Friday, January 13, 2012

Ikaw Lamang - Precious Hearts Romances





"If you stop believing in me, I will not have anything else to hope for. Importante sa 'kin that you believe in me. At this point in my life, ikaw lamang ang importante..."

Alam ni Belle na imposibleng umibig sa kanya ang isang tulad ni Cedric Montepiedad. Guwapo ito, mayaman, overachiever, at anak ng may-ari ng hacienda sa kanilang lugar; samantalang siya ay isang simpleng barrio lass na ang tanging passion sa buhay ay magsulat ng mga kuwento. Ngunit tila ganoon ang nangyari kung ang pagbabatayan niya ay ang init ng mga halik nito sa kanya. Wala naman silang malinaw na unawaan. Gayunman, nang kailanganin nitong mag-aral ng master’s nito sa Harvard, ipinabaon niya rito ang isang bagay na napakahalaga sa kanya: ang kanyang sarili.
He promised to come back to her. Pero nalaman niyang nagkakamabutihan na pala ito at ang isang kaibigan niya na nag-aaral din sa Amerika at matagal nang may gusto rito. Ayaw niyang makahadlang sa kaligayahan nito, lalo pa’t nagbunga ang kapusukan nila…



PROLOGUE

TEN YEARS AFTER THE STORY…
There she is…
Dumating ang sandaling pinakahihintay ni Cedric. Bumukas ang pinto at lumabas ng bahay nito si Belle. Sampung taon na ang nagdaan, pero napakaganda pa rin nito. Simpleng kagandahang sa halip na mapingasan ng mga taon at mga karanasan ay parang lalo pang nadagdagan.
“You didn’t tell me she’s beautiful,” sita sa kanya ng kaibigan niyang si Grey na katabi niya sa front seats ng kotse. “Man… and you’re telling me this is all about the kid?”
Umiling siya. “Don’t be fooled by that beauty, Grey. Hindi simpleng babae o mahinang babae si Belle. Mas matapang siya at mas matatag kaysa sa ‘yo o sa ‘kin.”
“She kept the kid from you so you’d go on with your plans for your life, I get it. Ang hindi ko maintindihan, kung bakit kailangan pa niyang magtago kahit noong nakuha mo na ang gusto mo at sinubukan mo siyang hanapin.”
Nagbuntunghininga siya. “Is that really impossible? Baka meron na siyang ibang nakilala.”
“Oh. So do I detect jealousy in your voice?”
Tinapunan niya ito nang masamang tingin. “I came here to talk to her and you came with me for moral support. Remember?”
“Hindi ka makikipagbalikan sa kanya? Hindi ka manliligaw? Dude, she’s the mother of your kid.”
“Which she tried to hide from me.”
“So go and talk to her, then.”
Napatingin siyang muli sa harapan ng bahay. Kinukuha nito ang laman ng mailbox. Nakita niyang ngumiti ito nang may makita, saka napailing. Isa iyong box ng roses. Nasa koreo.
“Uh-oh. Mukhang may iba na nga siya. With a smile as sweet as that, the woman’s definitely in love.”
“Will you shut up?” naiinis niyang sambit.
“Shutting up.”
Nagdaan ang ilang sandali.
“Maybe she’s better off without me. Maybe she’s happier—“
“Pare, hindi mo malalaman kung hindi ka bababa sa kotse at hindi mo siya lalapitan.”
Napalunok siya. “Hindi ko pa rin nakakalimutan na itinago niya ang pagbubuntis niya para magawa ko ang gusto ko.”
“Then go and tell her that if you’d known, you’d much rather be with her than get another degree that would just waste away as a tablet in your display shelves,” marahan nitong sabi.
“What if letting go of her isn’t a bad thing?” Saan ba niya iyon narinig noon? Napabuntunghininga siya. Kay Belle. She believed in the goodness of everything, even bad things.
Pumasok na sa loob ng bahay si Belle. Nagbuntunghininga siya nang malalim, saka hinawakan ang manibela para buhayin ang engine ng sasakyan.
“Where are we going?” tanong ni Grey.
“I need more time to think of what I’m going to say,” aniya.
Pero muling bumukas ang pinto ng bahay at pakiramdam niya ay naririnig pa niya ang tawa nito nang makita ang mukha nitong namumula sa kasiyahan. Imagining the sound of Belle’s laugh made him hungrier than he had any right to be. Tumatawa ito habang hila-hila nang isang batang babae. Isang batang babae na alam niya kung ano ang edad.
Nine years old.
“There’s your little girl,” ani Grey sa kanya. “Now tell me, kailan ka pa magkakalakas ng loob magpakita sa kanila para malaman nilang natagpuan mo na sila?”
Dahil sa bikig sa kanyang lalamunan, hindi siya nakapagsalita.


Chapter ONE

THE STORY…
Nakakunot ang noo nang labing siyam na taong gulang na si Cedric habang nakabaling sa labas ng bintana sa backseat nang tumatakbong SUV. Wala siyang nakikita kundi ang kulay na green saanmang dako siya tumingin. Lahat ng shades ng green—light, dark, yellow green, at golden yellow na may greenish tint—mula sa madamong kapatagan hanggang sa bulubundukin na mistula’y borderline ng lugar na ito.
And it was depressing. Hindi pa man siya nakakarating sa hasyenda, naiinip na siya.
Pero hindi iyon lang ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni Cedric. He could have tolerated it at any other day. Pero pwersahan ang pagpapabakasyon sa kanya nang kanyang mga magulang sa sulok na ito ng mundo. In fact, pinatapon siya rito na parang batang wala pang kakayahan na mag-isip para sa kanyang sarili. Siya, na sa ikalabing-siyam na taon ng buhay ay nakatakda nang kumuha ng Masteral sa Harvard University.
Nakakatawa.
Ni hindi siya hinarap ng mga ito. Sa halip, pinaasikaso na lang siya sa loyal na alalay ng kanyang dad, si Andrew, na nakaupo sa tabi ng driver sa harapan at hindi na umimik matapos siyang sabihang isuot ang seatbelt. 
Like a kid.
The adults never really talked to him, anyway. At him, but not to him. It was like talking to a brick wall. Kapag hindi umaayon sa plano ng mga ito ang maririnig, nabibingi ang mga ito sa kanyang boses.
Ang nakakainsulto, pinatapon siya sa lugar na ito na parang isang suwail na anak na kailangang parusahan. “You have to slow down ang think, anak. You have to take a break,” sabi ng kanyang Mommy. Lumabas ang isang hindi makapaniwalang tawa sa kanyang bibig. Mapaklang tawa. Who would have believed that he was being treated like this right now because he has too many accomplishments?
Nag-aalala ang mga ito. Nag-aalala. Na baka raw nakalimutan na niyang bata pa siya, that he has to slow down. That however he busied himself, that wouldn’t make him forget the fact that his Uncle Tom was dead.
Gumuhit ang pamilyar na ngayong kirot—pamilyar pero hindi kailanman nabawasan—sa kanyang puso. Tumiim ang kanyang bagang. At gaya nang automatic na ginagawa kapag naaalala ang sakit, ibinalik niya sa pagmamaktol ang isip.
It was better to be angry than be hurt. He would choose anger any time of the day.
Kabibili lamang ng kanyang mga magulang sa hasyenda three months ago. He’d never been there, as his parents. Andrew arranged everything.
He wouldn’t be surprised if his mother bought the godforsaken place to be his cell—the best prison for her only son—until they forced him to do what they wanted him to do.
Ang mag-relax. Ang mag-isip.
Nakadama siya ng panic.
No, he couldn’t think. It was too painful. And he couldn’t relax. He has no right to relax. He has no right to be happy.
Napakurap-kurap siya. A sting in his eye. Namalayan na lang niyang nakatingin siya sa labas na parang umiiwas sa tingin nang kung sino kahit wala naman siyang kasama sa backseat. And then he was assailed by the mountains again.
Shit, everything was just so fucking green.
Naalala niya bigla ang childhood friend niyang si Grey. Kung kasama niya ito ngayon, the first thing the bastard would plan to do was to find a pretty village lass.  Grey would have thought an appropriate joke about the place, about the scenery, about the color. Unfortunately, his parents had shipped him to boarding school because he wanted to marry his girlfriend. And that’s that.
That seemed to have happened a long time ago, hindi noong isang taon lang. He’d left Grey behind a longer time than that. He’d left everybody behind.
Maybe it was his thoughts that were depressing, hindi ang scenery.
At ipinikit niya ang kanyang mga mata, nagdarasal na patahimikin nang kung sinong diyos ang in-charge sa ngayon ang kanyang isip.
Except noone seems to be in-charge. Lagi.
Dahil kahit kailan, hindi namahinga ang kanyang utak sa kaiisip.
NANG MAKAPASOK si Cedric sa pinto ng mansyon matapos bumwelta sa sasakyan isang segundo pagkaparada niyon, ang gusto niyang gawin muli ay lumabas sa open air.
“I have to get out,” putol niya sa welcoming speech nang tarantang caretaker. “Just… take my things upstairs. I’m going to take a walk.”
Piping tumango ang matanda. Pagpihit niya, naroon si Andrew at binigyan niya ito nang malamig na tingin. “That’s okay, right?”
“You know you’re free to do anything you want, Cedric.”
Sarkastiko siyang gumibik. “Yeah, right,” sabi niya bago niya ito nilampasan para muli ay makalabas sa bukas na front doors.
Para siyang hinahabol ng multo. Nang makatapak nang muli sa aspaltadong driveway, agad iyong nilamon nang kanyang mga paa hanggang sa nakatapak na siya sa malambot na damuhan. It was all he could do not to run.
He headed for the woods at the edge of the grounds. And for maybe about thirty minutes, he just did not mind where he was going. He just kept on walking.
Until his head cleared. There’s something about forests and woods that had always calmed him. Naramdaman niyang parang nahugas sa kanya ang tensyon at sama ng loob—pansamantala, at least—habang naglalakad nang mabilis at pinupuno ang kanyang baga nang malinis at malamig na hangin. Pumikit siya, hindi kayang itaboy ang muling pag-alala sa kanyang Uncle Tom. They always took hikes, camped, climbed mountains. Yes, they also loved horses but this… he loved being with him in forests most. Muntik na siyang mapaiyak nang maisip na napakatagal na siyang umiwas sa kahit anong klase ng greenery, immersing himself in his studies, to forget.
He’d caused his death. Siya ang may kasalanan kung bakit wala na ito. Siya.
He wished to forget but he couldn’t. He couldn’t.
Dahil ang hirap. Dahil saan man ito naroroon sa mga sandaling iyon, sigurado siyang hindi siya nito sinisisi. Hindi ang kanyang Uncle Tom. Nagngalit ang kanyang mga ngipin. Ang problema ay hindi iyon sapat para tumigil siya sa paninisi sa kanyang sarili. At ang pagkawala nito ay nananatiling isang masakit na sugat na nagnanaknak. Isang malaking kahungkagan na hindi niya alam kung paano niya pupunan.
Nasa gitna siya ng kagubatan at para siyang nauupos. Sa ganitong lugar sila madalas magtungo ni Uncle Tom. Sa ganitong lugar sila nagpapalipas nang masasayang mga oras. Hindi lamang iyon. Sa aliwalas ng hanging dumadampi sa kanyang pisngi, he could almost feel his hand, touching his face.
He’s never been anywhere where there’s so much greenery since Uncle Tom died. He shouldn’t be here.
Umalpas ang unang hagulhol sa kanyang bibig at tumakbo siya, gustong tumakas.
Napatigil lamang siya nang makarating sa gilid nang isang exposed na bangin sa kabilang dulo ng kakahuyan. He wanted to jump but he knew, as soon as he thought it, that he wouldn’t.
He wanted Uncle Tom to be proud of him, not be ashamed of him.
At doon, habang nanonood ang asul na kalawakan, hindi na niya nilabanan pa ang mga luha.
SISIPOL-SIPOL PA ang labing-anim na taong gulang na si Belle habang naglalakad sa kakahuyan. Dito siya nagdaraan dahil mas madaling makarating sa kanila sa halip na sa kalsada. Wala pa siyang makakasalubong na ibang tao.
Galing siya sa trabaho. Sa suot na maruming t-shirt, shorts na mula sa ginupit na lumang jeans at backpack sa kanyang likod, mukha siyang mas bata pa kaysa sa tunay niyang edad na sixteen. Nakasalapid pa mandin ang mahaba niyang buhok sa kanyang likod. Sa hardin kasi ng mga Aventura siya nagtrabaho ngayong araw na ito.
Tigil siya sa pagpasok. Sana’y fourth year highschool na siya pero hindi siya nag-enroll. Namatay kasi ang kanyang Mama at baon sila sa utang. Nagtatrabaho nga siya ngayon sa hasyenda ng mga magulang ng kanyang kaibigang si Casey. Marami kasing gawain sa bahay ng mga ito at doon siya tumutulong sa kung anu-ano, mula sa paglilinis hanggang sa pag-e-encode sa computer ni Tita Yeng na mommy nito. Kaibigan ng mama niya si Tita Yeng noong buhay pa ito. Ang mama niya ang mananahi ni Tita Yeng noon.
Napangiti siya, naaalala ang tudyo sa kanya ni Casey tungkol sa shortcut niyang kakahuyan. Kasi naman, basta napapasok na siya rito ay nagtatagal siya sa pag-uwi kaysa napapadali. Noong isang taon lang kasi ay may nadiskubre siyang secret spot sa kabila ng kakahuyan, isang bangin na nakatunghay sa ilog. Nagtatambay siya sa lugar na iyon dahil maaliwalas ang hangin, malambot ang damuhan at maganda ang tanawin. Nawiwili siyang magsulat. Tapos, kung alam kung saan bababa ay makararating sa ilog kung saan napakasarap maglangoy sa napakalinaw na tubig.
Isa pa sa sikreto niya ay ang kanyang sinusulat. Hindi na lang iyon short stories na ginagawa niya noong elementary pa siya, kundi isang love story na nasimulan niya bago namatay ang Mama niya at hanggang ngayon ay hindi niya matapos-tapos. Nobela na.
Paano kasi, masyado siyang nawiwili sa nakakikilig na istorya at buhay nina Gabriel at Esmeralda. Laging may bagong nangyayari kapag akala niya, patapos na. At susunggaban niya ang pagkakataong mapalawig pa ang kwento nang walang kahihiyan. Iyon talaga ang dahilan kung bakit nagtatagal siya sa kakahuyan.
Alam ni Casey ang tungkol sa kwento at tungkol sa bangin pero hindi ito mahilig magbasa kaya kinukwento na lang niya rito ang development ng kwento at hindi pa nito nararating ang bangin dahil ni hindi niya ito mapapasok sa kakahuyan. Palibhasa mayaman, delikado.
Malapit na siya sa bangin nang bigla siyang napatigil. May naulinigan siya, isang ingay na hindi pamilyar sa kakahuyang iyon.
Nagkamali ba siya, o nakarinig siya nang umiiyak na tao, nakakunot ang noo niyang tanong sa sarili. Pagkatapos ay nawala ang kunot na iyon nang muli niyang narinig ang ingay.
May umiiyak. May umiiyak talaga!
At hindi lamang iyon isang simpleng iyak. Parang hinuhugot ang iyak mula sa kaibuturan ng kaluluwa nito. Namalayan na lang ni Belle na naglalakad na naman siya, parang hinihila patungo sa direksyon kung saan nagmumula ang ingay. Palakas nang palakas iyon habang siya’y lumalapit.
Hanggang sa wakas ay nakawala siya sa kakapalan ng mga puno.
Pero hindi pa man siya nakakalabas, nakikita na niya ito.
Isang lalaki. Isang tingin dito at alam niyang hindi niya ito kakilala o nakita kahit saan dito at sa bayan kahit halos nakatalikod ito sa kanya. Mamahalin ang bihis nito at nadadala nito iyon, sa nakikita niya sa porma nito at tindig. Maganda rin ang kutis nito kahit lalaki, pantay ang pagkaputi at malinis. Mukha itong mayaman. Sina Casey lang naman ang mayaman sa malapit at ang kabilang hasyenda naman ay naipagbili na dahil nag-migrate na sa Europe ang mag-asawang matandang may-ari niyon. Kung merong bisita sina Casey, sana alam niya dahil araw-araw siyang naroroon.
Kung ganoon ay sino ito?
Napahakbang pa siya palapit, hindi natatakot. Tingin niya ay hindi ito masamang tao. Hindi tingin lang, kundi kutob. Dahil siguro sa iyak nito. Hindi niya maipaliwanag kung paano, pero may tumutugon sa kanya sa iyak na iyon. May nababagbag.
Naaawa siya rito. Sigurado siyang may nawala ritong isang importanteng tao, dahil iyon ang iyak niya noong namatay ang kanyang Mama, kahit nga handa na sila noon sa mangyayari. Kahit nagpapasalamat pa nga siya dahil hindi na ito nahihirapan pa. Namatay sa kanser sa dugo ang kanyang ina.
Ang isang taong umiiyak nang ganoon ay malalim magmahal, naisip niya. Kaya sa kaibuturan nang kanyang puso, batid niyang hindi ito masamang tao.
Pinanood niya ito nang hindi nahihiya. At nagulat pa siya nang makitang hindi pa ito isang mama. Para ngang hindi ito masyadong nalalayo sa edad niya. Kahit nakabaling ang mukha nito sa kabila, sapat na ang nakita niyang isang side ng mukha nito para makitang hindi ito matanda.  
At na hindi rin ito pangit. Napakagwapo nito.
Parang si Gabriel.
May kilig na gumuhit sa kanyang puso—kilig na agad niyang itinaboy. Umiiyak na nga ‘yung tao, kung anu-ano pang naiisip niya.
Sino kayang namatay? Pinanood niya ito, naaawa rito. At nang unti-unti nang humina ang pag-iyak nito, hindi na siya nakatiis.
Tumikhim siya.
Parang haplit na pumihit sa kanya ang ulo nito. Nang makita siya, napapitlag ito.
“Jesus fucking Christ!”
Napangiwi siya. Hindi niya inakalang magigitla ito nang ganoon. “Sorry.”
“A-Anong ginagawa mo? Kanina ka pa ba d’yan?” tanong nito habang naninigas sa pagkakatayo roon. Basa pa sa luha ang mga mata nito, namumula ang mga pisngi nito.
“Nagdaraan kasi ako at narinig kita kaya napalapit ako.” Sinipat niya ang mukha nito. Gwapo nga. Mas pa kaysa kaninang gilid lang ng mukha nito ang nakikita niya. Naku, kapag nakita ito ni Casey, tiyak na kikiligin ito rito. Ito kasi ang tipo ng lalaki na maka-crush-an nito. Habang siya, wala pa talagang natipuhan. Maliban siguro kung mabubuhay si Gabriel.
Pero hindi totoo si Gabriel, imbento lang ng imahinasyon niya. Sobrang perpektong karakter sa kanyang nobelang hindi matapos-tapos. Kahit naihambing niya ang lalaking ito kay Gabriel, para sa isang babaeng tulad ni Esmeralda si Gabriel—therefore, ganoon din ito. Si Casey na sing ganda at sing-yaman din ni Esmeralda ang bagay sa lalaking ito.
Ibinalik niya sa lalaki ang atensyon niya. As usual, lumipad na naman sa ere ang utak niya. “Okay ka lang ba?”
“No,” maikling sagot nito, na para bang wala itong panahong gustong sayangin sa pakikipagkwentuhan sa kanya. O sa kahit sino.
Pero curious siya. At kapag si Belle ang na-curious, sing-kapal nang sa kalabaw ang mukha niya. “Bakit ka umiiyak?”
May nagdaang ngiti sa mga labi nito, sobrang bilis para mapagkamalang hindi nangyari pero sigurado siyang nakita niya iyon. “Are you usually this inquisitive with strangers?” tanong nito habang naglalabas ng panyo.
“Hindi naman. Depende sa strangers. Kung mas matanda ka pa siguro, baka ni hindi ako nagpakita sa ‘yo.”
This time, hindi na naitago ang ngiting iyon. Halatang napilitan pero ngiti pa rin iyon. Mas gwapo ito kapag ganoon. “Hindi ka natatakot?”
Napaangat ang isa niyang kilay at tuluyan na siyang lumapit para ibaba ang kanyang bag sa damuhan. “Ikaw, nakakatakot? Pagkatapos kitang makitang umiiyak? Ano sa palagay mo?”
Sumimangot ito. Saka nagpahid ng luha.
Naupo siya sa damuhan at ibinaling ang tingin sa malayo para mabigyan ito ng privacy at pagkakataong i-compose ang sarili. Iba syempre iyong walang habas na panonood sa pag-iyak nito nang hindi nito nalalaman. Nakatingin pa rin siya sa malayo nang maupo ito sa hindi kalayuan sa damuhan.
“So, sinong namatay?” tanong niya.
“How do you know someone died?” tanong nito sa medyo naiinis na tinig.
Napangiti siya. “Gan’on din kasi ang naging iyak ko noong namatay ang Mama ko noong isang taon.”
Wala na ang inis nang magsalita ito. “I’m sorry.”
Sinulyapan niya ito. “Okay lang. Hindi mo naman alam, eh. Sabi ng kaibigan ko, minsan nga raw may pagkataklesa ako.”
“She’s right,” sagot nito, may amusement sa tinig. “How did she die?”
“Hindi pa patay ang kaibigan ko,” sagot niya, nananadyang manudyo.
“I meant your mother,” sabi nito, wala na ang amusement.
Mabilis itong mapikon. Obserba lang niya. “Leukemia. Na-diagnose siya na malala na. Hindi na siya nailigtas ng mga doktor,” sagot niya, hindi maitago ang damdamin sa tinig kahit sinubukan niya. Hindi yata maaalis ang sakit hanggang sa mamatay siya. Sana, matagal pa.
“I’m so sorry,” sabi na naman nito.
“Bakit ka ba sorry nang sorry? Ikaw ba ang nagbigay ng sakit sa nanay ko?” tanong niya, napapatingin muli rito.
Umikot ang mga mata nito. “Of course not. I’m sorry kasi alam kong mahirap mawalan ng ina.”
“Bakit, nawalan ka na ba ng ina?”

14 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. saan po ba pwedeng bumili?

    ReplyDelete
  3. Good afternoon po....paano po mabasa ang story ni Cedric and Belle...thanks I like the story po kasi..kaso bitin

    ReplyDelete
  4. Ang ganda nman.,bitin lang.hehehe

    ReplyDelete
  5. ganda, sana buo :-)

    ReplyDelete
  6. nice sana buong story

    ReplyDelete
  7. Pano po mabasa ng bou tnx.

    ReplyDelete
  8. i like the story and i love the author ! sana magawan din ako ng mara fairy tale na love life. hihihi

    ReplyDelete
  9. How can I read the full story???

    ReplyDelete
  10. Borgata Hotel Casino & Spa - JTR Hub
    Located in งานออนไลน์ Atlantic City, septcasino.com Borgata Hotel Casino & Spa offers the finest herzamanindir.com/ in amenities and entertainment. It also provides titanium ring a seasonal outdoor swimming www.jtmhub.com

    ReplyDelete
  11. I to yong pinaka ayaw ko...ang mabitin.

    ReplyDelete
  12. Great and I have a nifty offer: Whole House Renovation general contractor for home renovation

    ReplyDelete