Sunday, September 2, 2012

Lords of the Shadows 1 - Delusions (In Writing)

I've already submitted this as a regular romance novel at PHR. Unfortunately, the reader found a little something for me to clarify so it as given back. It should have been easy to revise it and send it back, especially that we always needed the money, since all my kids are going to school now. Kaso, hindi matahimik ang kaluluwa kasi. When I started this story I really wanted it to be of supernatural theme. I was picturing Alexander as someone very mysterious and very dark. And so handsome and delicious and very wise also. I felt him to be someone very extraordinary. But I also felt I wasn't ready at the time (which was a year ago and I was on my way to delivering the twins. I cannot go deep in the story. As always happen to writers who has a family to feed, I went along with the mundane and tried writing to gain and not to follow the inspiration. And although I thought the result was passably okay, I also felt very dissatisfied with it. Mabuti na lang talaga, (fortunately) for revision.

This is still in writing, as well as the previous post. as the previous post that I plan to submit for GEMS, this is already more than 30,000 words long. I posted so you wouldn't think I've stopped writing. I didn't. There's another one for Black Bureau that is very emotional and a little difficult to write, but I'm loving the result very much. Plus, I have a job. I do freelance writing online and that's where I get our everyday budget. So depending on the number of clients/assignments, there are days when I can add much and there are days when I can barely put in a chapter, let alone a word, in the story. But it is nice to write stories because I want to, and because I love to, and because the characters are knocking again. There's no pressure on anyone--me and my characters and their world. Except the readers waiting for another installment of Black Bureau. :*) It's on it's way soon. Don't worry. I am not stopping the series. It's just the life happens. You know. But I will write my stories even when noone's reading them anymore, until I die.

Regarding the little frustration about PHR editors (not all of them, just one or two and yes, I didn't even know them so that's why I'm still sometimes steaming) I vented in my other post, don't mind them. Really. PHR editors are good. They're getting better. They're evolving. And a certain famous network can really make use of the simpleness of their formula. Jeez. Hindi ko na ma-enjoy yung pinonood kong teleserye dati kasi di ko na maintindihan kung anong klaseng gymnastics ang pinaggagawa sa istorya. Sinayang naman pati 'yung isang magaling na beteranang aktress at ginawang doormat 'yung babaeng bida. Iyong karakter na baliw ang dami sanang magagawa sa kanya in a good way that could inspire and add more drama, ginawang klase ng baliw na kahit pshychiatrist, hindi maiintindihan. Or maybe I'm biased because I wrote Joco Mendes. And he turned out fine. I love redemption naman kasi. Iyong niluto nang maayos. Naku, nao-obyus na ako. I've always felt that how writers write their stories (when they're supposed to be in their element) is how they regard their reader's intelligence. And this is a really famous drama here, and it reaches so many people. And it should help, not insult anyone's intelligence. Which it seems to be doing a lot. Hindi na nga ako nanonood kasi naninigas lagi panga ko. But my parents follow it, even when they're always cursing about twists a lot these past few weeks, reminding me of the time ex-President Arroyo used to appear on TV. Me nambato pa ng tsinelas, hehe.

I am digressing. I haven't been here a lot these days ( and I also haven't been out a lot for months) and I must have missed talking. Here's an excerpt to Delusions, Book 1 of the Lords of the Shadows series. There's still something missing in the formula, though... I'm still working on it, so expect a few changes when it finally arrives in your doorstep. The remaining question has always been: KELAN KAYA?!

But at least you know now that I have not stopped writing for you!

:)



LORDS OF THE SHADOWS 1
“Delusions”

NOELLE ARROYO

Chapter ONE

MAINGAT SA PAGTAPAK sa makipot na kahoy na tulay si Agatha habang inalalayan siyang makababa sa bangka ni Mang Julio, isa sa mga bangkero. Hinawakan siya nito sa braso hanggang sa nakatapak na ang mga paa niya sa daungang gawa sa malalapad at makakapal na mga tabla ng kahoy. Sa kabila nang naglolokong sikmura, nagawa niya itong mangitian sa pasasalamat bago nito binalikan ang pinsan niyang si Christian sa bangka. Siya naman ay bumaybay sa mas solidong tinatapakan para makababa sa buhangin at nang makarating doon, saka siya nakahinga nang maluwag.

Naiwan sa laot ang kanyang breakfast, nangingiwi niyang naalala habang napapahimas siya sa kanyang tiyan. Bahagya pa ngang nangangatal ang kanyang mga tuhod. Napadaan sila sa malalaking mga alon patungo rito dahil nagkataong masungit ang panahon. Normal na raw iyon, sabi ng mga bangkero, kahit sa mga araw na maaliwalas. Bukas daw kasi ang parteng iyon ng karagatan sa Silangan at Kanluran kaya malakas ang hangin at malalaki ang mga alon.

As if that could make her feel better. She did not dare ask about the statistics of boats getting lost at sea.

Ang napakapino at maputing buhanging tinatapakan ng kanyang mga paa ang nagdala ng ngiti sa mga labi ng dalaga. Huminga siya nang malalim at pinuno niya ang kanyang mga baga ng hangin. Fresh, salt air.  Saka siya napangiti. Kahit malamig iyon, she felt better. Nakababa na si Christian nang walang alalay ng bangkero; nagpatulong na lang ito sa pagbuhat sa bags ng equipments kina Mang Henry at Mang Julio. Pinanonood niya ang paglapit nito, at kumakabog ang kanyang dibdib.

She’s here, really here. Nakatapak siya sa buhangin ng Montierra Island, natatanaw ang Montierra Mansion sa kinatatayuan niya sa kabila nang manipis na ambon ng ulan. Nasa ibabaw iyon ng plateau sa isla, ang backdrop ay ang berdeng berdeng kagubatan ng isla na pinag-iingatan ng angkan ng mga Montierra. Na-realized ni Agatha na hindi siya talaga naniwalang makararating siya rito maliban ngayong naririto na sila. May parte sa kanyang hindi pa rin halos makapaniwala at medyo pa nalulula.

Ang Isla Montierra ay isa sa pinakamagandang private island resort sa buong Pilipinas. Hindi bukas ang isla sa publiko. Isa ito sa pinaka-pribadong lugar na kilala; sobrang pribado, kailangan pa nang mismong permiso ng mga Montierra, hindi nang kung sinong representative o opisina, para makarating dito kahit malalapit na mga kaibigan o kaya kilalang mayayaman rin ang mga ito. Pumapayag ang mga itong i-post sa mga blogs o mga artikulo ang ilang mga pictures pero ayon sa nabasa niya, nagdaraan muna sa screening ang mga cameras at cellphones bago mailabas sa isla ang mga iyon. Ayon din sa mga nabasa niya, mabuti nga raw na ngayon ay pwede na iyon, dahil dati ay off-limits ang isla sa kahit na sino. Noon iyong buhay pa si Donya Eunice, ina ng Tres Montierras na Aleron, Romano at Maximo, mga ama ng bagong henerasyon ng mga Montierra ngayon.

Pero sa kabila nang mas maluwag na mga patakaran, she never heard of anyone posting without permission. Sinong gustong sumuway sa mga Montierra at mag-suffer sa husgado kalaban ang matitinik na mga abogado ng mga ito dahil lang sa isang takas na picture?

May mga tsismis na may importanteng delegado nang ibang bansa, mga bilyonaryo at sikat raw mga Hollywood film stars ang nakarating na rito. May mga royalties pa nga na ni hindi namamalayan ng media dahil sa higpit ng security. Mga haka-hakang mas madalas pinaniniwalaan kaysa hindi. Ang mga Montierra ang isa sa pinakamayamang angkan sa buong mundo. Hindi sa Pilipinas lang, hindi sa Pacific Asia lang. Sa buong mundo. Ang mga kamag-anakan ng mga ito sa US at Europe, may koneksyon sa royal families doon. Isang loko lang ang hindi maniniwalang may katotohanan sa mga tsismis.

Pilantropo rin ang mga ito. Lahat na yata nang maiimbentong charitable project, meron ang mga Montierra. Meron para sa mga batang kalye, sa mga batang taga-ampunan, home for the aged, home for unwed mothers, livelihood programs for the disabled, scholarships, emergency funds kapag may typhoons o anumang klase ng disasters, meron pa para sa indigenous at environment. Sa huli ay aktibo ang buong pamilya, lalo na si Alexander Montierra na nag-iisang anak ni Maximo, na ekta-ektarya ang minamantineng ecological parks sa bansa kung saan naaalagaan ang mga hayop na delikadong ma-extinct at minamantine ang napakaraming matatandang mga puno sa mga kagubatan. Kasama na ang kagubatang iyon na natatanaw niya kung saan daw naka-preserved ang maraming importanteng species ng puno at halaman.

Wow.

If she hadn’t researched about them, she still would be in the dark about what she knew now. Na meron palang ganitong klase ng angkan dito sa Pilipinas. A regular person would not normally learn about them or the island because they did not appear on the news. Hindi madaling ipaliwanag kung bakit. Parang ilag ang media sa mga Montierra. May kasamang respeto, may kasamang takot. Parang langit ang taas ng mga ito. Isa pa ay napakaraming negosyo sa print ang kontrolado ng pamilya.

Nauunawaan niya ngayon kung bakit kapuri-puri ang isla. Ang hilera ng mga puno ng niyog, picture perfect na mga beachside huts, cabanas na napapalibutan ng mga sea creature statues, sculptured lawns na milya-milya ang lawak hanggang sa marating ng mga mata ang napakagandang luxurious island mansion ilang daang metro ang layo mula sa beach—lahat ng mga ito ay bumubusog sa kanyang mga mata sa kabila nang makulimlim na langit at lamig sa hangin. May kung anong isteryong sumisingaw mula sa isla. May kung anong klase ng nakamamagnetong mahika. Nangangati ang kanyang mga kamay na ilabas ang kanyang Nikon D4 at kumuha ng mga larawan paralang a-capture iyong kanyang nararamdaman. But no taking pictures was allowed without go signal from the mansion. She couldn’t dare.

She and Christian couldn’t be evicted. May trabaho ito. May misyon siya. Ang dalawang iyon ay parehong importante para sa kanilang dalawa.

Nagpasalamat sila kina Mang Julio at Mang Henry at hindi nagtagal ay nakabalik nang muli ang bangka sa laot patungo sa pinanggalingang port sa Batangas.

“Ang ganda nga pala rito, Ian!” sambit niya noong magkatabi na sila ni Christian sa buhangin. Naiisip niyang sana kasama nila si Erin, girlfriend nito at bestfriend niya pero hindi lamang ito. Naiisip din niya ang Mommy niya. Had she been here? Noong modelo pa ito at kasintahan ni Maximo Montierra? When she was only nineteen?

Sinulyapan siya nito, mapag-obserbang mga mata at may nagbabadyang pag-aalala. Sa nagdaang anim na buwan, malaki ang nabago sa buhay ni Agatha. Her mom died in a car accident while her dad just recently was diagnosed with cancer. Ian was a sensitive brother figure to her. Alam nito agad ang iniisip niya. O pinagdaraanan niya. “Okay ka lang ba d’yan, Mahal?”

Ngumiti siya para mataboy ang pag-aalala nito. Kinakabahan ito sa nakatakdang meeting nila kay Alexander Montierra, iyong client nito. Hindi pa rin ito makapaniwala na kinuha ito ng isang Montierra para i-disenyo ang isang summer cottage dito sa isla. Hindi niya gustong makadagdag pa sa alalahanin ng pinsan.

Interior Designer si Christian, freelancer sa kabila na may pag-aaring modest na real estate development business ang ama nito. He designed for his father, too, but he called the shots. Proud si Daddy Edds sa independence nang nag-iisang anak lalo’t lumaking walang gabay ito nang isang ina.

Iniwan si Daddy Edds ng asawa nito matapos nitong magtapat na bi-sexual ito at hindi na nito iyon gustong itago sa asawa. O sa kahit sino sa mga taong malalapit dito, for that matter. No, he never cheated on her, and she has the choice to stay within the marriage or not. Ian’s mother opted to leave. Hindi na iyon nakapagtataka pa, really. Dalagita na siya nang maunawaan niya na hindi pagiging friendly kundi flirting ang tawag sa mga gawi ni Tita Mimi sa mga lalaking kaibigan nito at ng asawa, o sa mga adult men sa subdivision. Hindi nagtagal ay may iba na itong kinakasama, mas mayaman at mas bata kay Daddy Edds. Which should be a good thing. Kasi mabilis na natapos ang pag-asam ni Ian na babalikan ito ng ina.
Bata pa siya, nakita na niya ang malaking difference sa mommy niya sa mommy ni Ian. Ian’s mother has other family now, and other children. Very spoiled brats. Minsan ay naiimbitahan si Ian sa dinner sa restaurant kasama ng Mommy nito at mga anak. Hindi nagtutungo si Ian mag-isa. At nagi-guilty siya sa perverse na kasiyahang nararamdaman niya tuwing makikitang nalolosyang na ang mommy nito sa stress sa mga anak na malayong malayo ang mga ugali kay Ian, o iyong pananabik at matinding panghihinayang sa mukha nito tuwing sila ay magpapaalam.

Malapit si Ian sa Mommy niya. Kung nagmistulang surrogate father niya si Daddy Edds, naging surrogate mother naman dito ang Mommy niya. Ang mommy niya at daddy ni Ian ay magkaibigang matalik mula college days habang half-brother naman ni Daddy Edds ang daddy niya, na hiwalay sa mommy niya noon pa at may iba na ring pamilya. Okay, so medyo complicated. Pero ang komplikasyon ay makikita sa kalituhang laging mae-encounter sa mga mukha nang mga nakakatuklas sa masalimuot na pagbubuhol-buhol ng kanyang family ties at kung paanong sa kabila niyon ay malalapit pa rin sila sa isa't isa. Nakatira silang lahat sa iisang subdivision. Kulang na nga lang tumira sila sa iisang bahay dahil halos ganoon na rin naman. Umuuwi lang sina Ian sa kabila kapag tulugan na. O siya sa kanila paminsan-minsan. At ang mga kapatid niya sa daddy niya, tumatakbo sa kanya kapag masyadong busy ang mga magulang para turuan ang mga ito ng assignments o kaya naman, sa kanila nagmemerienda kaya lagi silang may stock na nutritious food sa ref.

Nadamay sa kanila si Erin dahil kapitbahay rin nila ito at kababata pa ni Ian. Lumaki silang kalaro ito tapos wala itong mga magulang na gumabay rito sa paglaki. Anak ito sa pagkadalaga ng ina na tumangging pakasal sa ama nito, good thing because the man turned out to be a bum. Lumaki ito sa lola. Si Lola Adeling ay tumayong parang lola rin nila ni Ian.

And she stopped right there.

She did not want to remember her grandparents on her mother’s side. Kahit sino sa mga kaanak niya sa mga ito, in fact. Napupuno ang dibdib niya ng galit na hindi niya pwedeng i-express. At matinding pagkaasiwa.

Na mahirap ipaliwanag.

She was three years old when she went back to the country with her mother from Russia. Napakabata pa para malinaw na maalala iyong nag-iisang taon na tumigil sila ng Mommy niya sa mga kaanak nito sa Visayas. Hindi rin niya alam kung bakit hindi kailanman nagkwento ang mommy niya tungkol sa angkan ng mga Artisania. It was like they were disowned, iyon ang pakiramdam niya, sa lungkot na nakikita niya sa mukha nito kapag alam niyang naaalala nito ang tungkol sa mga kaanak nito.

Pero nagtataka siya, nadidismaya at aminadong lihim na masama ang loob nang isa lamang sa mga ito ang dumating sa libing ng Mommy niya. Pagkatapos ay sinama ang abo nito pabalik sa Visayas dahil iyon ang nasa huling testamento ng mommy niya. Hindi siya nakapagreklamo. Ni hindi niya gustong analisahin ang samu't saring mga naramdaman niya noong ni wala man lang nagtanong tungkol sa kanya. Iyong lalaking nagtungo sa wake at kumuha ng abo ng mommy niya pagkatapos, ilang beses niyang hinintay na kausapin siya. Pero maliban sa pagiging tahimik at polite kapag nakikipag-usap, wala na itong sinabing iba.
Kunwa ay kung interesado ba siyang bumisita sa mga kaanak nila sa probinsya? O kahit sabihin man lang na welcome siyang magtungo roon in the future, kung bibisita siya. O kahit man lang magtungo roon para madalaw niya ang abo ng mommy niya.

Wala man lang kahit na anong ganoon.

Wala man lang pinakitang kahit na anong interes na makilala siya nang lubos.

But what was worse still? There wasn't even a grave to visit. Just an urn that initially held the ashes before it was transferred to another container. Inilibing niya ang urn sa hardin ng bahay ng Mommy niya sa Cavite, doon sa spot kung saan ito madalas na nakaupo at nagpapalipas ng tahimik na mga sandali bago muling bumalik sa pagluluto o kaya ay pagpipinta. Doon siya nag-aalay ng bulaklak, bumibisita, kahit nakadarama siya nang malaking kawalan. Kahit hindi maalis sa kanyang isipan habang nakaupo sa bench at sa spot kung saan nakalibing ang urn na ang presensyang kanyang sinasamahan at kinasasabikan ay nasa isang maliit na isla sa pagitan ng Visayas at Mindanao.  

So she just stopped her thoughts and veered somewhere else whenever she remembered them. Or their absence on her mother's wake. Or their presence in her mother's financial statements. She did not want to think about them at all. Hindi sa ngayon.

Iyong pamilyang nakilala niya, however unorthodox they might seem to other people, ay nagmistulang ang pader na sinasandalan niya nang kunin nang aksidente ang Mommy niya sa buhay niya.

Hanggang sa guhuin ang pader na iyon nang pagtatapat ng daddy niya nang isang lihim na matagal nang nakatago sa kanya.

Isang araw, just barely a month ago, na-diagnose ang daddy niya na may isang rare heart disease na tinatawag na cardiac amyloidosis. Nagbibigay iyon ng apat na taong taning sa buhay nito at iyon ay kung papasailalim ito sa treatment. Pero hindi talaga apat na taon, o tatlo, o dalawa. Realistically, kung hindi mag-iingat ang daddy niya, pwede itong mamatay sa atake sa puso anytime.

Hindi siya makapaniwala na noong isang buwan lamang iyon. And she thought loosing her mother couldn't get worse that it already was. Pero bakit nagkaganoon?

Sa kasalukuyan, sumailalim na ang daddy niya sa chemotherapy treatment bukod sa pag-inom nang isang experimental drug na aprubado para sa multiple myeloma pero hindi pa sa sakit nito. Nagpakita ang gamot ng positibong mga resulta sa naunang nabanggit at sana, gumana ito sa sakit ng kanyang daddy.

My God. Her mother was dead, and the father she'd known was dying.

And the worst of it all?

Nagbuntunghininga siya.

Hindi pala ito ang tunay niyang ama.






Chapter TWO

ANG NANGYARI, nang malamang may taning na ang buhay nito, nataranta ng daddy niya at nagtapat sa kanya. Hindi nito kayang mamatay na may dinadala sa konsensya dahil hindi gaya nang mommy niya, hindi nito maunawaan kung bakit hindi nito pinaalam sa kanya ang totoo kahit man lang sa Last Will nito.

"I love you like my own, Iha," sabi nito. "I am dying. I want you to know the truth so you will also know how much I loved being your dad," paliwanag nito ng dahilan sa likod ng pagtatapat.

Nalaman niyang pinagbubuntis na siya ng mommy niya bago makasal ang mga ito noon sa ibang bansa. Half-brother ni Daddy Edds ang nakilala niyang ama at nagkilala ang mga ito noong isinama ni Daddy Edds ang Mommy niya sa pagbabakasyon sa Russia kung saan nakatira ang ina. Namatay nang maaga ang ama ni Daddy Edds at nakapag-asawang muli ang ina nito nang isang Pilipinong overseas worker sa St. Petersburg. Bunga ng pangalawang marriage ang daddy niya. Isang kumbinyenteng marriage of convenience ang nangyari dahil sa mga rasong hindi na importante sa kasalukuyan maliban sa pangunahing priority tungkol sa kanyang legitimacy. Nang makasal, nagbalik ang mommy niya sa Pilipinas kasama siya habang nagpaiwan pansamantala ang daddy niya roon para isara ang jewelry shop nito at sumunod para dito magbukas ng bago. He was a jewelry designer and presently owned three branches of top jewelry shops here in Manila, in  Cebu and in Hongkong.

Nang marinig niya ang pagtatapat ng kanyang daddy, napakarami niyang mga tanong pero natulala siya sa matinding pagkabigla. Nang makabawi siya nang sapat na ulirat, nakita niya ang desperasyon sa mukha nito. Ang pag-asam na sana ay maunawaan niya ang complicity nito sa pagtatago sa kanya ng katotohanan. And that more than anything else confirmed to her that he wasn't lying. That, and that he never lied. Not even about something trivial. Not while she was growing up. Not about this very serious matter.

Sobra niya itong nirerespeto para magalit dito. "Sino po ang tunay kong daddy, Dad?" mahina niyang tanong.
Napailing ito. "Hindi sinabi nang iyong mommy. Isa iyon sa kasunduan namin, na hindi ko aalamin ang tungkol sa kanyang nakaraan. Pasensya ka na, Iha. Kahit kailan hindi ko tinangkang alamin."

In retrospect, she realized that had she been alert, she would have realized there was something wrong with her parents' marriage. Kung mag-usap ang dalawa parang mag-partner sa negosyo sa halip na mag-asawang nagmamahalan. Magkasundong magkasundo ang mga ito sa kahit anong bagay at parang walang pagkakataon sa buong panahong nakasama niya ang mga itong magkasama na may pinagtalunan. Kahit ang paghihiwalay ay pinag-usapan nang matino. She was thirteen when her father left her mother, old enough to notice that they were not sharing the same bed, the same bedroom anyways. They did not even fight as well. Kahit noong nagkaroon na rin nang ibang pamilya ang daddy niya ay nanatiling magkaibigan ang mga ito.
Wala siyang sinisi. How could she? Ramdam niya na sa kabila nang lahat, mahal siya ng mga ito. Mahal siya nang kinalakhan niyang ama. Kahit may ibang mga anak, he would still take her out regularly, ask her about her week. About school. About her friends. He and his family were invited to family occasions. They came on her mother’s and her birth days. At nakakasama nila ang mga ito sa Boracay. Sa Puerto Galera. Sa Baguio. Sa Tagaytay. Ibang iba sa klase ng relasyon ni Ian sa inang umiwan dito.

She was surrounded by family. Hindi siya salat sa pagmamahal. Her mother was gone, and her father would soon follow. Napalunok siya sa naisip, but there was no doubt about how much they loved her and how much they respected each other. Iyong tawagang Mahal? Pasimuno iyon ng Mommy niya noong mga bata pa sila. Lahat nang kinikilala nitong pamilya, Mahal ang tawag nito. Kahit hiwalay na sa asawa, iyon ang tawagan ng mga ito. At iyon din ang tawag ng mommy niya sa napangasawa ng daddy niya at sa mga anak nito. Nakuha nila ang duda niya ay magiging isang family tradition dito.

So, bakit hinahanap pa rin niya ang tunay niyang ama?

“Agatha?”

“Okay lang ako,” apologetic niyang sagot. Nawala siya sa sarili.

Nagbuntunghininga ito at inakbayan siya. “Can you believe we’re really here?”

Natawa siya. “Mismong iniisip ko. Parang ang bilis. Noong isang araw lang natanggap mo yung tawag ng rep ni Alexander Montierra tapos heto na tayo ngayon.” Tapos, siya naman ang napabuntunghininga. "It feels so strange. Do you believe in serendipity?"

“Not in my case, just yours. Ano nga bang ginagawa ko rito?”  kinakabahan nitong tanong. Mas bata sa kanya nang isang taon si Ian, tuwid at pino ang buhok at may boy-next-door looks na hindi nagawang maitaboy nang pagba-body building nito para mapalaki ang dati'y nerd-thin na katawan. Iyong ekspresyon ng kaba sa pogi nitong mukha ay kumurot sa kanyang puso.

“’Wag ka ngang kengkoy d’yan, Mahal. Ubod ka kaya ng galing, ‘no? Imagine… Montierras. Si Alexander Montierra pa. Perfectionist daw siya at he likes your talent. Sabagay…" At binitiwan na niya ang pagkukunwari. "Kahit ako kinakabahan din para ‘yo. Pero kasi nga Montierra sila.”

Tumango ito at nagbuntunghininga muli, ni hindi nagtampo sa pagbaligtad niya. Ganoon naman kasi sila. Walang tatalo sa totoo. “Perfectionist sila and my work isn’t perfect. It’s quirky.”

Napaangat ang dulo nang isa niyang kilay. “Oy, ano ba? Your work is original, and alive, and unique.” She should know. Isa siyang creative na tao--painting at drawings, digital arts at graphic novels, furniture and handcraft ang art niya. She majored in Art History in college, kaya pwede siyang magtrabaho sa mga museo o kaya ay maging caretaker ng mga art colections. Pero ang kanyang edukasyon sa Arts ay nakuha niya sa kanyang ina, first-hand. Forte ni Christian ang mga colors at balanse sa disenyo mga bata pa man sila, at Interior Design ang tinapos nito sa kolehiyo. Si Erin naman, nag-Business Administration muna, at may balak na kumuha ng Law sa sunod na school year pagkatapos ng kasal nito kay Ian.

In fact, sa mga taong malalapit sa kanyang buhay, makakabuo na sila nang isang kompanya. Si Erin ang PR at businesswoman. Ang babae ang agent nila ni Christian pagdating sa kanyang pagiging freelance artists pero may posisyon silang dalawa sa kompanya ni Daddy Edds, hindi nga lamang regular ang oras niya sa pagpasok dahil sa pagpipinta niya at iba pang mga aktibidades na may kinalaman sa kanyang pagiging creative. Siya ang pumipirma sa payroll tuwing kinsenas at katapusan kapag wala si Daddy Boss, tawag nila rito ni Erin paminsan-minsan, sa Manila at auditor din siya ng general financial records ng kompanya. Ito ay kahit wala siyang background education sa finances. Ang totoo, proficient siya sa numbers pero masyadong ligaw ang isip para mag-major sa Accountancy kaya sa ikalawang semestre niya sa nasabing kurso ay nag-shift siya sa Art History. Isa pa, silent investor ni Daddy Edds ang Mommy niya. Nalipat na iyon sa kanyang mga balikat ngayon. She was virtually a business partner. Executive Assistant naman nito si Erin kaya ito ang regular na pumapasok araw-araw.

“Nakuha mo ang atensyon nang isang Alexander Montierra," pagpapatuloy pa niya. "Kapag kumalat na kinomisyon ka niya para sa kanyang summer cottage get-away dito sa island, magiging mas sikat pa ang mga designs mo kaysa sa mga seasoned, conservative at patapos ng mga Interior Designer experts kuno na pumupula sa ‘yo palibhasa naaagawan mo na sila ng market."

Sinundot nito ng daliri ang dulo ng ilong niya. “Oy, tama na. Nag-iinit ka na naman. Huwag mong kalimutan, magaling din kasi ang publicist ko.”

Nagpapasensya niya itong pinandilatan. “Mahal... oo na't magaling si Erin. Pero wala ‘yang galing-galing na ‘yan kung hindi siya bilib sa kanyang client. She’s only as good as her clients get.” Umangat pa ang baba niya sa ere palibhasa isa siya sa mga clients na iyon.

Napangiti ito. "You're only trying to make me feel better," anito.

"And also that. Pero hindi lang." Siya naman ang sumundot sa dulo ng ilong nito. "Makikipag-away ako kapag may umapi sa 'yo dahil may ipaglalaban ako, 'no? Magaling ka talaga."

Natigil sila sa pagtatalo nang makita nilang paparating na ang jeep na susundo sa kanila dito sa private jetty. Hinanda na nila ang kanilang mga bags sa paligid nila.

“Do you think he’s there?” tanong niya habang napapatanaw sa mansyon. May mga paru-paro siyang nararamdaman sa kanyang walang lamang sikmura. Palipad-lipad. Hindi komportable sa pakiramdam niya.

“We’ll soon find out,” ani Ian habang pinipisil ang kanyang balikat.

Nang pumarada ang jeep sa harapan nila, handa na sila. Nagbuntunghininga siya. They couldn’t get much readier than this.

Mayamaya lamang ay nagbibyahe na sila patungo sa Montierra Island Mansion, magkahawak kamay sa pagsuporta sa isa’t isa.

IBINABA NI AGATHA ang kanyang mga bags sa sahig ng guestroom. It was a beautiful room, bigger than she’d ever seen in any luxurious hotel or resort she’d ever been, with the view of the ocean outside a terrace that spanned the whole of that side of the mansion. Papasok pa nga lang sila ay sinalubong na sila nang mamahaling mga muwebles at art pieces na nakakapamilog sa kanilang mga mata. Ibinulong nila ni Christian sa isa’t isa ang pangalan ng mga artist/creators na parang sagradong mga rebulto ng mga santo ang sinasambit. Nakakamangha rin ang sahig sa foyer, non-recycled blue glass floor na mistulang frozen ocean surface. Mas sagrado ang naging tingin doon ni Ian kaysa sa mga muwebles na mas mahalaga sa kanya dahil isa ang pagtatrabaho sa kahoy sa media niya. Furniture making, hindi paglililok ng figures o rebulto.

"If only Erin can see this..." bulong nito. Interior design enthusiast si Erin. she would sure appreciate these elegant pieces. Kanina pa niya naiisip ang Daddy niya, si Tita Mimi at mga half-sisters niya dahil sa beach. Mahilig silang mag-picnic sa beach kapag bakasyon o weekends. Pero ngayong narito na sila sa loob ng bahay... “If Daddy Edds can see these,” nasambit naman niya habang nakatitig sa mga muwebles na may rustic design. French Provencal. That's what Daddy Edds loved. Sa palagay niya, hindi nakuha ni Ian ang talent nito sa interior designing sa ina nito. Sa isang tingin, alam agad ni Daddy Edds kung may taste ang isang art o furniture piece. Kapag sinabi nitong okay ang isang sketch niya ng isang furniture design, go signal na sa kanya iyon na ituloy ang project.

Pero sabay silang natahimik dahil sabay din silang nakaalala nang kanilang guilt. Walang alam si Daddy Edds sa lakad nila rito. Ang alam nito, may ibang project na tinungo ang anak. Ang alam nito, nasa isang resort siya sa Palawan, nagpe-paint. Pinigilan nitong tanggapin ng anak ang anyaya noon ni Alexander Montierra nang malaman nito ang tungkol doon dahil hindi pa raw ito handa sa impecable tastes ng mga Montierra--isang bagay na hindi nito ginawa kahit kailan. Iyong idahilan na hindi pa handa ang anak nito sa kahit na ano, o kaya ay subukang pakialaman ang mga desisyon nito. Hindi rin nito alam na natuklasan na niya ang sagot sa itinanggi nito noong tinanong niya ito kung may kinalaman ito tungkol sa tunay niyang ama.

Sabi nito, hindi nito alam kung may karelasyon ang Mommy niya noong panahong pinagbuntis siya nito. Pero alam nitong hindi siya tunay na anak ng daddy niya.

She did not believe it one bit. Imposibleng hindi nito alam. May kung ano lamang sa katotohanan na gusto siya nitong proteksyonan. Unfortunately, sobra talagang protective in nature si Daddy Edds. Minabuti niyang maghanap ng sagot sa ibang paraan. Sa Internet. Ace researcher si Agatha at walang mas magiging importante pa sa priority niyang makita ang ama. Dating modelo ang kanyang mommy at doon siya nagsimula. Nagre-search siya ng mga posts nong panahong sikat itong modelo. Late eighties and early nineties.

At natuklasan niyang noong panahong maaaring pinagbubuntis siya ng ina, ang kasintahan nito ay isang Montierra. And the man was no other than Maximo Montierra.

Tatlong taon nitong nobyo si Maximo Montierra noong nagmomodelo rin ito para sa advertising company ng lalaki. Tatlong taon. Hindi madaling itago iyon. Lalo na sa isang bestfriend.

At walang ibang naging nobya ang ina niya bago at pagkatapos nito dahil tatlong buwan pagkatapos ng break up, nakasal ito sa daddy niya. Seven months after the date of the wedding in Russia, ipinanganak siya. She was informed that she was born prematurely. Hindi na siya ngayon naniniwala.

Halos sigurado na.

Na ama niya si Maximo Montierra.

May naghatid sa kanila sa mga guestrooms na pansamantala nilang gagamitin habang hindi pa nila nakakausap si Alexander Montierra. Naghiwalay silang magpinsan sa labas ng mga pintuan, at nang maisara ni Agatha ang pinto sa kanyang likod, binitiwan niya ang mga bags niyang dala sa sahig saka nagtungo sa kama. Naupo siya sa gilid niyon saka natulala sa marikit na floweret prints sa dingding ng guestroom.
Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na ang kanyang masayahin, quirky at simpleng ina ay naging kasintahan nang isang Montierra.

Akala niya noong una ay simpleng mga modeling stints lang ang mga naging assignments nito kasi iyon ang sagot nito noong nagtanong siya. She ran across an old ad in an old website, printed it, and showed it to her. Sa advertisement, nakangiti ang isang bata pang Amethyst Buena, nakasuot ng 80s trend na damit, minomodelo ang isang sikat na coffee brand. Simpleng stints lang. Ilang stints lang. Not worth mentioning, really.

Pero hindi iyon totoo. Pagkatapos niyang makausap ang daddy niya at si Daddy Edds, nag-research siyang muli. Mas malalim this time. She was so determined.

At natuklasan niya, her mother had been really famous. Amethyst Artisania pa ito noon. Dalaga pa. Naging isa ito sa mga pangunahing modelo sa bansa at nagkaroon din ng mga modeling assignments abroad.

At nakita niya ang fully-made up, glamorous version ng mommy niya sa tabi ni Maximo Montierra noong ang lalaki na ang nire-research niya. Ito ang pinaka-visible sa magkakapatid na Montierra na sa research din lang niya unang nakilala. Ito ang bunso sa kilalang Tres Montierras--Aleron, Romulo at Maximo. Si Aleron Montiero ang namamahala sa lahat ng namanang mga negosyo ng mga Montierra sa ninuno ng mga ito. Si Romulo ang pangalawa at sa import and export at shipping lines ang linya. Bahagya nang makita ang mga ito maliban sa mga kuhang larawan para sa press releases o kaya ay Event Launches ng kompanya ng mga ito. At ni hindi pa malapitan ang mga ito ng media sa mga pagkakataong iyon.

Pero si Maximo, entertainment at fashion ang forte. Producer ito nang kung anu-ano mula sa music albums; big-budgeted o independent movies; at TV shows. Ang sarili nitong korporasyon ay umbrella sa tatlong kilalang international clothing lines. He’s also in perfume and on wines. Dahil sa nature ng mga negosyo nito, lagi itong nasa public eye kahit madalas na nakatayo itong mag-isa. Kasali pero hindi naman talaga. Nakatayo sa sarili nitong spotlight. Parang dugong bughaw. Gaya nang iba pang mga Montierra, gwapo ito, matangkad, may edad na pero awtokratiko pa rin ang dating. May charisma. May charm.

At ama ito ni Alexander Georgino Montierra.

Sa malas, hindi pa rin niya masabi kung ito ang kanyang ama sa mga pictures nito. Kamukhang kamukha kasi siya nang kanyang Mommy… iyong un-glamorous na mommy na kinalakhan niya. Iyong nanay na madalas naka-apron kapag nagluluto o nagpipinta. When she got older, nagsimula siyang magtaka at magtanong sa isip niya. Hindi ito nagkaproblema sa pera kahit hindi ito empleyado o negosyante. Hindi ito dumaing sa presyo ng mga bilihin gaya nang ibang mga mommies na naririnig niya. On the other hand, hindi rin naman ito nag-i-splurge maliban sa mga recipe books, art books o libro ng paborito nitong mga authors. Sa mga paintings nito, tatak nang isang simpleng five-petal flower ang signature nito sa halip na pangalan nito at hindi ito nagmamadaling magbenta ni nagtutungo sa mga exhibits para i-promote ang sariling artwork, to the frustration of her agent. Her father had steady jobs but they seem more comfortable than his friends with wives who were helping out financially. Sila pa nga ang takbuhan sa mga emergencies. Kahit noong naghiwalay na ang mga ito ay hindi rin sila nakaranas kapusin sa salapi. Hindi sila suportado ng daddy niya at hindi humingi ang mommy niya. In fact, kaya naging posible ang pag-expand ng jewelry business ng daddy niya, dahil sa financial backing na natanggap nito mula sa Mommy niya pagkatapos maghiwalay ng mga ito. Generous din ang mommy niya sa pagbibigay ng regalo sa kambal na naging tsikiting ng daddy niya sa second wife nito, ang adorableng sina Alina at Aleli.

That was weird to others, pero iba ang mommy niya sa ganoong paraan. How could she stress enough?

Iba ang kanyang pamilya.




Chapter THREE

AFTER THE CAR ACCIDENT and the wake, na-shock siya nang matuklasan niyang may malalaki itong mga investments sa malalaking mga kompanya at mga bangko at dibidendo pa lang niyon ay labis na labis na sa kanilang mag-ina. The money must have come from her modeling days. Hindi lamang ang knack nito sa paghawak ng pera ang namana niya, pati ang produkto niyon. Namana niya iyon lahat, kaya kahit hindi siya magtrabaho ay buhay siya at komportable hanggang pagtanda niya.

Pero hindi lamang iyon ang natuklasan niya.

Her mom had been sending money to her relatives' province. Tahimik nitong sinusustentuhan ang pamilyang kahit isang pangalan ay hindi man lang lumabas sa bibig nito kahit minsan. The money was being sent regularly to an account named after a woman. Isang Andrea Salcedo. Hindi niya kilala ang babaeng iyon, pero ang Salcedo ay isa sa mga apelyido ng mga kaanak nila.

Nagbuntunghininga siya. Binigyan niya ng instructions ang accountant ng mommy niya na ituloy ang regular na pagpapadala ng pera, pero hindi pa niya alam kung anong balak niyang gawin in the future tungkol sa mga ito. Hindi pa niya alam. Merong mas importanteng bagay siyang kailangang unahin. Okay lamang namang ipagpatuloy ang sustento hindi lamang dahil desisyon iyon ng mommy niya sa pera nito noong nabubuhay pa ito kundi dahil na rin labis-labis ang pera para ipagdamot. Hindi rin siya bulagsak sa pera, turo iyon ng mommy niya. Nor did she plan on stop working. Kumikita na siya sa mga artworks niya noong nasa highschool pa man siya at may sweldo siya sa office ni Daddy Boss. Hindi niya kailangang baguhin ang lifestyle niya dahil lang natuklasan niyang milyonarya siya. She did not even want to think about the money.

Pero naiisip niya iyon dahil sa puntong hindi siya naghahanap sa ama niya dahil kailangan niya ng pera o naghahangad siya sa mana na tiyak niyang unang iisipin nang kahit sinong makakaalam kung bakit narito siya sa isla.

Gusto lang niyang makita si Maximo Montierra sa malapitan. Gusto niyang malaman kung anong namana niya sa physical features nito; kung may lukso ng dugo; kung makikilala siya nito dahil sa mga features niyang nakuha sa mommy niya. Daddy Edds didn’t know that when Alexander Montierra’s rep contacted Ian, agad na nagsama ang mga ulo nilang tatlo--siya, si Ian, at si Erin-para makarating sila rito ni Ian nang hindi nito nalalaman bago pa man nito tinangkang pigilan ang anak sa proyekto nang matuklasan nito iyon sa ibang tao. Ang alam ni Daddy Edds, binitiwan agad ni Ian iyon base sa payo nito. Pero ginawa nila ito dahil na rin sa reaksyon ni Daddy Edds noong tinanong niya ito tungkol sa katotohanan sa kanyang tunay na mga magulang. Noong natuklasan niya ang dating romantic relationship ng mommy niya at ni Maximo Montierra, she instantly knew Daddy Edds had lied to her. Kaya itinago nila iyon mula rito sa simula pa.

But she has no plans about what to do beyond meeting Maximo. Gusto lang niya itong makita. Ang anumang higit pa roon ay ipaaalam muna niya kay Daddy Edds. Ang nakilala niyang ama ay nasa ospital, lumalaban sa isang klase ng nakamamatay na sakit na ayon sa mga doktor ay wala nang lunas. So far, she knew him to still be fighting.

Pero meron pa siyang isang daddy, may pagmamalaki sa dibdib niyang naiisip. Meron pa siyang Daddy Edds.

Hindi niya ito kayang mag-isa. She already resented on hindsight what she knew others would think once she claimed she was one of the insanely wealthy Montierras.

The thought was too shameful to even think about but she wasn't that stupid to hope it would never happen. Na mapagkamalan siyang interesado sa mana.

Tumayo siya at sinimulang hilahin ang isa sa mga bags para madala sa ibabaw ng mesa at mabuksan. Habang kumukuha ng pamalit na damit pagkatapos niyang mag-shower, naaalala niya iyong naulinigan nila ni Ian kaninang nasa sariling opisina pa sila ng mga Montierra sa Batangas Port. May warehouse kasi ang kompanya ng mga ito roon at ang opisina ay para sa warehouse at siya na ring nag-a-arrange ng mga byahe patungong isla at pabalik.

Naulinigan nila ni Ian sa staff na may mga modelong parating sa isla dahil may photo shoot ang mga ito para sa isang malaking campaign ad ni Maximo Montierra. That he was already here, brought in by a helicopter last night from Manila.

Napalunok siya.

Baka sa unang araw niya rito ay makaharap niya ito agad. And she didn’t still know what to feel about that.
She suddenly needed air. Dinampot niya ang cellphone at tinawagan si Erin matapos sulyapan ang relos niya sa bisig habang palabas siya ng pinto ng guestroom niya para lumabas sa terasa. Hindi pa break. Sana wala ito sa meeting. Napangiti siya nang bago pa siya makarating sa railings sa gilid ng terrace, naririnig na niya ang tinig nito sa kabilang linya. Puno ng pag-aalala sa likod nang matinding relief.

“Mahal! So how’s everything?”

“Well, I really wish you’re here,” unang mga salitang umalpas sa bibig niya habang nakatanaw sa malawak na puting beach at maasul-berdeng dagat. That was what she suddenly felt, that Erin should be here with her and Ian and they were all enjoying the wonderful view. In spite of the cold air or the clouds that looked swiftly becoming terrible. Pero hindi siya nag-aalala. Kung uulan mabilis siyang makatatakbo sa room niya. “The island’s really beautiful, Erin. The little I see of it nakakatuwa na. Hindi pa kami nakakapag-explore no’n, ha? We’ve only been about--“ sumulyap siya sa kanyang relos, “thirty minutes more or less in the island pero humahanga na ako sa mga nakita ko pa lang. Nagbe-blend ang man-made sa natural dito at walang tulak-kabigin sa ganda o sa rangya. At may trivia ako para sa ‘yo--off limits ang forest. The entire forest, really. Very protective si Alexander Montierra sa place at privacy ng lugar kasi kanya pala talaga ito. As in the entire island, namana niya mula sa Lola Montierra niya at pinagagamit lang niya iyong mansion sa pamilya at guests para hindi na galawin pa iyong kabila, iyong considered na private territory niya talaga.”

Nasa tinig ni Erin ang amusement nang makasingit. “At nalaman mo ito agad dahil…?”

Natawa siya. “Inusisa ko ang driver. You know… tourist-style. Sabi niya, strict si Alexander Montierra when it comes to his house rules, or in this case-island rules-pero other than that, hindi naman daw siya nakakatakot. Mukha naman ngang hindi siya takot-yung driver-sa kanya-kay Alexander Montierra-kaya tingin ko naman nasa mabuting kamay ang Apple Pie mo kung ‘yun ang worry mo.”

“You know he’s not the only one I am worried about,” anito pagkatapos ng kanyang tirada. “Not that it’s not nice to know. I’m worried about you, too. How are you holding up?”

“Ahhhh…” Nagbuntunghininga siya at isinasabit sa teynga ang buhok na nilalaro ng hangin at humaharang sa mukha niya. “I really don’t wanna… think about it or talk about it much… baka magka-nervous breakdown ako. How's dad? May narinig ka na bang bagong balita sa ospital?"

"Tumawag nga ako kaninang umaga kasi baka nga tumawag ka. Ang sabi ni Tita Karen, under treatment na siya nung bagong experimental drug. He's asleep, pero he seems to be doing well," anito.

Nagbuntunghininga siya. "Mabuti naman. Hindi ba raw ako hinahanap?" Regular siyang dumadalaw sa daddy niya sa ospital maliban nitong nakaraang tatlong araw dahil nga sa pagparito nila ni Ian.

"Huwag kang mag-alala. Mukha naman daw hindi na-upset nang malamang wala ka rito sa Manila. Para pa nga raw na-relieved na makakapahinga ka sa pag-aalala sa kanya."

"Sus." Napalunok siya sa awtomatikong pagkakaroon ng bikig sa lalamunan niya. "Hindi ako magpapahinga sa pag-aalala sa kanya hangga't hindi siya gumagaling. He is not going to die," mariin niyang sambit. "Ang dami kong pera. Kahit maubos 'yon lahat, gumaling lang siya. Hindi papayag sina Alina at Aleli na mawalan ng mabait na daddy. And I'm sure Mom will understand, kung sakali. she would do the same if she's alive." Saka siya nagbuntunghininga para kalmahin ang kanyang sarili. Tapos, naramdaman niyang nagpa-panic na nga siya. “What if he’s here and I round a corner and there he is and I suddenly do something stupid?!”

Ni hindi man lang nalito si Erin na ibang daddy na naman ang pinag-uusapan nila. “Hay… mahal… ‘wag ka ngang mag-alala! Everything’s going to be alright. And as soon as I can, susunod ako sa inyo d’yan, I promise.” Nasa Hongkong pa si Daddy Edds noong umalis si Ian sa Manila, may inasikaso na may kinalaman sa negosyo. Kunwa ay nasa Palawan na siya bago ito nagpa-Hongkong. Nagtagpo na lang sila ni Ian sa Batangas patungo rito pero hindi nakasama si Erin kasi walang ibang tatao sa opisina. Hindi naiiwan iyon nang wala kahit isa sa dalawa.

“P-Paano kung hindi pala s’ya ang tunay kong ama?”

“Ang tanong, anong balak mong gawin kung siya pala?” salungat nito, epektibong inilalayo ang isip niya sa posibilidad na baka hindi na niya makilala ang tunay niyang ama. “Lahat na halos ng clue, meron na. Kulang na lang eh DNA test, ‘di ba?”

Napabuntunghininga na naman siya. “I don’t know…” sa huli ay sambit niya.

“Tumawag si Daddy Edds. Sabi ko, hindi ka pa umuuwi habang si Ian, may project. Okay lang ba?”

“Uh-huh. He’s not gonna call me,” relieved niyang sambit. Ang Mommy niya noon, kapag nagpipinta ay off lahat ng mga communication devices. Alam na ng mga kaibigan nito ang dahilan kapag hindi ito makontak. Her mom would go to their provincial house in Cavite. She would be off-limits to the world in a few days to a week or two. Or three. Pwera kapag tumatawag ito sa kanya gabi-gabi para i-check siya at kumustahin ang school day bago siya matulog. Napabuntunghininga siya nang malalim para mapagluwag ang biglang nagsikip na dibdib. God, how she missed her mom! May mga pagkakataon, kung wala ang kanyang extended family, na para siyang malulunod sa pakiramdam na nag-iisa na lang siya sa mundo. Na ulila na siya talaga. Wala ng mga magulang… napalunok siya. Erin knew how she felt. Iyong mga namatayan na ng mga magulang, sila ang nakakaunawa sa nararamdaman nang isa’t isa. In Erin's case, pumanaw na si Lola Adeling. “E-Erin… thank you. Hindi ko magagawa ito kundi dahil sa ‘yo.”

“You know me. Partners in crime, as always,” anito.

Sandali silang nagtawanan. Sandali lang. Pareho silang nag-aalala sa pagdating ng panahon na magtatapat na sila kay Daddy Edds.

“Win or fail, you know you have family, right?” anito kapagdaka. “Anuman ang mangyari, narito kami.”

Napangiti siya habang nag-iinit ang mga mata. “Oo naman. Syempre alam ko na ‘yon.”

“Good. Now… ilayo mo sa kung sinong sirena d’yan sa isla ang Apple Pie ko, ha? Alam mo naman ‘yan… nilalandi na ng babae hindi pa alam.”

Napangiwi siya. May ganoon ngang katangahan ang kanyang pinsan.

Pinsan.

Napakagat-labi siya. Nag-init na naman ang kanyang mga mata. Ang kanyang ilong, nagbara. Nang lumabas ang totoo, nataranta si Daddy Edds. Na baka magbago siya kasi noong simula ay naasiwa siya. Napahiya. Hindi naman pala siya tunay na kadugo ng mga ito kasi hindi siya tunay na anak ng half-brother nito. Nang matuklasan nito iyon matapos ng mga iyakan ay nasermunan pa siya ng katakot-takot, ang pinupunto ay kung paanong naisip-isip niyang dahil lang sa ganoon ay may magbabago sa pagtingin nito sa kanya bilang anak o ni Ian sa kanya bilang pinsan. If possible, lalo pa silang naging close sa isa’t isa. Lalo itong naging protective sa kanya.

Iyon ang operative word--protective. May hinala siya na kapag nalaman nito na sumuway sila ni Ian rito, uusok ang bungo nito. Pero bakit hindi ito magsabi nang totoo? Bakit kailangan nitong itago ang nalalaman nito? She has a right to know, matigas ang ulo niyang katwiran sa isip.

“Oo, promise,” pangako niya noong nakakapagsalita na siya. Nagpaalam na siya bago ito naman ang maiyak sa kanya. At nangingiti pero basa ang mga mata, ibinaba niya ang cellphone.

Pagkatapos ay unti-unting namatay ang ngiti at tulala siyang napatitig sa malayo. Nagbuntunghininga siya nang malalim habang naaalala ang kanyang mommy. She still wondered why she wasn’t told. Oo nga’t naging mabilis ang mga pangyayari bago ito namatay. Just one unlucky night and a drive from Cavite back to Manila. Nagpilit itong umuwi kasi birthday ni Daddy Edds kinabukasan and she wanted to surprise him. Malakas ang ulan. Madulas ang kalsada. And then she was gone.

Napalunok siya habang hindi na mapigilan ang pagpatak ng luha. She missed her so much--kahit naiinis siya rito dahil sa nakalilitong mess na iniwan nito sa buhay niya. Her mom was the strongest woman she knew, the wisest, the most protective mother.

Anong dahilan at hindi nito pinaghandaan man lang na ipaalam sa kanya ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao gayong nagawa nitong paghandaan ang kanyang kinabukasan o maging ng mga kaanak nito sa event na may mangyari rito? Punong puno ito ng spirit. Punung puno ito ng buhay. Minsan nga nanghihinayang siya kung bakit hindi niya nakuha ang ugali nitong palaging masaya. Iyong klase na parang laging may magandang surpresang naghihintay sa bawat kanto.

Instead, she was more serious, always impulsive, always emotional. Her mother was a beautiful woman. Nasa postura pa rin nito at pagdadala ng sarili ang mga kalidad nang isang graceful na tao at iyong gandang sinasabi niya ay nanggagaling mas higit sa aura nito--parang liwanag na nagmumula sa kalooban nito.

Lumalabas-labas ito with friends--she’s had a lot of friends--kapag may panahon mula sa pagpipinta. Nagkaroon ito nang ilang relasyon sa mabubuting mga lalaki mula noong mahiwalay sa asawa. Matitinong mga lalaki. Andaming nagrereklamong walang makitang mabait at matinong lalaki sa panahon ngayon pero ganoon ang laging kumakatok sa kanilang pinto, in love na in love sa mommy niya. Yet she never was in a really serious relationship. She could have loved again. She would have been happy again. she certainly deserved it as far as she was concerned. Pero kung sakali mang mai-in love pa itong muli, hindi na iyon mangyayari kasi iniwan na nito ang mundo.

Nakagat niya ang ibabang labi nang mangatal ang mga iyon habang iniisip na kahit mas magulo pa rito ang mga problema, tatanggapin niya lahat basta naroon ito sa tabi niya. Basta nakakausap niya ito, natatanong, nasisisi. She could accept any reason she was given, patatawarin niya. Basta kasama niya ang mommy niya.

Hindi ganito. Ang hirap walang ina.

Nagbagsakan na nang tuluyan ang kanyang mga luha.

Sa blurred na paningin napansin ni Agatha ang lalaki sa beach. Napapitlag siya, palibhasa naiisip na rin niya noon si Ian na baka biglang lumabas ng kwarto nito at makita siya roong parang timang na umiiyak. Parang batang nawawala, na actually ay ang tunay na nararamdaman niya.

Tapos, nakita niya ang lalaki sa beach at para siyang na-violate kahit alam naman niyang open ang terasa sa mga mata nang kahit sino within seeing distance.

Siya nga itong umiiyak sa isang public spot kaya bakit hindi siya nito mapapansin? Kasabay nang imboluntaryong pag-urong ay ang pag-angat ng mga kamay niya sa kanyang mukha para pahirin ang luha nang likod ng mga palad.

Then she was back in her room in a flash, without having any recollection how she got there so fast.

Ang narinig na lang niya ay ang tunog ng pinto ng kwarto niya nang maisara niya iyon sa kanyang likod, ang sobrang pag-iinit ng mga pisngi niya sa kahihiyan, at ang nakabibinging pagtibok ng kanyang puso.





Chapter FOUR

NOONG NAKAUPO NA SIYA sa gilid ng kama, nakikita pa rin niya ang lalaki sa beach. She immediately saw that he was tall, well-toned ang muscled na katawan, tanned. Nang mapahid niya ang luha, lumukso ang puso niya. Because he was incredibly good-looking.

It was just a second… but she could see everything in delicious detail inside of her head now. Na parang isa iyong picture na na-scanned at pinagmamasdan niya sa napakalinaw na screen ng kanyang laptop. Dark curly hair with bronze highlights, aristocratic nose, dark piercing eyes. With his tanned skin, he looked like a golden god. Senswal na mga labi… rebeldeng mga labi. Remembering them produced a teasing pleasure climbing up her spine. Nag-alab ang kanyang mukha nang ma-realized niyang sa unang pagkakataon ng kanyang buhay, nakadama siya nang pagnanasang mahalikan ng mga labi nang isang lalaki. At iyon sa gitna ng pag-e-emote tungkol sa kanyang buhay!

Nakakahiya talaga! Pero hindi niya magawang maitatwang iyon ang naramdaman niya. Iyong nakakikiliting kilabot, nagsimula nang makita niyang nakatitig ang mga mata nito sa kanya…

Sandali lang iyon… isang segundo lang… it felt like a lifetime. Para siyang nahigop sa isang vacuum. It’s the weather, pagdadahilan niya sa huli. Nakakadala ang gloom, ang misteryo, ang karisma. He couldn’t be that beautiful. His eyes couldn’t have been that magnetic, that charismatic. Walang mga matang ganoon. Walang lalaking ganoon--unless in a work of art or in a paranormal movie.

Alpha?

Umalpas sa kanyang isip ang isang salita. She'd encountered it in her research, may isang exclusive group of men daw na ang tawag ay ALPHA. It actually stood for something, an organization who consisted of alpha males. Hindi iyong tunay niyong kahulugan lamang sa diksyunaryo. Sila iyong mga lalaking anak ng mga mayayamang elitista na ginu-groom para maging sunod na alpha male ng pamilya. Sabi sa blog article na nabasa niya, these men were being trained from the crib. That they knew each other. That it was very exclusive. At isang honor sa isang pamilya ang magkaroon ng myembro na kasama sa grupong ito. She came across the blog because some of the men suspected to be involved where the Montierra brothers, and their sons. Nakakadala ng imahinasyon basahin ang blog na iyon. Kapareho halos kapag nakaka-imagine ka ng mga Vikings, o kapareho ng mga ito.

Hindi niya alam kung sino ang lalaki at hindi niya alam kung bakit naisip niya ang Alpha. But he has such presence, something she’d only experienced while imagining what an Alpha member would be like.

Tapos natigilan siya nang may isa na namang naisip.

Kasama sa listahan si Alexander Giorgino Montierra, hindi ba?

Pero may agad na nagprotesta. Of course that wasn't him. May edad na ito, hindi ba? Nabigla siya nang ma-realized niya na wala siyang kongkretong kaalaman tungkol sa eksaktong edad ng client ni Ian. Palibhasa kasi nakasentro kay Maximo ang research niya.

Ang alam niya, anak ito ng Maximo sa unang asawa nito. Naghiwalay ang dalawa matapos maipanganak si Alexander, pagkatapos ay na-annul ang kasal. Ibig sabihin ay walang asawa si Maximo noong makarelasyon nito ang mommy niya. There was no reason not to marry her when her mom got pregnant with her. Pagkatapos ng mommy niya, naikasal pa nang isang beses si Maximo pero naghiwalay din ang mga ito. There was no child. Since then, hindi na nabalitaang nagkaroon pa nang ibang karelasyon ang lalaki.

What the hell... naisip niya. Parang mommy niya. Wala nang iba pa. Kahit nagkaroon ng pangalawang asawa, it was very obvious through every picture she could find of them that Maximo did not love his second wife. Malamig, tigil, at walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa mga camera. Maganda ang ex-wife nito, pero may kung ano sa ekspresyon sa mukha na hindi maganda. Mataray ang mga mata, matapobre kung makatingin. She would not even look at the cameras.

Maaaring kaanak o malapit na mga kaibigan ng pamilya na bisita sa isla. He did not look at all like the Montierra men. Oo nga’t naroon ang basics, but he was rugged-looking. A little rough around the edges. Elegante at sophisticated ang mga Montierra. Naka-suits palagi sa mga pictures, at kung hindi man pormal na kasuotan ang kailangan ng okasyon ay mukha pa ring kontrolado ang pagkakasuklay nang bawat hibla ng buhok, gusot sa damit, o pagkilos.

Iyong lalaking nakita niya sa beach ay hindi ganoon. There's... there was something in him she could not easily define. Nakakakaba, nakakaasiwa. At nakaka-excite, sa huli ay pag-amin niya dahil hindi iyon kayang maitatwa. Napasulyap siya sa salamin at nakita pa niya ang pamumula ng mga pisngi nito. He looked like a dangerous man, yet... it wasn't because she felt like he would hurt her. Not physically. Ang presensya nito, kahit ganoon kalayo sa kanya, ay masyadong malakas. Masyadong nakaka-overwhelm. At hindi pa siya nakakasalamuha nang isang lalaking kagaya nito.

She forcefully pushed the man from her mind as she started taking care of her things. She probably might not see him again. She shouldn’t, napapabuntunghininga pa niyang naisip. His presence made her quake.
Baka kapag nagkita sila, hindi niya mapigil ang reaksyon. She did not like that one bit.

Ano kaya ang mararamdaman ni Erin kapag ito ang nakakita sa lalaking iyon? Siya lamang ba ang may ganitong reaksyon?

Nagtungo siya sa banyo at nag-shower na. Hanggang sa natabunan na nang napipinto nilang meeting ni Ian kay Alexander Montierra ang atensyon niya at nakalimutan na rin niya ang tungkol sa lalaking natanaw niya sa beach.

UNFORTUNATELY, HINDI natuloy ang meeting nila kay Alexander Montierra. Humingi ito ng apology through a mansion staff na nagsabing mayroong importanteng bagay na kailangang asikasuhin ang amo nito. Sa halip ay nagbilin itong mag-enjoy muna sila sa beach at i-enjoy ang tanghalian. Mangyayari ang meeting kinabukasan.

Nasa beach sila, sinusunod ang payo nito, nang matanaw nila ang yateng may dala ng mga modelo ni Maximo sa isla. Alam nila iyon dahil nag-uusap-o nagbubulungan-ang staff sa napakaluwang na dining hall kaninang nag-lunch sila roon. May meeting ang mga Montierra, natuklasan pa nila sa mga bulong habang nag-aakyat ang mga ito ng pagkain sa pinagmi-meeting-ang lugar sa ibang lebel ng mansyon. Habang kumakain sila ni Ian nang sila lamang sa napakahabang mesang nakikita lamang niya sa mga movies tungkol sa mga royal families ng Britain, parang nag-e-echo ang mga bulungan ng staff. Parang may hindi nagustuhan si Alexander Montierra sa pagdadala ng mga modelo ng ama nito sa isla. Hindi niya masiguro kung dahil sa dami ng mga ito noong una, pero niyong huli ay may nasambit ang staff tungkol sa isang napahamak na modelo nang lumampas ito sa napagkasunduang boundary. Nag-explore ito sa gubat ng isla. At naaksidente ito roon. Kinailangan itong ilipad ng chopper paalis ng isla para madala agad sa ospital sa Batangas.

Nang sapat na ang lapit ng yate para makita ang mga detalye at napailing siya habang nai-imagine na meron nga yatang kailangang ipag-alala si Alexander sa mga parating na bisita. Naka-beach attire sa deck ang mga sakay niyon, nagsasayawan, may hawak na mga kopita ng alak na pawang mga nakaangat sa ere. May masaya at bass-filled na tugtog na nagmumula sa yate.

Kilalang party shark si Maximo Montierra. He was considered the rebel among his conservative relatives. Successful ito sa busines-very successful, actually-pero hindi naging sapat iyon para maiwasan na magmistula itong isang pariah sa pamilya nito. Hindi maitago ng bland na mga articles tungkol sa Tres Montierras ang pagkadisgusto nina Aleron at Romulo kay Maximo at sa mga practices nito. Ang absent laging anak, si Alexander, ay iba pang bagay. Hindi actually pagkadisgusto, pero halatang maingat sa mga binibitiwang mga salita ang kahit sinong Montierra tungkol sa panganay at nag-iisang anak ni Maximo Montierra at dahil dito kaya hindi openly kinakastigo nang kahit sino si Maximo.

Muli, hindi niya alam kung paano ito naging boyfriend nang kanyang mommy. Her mom only drank table wine during dinner and champagne on special occasions. Hindi ito nakikipagsosyalan. Well, may sosyalan at may sosyalan. Ang mommy niya, iyong klase ng book club sosyalan. She loved listening to classical music. She listened to Eckhart Tolle. She did yoga ang meditation. And she’s a vegetarian. My God, ang tanging hamburger patties na pinapayagan nito sa sandwich nito ay iyong gawa sa tinadtad na puso ng saging! Habang si Maximo Montierra, iyong rare steak na klase ng tao.

“Okay ka lang?” untag ng tinig ng pinsan niya. Alam niyang napansin nito at pamumula sa mga mata niya nang sumama siya rito patungong lunch pero hindi na lang ito nagsalita.

“Never been better,” sambit niya sa matinis na tinig.

Inakbayan siya nito. “Mahal… it’s going to be alright.”

Bahagyang nag-init ang kanyang mga mata. “I really miss Mom,” nasambit niya.

Pinisil ni Ian ang balikat niya at hinalikan siya nito sa tuktok ng kanyang ulo.

Nang matago na sa gilid ng island ang yate sa pagdaong niyon sa jetty, bumalik na sila sa mansion para maghanda sa dinner.

MABILIS ANG TIBOK ng puso ni Agatha habang palabas siya ng pinto ng kanyang kwarto. Maingat siyang nagtungo sa hagdan. Pababa iyon, pagkatapos ay nagpo-fork sa gitna. Ang isa ay patungo sa first floor ng mansion, ang pangalawa ay patungo sa beach. Sumulyap pa siya sa likod niya, sa pinto ng pinsan, nag-aalalang baka gising pa ito at maisip biglang lumabas sa sandaling tinatakasan niya ito. Huli siyang sumilip sa kwarto nito, nakalatag ang mga designs at nagre-review na naman ito. Kung alam nitong bababa siya, sasamahan siya nito, at hindi niya ito gustong maistorbo.

Nakasabay nila sa dinner kanina ang mga modelong hinatid ng yate sa isla. Nang mapansin niyang minamataan nang isa sa mga male models ang legs niya, sinamantala niya ang pagkakataon. She struck conversation, nakipagkilala rin sa iba. She liked Art and Marc among the males, si Divee sa mga babae.

They were friendly and nice. Ang mga ito at si Divee ang umimbita sa kanya sa bonfire.

Pumayag siya. Chances and opportunities were hard to miss up in her situation. Makiki-mingle siya sa mga ito sa pag-asang may matuklasang bago tungkol kay Maximo Montierra. Kapag sinwerte siya, baka bumaba ito sa beach at malapitan niya. They didn’t need to be introduced. Gusto lang niya itong makita sa  malapitan. She would think what to do after that later. Kapag naramdaman niya iyong hinahanap niyang lukso ng dugo.
Simple lang naman itong plano niya at hindi niya kailangang mag-nose bleed.

She wore a skimpy bikini, isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nagpaalam kay Ian. Sa suot niyang chocolate brown bikini sa ilalim nang isang patadyong, which was her moms, tiyak na gagwardyahan siya nito. Kahit tiyak na mas maliit pa sa bikini niya ang suot nang iba at magmumukha siyang konserbatibo. Maganda siya. Nakikita niya ang mukha niya sa salamin at alam niyang maganda siya. Pino at magandang hugis ng kilay, almond eyes, matangos na ilong, full lips. Naaalala niya noong bata pa siya na ang mga mata niya ang parang kapansin-pansin lang sa kanyang mukha dahil malalaki ang mga iyon. Bumble bee ang tudyo sa kanya ng mga kaklase niya noon. Her face soon grew in proportion and now, they said her eyes made her look innocent. Nangungusap daw. Whatever foolishness that meant. Sino namang tao ang may gustong makita sa mga mata ang iniisip o nararamdaman? Lalo na siya na lagi na lamang natatalo ng mga damdamin niya.

Alam din niyang seksi siya hindi dahil marunong siyang magbigay ng judgment tungkol sa ganoong mga bagay kundi dahil sa reaksyon sa kanya ng mga lalaki kapag nagsusuot siya ng mga damit na fit. Her limbs weren’t proportioned to her body, iyon ang sabi ng kanyang artist eyes. Mahahaba ang kanyang mga biyas kumpara sa kanyang katawan. Kaya nga siya matangkad, gaya nang kanyang Mommy. Pero maganda sa paningin nang iba ang katangiang iyon. Maganda ang hugis ng kanyang katawan, iyon ang aminado siya. At sana, magamit niya ang mga nabanggit ngayong gabi. Sana makatulong ang mga iyon sa misyon niya.  

Lalo tuloy bumibilis ang pagtibok ng puso niya at parang dumarami ang maliliit na mga butterflies sa kanyang sikmura habang naiisip ang mga iyon. She has never done anything like this before. Iyong para siyang sleuth. Parang imbestigador. Parang spy. Pababa na siya sa hagdan, malapit na sa fork. Nasa beach na kaya si Maximo Montierra? Paano kapag aktwal na silang magkaharap, anong gagawin niya?

Ang totoong tanong, masusunod naman kaya niya ang plano niya?

Napalunok siya. She realized that she would never know how ready she was until they were face-to-face.
Nasa party din kaya iyong gwapo sa beach kanina, bigla niyang naisip. That’s better. Na-distract siya  at medyo kumalma ang mga paru-paro. Gwapo naman kasi talaga ang lalaking iyon, nakakamalikmata. She would love to sketch him, or paint him on canvas. Lalo pa siyang kumalma habang naiisip ang kabuuan ng imaheng iyon sa kanyang canvas, ang mga matang iyon na nakakamagneto habang nakatitig sa kanya. She felt her face starting to flame, her knees starting to weaken. Okaaayy… maybe she better back down, think of another person. It wasn't turning into a good idea after all.

Natatawa sa sarili, lumiko siya sa fork, iyong pababa sa beach.

At nabangga sa isang matigas, mataas na bagay.

No, it wasn’t a wall, although it surely felt like that. It wasn’t a wall at all--kundi dibdib.

Nang isang lalaki.

Well, would you believe it?

Maskuladong mga kamay ang umabot sa kanya bago siya tuluyang mabuwal. Nang mag-angat siya ng ulo at makumpirma ang una niyang nakita, naliyo siya at lalong nanlambot sa hawak nito.

Kasi, sa dinami-rami naman ng pader--dibdib--na mababangga niya, iyon pang sa lalaki sa beach kanina. Iyong lalaki sa kanyang canvas sa future. The one with the hypnotic, mesmerizing eyes.

No wonder, hindi siya makahinga.

“Hey… are you… alright?” nag-aalalang tanong ng baritonong tinig.

Oh sure. Of course he would have the sexiest male voice she’d ever heard. Velvety, low, parang kulog sa malayo. It shouldn’t have surprised her. “I-I’m f-fa-fine.”

Mukhang hindi ito naniwala. Sinong maniniwala? She sounded like a moron. “I think you should sit down,” kontrang utos ng authoritative na tinig.
Ni hindi siya nakapiyok, naupo na lang nang pabagsak sa baitang ng hagdan na parang isang naka-programmed na robot. O jelly ace. Robot at jelly ace. Magkakontra. Parang lugaw ang kanyang utak. Concussion ba ‘to? Ang sakit ng kanyang pwet, matigas ang hagdan. At napansin pa rin niya sa kabila ng katarantahan...

Mas gwapo pa ito ngayon kaysa kaninang nasa malayo ito. Doon sa beach. My God, mas gwapo ito, mas charismatic sa malapit. Iyong klase ng nakatutunaw na kagwapuhan. Iyong klase na nakakatagpo mo sa sinehan. Preferably supernatural. Hindi vampire, eh. This man was certainly alive. In more ways than one.

And he's not even pale. His skin is really golden tan. Seksing kulay. Eksotiko. She has never seen any man this perfectly beautiful before.

Napaungol siya habang napapapikit.

His strong arms went still on her, then tighter. She could feel the heat from his body radiating to her. She could smell him, a pleasant smell of after-shave, wine and… something. Hindi niya matukoy. Hindi naman karaniwang body odor. A man’s perfume? Mabango. Masarap. Like food. Like what ambrosia would smell. Muntik na siyang matawa sa sarili. Ambrosia at this moment. A delicious dessert. Or the food of the gods?

How the hell would she know how that smelled?

But he was real. Really real. And he smelled really, really good.

And she was really... really doomed, naisip niya habang--horror of horrors!--nagdilim ang kanyang paligid at nawalan siya ng malay.


* I hope you enjoyed this excerpt. :)

Saturday, September 1, 2012

Excerpt: Pag-ibig Ba'y Kristal for PHR


Chapter ONE


MUMUKAT-MUKAT NA NAGISING si Carlotta nang umagang iyon. Nang maalala kung saan siya nakatakdang tumungo, napaungol siya at nagtakip muli ng unan sa kanyang mukha. Pero mataas na ang sikat ng araw at bumangon siya saka pumasok sa banyo para maligo. 

Habang naliligo ay dismaya niyang iniisip ang mangyayari sa kanyang araw… 

Uuwi siya sa Laguna para um-attend sa birthday party ni Tita Lenny, isa sa mga kaibigang matalik ng kanyang Mommy. Isa sa mga ‘sisters’. Mahal niya ang mga sisters na parang second mommies. Ang siste, talagang parang tunay na anak din ang tingin ng mga ito sa kanya at may mga liberties ang mga itong ginagawa para guluhin ang buhay niya. 

Tiyak na nakahanda na naman sa pagpe-play cupid ang mga magsi-sister. Tiyak na may kung sino na namang nauto ang mga ito para ligawan siya pagdating na pagdating niya. Poor, stupid men. They didn't always knew what they have gotten themselves into until it was too late. 

"At kailan 'yon?" natatawa niyang tanong sa wala noong palabas na siya ng banyo. Nginisian niya ang sarili sa salamin noong nakatayo na siya sa harapan ng vanity. Gumawa siya ng mukha. Pinalaki niya ang mga butas ng kanyang ilong, pinagdikit niya ang kanyang mga kilay. And she scowled heavily, like a man, like her daddy when he was feeling particularly insane of her mom’s ideas. "When they meet me. Nye-he-he-he."

Saka tumirik ang kanyang mga mata bago siya nagsimulang humila ng damit sa closet para magbihis.

Twenty-six years old na siya. Apat na taon pa bago siya mag-thirty pero ang nakikita agad ng matatandang ginang ay nasa twilight na siya ng buhay niya. Samantalang ni hindi niya iyon kailanman iniisip. 

Okaaayyy... not actually never. Naiisip din naman niya iyon paminsan-minsan, pero hindi sing-desperada gaya ng paraan ng pag-iisip ng mga sisters. Kaya lang, hindi siya iyong klase na desperadong ma-in love. Hindi iyon ang priority niya sa buhay niya. Hindi rin siya iyong klase na madaling ma-in love. Sa tatlong nagdaang pinakamasugid niyang manliligaw dito sa Maynila mula noong “gumanda” na siya, hindi siya nakumbinsing ma-in love. Samantalang kung tutuusin, sabi nang marami sa kanyang mga kaibigan, big catch daw ang mga ito. Iyong klase na mahirap nang hanapin sa panahong ito. 

Kung mahirap hanapin, bakit pahara-hara sa  dinadaanan niya, katwiran niya sa mga ito. Madalas siyang nasesermunan kapag binubuka niya ang bibig niya tuwing ganoon ang topic kaya sinara niya ang bibig niya. At least, hangga’t kaya. 

Mabuti na lang sumuko na rin iyong tatlo. Siya higit sa lahat ang nakababatid na nagsasayang lamang ang mga ito ng oras sa kanya. Eh kawawa naman. Mababait naman at swerte sa ibang babaeng tiyak niyang naghihintay lamang mapansin. Alangan namang sagutin niya kahit isa dahil lang sa awa. Ano namang klaseng kalokohan 'yon, 'di ba?

Sandali siyang tumigil sa lahat ng ginagawa para pakiramdaman ang kanyang sarili. No, so far, hindi pa naman siya nakadarama ng kamiserablehan—ganoon daw kapag hindi in love o walang in love sa ‘yo, eh. Imposible naman daw na hindi siya maghangad ng romantic love life. Kaso, masaya siya talaga. Masaya siyang single at masaya siya sa trabaho niya. Naaalangan lang siya kapag ganitong uuwi siya dahil kahit nami-miss naman niya ang mga magulang niya at baliw nitong kapatiran, hindi talaga niya gustong iniraraket siya sa kung sinu-sino. 

Nag-effort naman ang mga manliligaw niya dito sa Manila bukod doon sa tatlo. Dinala siya sa mga mamahaling restaurants, niregaluhan siya ng mga mamahaling regalo, mamahaling mga flowers at sandamakmak na mamahaling mga tsokolateng in-enjoy nang sobra ng staff sa office. Minsan cake. Minsan icecream. Minsan kahit na anong panulsol sa mga tao sa paligid niya para ilakad ang mga ito sa kanya. Pero talagang hindi siya ma-in love. 

Dito iyon sa Manila. 

Sa probinsya, sa baranggay ng Santa Lucia na teritoryo ng sisterhood, hindi ganoon kalaki ang pagkakaiba. Nag-effort din ang mga ito. Ang nag-iisang iba, kilala siya roon. Alam ang history niya. Alam na obese siya dati. Obese na tomboyin kung magkikilos. Namimitik ng maldita. Nanununtok ng bading. Na maldita. At nambabatok ng bully. Dabyana siya at matangkad pero kung maganda man siya natakpan na iyon nang naunang dalawang kalidad na nabanggit na. 

In short, hindi siya girlfriend material noong panahon. At tuwing nakakikita siya ng mga dating kakilala, nakikita ang naaalala ng mga ito sa kanya sa mga mukha ng mga ito… umuurong ang kalooban niya. 

She might have appeared tough in the past that she made knees quake. Pero hindi siya masungit kung walang dahilan. At masakit kapag nakaririnig siya ng mga salitang nakakainsulto dahil sa hitsura niya. O kapag naririnig niya ang pagtatawa kapag nagdaraan siya o nakatalikod siya. Kilala siyang palaban pero kung alam lamang ng mga ito kung gaano karaming laban ang nilampasan niya dahil hindi pa man, nasaktan na siya. Sumuko na siya. Gaano karaming beses ba siyang nagtago sa paglamon? Maraming beses, bah. 

Walang taong perpekto, hindi cliché iyon sa kanya—she learned that first-hand. Natuto siyang mang-discriminate sa mga manliligaw at mga kaibigan hindi dahil natural niya iyong ugali kundi dahil defensive mechanism niya iyon para maipagtanggol ang sarili niya. Natutunan niya iyon sa mga ito.

Ngayon, seksi na siya. Marunong na rin siyang magpaganda—hindi mahirap iyon dahil talaga namang maganda na siya noon pa. Maganda ang kanyang mga mata—madalas pansinin ng mga teachers niya at matatanda kung gaano kapungay niyon at kung gaano kakapal at kalantik ang mga pilikmata mula pa man noong maliit siya. Ngayon ay hindi na matatanda lamang ang pumupuna niyon. Matangos ang kanyang ilong, pamana nang isang ninunong Espanyola. At ang kanyang mga labi, mapupula at seksi ang hugis—full ang lower lips, mukhang malambot, at madalas ngumiti. Ngumiti siya sa salamin at nagpakita ang kanyang puti at pantay-pantay na mga ngipin. Namana niya ang ngiti niya sa kanyang mommy. Ang mga mata niya sa kanyang daddy. Pero nitong huling mga buwan, tinatatwa ng dalawa kung kanino niya namana ang kanyang pag-uugali. Napabuntunghininga siya.

Mahaba, tuwid at makapal ang salon cared niyang buhok. Malinaw na rin ang kanyang mga mata dahil sa isang laser operation kaya hindi na siya naka-reading glasses. Dahil matangkad siya, maganda ang hugis ng katawan at maganda ang kutis, madali siyang bagayan nang kahit anong damit. 

Maliban sa suot niya ng mga sandaling iyon. Kahit yata si Naomi Campbell na nagagawang fashionista’s dream ang kurtina, lalayuan ang damit na iyon. Which was exactly why she's wearing it. Kasi uuwi siya sa Sta. Lucia. 
Sinuot niya ang bestidang mahaba, bulaklakin at walang kahugis-hugis hindi lamang dahil gusto niyang ma-turn off sa kanya ang sinumang makakaharap niyang potensyal na manliligaw, kundi dahil na rin hindi niya kayang paniwalaan ang mga naririnig niyang papuri ng mga ito ngayon. 

Lalo't may alerto siyang memorya na nakaaalala nang eksaktong mga salitang pang-insulto na narinig niya mula sa kung sino man ang kaharap niya noong panahon.
Sinimangutan niya ang sarili niya sa salamin saka niya iyon tinalikuran. Hinanda niya ang iba pa niyang mga gamit at hindi nagtagal, bumaba na siya ng condo at sumakay sa kanyang Kia Soul. 

Dadaan siya sa office bago siya umuwi. 

GRAPHIC ARTIST si Carlotta. Tumatanggap din siya ng promotional ad campaigns, e-book project, digital product launch projects, website design at anumang hingin ng clients nila na nagtutungo sa opisina o suki online. Sinimulan nila ng mga kaibigan niya ang negosyong Pinoy Graphic Talents walong taon na ang nakararaan, bago pa man sila grumadweyt sa college. Nagsimula iyon sa dorm room nila sa university gamit lang ang laptops, printers, at sales talk. 

At puyat. 

At pagod. 

At multi-tasking. 

Lahat ng pwede at lahat ng abilidad na pwede, sige. Nang makapag-build up sila nang disenteng portfolio, d-in-evelop pa nila ang kanilang website. Unti-unti iyong sumikat sa Internet. Umabot sa puntong kinailangan na nilang bumuo ng three-people staff para sa isang working office para maalis sa mga balikat nila ang office stuff at makapag-concentrate sa trabaho. Fresh graduates sina Jing-Jing, Daryl at Cyrus noong h-in-ire nila. Ang mga ito ang bahala sa bookkeeping, payroll, at iba pang kailangang punan ng isang sekretarya, isang technical writer at isang accountant sa isang opisina. Madaling kausap ang mga ito, mabilis matuto. Kinailangan din nilang kumuha nang ibang graphic artists kapag sobra-sobra ang trabaho. Marami naman silang mga freelancers na kaibigan noong college days pa.

“Sure kayo, ayaw n’yo talagang sumama? Pwede naman kayong bumalik mamayang hapon. Kahit hindi na kayo d’on mag-overnight,” sabi niya kina Hannah at Juni na nasa sariling opisina ng mga ito at kanina pa nagsimula ng trabaho. 

Umiling ang dalawa pero merong panghihinayang dahil matagal nang alam ng mga ito kung gaano kasarap magluto ang bawat isa sa sisterhood. Kaya nga naunawaan ng mga ito iyong isa pang dahilan, bukod sa depression, kung bakit siya naging balyena. Tinulungan siya ng dalawang pumayat hindi lamang dahil hindi marunong magluto ang mga ito—pinagtulungan ba naman siyang pabangunin sa kama tuwing umaga noong hindi niya kayang gumising para mag-jogging; cheering squad kapag malapit na siyang mamatay sa katatakbo; at animo military kapag nagrereklamo siyang hindi na niya talaga kaya. Pero noong nakikita na ang resulta, nagkusa na siya. Hindi na siya pinupuslitan ng tubig sa mukha kapag hindi siya agad magising sa madaling-araw, o kaya ay pinagtataguan ng pagkain kapag tumatakas siya sa gabi para mag-midnight snack. 

Wala lang talagang magawa ang mga ito para kumbinsihin siyang manlalaki. Pero so far, hindi pa naman sumusuko.

“Sayang, ang daming trabaho. Gusto sana naming makita kung sinong nauto ng mga Mommy ngayon mo para ligawan ka,” nanghihinayang na sabi ni Juni na alam na agad ang dahilan kung bakit naka-get up siya nang parang isang white lady na na-murder noong 1950's.

Hindi niya ito tiningnan habang iniisa-isa ang mga sobre ng correspondence na dala niya mula sa desk niya. “Ewan ko nga ba, may nauuto pa.”

“Siguro dahil kahit anong suotin mo ngayon—kahit pa kumot—seksi ka pa rin at pretty.”

Bahagya siyang namula sa sarcastic na tono ni Hannah na kung noon ay seksi, namimilog na ngayon matapos manganak sa panganay. Hindi lang iyon, hindi siya nito maintindihan. Gusto siya nitong batukan sa pinaggagagawa niyang kabulastugan sa mga manliligaw niya. Palibhasa happily married na, gusto nito lahat nang nasa mundo nito ay masaya at in love. Pero sobrang bait at tino kaya ng asawa nito—gaya ng mga lalaking nakasalamuha nito buong buhay nitong maganda, lovable at charming ito—kaya hindi nito ma-imagine ang mga pinaggagagawa niya sa mga lalaking natitisod sa kanya. 

Happily partnered din si Juni, unfortunately, kaya nungka siya nitong kampihan kapag pinagsisintiran siya ni Hannah. Napailing na lang siya at nangakong pasasalubungan niya ang mga ito nang sandamakmak na left-overs mula sa handaan kaya ngiting ngiti na si Hannah at pumapalakpak si Jing-Jing noong nagpaalam na siya. 

Sino na naman nga kaya ngayon ang natakot ng mga sisters na ligawan siya, naisip niya noong nagda-drive na siya pa-Laguna. Pintsik, matandang binata, bakanteng binata, at mga anak nang kung sinong mga padrino at kumare, nagdaan na sa mga palad niya. Napailing siya. Hindi niya ma-imagine kung ano pang klase ng lalaki ang makakalakal ng mga ito para sa makamundong hangaring mapag-asawa siya at mapaanak ng maraming tabatsusing na mga babies.

Mabuti na lang at creative din siya. May arsenal siya na pang-depensa. She could maybe do the laugh—iyong napagkakamalan siyang may ilang mga luwag na tornilyo sa ulo. O kaya kakain na naman siya nang hilaw na sibuyas tapos madalas siyang maghihikab—preferably nakaharap sa kausap. Mas epektibo iyon kaysa dun sa tawa, every time. Gamit niya iyon sa mga talagang hindi niya kayang sikmurain kahit ma-imagine na maging boyfriend. Si Juni, pinayuhan siyang isang linggong huwag maligo bago siya umuwi. Kapangilabot. Baka siya ang unang mamatay sa amoy niya, ‘no? And Juni wasn't serious when he suggested it. He was just being sarcastic. Nagkulay green ito noong pinakita niya kunwari na kinokonsidera niya talaga ang suggestion nito.  

Si Menchu, childhood friend niya sa Sta. Lucia, alam na hindi lamang dahil sa childhood trauma ang dahilan kung bakit biased siya sa mga taga-kanila. Nahalata rin nitong ayaw niyang pamanipula sa mga matatanda. Na napansin din niya pagkatapos nito. Totoong kapag tungkol na sa lalaking mamahalin niya, siya ang gusto niyang pumili. Iyong kapag dumating sa buhay niya, hindi tinulak nang kung sinong Pontio Pilato o sinulsulan ng mga matatandang kung hindi madala sa himok ay kung sino-sinong ninuno ang binabanggit para mapapayag ang ayaw.  Pero hindi rin nagkukulang ang babaysut sa kasesermon sa kanya. 

“Hindi naman dahil lang sa mga sisters kaya sila pumapayag ligawan ka,” protesta ni Menchu. “Syempre may iba pang dahilan.”

Umismid siya. “Dahil seksi na ako ngayon at maganda? Kung gan'on kababaw ang standards ng mga tao sa pag-ibig, hindi na lang ako iibig!"

"Hus, sobra ka d'yan. Alam mo namang kaya kami nagkagustuhan noong una ni Gilbert kasi pareho kaming pagkagagandang mga tao," bira nito sa kanya. "Mabuti na lang at ang gwapo ng asawa ko, dahil kung hindi, hindi ko rin malalaman na napakabuti rin niyang hubby at daddy."

Tinirikan niya ito ng mga mata. "Mabuti na lang na magaganda kayong mga tao dahil ang popogi ng mga inaanak ko!"

Tumawa ito. “Iyon pa. Pero hindi mo makukumbinsi ang mga sisters na tigilan ka dahil wala ka rin namang pinakikilala sa kanilang iba. Hindi namin kayang maniwala na walang nanliligaw sa ‘yo sa Maynila, ano? Bakit ba kasi hindi ka man lang nagbo-boyfriend para tumigil na sila sa pag-aalala? 'Yung huling umakyat ng ligaw sa 'yo, sobrang delicious. Modelo pa. Hindi ka man lang ba nakadama kahit konting katal noong nililigawan ka n'ya, ha?" 

Nagbuntunghininga siya. “Alam mong isang lalaki lang ang nagpangatal sa 'kin, 'no? At ikakasal na ang pobre, tapos nasa kabilang parte pa ng mundo. Hindi na nga umuwi, hindi pa ako nahintay.”

Natawa na naman ito. "Pa'nong maghihintay, ni hindi niya alam na head over heels ka sa kanya n'on? Ni hindi nga n'ya alam na babae ka pala, eh."

Nagbuntunghininga na naman siya. "At kung nalaman niya, baka ni hindi niya ako gustong makita. Baka tinawanan lang niya ako. Baka nandiri siya sa mga pagkakataong ang bait-bait niya sa akin at pinagluluto pa niya ako ng chicken noodles o pinag-i-stock ako ng merengue kapag tumatambay ako sa kanila para labanan siya sa play station, dahil iba pala ang nasa isip ko. Minamanyak ko na pala siya!"

Ito naman ang nagbuntunghininga.  “Bestfriend, hindi naman siya gan'on. At hindi ka rin gan'on."

Nagkibit siya ng mga balikat. "Sinong babae ang hindi maaakit sa isang gaya niya, aber?" At nagbuntunghininga siya ulit. Si Nathan ang nag-iisang lalaki, at tao, sa buhay niya noon ang hindi niya pinagdudahan noong naging kanyang kaibigan. Isa itong "kuya-kuyahan". In fact, siya noon ang may ibang intensyon kapag magkasama sila. He was so cool, so handsome, so smart, so kind... at mamatay siya sa kahihiyan kung kahit konti ay naghinala ito sa mga pinag-iiisip niya sa gabi tungkol dito bago siya makatulog yakap ang hegante niyang hotdog na unan. 

"Oy. Twenty-six ka na. Once touched, once kissed ka pa lang ‘mantalang ako, tatlo na ang tsikiting.”

Napasimangot siya bigla. Isang foolish na pagkakataon noong namayat na siya na sumama siya sa isang party. Sa party na iyon, nalasing siya, at pinayagan niyang halikan siya at himasin nang isang gwapong sophomore. He was a good kisser, pero nawala iyong tama ng beer sa kanya sa himas. Sabi nang iba, normal namang nahahawakan ang babae sa gan'on kapag nagme-make out. They even had a call for it. Necking. And you could call the shots. Hindi abusado ang sophomore na iyon na ni hindi nga niya maalala ang pangalan. 

Pero hanggang ngayon, tuwing naaalala niya iyong nangyari, meron pa rin niyong residue ng pakiramdam na marumi siya. Maginoo naman iyong lalaki, walang masamang reputasyon tungkol sa babae, and he genuinely liked her. Pero iyon pa rin ang kanyang naramdaman. Siguro dahil meron sa kanyang matinding paniniwala na walang may karapatang humawak at humimas sa mga buging niya kundi iyong lalaking mahal niya.

Lamang.

“Ipaalala ba ang edad at na happily married ka? Inaanak ko lahat nang pagkakapopoging mga tuta mo, 'no?” sa huli ay sita niya sa kaibigan. 

“Hmm... wala ba kami talagang dapat ipag-alala? Hindi ka talaga...?”

Naloka siya nang maunawaan ang pinupunto nito. “Menchuuuu.... babae ito!" angal niya. "Maghanap kayo nang kamukhang kamukha ni Nathan, baka ma-in love ulit ako!”

Nagbuntunghininga ito ulit. At natapos ang topic. Pero pagkatapos muna siya nitong binalaan na baka ipapikot na siya ng mga sisters kapag kinabahan na rin sa kanya. Kasi nga medyo nagdududa na rin ang mga ito sa sexual preference niya, at natanong daw ito ng mga ito kaya nagtanong din ito tuloy sa kanya…  

Napakunot ang noo niya habang natatanaw ang road signage na nagsasabi kung ilang kilometro pa ang layo niya sa bayan nila sa Laguna. Nito ngang huling mga araw, nakakaloka na ang mga pinagsasasabi ng mommy niya, na hindi siya ang nakarinig kundi ang daddy niya na nagtsitsismis naman sa kanya. Gustung gusto na raw makahawak, maghele at mag-alaga ng miniature niya. Mga kalahating dosena. Nangangarap na raw makahawak ng apo. Wala namang ibang aasahan ang mga ito kundi siya. Nag-iisang anak lang kasi siya, tapos sobrang delikado pa.

Nagbuntunghininga siya, napapailing.

Naku, baka nga mamaya, ipapikot na siya. 

Kung napipikot nga ba ang mga babae.








Chapter TWO

  
MARAMI NANG NAKAPARADANG mga sasakyan sa harapan ng bahay ni Tita Lenny nang lumusot si Carlotta sa pagitan ng mga puno ng bayabas patungo sa maluwang na bakuran ng mga ito. 

Medyo na-late siya dahil sa nadaanang aksidente sa kalsada at ni hindi na nga niya ibinaba ang bag niya sa sasakyan para ipasok sa bahay nila. Kinuha lang niya ang regalo at niliban niya ang hardin sa likod-bakuran saka lumiban sa kalsada saka lumusot sa hardin sa bakuran naman ng bahay nina Tita Lenny. Malapit lang ang mga bahay ng mga sisters sa isa't isa. Hay naku, konting lapit pa at lagot ang China. Mabuti na lamang at binoto ng mga ito si P-Noy dahil kung hindi, lagot din sana ang Malacañang. So far, ang mayor, governor at congressman pa lamang ng Laguna ang nangungunsume sa mga ito. At siya.  

Habang tumatakbo, isinukbit niya ang bag ng regalo sa kanyang balikat at mabilis niyang inangat ang buhok niya para maikipit sa isang bun gaya nang ginagawa ng mga matatandang puti na ang buhok. Flat strap sandals ang nasa mga paa niya sa halip na high heels, iyong klase na sinusuot ng mga propetang naglalakbay sa disyerto sa Saudi Arabia at parang nagpapahaba pa kaysa tunay sa mga paa. Nabili niya iyon sa ukay-ukay para sa mismong purpose na ito. Oo, talagang gumagastos siya, ha? Basta pangit, binibili niya. Pinahid niya ang lipstick sa mga labi niya at hinubad niya ang hikaw na nagpapakinang sa mga mata niya. Isinilid niya sa kanyang bulsa. 

Marami pang tao. Mabuti naman! Masesermunan na naman siya ng mommy niya kung late na nga siya, nahuli pa siya sa karamihan. Iinit na ang ulo nito sa suot na niya pa lamang. 

Maingay noong pumasok siya sa front doors. Isang hakbang pagpasok at nakita siya agad ni Menchu. Ngiting ngiti itong sumalubong sa kanya. Yakap naman siya agad dito.

“Ay, ano ‘yan?!” gulantang niyang tanong nang makadama siya nang matigas. Napalayo siya ritong parang nasundot ng spring.

Ngumiti ito nang maluwang. “Fourth, Mare.”

“Ninang ako ulit? Bakit ang bilis naman?”

“Kailan ka ba huling umuwi?” anito, naninita.

“Three months ago?” sagot niya. Tambak sila sa projects nitong nakaraang mga buwan kaya nga siya ang dinadalaw ng mga mommy niya sa Manila kung gusto siyang makita ng mga ito.

“Four. So, ninang ka ulit kung… kaya mo pa?”

Natatawa siyang humalik sa pisngi nito. “Kung kaya mo, kaya ko rin, syempre. Nami-miss ko na ang mga inaanak ko. May dala akong pasalubong. Pupunta ako sa inyo mamaya, ha?”

“Excited ka na rin nilang makita. Alam nga kasing darating ka. At ay naku, may bago akong recipe! Pinamalengke ko na si Gilbert kaninang umaga pagkatapos nung text mo kagabi na matutuloy ka. Bagong version ko ng chicken pot pie. Gusto kong matikman mo.”

“Wow… parang natatakam na ako.” Alam na alam ng kaibigan niya ang gustong gusto niya sa pagkain. Iyong may kalahok na lasa ng mushrooms. 

Bigla siyang nahila nang isa pang tao—ang kanyang Mommy. Hindi pa man siya nito nayayakap at nahahalikan ay nagrereklamo na. “I swear, anak, noong makarating ka sa Maynila saka ka nagmukhang taga-bundok. Bakit hindi mo na rin sinama sa nakatago ‘yang mga mata mo tutal nakatago na lahat?” 

Napahagikhik si Menchu sa likod nito tapos sabi: "Mabuti pa ang mga taga-bundok, labas lahat, 'no? Pwera sa natatakpan ng bahag!"

Iningusan niya ang kaibigan. "Kampihan ba 'to, ha?"

Kinurot siya ng ina. 

“Mommy naman, eh. Kumusta ka na? Ako po, mabuti. Wala akong nabanggang truck o kaya tao sa pagda-drive ko pauwi.”

Ito naman ang umingos. “Alam kong maingat kang mag-drive saka nakarating ka nga, hindi ba? May ipakikilala kami sa 'yo kaya behave ka.” Pinandilatan siya nito.

“Naman. Hindi ba man muna ako patitikimin ng icecream?” maktol niya.

Sa likod ng mommy niya, tinakpan na agad ni Menchu ang bibig bago makaalpas na naman ang tawa. Kunwari naman hindi siya narinig ng mommy niya pero hinila siya patungong buffet table at inabutan siya ng paper plate doon. “Kamamatay lang ng asawa sa America pero bata pa, ha? Twenty-nine pa lang, maykaya at abogado. Hindi nagkaanak kaya binatang binata.”

Naawa siya agad sa pobreng biyudo. And oh, that was a first. Biyudo. Ano naman kaya ang susunod? Nagbuntunghininga siya. “Mommy naman… nakapagbabang-luksa na po ba?” 

At nakurot na naman siya. “Carlotta, sumeryoso ka! Nahihirapan na akong maghanap nang eligible bachelor para sa ‘yo. Nadala na silang lahat. Baka hindi ka na makapag-asawa n’yan.”

“Aray…” Hinaplos niya nakurot na parte. “Mommy... may mga lalaki rin po sa Manila, remember?” Biyudo, juice ko?! Hindi lamang ito basta heart-broken. Asawa ang namatay. Ibang klaseng sharing ang pinagsasaluhan ng mga mag-asawa. Tapos kamamatay pa lang, eentra na siya? No way, Jose-y! Kawawa naman. Siguro masyado pang aligaga kaya nauto ng mga mommy niya.

“Kahit taga-saan pa magdadalawang-isip sa hitsura mong ‘yan,” anito, nakatingin sa suot niya sa dulo nang matangos nitong ilong.

“Mommy, may mga lalaking gusto ‘yung babaeng hard-to-get,” sinsero niyang sambit. "At kung hindi ako nagkakamali, nabaliw si Daddy n'un sa alindog mo kasi nga, masyado kang nagpa-hard-to-get, 'di ba? At kung hindi pa ako ulit nagkakamali—arraaay!"

Binitiwan ng mga daliri nito ang manipis niyang kutis. "Nuknukan kang hard-to-get kumpara sa 'kin. Pinahirapan ko ang daddy mo n'un pero hindi siya magtitiyaga kung hindi ko siya pinatikim nang pakonti-konting tikim."

Ngiwing ngiwi siya. Hindi siya magtataka kung kulay green na rin siya. "Mommy, please? Information overload, eeww!"

Pulang pula na si Menchu sa kapipigil tumawa sa likod ng mommy niya, na medyo namumula na rin. 

"Ayoko sa mga taga-Maynila," anas nito, palibhasa iyong iba sa paligid nila, umiiwas lang ng tingin pero nangingiti na rin at binibigyan siya ng "lagot ka" sign ng kamay kapag nakalampas na sa mommy niya. Minsan, nakakalimutan niyang alam ng lahat ang mga kalokohan niya gaya nang alam din ng mga ito ang reputasyon ng mga mommy niya. Malamang na may nagpupustahan pa kung sino ang mananalo sa kanila. "Ang mga pinipili ko para sa ‘yong mga tagarito, kilala ko maging mga kanunununuan at kung hindi man, mapagkakatiwalaan ko naman ang mga nagsipagrekomenda. In fact, kilala mo siya—itong bago. Kung hindi mo naaalala ang mga Delgado—kamag-anak ni Gilbert. ‘Yung kapitbahay natin dati na nag-migrate sa America noong highschool pa kayo?”

Nanigas siya bigla sa narinig. Nanigas, nanlamig, nataranta. “De-Delgado?” Isa lang naman sa mga pinsan ni Gilbert, asawa ni Carlotta, ang kung magkukwenta siya ay nasa edad na twenty-nine na ngayon, as opposed to her age of twenty-six. She was sixteen, and he was nineteen. At Delgado ang apelyido. May kinakasama ito sa Amerika, totoo. Ikakasal na ito rito. Sigurado siyang kung nakasal ang mga ito bago… my God, namatay ang fiancee ni Nathan? Sa mga mata ng Mommy niya, ang ka-live in ay asawa na. Pero… it couldn’t be him. Bakit wala man lang nabanggit si Menchu na umuwi na si Nathan?!

Biglang lumipad ang mga mata ni Menchu sa kisame noong bumaling dito ang tingin niya.

At sa sumunod ngang sandali, narinig niya ang pangalan sa bibig ng mommy niya. 

“Kababalik lang ni Atty. Nathaniel Delgado noong isang linggo at dito na raw ulit titira, d’yan sa dati nilang bahay na ihinabilin lang naman nila sa kapatid ng Daddy niya. Dito na siya magpa-practice ng abogasya pero mag-i-schooling muna yata dahil syempre, iba ang kalakaran dito sa kalakaran doon sa ibang bansa kaya tamang tama, kapag naging kayo na, makapagkikita kayo lagi sa Maynila…”

Sa halip na magbiro kung pinaplano na rin nito kung ilan at kung anong gender nang magiging mga apo gaya nang dati, nag-panic na si Carlotta. Hindi na nga niya naririnig iyong sunod nitong mga sinasabi. Desperado siyang napalingos kay Menchu para magpasaklolo pero may kausap ito. 

Nag-iisa siya!

“Mommy, hindi po ako interested,” sabi niya sa ina sa mariing tinig. My God, kapag nakita siya ngayon ni Nathan, itong hitsura niyang pindanggang ito, mamamatay siya!

Pero para lang siyang nakikipag-usap sa dingding. “Ang Daddy mo, kinakawayan ka, o. Puntahan mo muna. Hahanapin ko lang sina Melga.” At natulak siya sa direksyon ng kanyang Daddy na kausap ang barako nitong mga co-tennis players. Ang brotherhood.

Napilitan siyang lumapit sa ama, pero habang patingin-tingin sa kaliwa't kanan at sa mga sulok-sulok na parang may tinataguan. Na totoo naman. Nang makarating sa tabi ng ama, halos magtago na siya sa likod nito. 

“Daddy,” paanas na tawag niya.

Napalingos ito sa bulong, saka nagulat nang makita siya. “Carlotta?” Agad itong lumingos sa kabila, sa kanan at kaliwa. "Bakit? Ang Mommy mo ba?"

"Nakita na n'ya ako," aniya rito. 

Napaangat ang mga kilay nito at muling tumingin sa kanya. "O, anong problema? Nagkita na pala kayo?" Napatingin ito sa suot niya, kumunot ang noo, saka nagbuntunghininga. At hindi na nag-comment pa tungkol sa obvious. “Kumusta ang byahe mo? Maayos ba?” 

“Okay lang ho,” sagot niya habang nginingitian ang ibang brothers. “Hello, Tito Jess, Tito Bob, Tito Luke, Tito Yoyo.” Nangingiting binati siya ng apat. Matapos ang sandaling palitan, ibinalik niya ang atensyon sa ama. “Don’t worry, dad. Wala akong nabunggong ten-wheeler truck, na-commit kahit isang road violation o kaya nasagasaang magsu-suicide,” sabi pa niya.

"Eh bakit ka bulong nang bulong? Wala naman palang pulis na huma-hunting sa 'yo? Saka... sino naman ang susubok humarang sa ‘yo sa suot mong ‘yan?”

Ngumiti siya nang matamis-mapait na ngiti. “My point exactly.”

“Your mother should really stop,” sympathetic nitong sambit habang nagngingitian na naman ang mga buddies. Better halves ng brotherhood ang sisterhood. At laging nabo-bulldozer ng mga ito—just like everyone else. 

“So stop her,” aniya rito. Inangatan niya ng tingin ang mga ginoo. “Help me?”

Bumuka ang bibig nito, saka sumara. Biglang natahimik ang brotherhood at naging busy sa mga beer at pulutan sa mesa. “My point exactly,” pabuntunghininga niyang ulit.

“You should try your Tita Lenny’s ahm… slow-roasted Beef Tenderloin with Double Mushroom Ragout,” pag-iiba ng topic ng kanyang daddy. “Talagang masarap. Kunin mo ang recipe at ipagluto mo ako, iha. Ikaw... hindi ang mommy mo.” Pabulong na iyong huli. Nitong huling mga taon ay naging matabang na ang mga luto ng mommy niya, iniaayon ang recipe sa edad ng mga ito lalo na't nagkaroon nang konting problema sa puso nito ang daddy niya about five years ago.

Napaikot ang mga mata niya. Kung sino man ang naniniwalang mga lalaki ang dominating gender, hindi pa nakakarating dito sa Sta. Lucia. Wala siyang pag-asa sa brotherhood. Nag-excuse siya para kunwa hanapin ang birthday celebrant pero tatakas siya pauwi para magpalit. 

She was never going to meet Nathan wearing this ugly rug! 

Nasalubong niya si Menchu bago siya makatakas. Hinila niya agad ang braso nito. 

“Pambihira ka! Hindi mo man lang ako binalaan!” anas niya. 

“Ayaw mo n'un, surprise? Saka matagal ko nang sinasabi sa ‘yo na babalikan ka ng mga kalokohang ginagawa mo sa mga lalaking tagarito. O hayan, napala mo.”

"Samahan mo ako. Magpapalit ako.”

Tinawanan siya nito. “Akala ko ba gusto mong magpa-hard to get?" Napatingin ito sa likod niya, saka nawala ang tawa. "Uh-oh."

"What?"

Halata sa mukha nito ang pagkadismaya kasama ng tawa nang pabulong na sumagot. "Huli na ang lahat, bestfriend. You are sooo screwed..."

"Iha?!" excited na tawag ng Mommy niya! And of course! Hindi si Tita Melga ang hinanap nito, kundi si Nathan! 

Hinawakan siya nito sa mga balikat at wala siyang choice kundi humarap sa direksyon kung saan siya nito ibinaling.  

Isang kurap at magkaharap na sila ni Nathan.

He was Nathan. As in really Nathan. Isang fully-grown man at hindi na nineteen; medyo iba sa naaalala niya at constantly ay napapangarap. Still tall, still a little sun-kissed brown, still smartly dressed, although that seemed to have matured with him, too. Kung dati faded jeans at cotton tee, ngayon ay black denims at polo-shirt. He looked sexier. Ilang sandali itong kumurap habang napapatitig rin sa kanya. Hindi maipaliwanag ang ekspresyon sa gwapo nitong mukha. 

"Carlotta?" anito na parang tine-testing ang pangalan.

Ngumiti siya. Ngiwi yata dapat, pero pinilit niya. “Hi, Kuya.”

Nang marinig ang boses niya, nahati ang buong mukha nito sa lumarawang ngisi. Halatang hindi ito makapaniwala. "Wow, you are all grown up!" Pagkatapos ay kumunot ang noo nito. "And thin. What happened? Nagkasakit ka ba or something?"

Napaangat ang isa niyang kilay at medyo galit siyang sumagot. "Pumayat lang ako, nagkasakit agad? Hindi ba pwede munang nag-exercise?!" Gusto niyang umiyak. Magwala! Bakeeet?! Gaaahhhwwwwddd! Ang dami niyang seksing damit, iyon pang nasuot niya sa muli nilang pagtatagpo ni Nathan ay kumot na syempre, bumagsak sa kanyang seksi na ngayong katawan na parang, well, kumot!
Tahimik na talaga noon pa mang humarap siya kay Nathan. At least, ang mommy niya at sisters, tahimik. Obviously kasi gustong maobserbahan ng mga ito ang kanilang pagtatagpo ng bagong biktima ng mga ito. 

Pero matapos ang kanyang sinabi, lalong tumahimik. 

Wow. 

Awkward.



Working Title: Pag-ibig Ba'y Kristal
For Submission to: Precious Hearts Romances/Gems Imprint
Pseudonym: Noelle Arroyo