“Hindi ko pa rin alam kung ano’ng ginawa ko to deserve you, pero pagod na ako sa kakaisip at kakatanong. Mahal kita… `Yon lang ang alam ko.”
Nang gabing magpunta si Anne sa bar ng kaibigan niya para sakanyang blind date ay desidido na siya sa plano niya—she would seduce her date hanggang sa may mamagitan sa kanila. Dahil gusto niyang magkaanak, iyon lamang.
Pero sa huling pagkakataon ay sinalakay siya ng takot. Hindi pala niya kayang gawin ang ganoon. At naroon si William para i-rescue siya. It did not matter that he was the president of the company where she worked; nakahanap siya ng masasandalan sa katauhan nito. Natagpuan na lang niya ang sariling sinasabi rito ang mga pangamba niya at ang mga pangyayari sa nakaraan niya na ni hindi niya magawang ikuwento sa mga kaibigan niya. Hindi niya inakalang ang pagkakataong iyon ang magiging daan upang pukawin ang mga damdaming akala niya ay hindi na siya capable na madama. At hindi niya kayang basta na lang ignorahin ang nadarama niya para dito.
Pero natatakot siyang isugal ang puso niya kay William…
Excerpt:
Chapter One
HINDI LANG KUMAKABOG na
dibdib ang baon ni Anne noong itinulak niya ang pinto papasok sa jampacked
na Yahoo‟s Bar and Grill nang
gabing iyon. Bahagya
ring nangangatal ang kanyang mga kamay at mga tuhod habang
sinasalubong ang lamig ng aircon mula sa loob pero dahil may kasunod lang
siyang grupo ay napilitan siyang tumabi para
makapasok ang mga ito.
Napatayo siya sa
isang madilim na
sulok habang tinatanaw ang
maluwang na kalooban
ng bar, ang mga
executives at mga fashionistang sosyal na umiinom ng
expensive wine at nagre-relax sa malalambot na mga couches sa mga booths, at
ang mga open laptops.
Hindi niya napigilang
mapangiti. Tama ang binibida nina Jesse
at Thea—Jesse‟s business was really
doing well. Si Jesse
ay isa sa
kanyang dalawang matalik na kaibigan sa trabaho—ang isa pa ay si
Thea—na nag-venture sa bar business kasama ang dalawang pinsan at kaibigan.
Pero patuloy pa rin ito sa pagpasok sa office dahil ito ang head ng financial
department ng korporasyon—kung saan sila nito kasama ni Thea—na pag-aari nang
mayamang angkan nito, bukod sa
na isa itong
actual stockholder. Katuwaan
nga lang ang
venture na ito
na hindi akalain
ng mga itong papatok nang ganito. The first time she
was here was during the opening. Ngayong gabi ang ikalawang beses na nakarating
siya rito.
And what am I doing here again?
Moot question.
Alam niya kung
bakit siya naroroon.
Hindi lang siya makapaniwala na ito
na ang resulta
nang isang ideya
lang na naisip
niya a few months ago.
Which brought her
thoughts to her other friend, si Dorothea, na supposed to be ay makakatagpo
niya rito dahil ito ang may kilala at magsasama sa kanyang makaka-blind
date.
At sa naisip, nagbuhol
ang kanyang paghinga kasabay nang pagkabog ng dibdib niya.
Kaya ko ‘to… kaya ko... sabi niya sa sarili sa kanyang isip habang
napapapikit. In this case,
the end justified
the means, hindi
ba? Ito ang exception to
the rule. More than anything else
in the world right now, ito ang kanyang gusto.
Kung siguradong sigurado kang
ito nga ang
gusto mo, bakit nangangatog
ang mga tuhod mo?
Nagbuntunghininga siya.
Because she has never done anything like
this before nor did she ever imagined she could even think of doing this. Pero
napag-isipan na niya lahat at ito
na ang pinakamainan
na paraan para
makuha niya ang
kanyang kailangan.
Isang beses lang naman
niyang gagawin… with a virile, definitely fertile man, preferably tonight
if she could
manage it, katwiran
niya sa sarili
niya for the umpteenth time. Fertile siya tonight,
bahagyang nangangatal niyang naisip.
At pagkatapos
niyang makuha ang
kanyang kailangan—isang healthy
sperm cell—it would be very easy
to say she did not want to go out with
him again. Na hindi sila nag-click—uso pa ba ang ganoong term ngayon?
Walang rason para hindi nito isipin na
hindi siya safe.
Sa panahong ito,
hindi normal sa isang
babae ang sadyaing magbuntis nang walang asawa and she‟s not
talking about the scandal that would make.
Sa panahong ito ng
modernong mga kababaihan, simpleng career ang inuuna at ang desisyong magkaanak
ay hindi na nakasalalay lang kung may asawa na o wala pa. May mga dalagang nang
maayos na ang career ay nag-aampon. Umuuso iyon sa mga celebrities at
mayayaman. Hindi na iyon masasabing absurd.
Itong naiisip
niyang gagawin niya
ngayong gabi para
magkaroon siya ng
baby ang absurd, not
to mention bordering
on crazy, kung
malalaman ng kanyang
mga kaibigan.
Yes, yes, that‟s it. It
should be easy. Aakto lang siyang infatuated, really taken with the guy.
If he would start flirting, sasakay siya. Kasi kung siya ang magsisimula baka abutin
sila ng Pasko,
nangingiwi niyang amin
sa sarili. Hindi
iyon isa sa mga
natutunan niya sa buong dalawampu‟t limang taon ng kanyang buhay, unfortunately.
Tapos kapag hinatid na
siya nito sa bahay, she would invite him inside. Kunwari aalukin niya
ito ng kape.
It should be
fairly easy to
tell him that
she wanted sex, right? Dahil wala nang ibang tao, hindi
na naman siguro siya masyadong mahihiya. Of course she would have to drink
something para lumakas ang kanyang loob. And then, kapag pumayag ito, she would
just have to close her eyes…
Her mind refused to
continue from there, at nagbubuntunghininga, nagmulat si Anne.
Para mapapitlag sa
pagkagitla.
“Jesse! Jesus!”
Napahawak siya sa kanyang dibdib.
Naroroon ito
sa harapan niya. Matangkad ang
lalaki, kinailangan pa
niyang iangat ang tingin niya para makita ang nakangisi nitong
mukha.
“So you‟re really
doing it?”excited nitong tanong.
Napabuntunghininga siya.
Hindi na siya magtataka kung malalaman niyang nag-bet pa ang dalawa kung darating
siya o hindi ngayong gabi sa “date” niya. “Yes, I’m doing
it,” sagot niya. Walang alam ang dalawa tungkol sa kanyang hidden agenda at wala
siyang intensyong sabihin iyon sa mga ito. They were very protective friends, parang kuya
at ate niya
at hindi nakatulong
na pinakabata siya
at pinakamaliit sa kanilang tatlo. Okay nang sa palagay ng
mga ito, she was being very brave in finally moving on from the past and going
out on this date. That was making them happy for her. Hindi niya gustong
mataranta ang dalawa at isiping nasaan ang mga ito nang magpakita siya ng
senyales na naloloka na siya. Dahil tiyak na iyon ang unang iisipin ng mga ito
kung alam ng mga ito.
Kaya hindi niya
sasabihin.
“How do I look?” tanong
niya sa lalaki.
Inisang tingin lang siya
nito. “Very beautiful but…” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya nito.
“You need a drink. Wala pa sila, thank God. They can’t see you like this. Namumutla ka, Anne. Para
kang makikipag-date at gunpoint.”
And they couldn’t have that, could they? Kailangan mukha siyang eager. Kailangang mukha siyang
confident. Men like confident women, iyong mukhang alam ang gagawin lagi. She
was going to seduce this guy. She has to look convincing.
She needed that drink.
Mabuti na lang at narito
si Jesse.
Sa kabila nang dami ng
tao, maluwang ang lugar. Naaamoy niya ang bango ng grilled meat at spices
kalahok ng mga pabango. Ngayong nasa gitna sila ng mga tao, mas malakas ang
amoy ng pabango kaysa alak.
Nakarating sila sa wakas
sa booth na sinasabi nito at pinapasok siya nito sa isa sa mga
couches na naka-fixed
sa pwesto palibot
sa square-shaped table
na halos sing-baba lamang ng mga
tuhod niya.
Nang maupo siya, saka
lang niya napansin na merong isang kopita ng alak sa kabila niya—at isang
lalaking kaswal na nakaupo roon, naka-stretch ang mahabang biyas pababa sa
sahig, nakatingin sa kanya.
Muntik na namang
mapatayo si Anne. “Sir!”
Napalitan ng amusement
ang boredom sa gwapo nitong mukha. Madalas makita ni Anne si William Angelo
Calvalho. Una ay dahil pinsang buo ito ni Jesse at madalas itong sumaglit
sa office nila dahil
sa kung anu-anong
dahilan. Both in their
early thirties, malapit ang dalawa sa isa‟t isa.
Pangalawa ay
dahil ito ang
big boss ng kompanya—as in the
President of Calvalho Enterprises.
May dalawang taon
na rin itong
nalagak sa pwestong
iyon prematurely nang biglang namatay ang ama sa heart attack. The
family liked the way he‟d done things and he stayed. Mas gusto ng mga elder uncles ang golf at
mas leisurely na pamamahala
sa iba pang
mga negosyong under
ng kompanya at hinayaan na ng mga ito ang big position sa
young Calvalho na talaga namang bata pa ay hinahanda na ng ama nito sa posisyon
ng pamamahala.
Pero iyon ang unang
pagkakataon na nakita niya ito sa labas ng office. Parang bahagyang nasurpresang
napagmasdan siya nito,
siguro dahil for
once, nakasuot siya ng seksing
damit.
She was wearing a
sleeveless pink dress, maigsi nang konti sa tuhod niya ang haba at hindi man
fit na fit ay malambot ang tela kaya sumusunod din iyon sa hubog nang kanyang
katawan. She doubted she
could wear this dress when
it was displayed on the
mannequin. She never had
the guts to wear anything
that look that… hot, ang word na ginamit ni Thea, namumula niyang
naisip. Pero kinumbinsi siya ni Thea na isukat iyon and one look at herself in
the mirror convinced her that she could, maybe, pull her secret plan through
kung suot niya ang damit na ito.
Iyon lang
ang inasahan niya.
Hindi niya inasahang
dahil sa damit
ay titingnan siya ni Sir William
na parang noon lang siya nito nakita.
Tumango siya sa kung
anumang sinasabi sa kanya ni Jesse at nawala ito. Kung alam niyang iiwan siya
nito kasama ang pinsan nito, sana umiling siya. Nakakaasiwa kaya ang pinsan
nito.
Gwapo ang kaibigan
niyang si Jesse in a way na kapag sinabing Calvalho Men, ibig sabihin gorgeous
men. But there was always something about Sir William that when he entered a
room, everything and everyone else
just seemed to deem in comparison
or were relegated into a
corner, unnoticeable because you’d only be focused
on him.
Alam niyang isa iyon sa
dahilan kung bakit effective itong leader nang kompanya bukod sa obvious
requirements na mayaman ito at
matalino—finished Business Administration from
Harvard University Business
School a year before he should have. But as if those weren‟t enough,
he was also sinfully sexy, blatantly handsome and had the hottest
bedroom voice she‟d ever heard.
At ang
magnetism na iyon ang
dahilan kung bakit
kapag nasa loob ito
nang isang room, ramdam na ramdam ng mga babae na ang mga ito ang lesser
gender.
Yep, the one who ironed
the clothes and cooked the dinner and wore the nightie to bed for the hubby.
She would bet that even the most accomplished woman she knew would
feel ready to
commit to married
life if this
man was going
to be the other half of the committee.
Pero siya lang si Anne
Reynoso, isang common accountant and employee. Hindi siya sanay sa mga lalaking
gaya ni Sir William, o na tingnan siya
nito for the first time bilang ang flower na biglang nagkaroon ng kulay sa
wallpaper. Dahil definitely, nakatitig ito ng mga sandaling iyon at nagsisimula
nang pawisan ang kanyang noo.
“So… you and Jesse are
going out.”
Parang binuhusan si Anne
ng tubig. So that was it? Iyon ang dahilan kung bakit ganoon ang titig nito sa
kanya? Muntik na siyang matawa sa relief.
Pero napangiti
siya, hindi man
outright na natawa. Kasi
natutuwa siya sa pagkakamali nito. Sila ni Jesse? He he.
Baka sina Jesse at Thea. Hindi pa nga lang alam ng mga ito iyon at one of these
days, sana magkabistuhan na. “Hindi. I have a date pero hindi si Jesse.”
Pero nanatili itong
nakatitig sa kanya na parang naghihintay itong magbigay siya ng presentasyon or
something. “So who‟s this date? Mukhang late.”
“That rhymed,”
sambit niya sa
halip sumagot sa
tanong. Bakit ba ito
masyadong interesado sa
kanyang social life? Hindi niya
gustong magkwento tungkol sa
kanyang personal na buhay, lalo na tungkol sa kanyang date. Lalo’t ni hindi pa nga niya ito nakikilala.
Ngumiti ito na parang
alam nito ang iniisip niya, dahilan kung bakit namula siya. “You shouldn’t wait on a man, Anne. It isn’t right. Lalo na kung first date,”
marahan nitong sabi sa kanya.
Napatitig siya
rito kasi, he actually
sounded like he
really cared. Dahil doon, hindi siya nainis sa patronizing tone
nito. Also, she never realized he knew her first name. Laging Miss Reynoso ang
tawag nito sa kanya sa trabaho. “P-Pa’no mong nalamang first date?”
Ngumiti ito. “You have
that look.”
She suddenly wanted to
look at the mirror. “W-What look?” tanong niya, natataranta. First date
look o iyong
look nang isang
taong may tatlong
taon nang hindi nakikipag-date?
Gosh, mahahalata kaya iyon nang makaka-date niya?
Bago ito
makasagot, may nagbaba
ng wine flute sa kanyang
harapan. Gulat siyang nag-angat
ng tingin kay Jesse.
“Chardonnay,”
anito.
At nahulaan niyang iyon
ang tinanguan niya kanina, kung anong wine ang gusto niya. Gusto niyang
tanungin kung matapang ba ang wine dahil madali siyang maliyo sa alcohol pero
nag-hesitate siya. Baka kung ano na namang mahalatang “look” sa kanya nang
intrimidido nitong pinsan
kung magtatanong siya
nang isang dorky question gaya nang “Fourteen ba o forty
percent ang alcohol content ng wine ko?”
Bumagsak naman si Jesse
ng upo sa kanyang tabi. “Bakit kaya wala pa si Thea? She’s usually the first one inside that door on a Friday night.” Tumingin
ito sa direksyon ng pinto pagkatapos ay may kinawayan doon. Napalingos
siya, pero hindi alam ang mararamdaman
nang makitang hindi
si Thea ang
kinakawayan nito kundi ibang kakilala.
Dios ko, mamamatay
yata ako sa
suspense. Bakit kasi hindi
na lang siya umampon, naiimbyerna
na niyang tanong
sa sarili kahit
naisip na niya kung bakit noon pa.
Gusto niya ng baby na
mula sa kanya. Gusto niyang maranasang ipagbuntis ito sa loob ng siyam na
buwan, mag-labor para mailabas ito sa mundo at marinig ang unang iyak nito
paglabas nito sa kanya—she wanted the whole works.
Gusto niyang makita sa
mukha niya iyong ngiti sa mukha ng Mama Benita niya noong isilang siya nito sa
mga pictures na pinakita nito sa kanya noong nanganganak ito sa kanya. Iyon ang
mga gusto niyang marasanan at hindi mangyayari iyon kung aampon siya nang ibang
bata.
Mabuti na
lang at naging
abala ang magpinsan
sa pagkukwentuhan tungkol
sa isa pang pinsan
na nag-mountain climbing sa
kung saang bundok sa
ibang bansa. Pasimple siyang
nagpilit mag-relax bago siya maingat na sumimsim sa kanyang wine glass.
Not bad, naisip
niya. Sa kaba,
hindi siya masyadong
nakakain ng dinner
sa apartment niya kanina.
The wine could
help steady her
nerves, help her
relax. Sumandal siya sa couch at ipinikit niya sandali ang kanyang mga
mata.
Naisip niya si Thea,
kung paanong sigurado siyang hindi ito magre-recommend ng date
na hindi nito
kilalang kilala. At kung
sakali, naroroon si
Jesse at sigurado siyang kikilatisin din nito kung
mabuting tao ang date niya.
May konting alam ang mga
ito sa nakaraan niya. Na gaya ng mga ito, at about the same time ay
na-heartbroken siya. Na iyon ang dahilan kung bakit umalis siya sa dating pinagtatrabahuhan at
lumipat sa Calvalho‟s noong nagkaroon ng opening doon. Birds of the same feather
flock together, ika nga. Nakita agad ng dalawa ang signs. Iyon ang
unang dahilan kung bakit
sila naging magkakaibigan agad. Ang
iba pang mga dahilan ay simpleng dahil magkasundo ang mga ugali nila.
Still, they
did not know.
They did not
know about her
secret. Kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya
nagde-date, hindi nag-iisip mag-boyfriend.
Kung bakit mas gusto
niyang magkaanak nang walang asawa.
Namalayan niya habang
nag-iisip nang malalim at nakapikit na hindi niya naririnig ang tinig ni Jesse
kaya napamulat siya.
Nang makita niyang
nakangiting pinanonood siya ni Sir William,
lumipad ang karampot na relaxed
feeling na na-achieve niya sa sandaling pagpikit.
Natatawa ito. “Pasensya
ka na, busy ang pinsan ko at palayas-layas siya. I did not mean to watch you. I
have to remind you, though. Hindi magandang lugar ang bar to take a nap.”
“Hindi ako natutulog,”
maktol niya sa mahinang tinig.
“Good. Talk to me?”
Tumingin siya
rito at kahit
yata nakasalalay roon ang
kanyang buhay, honest-to-God, wala siyang maisip na
sasabihin dito. As in biglang nablangko ang kanyang utak.
“Mag-isa ka lang pumunta
rito?” encouraged ng bedroom voice.
“O-Oo.”
“Taxi?”
Tumango na naman siya.
“Halata rin bang hindi ako marunong mag-drive?”
Halatang nagulat ito.
Tapos tumawa ito nang malakas.
Great. Pinagtatawanan
siya nito. Just great. Pero nakakatuwa ang
hitsura nito habang tumatawa at napangiti na rin siya sa halip na mainsulto
pa.
Nagbalik sa
mesa si Jesse at nagbaba ng
pagkain sa harapan
niya. “Chicken Mushroom
Stroganoff, my recipe.” Ngumisi ito sa kanya. “Look, eat at tatawagan ko si
Thea sa labas,
masyadong maingay dito.
She really should
be here by
now. Sandali lang ako.”
At naiwan na naman siya
sa pinsan nito.
“Eat. It‟s really
good.” Walang duda na utos iyon kahit nasambit ang mga salita sa
pinaka-gentle na tinig.
At nahulaan
niya bigla kung
bakit ang bait
nito sa kanya.
Kung bakit ito gumagawa ng conversation. Kung bakit siya
nito inaabala kahit pwede naman itong umalis at wilihin ang sarili sa ibang
taong hindi boring na gaya niya.
Halatang halata
nitong ninenerbyos siya
gaya nang pagkakahalata
sa kanya ni Jesse.
“Eat,” anitong
muli, this time
sa tonong parang
susubuan na siya
nito kapag hindi pa siya sumunod.
Tumingin siya
sa kanyang plato,
sa mukhang masarap
na pasta dish
na naroroon, at hindi na siya sigurado kung makakaya pa niyang gawin ang
balak niya. She couldn’t even convince the first two men she’d
met tonight that she could go through this date.
“Okay,” sambit niya sa
mahinang tinig.
Saka niya kinuha ang
fork sa plato para magsimulang kumain.
Available in National Bookstores and Precious Pages Stores nationwide.
No comments:
Post a Comment