, isang effective grappling technique
kung saan mananatili siyang nadadaganan anuman ang kanyang gawin maliban na
lang kung meron siyang superhuman strength.
Nag-tap na lang ulit siya nang tatlong
beses sa mats kaysa mahirapan pa. He was so close… very, very close and her
head was starting to get woozy. Kaya mahirap.
Ang hirap talaga.
Disappointed itong umiling. “My, Violet…
you are getting lazy.”
Binelatan niya ito.
“Payag ka na?” natatawa nitong tanong.
“Nooo…” sagot niya habang umiiling.
Pero kilala na siya nito at alam nitong
payag na siya. Tumatawang hinalikan siya nito sa kanyang pawisang noo saka siya
binitiwan para maalalayang tumayo.
NAKANGITI SI Billie habang nakayuko sa
ilalim ng buhos ng shower sa isang stall sa locker room ng mga male elites,
hinahayaang magbigay ng kalma sa kanya ang mahinang ugong ng ingay nang ibang
male elites na nasa locker room ng mga sandali ring iyon at nagkukwentuhan
habang naghahanda sa pag-uwi.
Pumayag si Allie—mabuti na lang. Once
she’d met the mummified remains of Rajah Bata, it would be worth it, he just
knew it—maliban kung magbabago ng isip si Mr. Baltazar II sa pagpayag nitong
makita niya at nang kanyang kasama iyon. Hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin
siya sa tawag ni Prof. Tamayo, na hindi lang imbitado siya nang mismong meari
ng private museum at mga laman niyon kundi iniimbita rin siya nito—siya—na
makita ang mummy. Hindi fond sa mga mummies ang kanyang kaibigan, he gets it,
pero merong exception sa lahat ng bagay at ang mummy na ito ang cool sa lahat
ng cool. At kung meron mang nakakaunawa sa kung anumang cool, si Allie iyon.
Ang existence ng mummy ay isang lihim na
kontrobersya na lumilindol ngayon sa napakaliit na archeological community ng
bansa. Isang enthusiast ng History si Billie at kung hindi siya nasabak agad sa
mundo ng Black Bureau, baka na-pursue niya iyon pagka-graduate niya. Sa income
niya sa BB, he could have gone back to the university for a post-grad degree
and could have still managed to support his widowed mother and little sister.
Pero oras ang kanyang kalaban. On call
sila sa BB 24/7. Knowing what being a BB agent entailed, how important it was
in making the future a safer place for his family and his fellow citizens that
were mostly struggling innocents, he prioritized this job more than anything
else. Hindi insensitive sa kanyang sitwasyon ang Chief. Binibigyan siya nito
nang leave kapag invited siya sa mga archeological projects ng mga kaibigan
niya sa field, including former professors of his sa university gaya ni Prof.
Tamayo. At kapag walang mabigat na kailangang gawin ang Psych Department o kaya
ay may panahon si Agent Professor mag-stand in para sa kanya ay nakakasama siya
maging sa mga ordinaryong digs o lectures. Of course, kapag importante ang
misyon ay pinipili pa rin niyang manatili sa BB. Iyon pa rin ang kanyang
priority.
Si Agent Professor ay isa sa mga
original elites at nag-recruit sa kanila sa Black Bureau. Iyong mga mind games
na madalas nilang gawin for fun noong estudyante pa lang sila nito—sila nina
Alejandra, Agent Violet na ngayon; at Cheska, Agent Whisper na ngayon—ay
paghahanda na pala nito sa kanila sa nakatakda nilang maging papel sa Black
Bureau. He was coded Specs dahil sa kanyang obsesyon sa mga libro o sa kahit
anong mapag-aaralan—at dahil na rin daw matindi siyang makatitig sa likod ng
‘spectacles’ sa kanyang mga mata kapag “pinag-aaralan” niya ang isang tao, ayon
kay Allie.
He could have told her that it wasn’t
always about studying someone. Like her, for instance. Minsan nawiwili lang
siya talagang tumitig sa maganda at napaka-expressive nitong mukha. But he
could not tell her that—he couldn’t even think of doing that.
Consultant na lang ngayon si Agent
Professor dahil nakapag-asawa na ito at meron ng mga anak. She still teach at
the university and still managed to write books about Psychology, but being a
part of Black Bureau was still the closest job to her heart.
Si Prof. Epifanio Tamayo naman nga ay
dati rin niyang propesor noon sa kolehiyo. Natuwa ito sa kanyang interes sa
field of study nito—isa itong historian/archeologist—and he was more than happy
to bring him along to archeological sites in the country and in Asia. Dahil
doon ay naging malapit sila sa isa’t isa at nagtuturingang parang mag-tiyuhin.
Isa na rin sigurong dahilan na malayo rito ang mga anak na lumaki sa
nakahiwalayang asawa at siya naman ay ulila sa ama at natagpuan nila sa isa’t
isa ang pangungulila sa mga ito.
Mamayang gabi ay private viewing ng
koleksyon ng mga Asian artifacts ng bilyonaryo at most reclusive na
pilantropong si Julian Baltazar II—ang ikatlong beses pa lang nitong
pagpapakita ng priceless collections nito dito sa bansa. Imbitado nito ang mga
mayayamang may interes tumulong sa mga local archeologists at proyekto ng mga
ito, for which he himself was an active supporter. Naimbitahan siya dahil sa
rekomendasyon ni Prof. Tamayo.
At ang matanda ang naggiit na magdala
siya ng date. Ang alam nito, nagtatrabaho siya sa massive corporation ng mga
Ventura at dahil sa mga pagkakataong inuuna niya ang trabaho kaysa pagsama rito
kahit nagkataong weekend ang schedule ng dig ay nag-aalala ito sa kanya.
Pinakahuli raw nitong gustong mangyari
sa kanya ay ang matulad siya rito—isang workaholic na initsapwera ang buhay hanggang
sa mahuli na ang lahat. Naging masyado itong tutok sa trabaho at pag-aaral,
napabayaan nito ang ‘pag-aaral’ kung paano maging mabuting asawa at ama kaya
nang iwan ito ng asawa at isama ang mga anak para sumama sa lalaking mas
makapagbibigay ng panahon at pagmamahal sa mga ito ay wala itong nagawa. “They
were better off with him, not with me who often misses birthdays and
anniversaries…”
The old man seemed especially worried
about him lately, that’s why he obliged on bringing a date. Pero importante sa
kanya ang matanda kaya hindi niya gustong magdala nang kung sino lang babae
para ipakilala rito.
So he’s bringing Alejandra.
And it all sounded simple, but it
wasn’t. Really. It was getting harder, being so close to her, and…
He’s had short affairs with women who
were like him, masyadong busy sa karera. Sex was sometimes part of it, but
without the complication, without the cumbersome ties, simply because there was
no time for it. May mga gabing sumusumpong ang pagnanasang merong makaulayaw
dahil kahit pa gaano ka-fulfilling ang trabaho, hindi niyon maibibigay ang
klase ng fulfillment at kaligayahan na maibibigay nang isang taong nagmamahal,
isang taong naghihintay sa bahay at kinasasabikang makasama sa buong magdamag.
Unfortunately, ang ganoong klase ng tao ay hindi madaling matagpuan. Kaya iyon,
paminsan-minsan ay nakakatagpo siya ng gaya niya, at pareho silang enthusiastic
sa role-playing hanggang sa matapos ang lahat at dalhin ng umaga ang
katotohanang alam nilang darating dahil maraming beses iyong nangyayari.
Madalas siyang nakakatakas sa ganoong
palusot.
Pero kapag nakakikita siya ng mga taong
in love, naaalala niya ang isa pang dahilan—ang totoong dahilan.
(This is the 12th book of The Black Bureau Elites, a sequel series to The Eagle and the Dove Series of Noelle Arroyo from Precious Hearts Romances. You can buy the books at National Bookstores, Precious Pages Bookstores and online bookstores that sell Filipino paperbacks.)
Ask ko lang po kung kailan po na release ito??
ReplyDeleteako din... kelan po ito na-release?
ReplyDelete