Showing posts with label romance. Show all posts
Showing posts with label romance. Show all posts

Wednesday, April 8, 2015

Blood Witch 1: The Witchling (teaser and excerpt) - Noelle Arroyo

Hi, readers!

Here's a new series from me. I've already sent the draft of the first book to the editors. My fingers are crossed, hope it'll get approved!

(***Please take note that this is only a draft. It might change, depending on the editors and whatever is needed on revision. But... ENJOY!)




(photo credit: Shutterstock)



THE WITCHLING
(Blood Witch 1)


Noelle Arroyo

Teaser:

There are witches, and there is Witch.

Namumuhay ng normal si Bettina, iyong klase ng kanormalan na nae-enjoy nang isang anak mayamang gaya niya. Nagtatrabaho siya sa kompanya ng pamilya, umuuwi sa bahay niyang sarili, at paminsan-minsan ay lumalabas kasama o hindi ang kanyang stepsister na si Veronica na isa ring malapit na kaibigan.
And then one night, she meets the handsome, virile, magnetic and mysterious Barron MonTierra.
At si Barron ang nagbukas ng kanyang mga mata sa mga bagay na hindi kayang basta tanggapin ng kanyang isip – tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, tungkol sa kanyang bloodline, at tungkol sa iba pang nilalang na gaya niya na nagtataglay ng magick at nabubuhay na parang mga imortal gaya nito. They call themselves Magickals. At na si Bettina ay isang witch.
But there is more to it all. Unti-unting natuklasan ni Bettina na hindi lang siya isang normal na witch. 
Habang sa dako pa roon, nararamdaman na nang ibang Magickals ang paggising ng kapangyarihan sa dugo ng Witch na hinihintay-hintay magbalik upang muling mabuo ang Unang Trono, at habang may nagpaplano ng selebrasyon, may nagpaplano rin ng paglipol...




“We live in Secret. We live in Silence. And we live Forever...”
Luis Marques, Asetian Bible

Terms:
Witch – ang tunay na kapangyarihang sumalin sa katawang lupa para mabuhay. Ang unang Witch, si Mireaia, ay nabuhay sa katawang sinilang mula sa isang human witch at isang Magickal.
witches – mga babaeng Mundi mula sa linya ng mga ancient human witches na may magickal powers. Madalas silang nagiging Priestesses kapag dumating na sa tamang edad. Maaari ring itawag sa mga female magickals na may malalakas na magickal powers, lalo na ang mga PureBloods.
Majikal/Magickal – mga tao/nilalang na pinanganak mula sa mga bloodlines na nabubuhay nang matagal, o makokonsiderang mga imortal.
PureBlood/Blood – mga Magickal na pinanganak sa royal bloodlines; katumbas ng royal blood o dugong bughaw ng mga Mundi sa mga bansa ng mga pangkaraniwang tao sa Lumina Solare.
Mundi – mga pangkaraniwang mga taong nakatira sa Lumina Solare na walang mahika sa dugo pero may kakayahang lumikha sa pamamagitan ng siyensa. Ilan sa mga matatalino at sensitibong Mundi ay nakababatid sa eksistensya ng mga Magickal. Ang karamihang natitira ay walang alam tungkol sa mga ito.
Warlock Lords – mga lalaking Magickal na pinanganak sa linya ng mga PureBloods. Noong panahon, tinawag din silang mga Warlords dahil sa kanilang pangunguna sa mga digmaan ng mga Magickal PureBloods sa ilalim ng Unang Trono laban sa mga rebeldeng Magickal Bloodlines.
Witch Princesses – mga witches na pinanganak sa linya ng mga PureBloods.
Lumina Solare – mundo/dimensyon ng mga buhay.
Lumina Slaba – mundo/dimensyon ng mga namatay na Magickal kung saan naninirahan ang mga ito sa ilalim ng araw na natatakpan ng buwan, o ng eternal eclipse. 
Alamat ng Abyss – ang kawalan na tinutungo ng mga namatay na Mundi. Dito rin nagtutungo ang undead na Magickal kapag isinuko na nila ang kanilang mahika para muling isilang sa dimensyon ng Lumina Solare sa bagong katauhan.
Eshikhan Desserts – disyerto sa Lumina Solare kung saan matatagpuan ang mga Eshikh, mga nilalang na may pakpak na parang sa mga paniki, maitim ang balat at kulot at maitim ang buhok. Sila ay magigiting na mga mandirigma at mabalasik kapag kaaway. Kapag nag-aalumpihit ang mga insekto, sinasabing nasa malapit lang ang mga Eshikh.
Speirian Skies – matitirik na mga bangin at rock formations na tirahan ng mga Speiro o mga angel-like beings dahil sa klase ng pakpak meron ang mga ito, kulay gintong buhok, maputing balat at kulay asul na mga mata. Gaya ng mga Eshikh, magigiting rin silang mga mandirigma, pero mas ispiritwal kaysa ibang mga Magickal, at mas madalas makisalamuha sa mga Mundi sa likod ng glamour para maitago ng mga ito ang pakpak. 
Fae – mga nilalang na nagmula sa mundong matagal nang kinalimutan ng panahon. Naunang namuhay ang mga Fae sa Lumina Solare bago pa man nakuha ng lupain ang pangalang ito, at ang bloodlines ng mga human witches ay sinasabing direktang nagmula sa mga royal bloodlines ng mga Fae nang makisalamuha ang mga ito sa mga tao. Kilala rin sa ngalang Fairies.



Ang Alamat

May mga witches.

At may Witch.

Ang alamat ng Witch ay tungkol kay Mireaia, at tungkol sa una at ikalawang circle ng Unang Trono ng mga nilalang na Magickal.

Sinasabing si Mireaia ay hindi pangkaraniwang witch, sa halip ay mula sa marubdob na kahilingan nang makapangyarihang mga Magickal na makasama ang tunay na Witch… maging reyna ito, asawa, kapatid, kaibigan, at pag-asa para sa isang hinaharap na malaya at matuwid para sa lahat.

Nabuo ang pisikal na katawan ni Mireaia sa pagsisiping ng High Priestess na si Morgana at High Priest na si Lucius sa gabi ng Spring Equinox. At mula sa bata ay nakita na agad ang palatandaan ng Witch hindi lamang sa isang birthmark, kundi sa pinakita nitong kapangyarihang hindi mapantayan nang kahit sinong Magickal sa kabila na isa itong Mundi. Taglay din ni Mireaia ang pagmamahal na hindi matatawaran at kabutihan sa sinuman o anumang nilalang, at handa ito laging magsakripisyo para sa mga minamahal. Sinasabing ang unang panahon ng mga Magickal ay puno ng panganib dahil sa tyranny nang mas makapangyarihang mga Magickal na nagtangkang sumupil sa mas mahina, at ang Unang Trono ay isang propesiyang lumabas sa bibig nang isang makapangyarihang seer nang magsimulang humiling ang mga Magickal sa kanilang mga pagdarasal nang isang tagapagligtas.

Nang magdalaga si Mireaia, siya ang naging Reyna nang Unang Trono, ang tronong binubuo ng Pure Magickal Bloodlines sa lupain ng Lumina Solare. Ang unang circle sa Unang Trono ay binuo ng Reyna sa pinakamataas na pwesto, ng High Priest na si Lucius, ng Consort mula sa angkan ng mga MonTierra na si Zyrus, at ng Warlord Guard na si Marcus na isang half-blood na Speiro at Eshikh. 

Ang sumunod ay ang circle na binubuo ng 13 witch daughters mula sa angkan ng Fae, at 13 warlord princes mula sa iba pang Magickal Purebloods kasama ang MonTierra.
Sinubukang kopyahin nang ibang mga magickal bloodlines sa ibang mga lupain ang Unang Trono ng Witch Queen, na ang unang dahilan ay para maibagsak ang nauna at maghari sa Lumina Solare. Pero lahat ng mga nagtangka ay nabigo. Pagod na ang mga Magickal sa pagdanak ng dugo. Pagod na ang lahat sa karahasan at kawalan ng hustisya. At naibagsak ang mga manggagaya dahil nanguna ang Unang Trono sa pagsugpo sa mga ito.
Ngunit sa kabila ng kapangyarihan ng Witch, dahil ang pisikal nitong katawan ay mula sa lupa at mahina para hawakan ang kapangyarihan nang matagal, tumanda si Mireaia gaya nang pangkaraniwang Mundi at namatay.

Sinasabing nagbalik ang Witch Queen nang ilang beses sa sumunod na mga milenyo para muling makapiling ang kanyang una at ikalawang circle, kahit sa pagdaan ng mga taon ay tuluyang nalagas ang Unang Trono at nagkaligaw-ligaw sa iba ibang lugar sa Lumira Solare ang descendants ng mga ito dahil sa nakakaalarmang pagdami ng mga Mundi at pag-unlad ng teknolohiyang hindi tumatakbo sa pwersa ng mahika.

Nang dumami ang Mundi nang higit pa kaysa mga Magickal, itinago ng huli ang kanilang kapangyarihan para makaiwas sa unang mga digmaang naganap noong panahon dahil sa pag-iimbot sa kapangyarihang hindi nararapat sa mga nauna. Iyon ang hinihingi ng panahon at mapayapang pamumuhay. Pero manaka-naka, umuusbong ang ilang mga rebelasyon at rebelyon. Pero dahil sa pagpupursige ng nabuong makapangyarihang coven na pinamumunuan pa rin ng mga nabubuhay pang mga myembro ng Unang Trono, naitatago ang mga iyon sa mga mata ng mga Mundi.

Pero sa paglipas ng panahon at pananahimik ng Unang Trono ay unti-unti ring muling nakapagbuo ng pwersa ang mga rebeldeng Magickal palihim sa coven.
Ang sa kasalukuyang panahon, binubuo na muli ng mga ito ng isang tronong muli ay susubok sa coven ngayong wala nang Unang Trono…

Sa kasalukuyan magsisimula ang kwento.





Chapter ONE

MAALINSANGAN ANG GABI sa isang urban neighborhood sa lunsod ng Maynila. Malalaking mga bahay, magagarang mga kotse sa mga garahe, at well-maintained na mga lawns ang makikita sa binibigay na liwanag ng perpektong nakahilerang mga post lamps sa gilid ng mga kalsada. 
Pero sa isa sa mga residensya roon ay masyadong maingay at maliwanag. Maririnig ang tugtog ng racy music mula sa loob at umaalpas sa mga bintana ang liwanag ng strobe lights at kaleidoscope. May party na nagaganap sa residenteng iyon, isang eleganteng restored manor house sa isang napakaluwang na real estate property, at pag-aari ni Elektra Madrid. 
Pero sa mga matagal nang nakatira sa subdivision, normal na ang ganoong mga pangyayari. Isa pa’y kilalang pilantropo at generous ang sikat at bilyonaryang businesswoman na si Elektra Madrid. Isa itong kilalang designer na may-ari ng ilang branches ng store na nagma-market ng clothing, perfumery at jewelry line dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. 
Napakarami nitong mga kaibigang puro sikat. Walang basta magrereklamo kung naiistorbo sa konting ingay o gulo kung kasama sa party ang mga anak ng mga kapitbahay nito. At ang mapadalhan ng imbitasyon ay nagpapahiwatig ng imbitasyon sa sirkulo nang isa sa pinakasikat at pinakamayanag elitista sa bansa. Sinong magrereklamo?  
Maraming mga SUVs ang nakaparada sa driveway, pero maliban sa iilan, kapansin-pansin ang dalawang babaeng umaakyat sa mga baiting patungo sa nakabukas na mga front doors ng Manor House. Hindi alintana ng dalawa ang alinsangan o ang ingay, o kung sakali man ay masyadong nakatutok ang mga ito sa bulungan para mapansin pa ang ibang mga bagay. 
Ang dalawa ay ang stepsisters na sina Bettina at Veronica. Pinag-iisipan pa rin nang mabuti ni Bettina kung bakit siya naroroon, habang si Veronica naman ay bahagya pang nagngungulngol na nahila ito sa ibang party para samahan siya rito. 
“I told you, you didn’t have to come with me. Sana hindi ko na sinabi sa ‘yo.”
“Are you serious? You don’t come to parties like this. What if you come into something seriously fucked? Baka bawiin ni Tito Fredo ang Firebird ko!”
“No, he’ll not.”
“Sino kayang fucked up ang nagpadala sa ‘yo ng text message na ‘yon?”
“I don’t know. Pwedeng ikaw. Stop cussing, will you?”
“Ako? Bakit ako?”
“Alam kong ayaw mo kay Ryan.”
“I don’t really not like him. Siguro playboy s’ya dati, pero alam niyang kapag nagloko s’ya sa ‘yo, lagot s’ya kay Tito Fredo.”
“No, of course not. Hindi nakikialam si Dad sa social life ko.”
“Walang dapat ipag-alala si Tito sa social life mo, I know,” natatawa nitong sabi. “Saka gusto s’ya ni Tito, kaya kung gagawa siya ng kalokohan sa unica hija nang isang powerful businessman, siguradong lagot s’ya.” May sinabi pa ito sa mahinang tinig at tiningnan niya ito. “What?” mas malakas nitong sabi.
“What did you just say?”
“Wala.”
“I heard you.” Nagbuntunghininga siya. “Ryan’s a good businessman, too. Hindi n’ya kailangan si Dad. Maimpluwensya na ang sarili niyang pamilya.”
Bahagyang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. “And yes, he might really like you.”
“He does. Isa pa, he doesn’t seem to be interested in you.”
Umikot ang mga mata nito. “Please. Not again.”
Ngumiti siya. Alam naman niya ang totoo – mas maganda at kaakit-akit si Veronica kumpara sa kanya. Mas interesting at lahat. Noong highschool, isa itong cheerleader at Prom Queen habang isa siyang nerd na mahilig sa computers. Sabi nito, maganda siya kung mag-aayos siya. But she wasn’t interested in being fashionable and running after new trends. Isa pa, subukin man niya hindi siya magiging isang Veronica na kapag ginawang damit ang kumot, magiging isa iyong instant fashion trend. She thrived on a quiet life, and work. Samantalang si Veronica ay isang extrovert na laging napapaligiran ng mga taong humahanga rito. For people who were close as friends, they couldn’t be more alike. Stepsisters pa mandin sila. Pero hayun nga, nalampasan nila ang stereotype at naging magkaibigan sila.
“Okay, sige. Tingnan natin kung totoo ang text message. Pero pagkatapos, uuwi ka na, ha?” anito.
Napaangat ang isa niyang kilay. “You made me dress up for the party. Ryan might like seeing me like this – if he’s truly here and the…that stupid text message isn’t true at all. Bakit ako uuwi agad? Ano ito, highschool?”
Nagdaan ang pag-aalala sa mukha nito, sandali lang. Pero noong itinago nito iyon agad, nagduda siya. Bakit ba masyado ito biglang protective ngayon sa kanya? Hindi naman siguro siya ganoon ka-ignorante para bigla itong umaktong big sister.
“Let’s go,” aniya bago niya tinulak ang mga pinto na nauna na niyang pinasok kanina kasama ang kanyang Daddy at si Tita Sofia. Malapit na magkaibigan sina Tita Elektra at ang kanyang stepmom at ito ang nag-encourage sa modeling career ni Veronica. Ito rin ang nag-insist na gumamit si Bettina ng stylist. Betina liked casual, comfortable clothes. Pero ang version niya ng kaswal ay pambahay sa isang Elektra Madrid. Noong nagtatrabaho na siya sa kompanya siya sumuko at pinayagan itong sa wakas ay i-manage ang kanyang wardrobe, sa relief ni Tita Sofia. “I mean, I don’t know what worries you. Andito lang ako kanina kasama ang Mom mo at si Dad. How different will it be…”
Pumasok sila sa sunod na entryway na malayong malayo sa hitsura niyon kaninang ibang party pa para sa mas grown friends, business or personal, ni Tita Elektra ang nagaganap sa bahay. 
At ilang sandaling tumayo lang sila nang makapasok na sa loob. She had to orient herself first. Sanay na si Veronica sa ganitong mga eksena.
It looked like she found herself in a different house, or on a set of True Blood. Beautiful people, sweaty bodies, sultry music, and dirty dancing on the floor that it almost resembled an orgy. Not that she knew what an orgy looked like. But she could imagine that this was a somewhat version of it. 
Hindi na iyon ang living room kanina. Naka-off ang main light pero sa halip na chandelier, may kaleidoscope at strobe lights sa ceiling na nagkukrus ang mga reflections sa ere, tumatama sa mga mukhang heavily made up at lango sa alak. May sume-sway lang sa music. Meron namang bigay na bigay sa pagsayaw. And the beat and the rhythm were, in these lights, sensuous and exhilarating. Inilayo niya ang kanyang naeskandalong mga mata sa mga katawang sobrang magdikit at magkiskisan sa ngalan ng pagsasayaw pero…
Muli, ibinalik niya ang tingin. May magkapareha sa isang sulok, parehong attractive, “nagsasayaw”. Pero ayon sa kilos ng mga katawan ay hindi lamang iyon ang ginagawa ng mga ito. Hindi man nagtatagpo ang mga labi, mas matindi pa sa paghahalikan ang ginagawa ng mga katawan. The way the man’s arms held the woman’s body, touched her… the way she threw her head back as she ground her body to his… it was like the prelude to making love. Their embrace was pure arousal and heat… and her eyes watched, mesmerized.
Inilayo muli ni Bettina ang kanyang mga mata sa magkapareha bago pa mapansin ni Veronica ang ginagawa niya at biruin na naman siya nito tungkol sa kanyang pagiging virgin.
“Do you think Celine sent you the message para guluhin kayo ni Ryan?” tanong ni Veronica malapit sa kanyang teynga para marinig siya nito sa ibabaw nang ingay. Celine was another model who already had her own fashion line courtesy of her very wealthy parents. Batch mate din nila ito sa school at noon pa man ay may pagkamaldita na. Isang spoiled brat, kapag may gusto ito, ginagawa nito ang lahat para makuha.
At ex nito si Ryan.
Ryan, her suitor. Hindi pa niya ito sinasagot. Hindi pa siya nagko-commit. But they were exclusively dating. Gwapo ito, matalino, charming, at successful na businessman. She honestly did not know what attracted him to her. Napaka-confident nito, napaka-charming, at perfect gentleman. Mga katulad ni Veronica ang nai-imagine niyang magugustuhan nito, hindi introvert na gaya niya. 
Pero ang posibilidad na maging nobyo niya ang lalaki ay nagpapasaya sa kanyang ama. Ryan was perfect, as far as her father was concerned. Kung dati, nakakunot agad ang noo nito kapag nababalitaang lumalabas siya on dates, iba ang reaksyon nito noong nalamang interesado sa kanya ang mayamang binata na nagkataon ding isang matinik na businessman.
She was always buried in her work that she really didn’t know about Ryan until she met him in a cocktail party that she attended only because Tita Sofia, Veronica’s mother, arranged it. Kung tutuusin, may iba pa siyang mga manliligaw na gwapo, mayaman din naman, at seryoso siyang nililigawan. Pero may kakaibang charm si Ryan. Kuha nito ang loob ng pamilya niya.
And he didn’t seem interested in Veronica. Ito pa lamang ang manliligaw niya na hindi nagtanong o na-curious tungkol sa kanyang sikat na modelong stepsister. Imposibleng hindi nito kilala si Veronica o ang koneksyon nito sa kanya kung ang ex nito ay si Celine. Mas nakakuha marahil iyon nang puntos sa kanya kaysa iba pa nitong mga kalidad.
She thought she had finally found a man who didn’t find Veronica more interesting. Nagpakasal si Tita Sofia at ang Daddy niya noong teenage years nila ni Veronica. Noong una ay may tensyon sa pagitan nilang dalawa ng bago niyang stepsister. Parang ilang ito sa kanya, at lalo naman siya rito. Hindi siya sanay na may maingay sa bahay at hindi lang maingay ang babae, sobrang candid pa. Noong huli ay nagkasanayan din sila. Inakala nitong dahil tahimik siya ay hindi niya ito welcome sa bahay. Pero hindi iyon totoo.  She liked Tita Sofia from the very start. Meron siyang sarili niyang ina na kahit wala na ay hindi mapapalitan kahit kailan sa puso niya. Ang maganda sa mommy ni Veronica, hindi nito kahit kailan sinubukang palitan ang mommy niya sa puso niya. Naging parang isa itong auntie sa kanya pero hindi ito umaktong ina. That didn’t mean she had not tried her best to become someone special to her. She was always there when she needed her, but Tita Sofia never tried to assume her mother’s role.
Maganda rin ang nangyari sa kanyang ama mula nang mapangasawa ito. Her father thrived in having an intelligent, business-minded woman for a wife. May nakikita siyang kasiglahan dito na wala noon. Matagal din kasi nitong dinibdib ang pagkamatay ng unang asawa at ang pagdating lang ni Tita Sofia sa buhay nito ang unti-unting bumuhay sa sigla ito. Kaya nilunok niya ang ingay ni Veronica kapag gusto niya ng katahimikan o kaya ay tiniis ang company nito kapag gusto niyang mapag-isa.
Veronica did not make it easy, deliberately or otherwise. Napakaganda nito, magaling mang-charm nang ibang tao, extrovert – at malayong malayo sa kanya. Nagagawa nitong mapalabas ang mga insecurities niya noon, dahilan kung bakit umiiwas siya rito hangga’t makakaya niya. Pero lagi itong nasa malapit, at laging maingay. At ang totoo, napaka-charming nito. Hindi ito madaling itaboy o iwasan  o kaya kainisan.
Pagsalta nila sa college, magkaibigan na silang malapit ng babae. Pinayagan siya ng kanyang amang lumipat sa isang condo unit malapit sa university sa ngalan ng independence. Nagulat siya noong sa parehong building kumuha nang sarili nitong unit si Veronica. Ayon dito, hindi siya nito iistorbohin, pero anytime na kailangan siya nito naroroon lang ito.
It worked. On the other hand, noong nagsisimula na itong magmodelo ay lagi rin niya itong nakikita. Kahit nasa twenty-sixth floor ang unit niya, natatanaw niya ang maganda nitong mukha sa tatlong giant billboards along EDSA. 
Pero hindi siya naiinggit sa kasikatan ng kanyang stepsister. Nalampasan na niya ang insecurities niya. Noon pa, tanggap na niya kung ano ang mga meron dito na wala sa kanya. A certified computer geek, masaya siya sa kanyang trabaho at hindi niya ma-picture ang kanyang sarili na nakikipagkompetensya sa stepsister niya sa larangan nito. 
She already had too much. She felt very lucky that she wasn’t born from a poor family, or that she didn’t have delinquent parents. Or she wasn’t raised a spoiled brat. Secure siya sa buhay niya. At masaya siya na meron siyang isang Veronica sa buhay niya.
Ibinalik niya ang atensyon niya sa party. Gaya ni Veronica, si Celine rin ang hinala niyang nagpadala ng message. Kung hindi si Ryan ang hinihinala niyang tinutukoy ng message, wala na siyang maisip pang iba. Imposibleng hindi pa alam ni Celine na nanliligaw sa kanya si Ryan, isa sa most eligible bachelor sa buong Manila. Kung ito nga ang nagpadala ng message, sino pa bang mahalagang tao ang tinutukoy nito kundi ang lalaki?
Someone important to you will be in E. Madrid’s party tonight, and he won’t be alone. Want to come and join us?
Pumasok sila sa receiving area ng bahay Ni Tita Elektra. “Hey, dito lang ako sa tabi mo. Don’t you dare go anywhere without me.”
Napatingin siya rito, nagtataka. “Vivi, hindi na ako bata.”
Binelatan siya nito. Ayaw nito ng nickname na iyon kasi. “Basta. Hindi ako aalis sa tabi mo kahit anong mangyari, okay?”
Nagbuntunghininga siya. “Okay.”
Maraming tao sa paligid nila at halos nararamdaman niya ang singaw ng mga katawan ng mga ito. Worse, she still had to shake off that hot pulsing inside her body that watching those two dancers aroused. Sa kabila ng room, may isang lalaking nakatingin sa kanya na ngumisi at kinindatan siya nang mapatitig siya rito dahil nagtataka siya kung bakit ito nakatingin. Na baka kilala niya ito. Pero hindi. Biglang bigla ay nagpasalamat siya na may kasama siya. Hindi pa siya na-exposed sa kahit isa sa mga parties ni Tita Elektra sa buong buhay niya at kung may lumapit sa kanyang lalaki, hindi niya alam ang gagawin niya.
Maaaring malapit din siya kay Tita Elektra, pero sa ibang klaseng environment sila nagkakatagpo. Laging either business meetings, business lunches, catch-up brunch or anupamang parehong mga pagkakataon sila nagkikita nito at madalas ay kasama ang kanyang Tita Sofia o minsan, siya, kapag hindi sila sinasadyang magkatagpo. Tuwing may time din lang ito, madalas siya nitong hilahin sa isang restaurant sakaling sa mall sila nagkasalubong para kumustahin siya. Kaibigan din nito ang kanyang Mommy noong panahon kaya may interes ito na may kasamang pag-aalala sa kanyang kalagayan. Pero kung another Tita Sofia sa kanya si Tita Elektra, alam din niya ang isa pa nitong mukha. She had heard about these racy parties… or what happened to these parties when two people liked each other enough. She had never been to one until now. 
Hindi lang come on looks, nakakatanggap rin sila ng mga curious looks habang naglalakad siya at malamang dahil bagong mukha siya. Sa advice ni Veronica, nagsuot siya ng party dress para hindi siya mag-stand out. Pumayag pa siya sa isang mini-black dress dahil naisip niya, tiyak na mas maiikli pa ang suot ng dadatnan niya. Pero hindi ang damit niya kundi marahil ay ang pagiging unfamiliar face niya ang dahilan kung bakit nakakuha pa rin siya ng pansin sa mga narito.
Hindi na lang niya pinansin ang mga ito dahil hindi iyon ang pakay nila rito, sa halip ay naghahanap ang kanyang mga mata at patingin-tingin siya sa mga sulok, sini-sino ang mga naroroon. After almost ten minutes of not seeing Celine or Ryan, she finally accepted that she had been fooled. 
Naiiling na tinalikuran niya ang huling pinto para pumihit kay Veronica. “Not here,” aniya. “Stupid me.”
Pero napansin niya ang mukha ni Veronica habang nakatingin ito sa ibang direksyon at kumabog ang dibdib niya. Veronica looked pissed off. 
Imboluntaryo siyang napalingos sa tinitingnan nito bago siya nanigas sa kanyang nakita. 
Sa isang sulok, nakasandal si Celine sa dingding, katabi ang walang iba kundi si Ryan na nakasandal din sa dingding paharap dito, sobrang lapit dito halos magdikit na ang katawan ng dalawa. He didn’t seem to be bored. He was looking mostly interested in Celine’s semi-exposed breasts. Nakasuot ito ng standard na black, thin, mini-dress, pero kung paano iyon dinadala ng katawan nito ay nagdala sa damit sa kategoryang mas mainit pa sa sexy. Hinahaplos naman ng babae ang batok nito, ginugulo ang buhok nito. 
Bettina froze at the intimate scene in the dark. For a moment, she did not know what she felt.
Tapos, bigla siyang nanlumo.
She thought she could trust him. 
And she did. Pero hindi pala dapat pagtiwalaan ang kanyang judgment pagdating sa lalaki.
“Bettina?” tawag nang isang mahinang tinig sa kanya.
Napalingos siya kay Veronica. “I’m so sorry, girl,” anito. 
Pinilit niyang ngumiti rito. “How about a drink?” nasambit niya. “I mean, wala namang nawala. Hindi ko pa s’ya boyfriend.”
“How about we go home now?”
Umikot ang kanyang mga mata sa ka-OA-yan nito. “No. I don’t want to go home yet, Ronee.” Lumunok siya, pinipigilang tumingin muli sa nakita na niya. “Ayokong umuwi na parang isang loser. Okay? Have a drink with me, and let’s please act like I really don’t care.”
“Can’t we do that anywhere else, hindi dito?” anito.
Napamata siya rito. “What’s the point kung sa bahay?” Kumunot na ang kanyang noo. “What’s wrong with you? May kaaway ka ba rito?”
“Wala,” sagot nito agad.
“Then can I please wallow for a bit before we go home? Kailangan ko nang isang drink, now, before I go there and stick his stupid face to her stupid nipples.”
Ito naman ang napamata sa kanya. “Let’s go.”
Walang masyadong tao sa bar sa sulok na pinagdalhan nito sa kanya sa isa pang room sa maluwang na lugar na iyon maliban sa bartender. Palibhasa may nag-iikot na mga waiters, hindi naglalapitan ang mga guests sa parteng iyon. Matapos humingi ng Margarita sa lalaki roon para sa kanilang dalawa, nag-usap sila nang mahina sa dulong sulok ng bar.
“Are you okay?” tanong nito.
Nagbuntunghininga siya. “Parang hindi. Ang init,” reklamo niya. Pero buhay naman ang aircon at dahil konti ang tao roon, dapat malamig. Nagbuntunghininga siyang muli para pakalmahin pa ang sarili. Pinipigilan niyang magalit. “I almost fell for him, you know. Akala ko talaga…”
“It’s Celine,” anito. “She’s a bitch.”
“Bitch or not, I can’t trust Ryan anymore. And that… that sucks.” Kumunot ang kanyang noo habang napapatuon siya ng tingin sa kanyang Margarita glass. 
“Anong iniisip mo?” tanong nito.
Nag-angat siya ng tingin dito. Tapos ay sa paligid niya. “Mainit.”
“How about we go home?”
Napatingin siya sa babae. Could Veronica possibly know? Of course not. Maliit pa siya noon. And since then, she had learned to control it. To forget it. Sigurado siyang hindi iyon sasabihin ng Daddy niya kay Tita Sofia, or ni Tita Sofia kay Ronee. It’s a family secret. It’s nothing, only came up when she’s angry. Matagal na siyang hindi nagagalit.
“It was Ryan, right?” paniniguro niyang tanong. Kasi baka naman nagkamali lang siya nang nakita niya. Madilim sa sulok na iyon kung saan magkatabi ang dalawa. “Hindi ako nagkamali sa nakita ko?”
“How about we pretend it’s Ryan’s twin?” sabi nito sa sobrang dorky at sarcastic na tinig, hindi niya napigilang matawa. At bigla, nabawasan ang init. At nakahinga siya nang konti. Nang mas maluwag.
It was going away, thank God.
Sumimsim siya ng cocktail… naramdaman niya ang pagdaan niyon sa kanyang lalamunan, ang alat sa gilid ng kopita, ang init na dinala niyon sa kanyang sikmura. It felt good, somehow, to drink and try to forget. “Mabuti na lang, hindi pa ako nahuhulog sa kanya nang sobra. I will hate crying for him. Hindi ko pa naranasang umiyak dahil sa isang lalaki…” Napakunot ang noo niya. “Is something wrong with me kaya, Ronee? I never had crushes. Hindi pa ako naloka sa isang lalaki na gaya mo sa marami mo nang naging mga boyfriends since we reached puberty—“
“Wow, thank you.”
“No, it’s not a bad thing,” sabi niya, natatawa. Saka unti-unting namatay ang ngiti niya. “Can you believe that I’m disappointed right now because Ryan is the first person, the first man, who had kissed me, and I liked it, and yet kapag tinatanong n’ya ako kung kami na ba talaga, I still… I still can’t commit?”
“He kissed you and you liked it?” tanong ni Ronee, parang kinakabahang sumulyap sa sulok kung saan naroroon ang bartender.
Hininaan niya ang boses niya dahil akala niya, ang inaalala nito ay baka marinig ng bartender ang kumpisal niya nang kanyang kaignorantehan. “Yes. He’s a good kisser.”
Ang Margarita naman niya ang sinulyapan nito. “O-kaaay. I’m not ure which is better, you going on information overload or you angry or crying right now. Christ, keep me safe.”
Inikutan niya ito ng mga mata sa ka-OA-yan nito. “’Yun na nga ang isa pang disappointment. Ang ikalawa, gusto ko si Ryan dahil gusto siya ni Daddy. But do you think I’ll commit to him just because of that, too? Bigla ko lang na-realized, after I saw him with Celine, that… that I really don’t… that if I’m going to fall for him, sana noon pa. At na naunahan lang ako nang nakita ko, pero hindi rin magwo-work out. Na nakakalungkot kasi after dating a man as handsome and as virile as him, hindi pa rin ako nakakaranas ma-in love. What is wrong with me?”
“Pero kanina, nagalit ka,” tanong nito na parang gusto nitong malinawan ang sinasabi niya.
“Kay Celine. I know her enough and I know Ryan enough para makasigurong si Celine ang nagsimula nito. I want to…” At muli, iyong init. Naiangat niya ang glass at uminom siya ng Margarita, at naubos iyon sa isang tunggang iyon lang. “Another glass, please?” polite niyang tawag sa bartender. 
At lumapit ito sa kanila.





Chapter TWO

SI BARRON. 
Nakatayo siya sa kabilang dulo ng bar, sa parteng medyo madilim at kung saan ay hindi siya basta nakikita o namumukhaan ng mga tao sa party. He was also using a glamour in a way that nobody would want to look the bar’s way unless he wanted them, too. Ang gusto lang niyang naroroon ay ang dalawang babaeng kasalukuyang nakaupo roon. 
He had felt her come in. Nasa taas siya ng manor, abala sa mga responsibilidad sa mga negosyong hawak ng mga MonTierra dito sa Pilipinas nang bigla niyang nadama ang presensya nito, malakas pero marahan, mabigat pero magaan… at pamilyar.
He already knew she had come back twenty-four years ago, but he managed to stay away because they all knew about the danger. Maraming mga matang nakatingin, nanonood sa bawat kilos ng witch warlord na dating kilalang si Zyrus, ang magician. He had also been the Witch Queen’s Consort. At kung muling isisilang ang Witch Queen, ang witch mate lang nito ang kailangang matyagan para malaman kung nasaan ito.
Sa halip, maingat na plinano ng mga MonTierra kung paano maaalagaan at mababantayan ang baby hanggang sa lumaki ito at makaalala at muling tugunin ang tawag ng Unang Trono.
Hindi ibig sabihin niyon ay hindi siya nahirapang pigilan ang sarili na hindi ito lapitan. Lagi-lagi, tuwing mararamdaman niya ito sa malapit ay nagagamit niya lahat ng pagtitimpi para hindi ito hanapin.  
Tonight wasn’t his fault. She wasn’t supposed to be here. Nararamdaman din niya si Veronica. What the hell was going on? Kung sino-sino ang nasa party na ito at kung hindi protected ang Queen…
Mabilis siyang kumilos, bumaba sa party at naghanap ng pwesto kung saan siya tahimik na makapagmamasid. Nakita na niya ang mga mukha ng mga bisita dati, pamilyar na sa kanya ang mga ito. Kumakabog ang kanyang dibdib sa paraang hindi pa niyon nagawa sa loob nang ilang milenya, at maingat niyang hinanap ang may-ari ng presensya hanggang sa ito na mismo ang lumapit sa kanya. O sa kung saan siya naroroon.
Isang tingin sa babae ay nakilala niya ito agad. Heart speaketh to heart, but soul speaketh in a way that was so much more… 
Veronica? What the hell are you doing?
Hindi nagtagal ang sagot ng tinawag. It’s not my fault. Someone texted her about… a guy who’s dating her right now and she came because of the text. 
Dating?
She’s 24, sarcastic na balik. During our time, she would have been too old for marriage. Of course she’s dating, anito sa kanya sa isip bago ito humingi ng dalawang Margarita sa kanya sa normal nitong tinig habang umaaktong hindi sila nag-uusap sa ibang paraan at na hindi sila magkakilala.
Noone told me she has started dating, angil niya habang tahimik na dinadagdagan ng magick ang kanyang glamour para harangan ang sarili niya kay Bettina. 
Probably because we’re all afraid you’ll do something rash. 
May gusto siyang sabihin tungkol doon, pero nilunok na lang niya at umurong siya sa sulok at sa dilim, mas malayo sa dalawa. 
I didn’t know you would be here. Ang alam ko lang, si Elektra ang narito. I already told her. I’m sure she’s done necessary measures before we even came.
She wouldn’t. Walang kahit isa rito ang nakakaalam tungkol kay Bettina maliban sa aming dalawa. We can’t mobilize people here or that would have caught attention. She should have told me.
Well, anuman ang rason ni Elektra kung bakit hindi niya sinabi sa iyo, we’re already here. And you’re here. Between you and me and Elektra, we should be able to protect her.
Hindi na idinagdag pa ni Veronica ang isang bagay na alam na nila pareho. Si Veronica ay isang Eshikh, after all, kahit kalahati lang iyon. Nasa dugo nito ang naturalesa nang isang matinik na tactician. Sigurado siyang bago pa man pumasok sa pinto ang dalawa, naka-plot na sa isip ng babae ang sunod na mga mangyayari.
Alam nila ni Veronica na ngayong narito si Bettina at narito siya, kailangan niyang gawin ang lahat para mabigyan ito ng proteksyon sa iba – at sa kanya. Iyon lang marahil ang dahilan, umaangil sa isip niyang naisip, kung bakit sinabi nito iyon bago niya makita si Bettina o makalapit ito sa kanila nang sapat para maramdaman siya ng babae. 
That would be a catastrophe. The Queen was tied to her emotionally. Ang maramdaman siya ay maaaring makapukaw sa magick nito, at beacon ang magick nang isang Magickal sa iba. Delikado kapag naramdaman ito nang ibang mga Magickal… iyong mga hindi dapat makaalam na nagbalik na itong muli…
Humugot nang malalim na buntunghininga si Barron sa sulok kung saan siya naroroon at kanina pa nilulunod ang mga mata sa bagong mukha ni Mireaia. Gaya nang naunang Witch, kakaiba ang taglay na ganda nang isang ito. Hindi iyon basta ganda, hindi iyong klase na mabilis mapapansin sa karagatan ng magagandang mukha. Hindi rin ito ni malapit sa pisikal na ganda nang unang Mireaia. This one’s features seem more delicate, the quiet face of an intelligent woman.
Pero sa sumunod na sandali, biglang nag-angat ito ng mukha at naghanap ang mga mata sa dilim kung saan siya naroroon, at pakiramdam ni Barron ay tinusok siya ng matatalas na mga kuko nang magtagpo ang kanilang mga mata.
They were Mereaia’s eyes.
The Witch’s eyes were green, but when she was angry or emotionally aroused, the irises of her eyes would turn to black. This woman’s eyes, this Mireaia’s eyes were all black. No green in it. Pareho ng hugis, ng inosenteng pagtutok, ng talino at walang dudang atensyon – at kapangyarihan. Tinusok siya ng tingin nito sa dilim, at sandali siya nitong tinitigan bago nito ibinaba ang mga mata para muling ibalik ang atensyon sa kausap nito. 
Pero sa kanyang kinatatayuan, pakiramdam ni Barron ay nakatulos pa rin ang mga paa niya sa sahig. Hindi siya agad nakakibo. Parang tinamaan ng kidlat ang kanyang puso. 
The Queen Witch’s eyes. His Witch Mate. There was no doubt about it.
Sa mga sandaling iyon, wala pa man kaalam-alam si Bettina, pero sa pagtatama ng kanilang mga mata ay pag-aari na siya nitong muli.  

ANG BARTENDER.
He was on the other end of the small bar again. Sana abala ito sa pagmamasid sa party para marinig iyong pinag-uusapan nila ni Veronica. Sandali niya itong sinulyapan sa dilim at nahirapan siya itong aninagin. Pero nang makita niyang nakatingin din ito sa kanya ay agad niyang ibinaba ang kanyang mga mata. 
He was staying away in the dark, giving them privacy. She felt she was the one who was being intrusive.
Pinilit niyang ngumiti kay Veronica. “I’m not entirely hopeless. May matitinong mga lalaki. Ilan din naman ang naging matino mong boyfriends. Ikaw lang ang pasaway.”
“O-kaaay, let’s drink up and be grateful that you found out soon enough about Ryan. Nakaiwas ka sa mas malaking komplikasyon.”
“Right,” aniya. “I have work to do at home pero—“
“Hep! Tapos na ang work, ah. Gabi na ngayon. Pwede naman ‘yan bukas. Tonight’s the night.” May pilyang ngiti sa mga labi nito noong sinabi nito iyon. Pagkatapos niyon ay nginitian nito ang direksyon ng bartender. “Mr. Poging Bartender, tig-isa pa kaming glass ng Margarita, please? Thank you!” Pagkasabi niyon, bahagya siya nitong binunggo. “Gwapo ang bartender,” kinikilig nitong bulong. “If he hits on you, sumakay ka, ha? Maano bang ngayong gabi lang, makipag-flirt ka lang.”
“Veronica!” shocked niyang sambit.
“Bettina, you’re 24. You’re ancient. C’mon!”
Ancient? Alam niyang ignorante siya sa pakikipag-date pero ancient? Masyadong naeskandalo sa sinabi nito, napalubog lang ang ulo niya at ni hindi niya tiningnan ang bartender sa kaba na baka naririnig nito ang sinasabi ni Veronica. “Luka-luka ka talaga. Pwedeng mag-relax na lang tayo? Bakit may ganyan pang kasama?”
“Para makalimot ka agad.” Kinindatan siya nito. “Nothing like flirting with a really cute guy to beat the depression away!”
“Hindi ako depressed!” tanggi niya. Hindi siya galit. Hindi rin siya naiinis. Oo, pretty disappointed. Pero hindi sapat para ma-depressed at maengganyo sa rebound.
“Good. Prove it. Have a good time.” 
Dumating ang Margaritas. Pero hindi agad lumayo ang bartender. “Anything else you beauties want?” tanong nito sa English na may curious accent. Hindi American, pero hindi rin masasabing standard British. Hindi niya iyon mapiho. Napatingin sila kapwa ni Veronica dito. 
Si Veronica, lalong lumuwang ang ngiti. Siya, napalunok nang makitang totoo nga palang napakagwapo nito. Bakit ba parang ngayon lang niya nakita nang lubos ang mukha nito, gayong pangatlong pagse-serve na nito sa kanila ng drinks? Pangahan ito, matangos ang ilong, nakangiti ang mga labi… pero ang mga mata nito, mahirap i-describe. Nakatitig sa kanya ang mga iyon, mainit na titig sa ilalim nang makakapal na mga pilikmata…. Magnetic eyes. Nang maglakbay sa mukha niya ang mga matang iyon, biglang inalinsangan ang kanyang buong katawan.
Bigla niyang nahuli ang kanyang sarili. Bakit ba siya nakikipagtitigan dito? And yet, she could not take her eyes away. Gwapo ito. Gwapo talaga, hindi ordinaryo. Ang asset nito ay ang mga mata nitong nangungusap makatitig. Pero hindi niya alam kung anong sinasabi ng mga iyon.
Mali. Naunawaan niya ang sinasabi ng mga matang iyon. He liked what he was seeing, they said. Pero may kung ano sa kanya, bunga siguro nang katatapos na naranasan niya kay Ryan, ang nagsasabing hindi iyon totoo.
At iyon ang dahilan kung bakit naibaba niya ang kanyang mga mata at nagawa niyang makaiwas sa titig.
“Ohh, wait…” ani Veronica, dahilan kung bakit napatingin siya rito nang bahagyang nagi-guilty. Nakalimutan niyang naroroon ito sa ilang mga sandaling iyon na magkahinang ang mga mata nila ng bartender! 
Inilalabas nito ang cellphone nito mula sa bulsa. At dahil magkatabi sila, nakita niya nang nag-ilaw ang screen nang magdaan doon ang thumb pad nito. 
“I have to talk to my friend who’s also here at the party,” sabi nito, gayong kitang kita naman niya sa screen ng CP na wala itong ka-text o kausap! Kinindatan siya nito habang sumisilid pababa sa bar stool. Tapos, ang bartender naman ang tiningnan nito. “I’ll take my time. Please make sure she doesn’t get drunk. Thank you.”
“Akala ko ba, hindi ako pwedeng—“
“Sabi mo, hindi na ito highschool, remember?” sabad nito bago ito tuluyang lumayo.
Naaalarma niya itong sinundan ng tingin. Nagpasalamat pa mandin siya kanina na may kasama siya matapos siyang kindatan ng lalaki sa kabilang room pero ngayon, iiwan siya nito kasama nang isang lalaki hindi rin niya kilala! Oo nga’t hamak na mas gwapo ito doon sa lalaking nasa loob pero-
Ano bang iniisip niya? Ano ngayon kung mas gwapo ito? O kahit pa ba may kung ano rito na mas may substance kaysa sa first impression niya noon kay Ryan. This man seemed more… something – more compelling, more appealing, more… dangerous. No, not more. Walang dangerous sa kahit anong parte ni Ryan. Ryan was just it, a good ideal boyfriend. Almost, if not for Celine.
Pero ang lalaking ito… na sa presensya pa lang ay kumakabog na ang dibdib niya sa hindi niya mawaring paraan at tumutugon ang kanyang katawan sa paraang nagbabalik niyong dating uncomfortable na init pero sa… sa ibang pakiramdam. She liked this heat. Her body felt alive in this heat. 
Sexual attraction?
Nang makarating sa bukana ng kabilang room, agad na nawala sa crowd si Veronica, nalamon ng mga party guests na naroon at tuluyan na siyang nawalan ng pagkakataong pigilan ito.
Humarap siya sa bar, saka nahihiyang napangiti nang makitang ngumiti sa kanya ang lalaki, iyong klase na nagsasabing hindi rin nito inasahan ang ginawa ng stepsister niyang luka-luka. Gusto niyang umalis pero nakakahiyang magmukha siyang prudish o kaya, heaven forbid, maarte. Hindi lang niya talaga alam ang gagawin sa ganitong mga pagkakataon. 
Bakit ba siya natataranta? Dahil ba mula nang magtagpo ang mga mata nila, hindi na siya makapag-isip? Parang kalasag para kay Bettina ang kanyang utak. Kapag hindi iyon gumagana, pakiramdam niya ay napaka-vulnerable niya. 
Natataranta rin siya sa nararamdaman niya. She didn’t know him, had never seen him before. Bakit ganito na lang ang reaksyon niya sa titig nito?





Chapter THREE

HINIHILA NANG KUNG ANONG PWERSANG hindi niya malabanan, napatingin siya ritong muli para makitang nakatingin pa rin ito sa kanya. He wasn’t particularly busy. Masipag ang mga servers sa labas. Tapos, malamlam lang ang liwanag dito. In fact, kung nasa malayo ang nakatingin, hindi basta makikita nang malinaw ang mukha ng bartender. No wonder no other woman came near. 
Hindi rin ito kapansin-pansin kung nakatayo lang sa isang gilid ng bar. Hindi nga niya ito napansin agad maliban noong lumapit ito at tumigil doon nang sapat na tagal para mapansin niya ito. 
“Hi,” anito sa maingat na tinig. “Mauubos na ang drink mo. Care for another one?”
She didn’t care for another one. Pero tumango siya. Hindi pa rin niya gustong umalis, na-realized niya. Hindi niya gustong madaanan ang eksenang iyon sa sulok kung saan naroroon sina Celine at Ryan. Baka kung ano na ang ginagawa ng mga ito roon ngayon. 
At sa totoo lang, interesado siya, kahit konti lang, malaman kung anong mangyayari sa susunod na mga sandali kung titigil siya rito.
“Thank you,” aniya noong dalhin nito sa kanya ang third glass niya ng Margarita.
Nagkibit ito ng mga balikat. “I’ve been heartbroken a few times, too.”
“I am not heartbroken…” sagot niya agad bago siya ma-offend sa hindi direkta nitong pag-amin ng pag-i-eavesdrop. Hindi naman sa sinisisi niya ito masyado. It wasn’t as if he could go anywhere else being the bartender. But wasn’t it his job to feign innocence? “Saka wala sa hitsura mo, really, ang klase na nakaranas na nang maraming heartbreaks. And any other bartender will pretend they didn’t hear a thing. Pero ikaw…” Bigla siyang napahiya rito at sa kanyang sarili. She sounded condescending. Para siyang nagmamaliit. That wasn’t right. “I’m sorry, I didn’t mean that—“
“Actually, you were right,” anito habang itinutukod ang braso sa ibabaw ng bar, dahilan kung bakit naging mas malapit pa ang mukha nito sa kanya. He looked better closer like that, as if that couldn’t happen. Pero mas gwapo ito, mas mesmerizing ang mainit makatitig na mga mata. Kung kanina, nahirapan siyang ilayo ang kanyang mga mata kesehodang katabi niya si Veronica, oh Lord… mas ngayon. Hindi niya gustong ilayo ang mga mata niya. Mas gusto niyang malunod sa titig nito kahit gaano katagal nito gusto.
At parang alam nito. Nakangiti ang isang dulo ng mga labi nito. Na-realized niya bigla na hindi lamang mga mata nito ang sexy. Mas sexy ang mga labi nito. 
“If I am a bartender, I’ll lose my job,” anito, habang parang namamalikmata niyang pinanonood ang mga labing iyon na nagsasalita. “I shouldn’t be saying something about what I heard. But…” Pababa nang pababa ang tinig nito, sexy bedroom voice. Ni hindi niya masabi kung paano nangyaring halos magkalapit na ang kanilang mga mukha, siguro dahil pareho na silang kumikilos palapit sa isa’t isa sa ibabaw ng bar. Na para bang may mga invisible strings na nakatali sa kanilang dalawa, at pahigpit nang pahigpit iyon. “I’m not a bartender. I’m just hiding here. And I am sorry that I can’t not open my mouth. Someone as lovely as you shouldn’t be treated the way you were treated. Gusto mong makaganti?”
Napapitlag siya sa sinabi nito. Gumanti? Oh no. No. Bad word. Maliit pa siya ay natutunan na niya ang konsekwensya ng salitang iyon. Naunawaan niya agad kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. She couldn’t hurt anyone. She couldn’t. He didn’t know her, he could not understand. Bad things happen when she started to think about hating, or about getting even.
I don’t want the world to get mad at me, Mommy.
“I shouldn’t… hindi tama. I just want… I think just letting him go is enough. Tutal nasa dating stage pa lang kami. Walang nawala sa akin.”
“Uh-huh. Except your faith in my gender. Hindi lahat kami, kasing hina nang muntik mo nang maging boyfriend.”
Tumingin siya sa lalaki, sa konotasyon sa sinabi nito – na gusto siya nito. Na interesado ito sa kanya. Na gusto nitong patunayan na hindi ito fickle gaya nang ibang mga lalaki. Na kaya nitong maging loyal sa kanya.
Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit niya naiisip ang ganitong mga weird na isipin? Loyal? They barely knew each other. What the hell? Pero muli siyang nag-angat ng tingin sa mga mata nito at kumalma agad ang natataranta niyang utak. Ano bang meron sa titig nito at hindi niya gustong kumawala roon?
Napalunok siya. May kung ano sa mga mata nito, mga pangako nang maraming mga hindi pa niya mabigyan ng pangalan. Mainit ang titig nito, nangungusap. Hindi lamang mga sekswal na pangako… marami pang iba. 
Hindi na naman siya makapag-isip. Ganito pala ang physically attracted… kung anu-anong nangyayari sa kanyang hindi niya maipaliwanag pero… pero masaya. Gusto niya. Bagong experience. Exhilarating… she had never met a man like him, she knew it. Kahit si Ryan hindi kayang tapatan ang kakaibang hatak nito sa kanya. At hindi niya maiwasang hindi ma-overwhelm na sa dinami-rami ng magaganda at seksing mga babae sa party, sa kanya nito ibinubuhos ang kung anumang power nito.
Power. Funny that she thought of it as that. Weird that she called it that. Pero kanina pa siya… weird. Kumunot ang kanyang noo. Yes, weird. Naghe-haywire ang brain cells niya, ang tibok ng puso niya – ang lahat ng cells sa katawan niya. Umiinit… umiinit… anong nangyayari sa kanya?
“Why don’t you dance with me?” tanong nito. 
Napatingin siya muli rito. He’s the answer. She just knew it. If only he would hold her. He would make it feel alright. “Yes,” sagot niya. 
Sa mabilis pero siguradong pagkilos, lumigid ang lalaki sa bar at bigla ay nasa tabi niya ito. Pumihit siya sa bar stool at sinambot siya nito noong bahagya siyang sumuray, saka siya ibinaba mula roon at nagdikit ang kanilang mga katawan. Napasinghap siya sa init at kiliti na naramdaman niya dahil doon. His arms went around her… and her hands reached up to his face. Everything was happening so fast. 
“What is happening to me?” tanong niya sa paos na tinig.
“Sshhhh… it’s going to be alright, my witchling.”
Naniwala siya rito kahit hindi niya alam kung bakit tinawag siya nitong witchling. And they started to sway, right there. Sumunod ang galaw nila sa naririnig nilang music sa kabilang room, pero sila lamang ang naroroon. But she didn’t care; she was only truly aware of the two of them. Hindi pa siya nakadama nang ganito katinding focus sa isang tao, maliban kapag nakatutok siya sa isang bagong program. Pero mas matindi pa rin ito.
The whole place could fall down on them and she really wouldn’t care.
And they danced. Bettina could dance. Hindi gaya nang ibang geeks, she had dance lessons while growing up. Her mother loved dancing and Bettina also loved dancing. Noong si Tita Sofia na ang in-charged sa kanyang edukasyon, siniguro nitong kumpleto iyon. Marunong din siyang tumugtog ng piano, mag-Karate, lumangoy na parang isang athlete at magpinta. 
Pero higit sa lahat ng extra-curricular activities, sa pagsasayaw siya totoong nag-enjoy. It relaxed her mind. She used dance to work out or to unwind and distract herself when she needed to distance herself away from work.
And he could dance. How their bodies meld against each other as they swayed. Hindi siya aware sa kung anong music ang nakasalang. She was only aware of the beat, of the rhythm of their bodies as they moved against each other, of the heat and sweat. As she closed her eyes when she melted against him, she again saw that couple dancing in the dark. Parang ganoon sila ng lalaking ito ng mga sandaling iyon… a prelude to sex.
Oh yes, naisip niya. If they would make love tonight, she might not stop it. Might. 
Nakalimutan niya lahat. Nakalimutan niya si Celine, si Ryan, si Veronica…
She was only aware of him… and his heart.
Which had no beat.
Napamulat siya. Pinakinggan niya ang dibdib nito kung saan nakahilig ang pisngi niya at kahit anong gawin niya, kahit naghintay siya, wala siyang naririnig. Wala siyang nararamdaman. 
He had no beat.
Napaangat ang ulo niya mula sa dibdib nito at maang siyang napatingala sa mukha nito. They were both tensed now. At base sa nakita niyang pagtiim ng mga bagang nito, alam na nito kung anong napansin niya.
At kung alam na nito… ibig sabihin hindi siya nagkakamali lang.
Napatulak siya rito.
“Bettina—“
“What are you? Oh my God… how did you know my name?” Pinilit niyang isipin kung nabanggit ba ni Veronica ang pangalan niya kanina pero hindi niya lubos maalala. Hinintay niyang sabihin nitong narinig nito iyon kanina, pero nakatingin ito sa kanya na parang natataranta. Kaya sabihin man nitong narinig nito kanina kay Veronica ang pangalan niya, hindi pa rin niyon mabibigyan ng excuse kung bakit hindi tumitibok ang puso nito.
“Oh my God… what are you?” 
Hindi ito agad nakasagot. At sapat na iyon para matakot siya. 
Muli, iyong init. Biglang bigla, dinala ng takot. Oh no. Oh no, I can’t—
Nagulat siya noong bigla na lang sumulpot sa tabi niya sina Veronica at Elektra.
“Barron, what the hell—“
“I’m heavily warded.” Napahawak ito sa ulo nito habang may takot sa mga matang nakatutok sa kanya ang titig nito. “Nagsasayaw kami. She heard my heart.”
Hinawakan siya ni Tita Elektra sa kanyang mga balikat. “We have to get her out of here. She’s signaling for miles—“
“Here. This will fix it,” ani Veronica habang may isinusuot na kwintas sa kanyang ulo. It was her stepsister’s favorite, iyong may pendant na jade.
“Anong nangyayari?” natatakot na niyang tanong.
Tumitig ito sa kanya. “You’re in danger. Now, Elektra will bring you home, Bettina. Ngayon na. Ngayon na!”
“Ikaw—“
“I’m staying. We have to fix this.” At humawak ito kay Barron, pumihit dito. “Go!”
Ang huli niyang nakita ay noong yumakap dito ang babae, at nagtagpo ang mga labi ng dalawa sa isang mainit na halik….

*****
I hope you liked it! Will announce in FB if it's a go.

Noelle Arroyo


Friday, February 17, 2012

Out of Eden





Teaser:


Hindi pa man personal na nagkikilala, matagal nang inis si Stelle kay Andrew—ang binatang apo ng mabait na kaibigan niyang si Lola Mariz. Sa tingin kasi niya ay pinapabayaan nito ang abuela. Laging nangangako ang binata na dadalawin ang matanda, pero hindi natutuloy iyon.
Sa wakas ay nakilala niya ito. She never thought he was so handsome. Pero nadagdagan ang inis niya rito dahil sa paninisi nito sa kanya sa diumano ay pagsulsol niya sa lola nito para bilhin ang isang building.
Pero sa paglipas ng mga araw, nalaman din nito na inosente siya sa ibinibintang nito. Doon na sumidhi ang atraksiyong nadama niya rito mula pa noong unang makita niya ito. Hindi na niya maiwasang ma-curious sa mga bagay na dati ay nababasa lang niya. Suddenly, she was curious to discover things about romance. Dahil sa edad na twenty-four—at bilang isang dating nobisyada—wala pa siyang praktikal na kaalaman tungkol sa pag-ibig.






Chapter ONE



PAREHONG HANGGANG TEYNGA ang ngiti nina Moreistelle at Lola Mariz nang pumasok sa pinto ng unang palapag ng three-storey building na iyon. Nagtatawanan din silang parang mga bata. Pero ang excitement ni Stelle ay para kay Lola Mariz. Mukha nito ang nagsasabing para silang nakapasok sa isang minahan ng ginto. Sa mga sandaling iyon, hula niya’y nakikita na nito ang pangarap nitong antique shop sa bakanteng space na dati’y computer shop nang dating may-ari ng building.
Ngayon ay si Lola Mariz na ang may-ari niyon.
Nagniningning ang mga mata nito nang ibaling ang tingin sa kanya. “Totoo na talaga ito, Iha, right? Akin na talaga ito?”
“Opo. Inyong inyo na talaga ito, bago kong landlady!”
Napalo siya nito sa braso. “Puro ka kalokohan! Kung hindi ka lang bayad na in advance sa dati mong landlord hindi na kita pagbabayarin. Kung tutuusin ako pa ang may utang sa ‘yo. Dahil sa ‘yo, malaki ang natipid ko sa sale.”
“Masaya na akong nakatulong kahit papaano na matupad n’yo na sa wakas ang pangarap n’yo,” aniya. “Ikot tayo? Excited na akong marinig ang mga plano n’yo.”
“Oo! Hindi na ako makapaghintay magsimula!”
Naabala sila sa diskusyon nang magandang kulay na ipipinta sa mga dingding at kung anong klase ng antiques ang idi-display sa kung saang parte nang maluwang at maaliwalas na shop.
Kaninang umaga lamang nagkabayaran at nagkapirmahan. Dahil limang taong naka-lease sa kanya ang apartment sa ikalawang floor, mananatili siyang tenant ng building sa kabila nang pagbabago ng pagmamay-ari niyon. Doon na siya nakatira sa loob nang tatlong taon mula noong magtrabaho siya sa Koronal City bilang chief editor sa pinaka-circulated na newspaper sa lunsod at radio commentator naman sa pinakamatandang radio station.
Nakilala niya si Lola Mariz nang maging suki siya ng crafts and second hand books shop na pagmamay-ari ng kaibigan nito at katabi rin lang ng bahay nitong tinitirhan. Nagpipinta si Stelle sa kanyang spare time at doon siya bumibili ng kanyang art supplies. Iyong mga nakilala pa niyang mga public personalities dito sa lunsod dahil sa kanyang trabaho ay kaibigan din nito o may koneksyon dito kaya bukod sa shop ay madalas din silang magtagpo sa ibang mga lugar. Active sa civic duties si Lola Mariz.  Ang pamilya nito, ang mga Meneses, ay tubong Koronal at isa raw sa dating pinakamayaman at pinakarerespeto. Kung hindi siya nagkakamali, ang ama o lolo yata ni Lola Mariz ay dating governor dito habang may iba pa itong mga kamag-anak na may mga posisyon sa provincial government sa kasalukuyan.
Isang biyuda, meron itong nag-iisang apo na hindi pa niya nakikilala. Isang abogado, sa Maynila ito nakabase at bihirang bihirang bumisita. Ang nag-iisa naman nitong anak at asawa nito, unfortunately, ay namatay na bata pa man ang apo nito kaya ito at asawa nito ang nagpalaki sa lalaki.
 Nang matuklasan niyang ipagbibili nang dating may-ari ang gusaling ito, agad niyang pinaalam iyon kay Lola Mariz. Magma-migrate na sa States ang dating may-ari ng building. Kinausap niya si Lola Mariz kung interesado itong rentahan itong commercial space. Maganda ang lokasyon ng building, ilang bloke lang ang layo sa commercial hub ng city proper tapos hindi magulo at maingay ang kalsadang kinabibilangan. Nilalakad din lang iyon mula sa bahay nito. Kung makakahanap siya ng buyer, hihilingin niyang ikonsiderang iparenta kay Lola Mariz iyon.
The next day, na-shock siya nang sabihin nito sa kanyang bibilhin nito ang building at kung pwede, mag-set siya ng appointment sa may-ari! She did so but only because her friends had supported her with the decision. Ang nakakaasiwa sa kanya ay ang hindi pagsipot ng apo nito para samahan ito kanina sa sale gaya nang usapan ng mga ito, dahilan kung bakit siya lang ang kasama nito. Hindi diniretsa ni Lola pero hindi sang-ayon si Attorney sa sale.
“Pa’no ang apartment sa third floor? Gusto n’yo bang tulungan ko kayong ihanap ‘yon ng rerenta?” tanong niya. Ginagamit ng landlord dati ang apartment na iyon. Isinama na nito sa bentahan iyong mga muwebles.
Umiling ito. “Naka-reserved na ang apartment na ‘yon para kay Andrew. Gusto kong surpresahin siya pagdating n’ya rito nang sarili niyang space. That way, hindi na siya magtatakas ng oras ng trabaho sa ‘kin.” Workaholic ang apo nito kaya hindi raw makauwi nang madalas.
Gusto niyang umismid. Laging nasisira ang pangakong bakasyon ng lalaking iyon kaya ang hirap maniwala. Kesyo hangga’t hindi raw nakukuhang partner sa firm na pinagtatrabahuhan nito ay naka-focus lamang ito sa trabaho. Pasko na nga lang nakakabisita, nagbabaon pa ng trabaho.
Trabaho nga lang kaya ang dahilan kung bakit hindi ito makauwi lagi? May hitsura ito sa mga pictures nito. Matangkad, gwapo, at mestiso. Malakas ang dating. His profession as a lawyer would be particularly appealing to women, too. It’s but rational that he would have women lovers for his free time. Sabi pa naman ni Lola, habulin daw ng babae ang apo nito. 
“Stelle, tingnan mo ito. Tamang tama itong pwesto para sa mga antique figurines na gusto kong itinda,” tawag sa kanya ni Lola Mariz sa isang sulok ng shop. Lumapit siya rito at agad na sumang-ayon sa ideya nito.
Nagdatingan ang mga kaibigan nito para i-congratulate si Lola Mariz sa bentahan at tuluyan nang nagkaingay. Reluctant siyang nagpaalam para dahil may naiwan pa siyang trabaho sa office. Muli, nayakap siya ng matanda sa tulong niya bago siya makaalis. Nakangiti pa siya nang makasakay na sa kotse niya.
Masaya talaga si Lola Mariz kahit hindi dumating ang unreliable nitong apo at iyon ang mahalaga.  Hindi ang Atty. Andrew Meneses na iyon. Aba, hindi kailangan ni Lola Mariz ang lalaking iyon dahil narito naman sila.
Marami yata itong reliable at supportive na mga kaibigan dito, ‘no?
HABANG PABABA sa kanyang kotse nang hapong iyon, napansin niya agad na bukas ang pinto ng first floor shop.
Napangiti siya. Excited talaga si Lola Mariz. Pabalik-balik sa shop nito. Sa halip tuloy na dumiretso sa hagdan paakyat sa mga apartments ay napadiretso siya sa bukas na pinto. Pero napatigil siya nang makarinig ng tinig nang isang lalaki.
Correction. Iritadong tinig nang isang lalaki.  
“Lola, ilang araw lang ang hiniling ko. Sabi ko sa inyo sa phone, hintayin n’yo ako bago kayo magdesisyong bilhin ang building na ‘to. I was late for half a day!”
“At sinabi ko rin sa ‘yo, anuman ang sabihin mo, nakapagdesisyon na ako. I tried to wait for you but only so you can come with me to the sale pero hindi ka dumating kaya si Stelle na lang ang sumama sa ‘kin.”
“Still, sana hinintay n’yo pa rin ako. Pinilit kong mapaaga ang leave ko para makarating ako agad dito.”
“You think I can’t make my own decisions? Nagbigay na ba ako ng impresyon na senile na ako, Andrew?”
Napahawak siya sa bibig nang mapangiti dahil sa pagmamalaki kay Lola Mariz. O, napala mo. Por que abogado ka, akala mo kaya mong i-bulldozer ang lola mo.
Syempre, alam na niya kung sino ang lalaki. Sino pa kundi ang laging absent na apo, ang attorney, si Andrew! Kung hindi ba naman talaga unreliable. Kung hindi absent, late. Tapos maghahanap pa nang ibang masisisi?
Hay. Looked like Lola Mariz could take care of herself. Nagsimula siyang umurong. Kaso, noon naman siya nakita ni Lola.
“Oh, good! You’re here, Stelle! Halika, ipakikilala kita sa apo ko.”
Drat. Hindi niya gustong makilala ang apo nito. Lalo na ngayon na mukhang maghahanap pa ito nang ibang excuse para ma-justify ang incompetence nito sa pag-aalaga sa lola nito. Pero wala siyang choice at matapos ang isang buntunghininga ay nagpatuloy siya sa pagtungo sa bukas na soon-to-be antique shop.
Noon lumabas sa likod nang nakabalandrang shelf ang isang nakatiim-bagang na lalaki, namumula sa magkahalong inis at pagkapahiya at nakatutok ang mga mata sa kanya na parang mga laser beams.
Namalayan na lang ni Stelle na kumakabog ang dibdib niya. Para siyang tumakbo nang milya-milya. Una dahil sa furious nitong tingin. Pangalawa dahil hindi naging reliable kahit mga pictures nito sa totoong Andrew.
Napakagwapo nito, sobra matatawag na itong napakaganda. Matangkad, makisig ang katawan, at nakakamagneto ang… anong tawag doon? Sex appeal. But she was looking at him with not just a woman’s eyes—however innocent those eyes might have been until now. She was also looking at him as the artist, the painter. At nangangati ang mga kamay niyang ipinta ito.
Until she realized the way he was looking at her. At alam niyang kahit bayaran siya, hindi niya ipipinta ang lalaki. Ever.
Nakakita na nang iba pang mapagbubuntunan ng sisi ang binata sa nangyari ngayong araw sa lola nito.
Malinaw na malinaw, walang iba iyon kundi siya.
AMINADO SI Andrew, nagulat siya nang makaharap na sa wakas ang taong dahilan kung bakit nilustay ng kanyang lola ang savings nito sa bangko para bumili nang isang buong building na hindi naman nito gagamitin. Hindi lang nagulat—shocked siya. Ito si Moreistelle Santos? He thought the woman would be old, o kaya at least may edad na.  Isang plain na manang na malapit sa edad ng lola niya. Pero hindi. Ang babaeng nasa harap niya ngayon ay halatang nasa middle twenties na. At walang plain dito.
Napakaganda ni Moreistelle Santos. Totoong napakaganda. Pretty eyes, good bone structure, at hugis pusong mukha—mas nababagay sa isang anghel sa halip na sa isang manggagantso.
Kaya naman pala nauto nito ang lola niya. With a face like that, she could fool anyone. Hindi na siya magtataka kung bakit napakadali nitong naloko kahit edukadong mga tao. Gaya ng lola niya at mga kaibigan nito.
Sa suot nitong ismarteng puting blouse at pants, she resembled a cool executive, right smack in the hallways of those tall corporate buildings. Anong ginagawa nito dito sa Koronal at sa lumang building nang isang matanda nang newspaper bilang editor-in-chief? Bakit pinili nitong dito manirahan nang mag-isa kaysa sa Manila kung saan mas maraming oportunidad sa karera at social life?
Pinakilala sila ni Lola Mariz sa isa’t isa at kung hindi dahil na kunot sa noo nito, hindi siya makikipagkamay sa babae. Tapos kahit sa handshake nito ay wala siyang maipula. Isang malambot at makinis na balat ang nag-register sa utak niya... firm grip, warm handshake. Iyong klase ng handshake na katiwa-tiwala.
Hell, if he didn’t know any better, she could easily fool him, too.
“Andrew?”
Napatingin siya sa tawag ng lola niya. Nakamata ito sa kamay niya. Talo pa niya ang sinindihan nang ma-realized niyang hawak pa niya ang kamay ni Stelle. Nahila tuloy niya iyon na parang nakuryente!
“I’m sorry,” aniya. She just stared back at him, very cool, habang nag-aalab ang mukha niya! Siya, na kayang humarap sa mga criminals sa korte nang hindi pinagpapawisan dahil alam niyang nasa panig siya ng hustisya at tumitig sa mga mata ng mga ito nang hindi kumukurap. “I must have floated off somewhere. I do that when I’m tired.”
Jeez, kahit sa sarili niya, he sounded stupid. He cringed at his Lola’s pointed look.
“Pasensya ka na, Iha. Nagdiretso na kasi kami rito pagdating niya kaya hindi pa siya nakapagpapahinga.”
Nang bumaling sa lola niya, tumamis ang ngiti ni Moreistelle. “Okay lang po. Sige, Lola. Aakyat na ako. May kailangan din akong kunin bago ang slot ko sa radyo.” Muli ay nawalan ng init ang ngiti nito nang tumingin sa kanya. “Sige, Andrew. Nice meeting you.”
“Ikaw rin,” aniya.
Liar, sita sa kanya nang isang tinig.
Pareho lang kami, ‘no?
Naramdaman ni Andrew ang hawak ng lola niya sa braso niya. “Don’t worry, hindi ka nag-iisa. She does that to people,” anito sa nanunudyong tinig.
“Ano ‘yon, ’La?” inosente niyang tanong.
Nagniningning ang mga mata nito. “Hus! Kunwari ka pa!”
Namula siya. “I thought I do that to people,” maktol niya sa mababang tinig. “Hindi n’yo sinabing gan’on pala kaganda ang kaibigan n’yo.”
Iningusan siya nito. “Malalaman mo sa susunod na mga araw na hindi lang pisikal ang maganda kay Stelle. She’s not someone you can easily meddle with or… or you can… dazzle with your good looks.”
“Dazzle?” nakaangat ang isang kilay niyang tanong.
“Watching too much Tru Blood on HBO,” anito. “Anyway, ngayon pa lang ay binabalaan na kita para hindi ka mapahiya—tutal apo naman kita. Iyong napakagandang babaeng katatapos mo lang makilala, minsan ay muntik nang nagmadre. D’on pa lang, you should know that she’s not your average Jane.” 
Katatapos palang tumayo ang hasang niya sa nauna nitong sinabi—halos lahat na yata ng karakter sa Tru Blood, nakapaghubad na—natunganga naman siya sa sumunod na impormasyon.
Pero bago siya makabawi, nagpalit ng topic ang lola niya. “O ano? Tayo na para makapagpahinga ka na. Huwag mo na akong awayin tungkol sa building na ito, Andrew, dahil wala ka na rin namang magagawa.”
Nakatiim ang mga bagang na sumunod siya sa lola niya noong nilisan nila ang building para umuwi. To think he was ecstatic yesterday after receiving his partnership in the firm, isang surpresa na hindi pa niya nababanggit sa lola niya dahil sa masamang balitang dinatnan niya—na binili na nito iyong building. Ni hindi pa rin niya nasasabi rito na isang buwan ang bakasyon ito at mula ngayon, makauuwi na siya nang madalas. Naunahan kasi siya nito sa pagbabalita nang “maganda” nitong balita.
He could still use his surprise to save the remaining of this day, naisip niya matapos ma-assess ang sitwasyon. Halatang na-divert ang panenermon ng lola niya sa kanyang pagkatulala sa kaibigan nito. For that, he was grateful. 
Pero hindi sa babaeng iyon. Ngayong hindi na niya ito kaharap, medyo nabawasan na ang kanyang pagkamangha rito. He would be ready the next time. Mahirap tanggapin na wala na nga siyang magagawa tungkol sa bentahan, but he would make sure she would pay for every single cent his lola has splurged on this disastrous investment.
One way or another.



Chapter TWO

BLAG! BLAGADAG-BLAG!
Nagmulat muna nang isang mata si Stelle, sunod ay kabila. Panaginip lang ba, o totoong may bumagsak na kung anong mabigat sa labas ng pinto ng kanyang apartment?
Blag! Blagadag-dag!
Napabalikwas na siya, napapaungol dahil may hinala siya kung sinong talipandas ang nambubwisit sa labas. Bukod sa kanila ni Lola Mariz, may isa pang may hawak ng susi ng duplicate sa bakal na gate sa baba. At sigurado siyang hindi si Lola ang gumagawa ng racket.
Sinulyapan niya ang relos sa wall ng kwarto niya. Namilog ang kanyang mga mata bago nagsingkitan ang mga iyon.
Alas-tres ng umaga?
Utang na loob, ha?!
Tuluyan na siyang bumangon, inis na inis. What was his problem? Hanggang ngayon ba, siya pa rin ang sinisisi nito sa kapalpakan nito?
Tinawagan siya ni Lola kahapon sa office para sabihing nagbalik sa Maynila ang apo nito para kunin ang mga nakalimutan dahil sa pagmamadaling makauwi matapos mabasa ang text message tungkol sa bentahan. Na pagbalik daw nito, na kagabi dapat, ay sa apartment sa taas na ito tutuloy. Na isang buwan ang bakasyon nito sa Koronal at dahil partner na ito sa law firm na pinagtatrabahuhan ay madalas na itong makakauwi dito, at na tutulong daw ang lalaki sa paghahanda ng shop para sa opining niyon in three weeks time.
Hindi siya makapaniwala gaya nang dati pero dahil sobrang saya ni Lola Mariz, lumambot na rin ang puso niya. Alam niyang ikalulungkot ni Lola Mariz kung mahahalata nitong inis pa rin siya sa apo nito at alam niya ang hindi nito direktang hinihiling sa pagtawag nito.
Therefore, for the sweet old lady, she decided to welcome her grandson graciously… like a decent neighbor should. Kaya naman niyang gawin iyon. Bakit hindi? Pasasaan ba’t mauunawaan din ng aroganteng iyon na wala talaga siyang kasalanan sa nangyari.
Kaso, napuyat na nga siya sa kahihintay dito kagabi dahil hindi naman ito dumating, heto’t inistorbo pa nito ang tulog niya. Pakiramdam ni Stelle, umuusok ang mga teynga niya habang nagmamartsa sa pinto. Naririnig pa rin niya ito sa labas pero sumilip muna siya sa peephole para makasiguro.
Sa labas, nakita niya ang isang matangkad na lalaki, may bitbit na dalawang maleta sa magkabilang kamay at malaking gym bag sa isang balikat. It was him, alright. Pero hindi lang iyon ang napansin niya. Nakita niyang hirap itong nagmamaniobra sa makipot na hallway patungong hagdan habang nagtatapon nang naaasiwang tingin sa kanyang pinto.
Napawi ang inis niya. He’d been careless, pero hindi nito sinadyang gisingin siya. Bakit ba kasi ang dami nitong dala? Anong binalikan nito sa Maynila, buong opisina nito? Wala ba itong laptop at flash drives?
Nagbubuntunghininga, binuksan niya ang pinto. Parang on cue ay bumagsak na naman ang isang maleta.
Both of them cringed.
Mabilis nito iyong ni-recover sa sahig.
“I’m sorry, Moreistelle. Nagising ba kita?” tanong nito habang inaaninag siya sa doorway.
“At ang buong block,” mapakla niyang sagot habang itinutukod ang isang braso sa frame ng pinto. “Anong ginagawa mo?”
“Inaakyat ko itong mga maleta ko sa taas.” Obviously, kulang lang sa tono nito.
“Wala bang balikan ‘yon? Hindi ba pwedeng isa-isa?”
Minataan siya nito. “I’m too tired for sarcasm. Pwedeng bukas na lang?”
Napameywang siya dahil sa tono nito. “Excuse me… inistorbo mo ang tulog ko, ikaw pa ang masungit.”
“Well, I’m sorry! I’ve had a long day and a tiring long drive home. I just want to place these bags somewhere and crash. Kaya kung pwede, bukas na natin ituloy ang ating chat?”
Nag-register sa kanya iyong isang salita sa huli nitong mga sinabi—tinawag nitong home ang Koronal.
May parang pumisil sa puso niya.
His lola would have been delighted to hear that.
At natunaw na naman ang kanyang fickle na puso.
Matapos ang isang malalim na buntunghininga, iniwan niya ang kanyang doorway. “Akin’ang isa.”
Duda siya nitong tiningnan. “Anong ginagawa mo?”
Napameywangan niya ito. “Tama nga lang na abogado ka. Masyado kang mapagduda. Wala akong balak na masama sa ‘yo kaso ako lang ang nag-iisang neighbor mo dito kaya ako lang ang maoobligang tumulong sa ‘yo. Kagabi pa kita hinihintay dahil ibinilin ka ni Lola at actually, napuyat nga ako dahil sa ‘yo. Tutal, ginising mo na ako, eh ‘di lubus-lubusin mo na ang pang-iistorbo mo dahil wala nang ulitan ito.”
“But I don’t need your help,” protesta nito.
“Hindi mo ba naintindihan? Hindi ko ginagawa ito para sa ‘yo kundi para sa lola mo. Saka nakalimutan mo na bang mababait nang di-hamak ang mga tagarito kaysa sa mga taga-Maynila?”
“Hindi ba’t galing kang Manila?” sarkastiko nitong paalala. 
Nagulat siya na alam nito. So, he had asked about her. And if he had asked about her, malamang na alam na nitong wala siyang kasalanan sa sale. Nginitian niya ito nang matamis. “And where do I live now?”
Parang sasagot pa sana ito pero sa sumunod na sandali ay isinara nito ang bibig at parang bugnot na isinuko sa kanya iyong mas maliit na maleta. Saka nito i-pl-in-aster ang sarili sa dingding para mauna siyang makadaan patungong hagdan.
Lumampas naman siya, hindi halos nag-iisip, mas relieved na tinanggap nito ang tulong kaysa sungitan siyang muli.
What happened next was embarrassing.
Dahil sikip, sumabit ang hawak niyang maleta sa maleta nito at nabagsak iyon sa sahig—sa mga toes nitong exposed sa suot na leather sandals! “Aww!” sambit nito sabay yuko. Kaso, napayuko rin siya dahil hinabol niya iyong maleta. Nag-umpugan ang kanilang mga ulo. “Aww!” pakli niya sabay sapo sa noo niya.
Pagkatapos, nagkatinginan sila nang masama.
“Won’t you be careful?” angil nito.
“Kung mauna ka na kaya sa hagdan? Ang sikip, eh,” inis niyang suhestyon. Alam niyang namumula siya pero okay lang dahil ganoon din ito. This thing was getting ridiculous but if she would laugh, baka lalo itong mainis. Mukhang wala pa itong tulog.
Na-relieved siya noong sumunod ito nang wala nang ibang maanghang na sinabi. Matapos ang pagbelat sa likod nito, umakyat na rin siya.
Pero sa anggulong iyon ay may hindi naiwasang matambad sa kanya.
His sexy butt.
Hindi niya gustong isipin kung bakit alam niya na seksi iyon—must be one of those things that you just know. Nag-alab lalo ang mga pisngi niya. Ang dami niyang natututunang bago mula nang makilala niya ito. Mga leksyong hindi siya sigurado kung gusto niyang matutunan.
Noong bata pa siya, markado na ang katigasan ng ulo niya kapag alam niyang tama siya, ugaling pinag-alala ng mga magulang nila ni Illiac—na kakambal niya—bago siya pumasok sa kumbento dahil alam ng mga ito ang kaistriktihan ng mga batas at norms sa loob. Pero bata pa siya ay tanggap na niyang magmamadre siya. Natural lang, alam niyang hindi siya mag-aasawa kaya parang na-program niya ang isip na hindi isipin ang opposite sex sa romantikong aspeto kahit pa may mga sumubok manligaw sa kanya sa school noon. Nang dumating ang panahon ng pagpasok niya sa kumbento, sumunod siya. Nakainsulto pa sa kanya na nagulat ang kanilang mga kaanak. They were so sure she wouldn’t go through with it.
Mahalaga yata sa kanya ang naging pangako ng mga magulang niya para mabuhay silang mag-iina sa delikado nitong pagbubuntis sa kanila ni Illiac. Bakit nagtaka pa ang mga ito?
Pero pari na si Illiac ngayon habang siya...
Gaya nang dati, iniwas niya ang isip sa masakit na alaala at ibinalik ang sarili sa kasalukuyan.
Saka napangiwi.
Nagdududa na kasi siya sa nangyayari sa kanya. For the first time ever, nagkakaroon na siya ng clue tungkol sa bagay na iyon na normal sa iba pero hindi sa kanya. Iyong sa mga libro at sa movies lang niya nauunawaan pero hindi sa tunay na buhay. They called it physical attraction. She wasn’t sure she liked it.
Sa dinami-dami naman ng mga lalaki, bakit dito pa? Halos nahuhulaan na niya ang mangyayari kung malalaman nito. May suspetsa siyang mahihirapan siya. She could barely understand the merits of dating with just observing it. Paano pa kung totoong involved ang damdamin niya?
Marami na siyang kaibigan ngayon sa Koronal City pero iyong iilang mga pagkakataon na nagpaunlak siya sa date, she’d been bored to death. There was this game that she couldn’t get. Bakit kailangang umarte? Bakit kailangang magsuot ng masks? She couldn’t understand those masks. Kung gusto mo ang isang tao, bakit mo kokontrolin? Bakit mo mamaniobrahin? Bakit hindi na lang ipakita ang totoo? Bakit hindi pwedeng ipakita agad ang weaknesses at laging kailangang magpa-impress? Hindi ba’t tinatanggap ng pag-ibig lahat? O hindi ba pareho iyon? Ang pag-ibig at atraksyon? How come? Hindi ba naa-attract ang isang babae o isang lalaki sa opposite sex nang hindi rin naghahangad na magtungo sa tunay na pag-ibig iyon?
Too many confusing questions.
Masama ang tinging ipinukol niya sa sinusundan.
Ito na ba ang lalaking makasasagot ng mga tanong na iyon?
Sobra siyang nabagabag sa ideya, hindi niya napansin na tumigil na pala si Andrew sa tapat ng pinto ng apartment nito.
Nabunggo na naman siya rito.
At halatang sa sobrang inis nito, ni hindi ito makatingin man lang sa kanya.
TOTOONG PAGOD na pagod na si Andrew nang sa wakas ay dumating siya sa Koronal. Totoo ring wala siyang gusto kundi mag-crash pagdating niya sa apartment. Wala siyang intensyong gumawa ng ingay. Hindi niya sinasadya lahat ng ito.
Kaya pakiramdam niya, teribleng unfair na sa kabila ng pagod, nag-react ang kanyang katawan nang lumabas si Moreistelle sa apartment nito, nakasuot nang pinakainosenteng baby pink pajamas na nakita na niya sa buong buhay niya, pero nagmukha pa ring ang pinakamagandang bagong gising—o naistorbo ang gising—na babae na nakita na niya. How the hell could she manage it? Sa kabila ng ere ng kainosentihan, walang inosente sa ere nang pakikipagsagutan nito sa kanya. Mabilis itong sumagot, may sass. But he was more focused on her lips, wala ring lipstick pero mapula pa rin at parang ang lambot.  Mula sa cool and sophisicated executive noong makalawa, isa na ito ngayong napakaganda at birheng seductress.
Yes, he knew a little about Moreistelle Santos now. He winced, hiding his face. He knew a lot more than he cared about. Sa pagtatangkang makahanap ng ebidensyang magdidiin dito sa pagiging manggagantsong pinaniniwalaan niya, nagtanong-tanong siya sa mga kaibigan ng lola niya at sa mga tiyo niya—only to find out that she was actually innocent. Na ang mga ito ang sumuporta sa purchase ng building dahil maganda iyong investment. Kung hindi nga raw naunang ma-informed ang lola niya tungkol sa sale, baka nag-unahan ang mga itong sumunggab sa oportunidad na mabili iyon.
 And he could not even grab at the rent as a hidden agenda, kasi nga ang lola na niya ang landlady nito ngayon. There was no way she could pay late or not at all for the monthly rent—she’s paid in advance. For two years. Naka-lease rito ang apartment sa dati pa man nitong landlord. Mukhang galing sa may kayang pamilya ang babae.
At kung tutuusin, sila pa ang may utang na loob dahil sa araw ng sale, sinurpresa nito ang lola niya sa pagwe-waive nito ng komisyon nito bilang ahente sa sale, dahilan kung bakit naka-save din nang hindi birong halaga si Lola Mariz.
Therefore, he was already embarrassed when she came out. Tapos naistorbo pa niya ang tulog nito. Tapos, heto, tinutulungan na siya nito, talo pa niya ang ulol na aso sa sungit.
He was a little overwhelmed. Noone has pulled a chair under him before. He’s always been prepared for every fight. Pero somehow, ang idahilang protective lang siya sa lola niya ay hindi sapat.
Dahil ang babaeng ito ang nasa tabi ng lola niya sa nagdaang dalawang taon kung kailan wala siya. 
And to top the guilt off, heto’t bahagya na niyang makontrol ang sekswal na atraksyong hindi lang imahinasyon sa kanya, as he’d hoped the whole time he’s driving back. Nang mag-umpugan sila sa baba at naamoy niya ang amoy ng strawberry sa buhok nito at baby powder—baby powder!—scent na kahalo nang natural na amoy ng katawan nito, tumayo si Manoy sa atensyon. Nilipad ng hangin ang pagod niya. Parang nagdahilan lang siya.
Nakarating sila sa third level at nakahinga nang maluwag si Andrew. Thank God. Ilang hakbang na lang at makapagtatago na siya sa apartment niya.
And then wham…! Jesus.
Did she have eyes?!
He had to grit his teeth. Sa sunod nitong pagbunggo sa kanya, tumama ang dibdib nito sa kanyang braso.
No bra.
Now, he not only has to contend with her scent, he had to contend with how soft… napalunok siya… how soft she’d be all over if he could just… he could just…
Sumigid ng malalikidong init sa kanyang mga ugat, sa mga himaymay ng kanyang kalamnan—lumukob sa buo niyang katawan. Napapikit siya nang mariin at nagngalit ang kanyang mga ngipin para lang mapanghawakan ang natitirang control sa kanyang katinuan.
Nang sa wakas ay nagawa niyang magmulat, natagpuan niyang nag-aalala itong nakatingala sa kanya. “Talaga bang pagod na pagod ka na?”
Hindi niya kinayang magsalita agad.
“Tst,” anito. Kinuha nito ang susing nasa kamay niya, tinulak siya sa isang tabi at binuksan nito ang pinto—Little Red Riding Hood beside the Big Bad Wolf. Pumasok ito sa loob dala ang maletang maliit. Nabuhay ang ilaw sa salas. Natambad sa kanya ang loob at nagulat siya—a grateful distraction to his sweet dilemma.
 He’d expected to crash on a sofa. Sabi ng lola niya ay naiwan ang ilang mga muwebles sa apartment. Pero nasa ayos ang lahat at malinis na malinis, mukhang well-lived. Naamoy niya ang air freshener na gamit ng lola niya sa bahay nito. At napangiti siya habang napapabuntunghininga.
Then she came out from inside a door of what could only be the bedroom, since doon nito dinala ang maleta niya.
He froze again.
Biglang hindi na safe ang apartment.
Dahil batid na batid niyang ilang hakbang lang at naroroon na ang bed.
“Nilinis ito ng lola mo kahapon sa paghahanda sa pagdating mo tapos kanina, nagluto siya kaya may pagkain sa bago mong ref na pwede mong initin sa bago mong microwave kapag nagutom ka. Your bedroom’s ready,” anito pa habang kinukuha ang duffel bag na ibinagsak niya sa sahig at hinila patungo sa bukas na pintong pinagdalhan nito nang naunang maleta.
He couldn’t, wouldn’t even stop her. Hell, why should he? Who ever told her it was safe to go inside a stranger’s apartment alone was plain stupid? Apo ka ng kaibigan niya, paalala sa kanya ng tinig na iyon. Do you think the boner would care right now, singhal niya sa tinig.
Big, bad wolf.
Napapikit siya, pero napasunod din rito dala ang naiwang malaking maleta. There was the bed. Ibinababa na nito ang comforter sa kama at binubugbog ang mga unan.
“Bagong laba ang mga ito, malinis at mabango kaya siguradong makakatulog ka nang mahimbing,” sabi pa nito.
Oh no, no sleeping tonight.
Tumayo ito nang tuwid at pumihit sa kanya. Nginitian siya nito. Such a sweet face, nakadama siya ng guilt. He’s being such a pervert. Kaibigan ito ng lola niya. She has to leave now. Leave him alone.
“Iiwan na kita. Kaya mo na sigurong mag-isa?” inosente nitong tanong.
He gritted his teeth. Was she kidding?
One little lamb, two little lamb, three... no, not helping.
Sa wakas ay nakapagsalita siya.