FROM THIS NIGHT TO FOREVER
By Noelle Arroyo
Matagal nang kilala ni Arianna si Enrique pero ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap na ito ang lalaking aangkin sa kanya isang gabing nasa gipit siyang sitwasyon. Ang inasahan niya ay impiyerno, hindi langit, sa mga bisig nito. At nang iwan na niya ito, tila may iniwan din siyang parte ng kanyang puso na ito lamang ang makapagbabalik.
Hindi niya inaasahang ipahahanap pa siya nito. At nang muling magtagpo ang kanilang mga landas ay gusto nitong tuluyan siyang ariin. Gusto niyang lumaban at tumakas. Dahil masasaktan siya nang labis kung pagnanasa lang ang dahilan nito at hindi pag-ibig…
Chapter ONE
TAHIMIK
ANG YABAG ng mga paa, nilakad ni Arianna ang driveway mula sa gate patungong
bahay. Madilim ang gabi at tanging ang liwanag lang ng buwan ang kanyang gabay.
Tahimik din ang paligid, kung may ingay man ay nagmumula sa mga kuliglig.
Pero
hindi sasapat iyon para matakpan ang malakas na kabog sa kanyang dibdib.
Mapula
ang kanyang damit, simpula ng dugong dadaloy kung magtatagumpay ang kanyang
lakad ngayong gabi. Bahagya nang nakita ang pagkatal ng kanyang kamay sa
naisip. Nakarating ang dalaga sa baba ng tatlong baitang na hagdang marmol at
sandali siyang tumigil. Sandaling sandali, inangat niya ang kanyang mukha para
tanawin ang taas ng bahay… ang bintanang naroroon kung saan pakiramdam niya ay
may nakasilip. Nanatili iyong madilim. Hindi niya makita kung may kurtina.
Hindi niya makita kung may tao.
Pero
sigurado si Arianna na merong tao roon. Isang lalaki. At siya ang hinihintay
nito.
Yumuko
siya, pumikit at ilang sandaling pinanlabanan ang nararamdamang pagkaliyo. Hindi
pwedeng mataranta o manghina ang loob. Lampas na siya sa pag-urong, sa pagsuko.
Wala nang ibang paraan. Ito lang.
Kailangan
niyang iligtas ang kanyang kapatid. Ito lamang ang paraan.
Nakakuyom
ang mga kamay, sa wakas ay kumilos si Arianna. Inakyat niya ang hagdan at
nakarating siya sa malalaki at mabibigat na double doors. Hinawakan niya ang isa
sa mga brass na hawakan at itinulak iyon matapos ang isang pisil. Hindi niya
alam ang aasahan, pero nang magbukas ang pinto nang walang kahirap-hirap,
pakiramdam niya ay noon lang siya talaga nakarating sa puntong wala na talagang
urungan, magbago man ang kanyang isip o hindi. Matakot man siya o tumakbo.
Inangkin
niya ang unang hakbang papasok sa bahay.
At
napahingal nang maramdaman ang hila nang malalakas na mga kamay sa kanya
patungo sa kadiliman.
PINANOOD
NI Enrique ang paglalakad ng babae mula sa gate palapit sa bahay. There was no
hesitant step there, just sure steps, a confident sway of the hips that seem so
natural, so full of grace. Mahina siyang natawa sa description niyang naisip. So full of grace… yeah. So in contrast
with the bloody red scrap of thin material that was her excuse for a dress.
He has to admire the woman. Wala itong suot na
anumang panakip sa lamig ng gabi. And she’s beautiful… what he could see of
her, at least. Maputi ito, at dahil doon ay lumulutang ang malasutlang kutis sa
kabila ng dilim, lumalaban sa pulang pulang tela nang malambot nitong damit. Brad
did say she was going to be a beauty. Her long hair, looking full and soft,
cascaded down her breasts and back in soft curls. Naramdaman niya ang pagsigid
ng init sa kanyang laman nang makita sa kanyang isip na sumasabunot ang kamay niya
sa kalambutan niyon sa unan habang inaangkin niya ang mainit nitong katawan.
Nagulat
si Enrique sa kanyang sarili. Napatingin siya sa kopita ng alak na kanyang
hawak. Lusting over a call girl, he has never lusted over a call girl this
hard. He’s never lusted over a call girl, period.
So
it must be the brandy.
Muli
niyang ibinalik ang tingin sa lumalapit na babae habang nakadarama nang
pag-usbong nang kung anong satisfaction sa kanyang dibdib. Well and good, for
the first time in weeks, he’d felt a stirring in his loins that did not involve
Helena. After the bitch dumped him for someone richer, Enrique had been living
in a swirl of shock. Hindi pa rin siya makapaniwala na salapi nga lang ang
dahilan kung bakit siya nito minahal at na iyon din ang dahilan kung bakit siya
nito iniwan. Hindi siya makapaniwala na sa walong buwan nilang relasyon,
naitago nito sa kanya ang malaking bahaging iyon ng pagkatao nito. Hindi siya
makapaniwala na ang babaeng inalayan niya ng kanyang puso, buhay at kinabukasan
ay isang malaking fake.
Hindi
siya makapaniwala na siya, si Enrique Guerrero, ay nagawang mapaikot nang isang
babae—fooled, blindsided by a fucking bitch. Hindi ba’t isinumpa niyang hindi
siya matutulad sa kanyang ama?
Napupuno
ng pait at galit ang dibdib at ulo ni Enrique nang makita niyang tumigil ang
babae sa may baba ng hagdan. Naningkit ang kanyang mga mata nang makita niya
iyong sandaling galaw na nagpapakita ng reluctance. Ng kaba. Ngumiti pa siya
nang bahagya. Go on, run away. Be
scared. It’s not going to be easy for you tonight…
Pero
hindi ito tumakbo. Sa halip, nag-angat ito ng mukha—at direktang tumitig sa
kanyang mga mata na parang alam nitong naroroon siya.
Hindi
lamang ang direktang titig na iyon, hindi lamang ang perpektong kagandahan ng
mukha, kundi iyong emosyon ng kahinaan roon ang parang sibat na tumusok sa
kanyang puso. Sobra ang naramdaman niyang salakay ng damdamin, bahagya siyang
napaurong na para iyong isang literal, isang pisikal na suntok sa kanyang solar
plexus.
It’s a trick of the light,
pagdadahilan niya. Or he was not drunk enough. Nang makabawi siya, hindi na
nakatingin ang babae sa bintana. Nagbuntunghininga siya, malalim, saka niya
tuluyang inubos ang natitirang brandy sa kopita.
And
then he was in a hurry to get downstairs. To take her.
And
conquer her.
Another
fucking daughter of Eve.
Get this over with, nagngingitngit
ang mga ngipin na utos niya sa sarili. Get
this over with. Get over that… that look on her face that seem to say she was
about to cry. Bitches don’t really cry, they crack a laugh so pure and evil,
the sound would make any self-respecting asshole cry. Get over her. Get over
Helena’s fucking shadow. Get over them bitches. This is for you, Helena. This
is for you, mother!
Nakarating
siya sa pinto habang bumubukas iyon. Kasabay nang paglantad ng silhouette ng
babae sa pintuan, umabot ang kanyang kamay at hinila niya ito papasok.
Narinig
niya ang gulat, parang takot nitong paghingal. That seemed to spur the awakened
devil in him more. Itinulak niya ang pinto pasara nang isa niyang kamay saka
niya ito pasalyang isinandal sa likod nang isa pang pinto.
Isinabunot
niya ang mga daliri niya sa malambot nitong buhok. As soon as his brain
registered that it was softer than he’d imagined, hinawakan nang isa niyang
kamay ang baba nito, sinapo ang panga.
Saka
niya inangat ang mga labi nito sa kanyang mapanibasib na halik.
SA
ASULTONG iyon, ni hindi nagkaroon ng pagkakataon na magmanhid ang utak ni
Arianna gaya nang kanyang inaasam. Nahila siya mula sa labas pero sa halip na
sa kaligtasan sa loob ng bahay ay sa panganib na walang katiyakan. Naramdaman
niya ang sakit nang paghampas niya sa pinto noong tinulak siya roon ng mararahas
nitong mga kamay, nang matipuno nitong katawan. Isa itong malaking lalaki, iyon
ang tumakas sa kanyang tigagal na isip bago siya napahingal nang sabunutan nito
ang kanyang buhok, marahas na sapuin ang kanyang panga, at sibasibin ang
kanyang mga labi nang walang kaingat-ingat nitong halik.
Napapikit
na lamang si Arianna. Inasulto siya ng amoy ng alak, marahas na kamay na
humawak at pumisil sa isa niyang dibdib bago iyon bumaba upang saluhin ang isa
niyang hita at iangat sa balakang nito. Ni hindi na siya makahinga sa halik
nito pero muntik na siyang mapairit nang maramdaman ang matigas nitong
pagkalalaki habang itinutulak nito iyon sa kanya. Hubad ito… hubad sa loob ng
roba. Dios ko, Dios ko, huwag ganito,
huwag po, iyon ang pumasok sa kanyang isip. Walang nakaaalam kung nasaan
siya ngayon. Hindi niya pwedeng sabihin ito kahit kanino maliban kay Aling
Venus. Baka tuluyang mamatay ang kanyang Inay kapag nalaman nito ang nangyayari
sa nag-iisa nitong anak na babae sa mga sandaling iyon. Kailangan pa siya ng kanyang
pamilya. Kailangan niyang mabuhay.
Inimpit
niya ang iyak, ang daing, ang takot. Hindi siya pwedeng tumanggi. Hindi siya
pwedeng tumulak. Makukulong si Tommy.
Hindi pwdeng makulong ang kapatid ko.
Kailangan kong nakaligtas dito.
Nag-angat
ng ulo ang lalaki at nagitla siya sa narinig na utos. “Kiss me, damn it! Kiss
me back! You’re like a brick, whore. Kiss me!”
Nangatal
ang kanyang mga labi. Umalpas ang iniimpit niyang daing. Hindi niya alam kung
paano gagawin ang iniuutos nitong gawin.
“Magpaganda ka lang. Magpakita ka
ng laman. Pustorahan mo ang mukha mo. Makita lang niya kung ga’no ka kaganda,
alam na niya ang gagawin,” iyon ang sinabi sa kanya ni Aling Venus.
“Hindi mo kailangang pakahirap. Humiga ka
lang d’on at matatapos din ang lahat.”
Ni walang oras para sa higaan. Inaangkin na
siya nito dito sa likod ng pintuan.
“Damn
it!”
Napapitlag
na naman siya. Saka napahingal noong mula sa pinto ay pasalya siya nitong
hinila sa madilim na kalooban ng bahay. Sa kabila ng dilim, nakalalagos ang
sinag ng buwan sa manipis na mga kurtina at nakita niyang isa iyong maluwang na
espasyo. At na hinihila siya nito sa isang dambuhalang sofa.
Napairit
siya, hindi niya napigil, nang marinig niya ang ingay ng napunit na tela. Iirit
sana siyang muli pero muli nitong inangkin ang kanyang mga labi. Bumagsak ang
kanyang damit, nalantad ang kanyang dibdib. Sandali lang at naibaba nito ang
straps ng kanyang bra at sumama ang brang iyon sa damit niya sa sahig. Natira
ang kanyang panties.
Saka
siya nito itinulak sa sofa.
Dios ko, Dios ko, Dios ko, Dios
ko…
Ipinikit
niya ang kanyang mga mata at inutusan ang kanyang sarili na mula sa sandaling
iyon, hindi na siya mumulat pa.
Pero
iyong inasahan niyang susunod na mangyayari ay hindi nangyari. Sa halip,
nanatili ang lamig sa kanyang balat, nanatiling nakahiga siya roon, hindi
nadadaganan, at wala siyang narinig na ingay sa sumunod na mga sandali maliban
sa paghingal ng lalaking umasulto sa kanya sa pinto.
Napamulat
si Arianna sa kabila ng takot. Anong ginagawa nito?
Pero
nakatitig lamang sa kanya ang lalaki.
At
namalayan na lang niyang napapatitig din siya rito.
Paanong
hindi siya tititig, kilalang kilala niya ito.
Dios ko… si Senyorito Enrique!
NOONG
PUMAYAG si Ariannang isuko ang kanyang dangal sa isang magdamag kapalit nang
hindi pagsasampa ng kaso sa kanyang bunsong kapatid, hindi niya alam kung
kanino siya ireregalo. Ang sabi lang ni Aling Venus ay regalo siya nang isang
mayamang suki sa bar nito sa isang kaibigan at ang bayad sa kanya ay sasapat
para sa halagang ninakaw ni Tommy sa kaha nito.
Ni
sa hinagap, hindi niya inakalang ang lalaking pagreregaluhan sa kanya ay ang
nag-iisang anak ni Don Sylverio Guerrero, ang mayamang hasyendero na
nagmamay-ari nang tinitirikang lupa ng kanilang bahay. Oo nga’t isa ang bahay
na ito sa mga pag-aari ng mga Guerrero. Kumabog lalo ang dibdib niya—ang bahay
na ito ay pribadong pahingahan nang mismong lalaking ito. Pero ni hindi niya naisip...
ni sa hinagap... Nakita na niya si Senyor Enrique nang ilang beses habang
siya’y lumalaki pero laging sa malayo lamang. At sigurado siyang ni hindi siya
nito napapansin.
Si
Enrique… si Senyor Enrique, paano nangyari ito?
“My
God… you’re so beautiful,” narinig niyang sambit nito.
Nasa
katawan niya ang mga mata nito, unti-unting umaangat pabalik sa kanyang mukha.
Nagtama ang kanilang mga mata. At nag-init ang kanyang mga pisngi nang noon
nito ibinagsak sa sahig ang suot nitong roba.
Kahit
kailan, sa buong dalawampu’t dalawang taon ng kanyang buhay, ay hindi pa
nakakita nang hubad na katawan nang isang lalaki si Arianna.
Natulala
siya, pero sandali lang dahil kumilos ito. Yumuko ito at binuhat siya nito mula
sa sofa.
“This
is better done in bed, don’t you think?”
Hindi,
tanggi ng isip niya habang napapahawak nang mahigpit sa balikat nito sa takot
na mahulog. Pero huli na ang lahat.
Bumubulusok
na siya sa loob ng banging ang lalim ay walang katapusang kadiliman...
BAHAGYANG
NANGATAL si Arianna nang maramdaman niya sa kanyang likod ang malamig na tela
ng bedsheets sa kama. Napapikit siya dahil sa kwartong pinagdalhan nito sa
kanya, walang pwedeng pagtaguang dilim. Bukas ang mga bintana at pumapasok sa
mga iyon ang liwanag ng buwan. Kung mulat siya, makikita niya lahat nang
gagawin nito sa kanya.
Ang
nakapagtataka, iyong pagkasindak na naramdaman niya kanina ay nabawasan na. Na
para bang nang makita na siya nito, nabawasan ang karahasan sa mga kilos nito.
Hindi lamang iyon, nang makilala niya ito, may kung anong kabatirang hindi siya
nito sadyang sasaktan ang pumawi sa matinding takot na nagdala ng pakiramdam sa
kanyang hindi siya makaliligtas sa gabing ito kanina lang.
Kilalang
patas ang mga Guerrero, karespe-respeto. Nang mamatay ang kanyang Itay, pwede
na silang palayasin ng mga ito dahil wala nang nagtatrabaho sa lupa. May sakit
sa puso ang kanyang Inay na lalong lumala nang mamatay ang asawa nito at bata
pa noon si Tommy. Wala nang maaari pang asahan ang mga Guerrero sa kanila.
Pero
hindi sila pinaalis ni Don Sylverio. Hindi lamang iyon, nagbibigay ng tulong
ang mga ito sa mga panahon ng kalamidad sa kanilang mag-iina gaya nang ginagawa
ng mga ito sa iba. Hindi sila sinita noong ginamit nila ang maliit na plot sa
tabi ng kanilang nilipatan noong umalis sila sa mga bahay para sa mga pamilya
ng mga trabahador para taniman ng gulay na pinagkakakitaan nila at kinukunan ng
pagkain. At kapag may araw ng gamutan, isa ang kanyang Inay sa walang palyang
sinusundo ng jeep na naghahatid sa lahat sa health center na pribadong
minamantine ng mga Guerrero.
Nabubuhay
pa silang mag-iina dahil sa mga Guerrero. Malaki ang utang na loob nila sa mga
ito.
Napalunok
siya noong humiga ito sa tabi niya. Ibinigay niya ang kanyang dangal para sa
kaligtasan ng kinabukasan ng kapatid niya.
Pero
hindi lamang pala. Hindi niya inakalang ibibigay niya iyon sa halagang mas
mataas pa.
“Halikan
mo ako,” narinig niyang utos nitong muli, pero hindi na sa marahas na tinig.
Sa
mga sandaling iyon, handa na siyang sumunod.
Gagawin
niya ang anumang ipagagawa nito. Sa buong magdamag.
Pagkatapos
niyon, kalilimutan na niyang nangyari sa kanya ang gabing ito sa buo niyang
buhay.
NAGMULAT
SI Arianna.
Hindi
niya alam kung gaano katagal siyang nagkunwaring tulog, pero hindi iyon gaanong
katagalan. Naririnig niya ang malalim at regular na paghinga ni Senyorito
Enrique sa kanyang tabi. Nakatabing sa kanila ang kumot, sa ilalim niyon ay
nakayakap sa kanya ang isa nitong braso at nakabuhol sa kanyang mga hita ang
isa nitong hita. Sandali niyang pinroblema kung paano siya makakawala.
Kailangan
na niyang umuwi. Tapos na ang kanyang trabaho. Tapos na ang lahat.
Dahan-dahan
niyang binuhat ang kamay nito para ilagay sa tabi nito. Pagkatapos niyon ay ang
hita naman nito. Dios ko, ang bigat! Isa
itong matangkad na lalaki na may maskuladong katawan. Ang mga kababaihan sa
hasyenda ay hinangaan ang kagwapuhan nito at porma sa malayuan. Hindi niya alam
kung merong naglakas ng loob magparamdam ng interes. Mabait ang mga Guerrerro
pero malinaw sa kilos ng mga ito ang malaking agwat nito sa lahat. Kumpara sa
kanila, mistulang agila ang mga ito sa kalangitan habang sila’y mga sisiw na
tumatanaw lamang.
Dito
sa San Arkanghel Gabriel, ang mga ito ay mistulang mga diyos. Lahat ay
nakikinig sa mga ito. Maging matataas na mga opisyal ay hindi magtatangkang kalabanin
ang mga ito. Patas ang mga Guerrero pero nakakatakot namang kaaway. Bukod sa
mag-ama, ang mga tiyuhin, ang ibang mga pinsan, at iba pang mga kaanak na basta
may koneksyon ay nakikisabit. Pero ang mag-amang Sylverio at Enrique ang
nakahihigit sa lahat.
Hindi
niya inakalang nakasama niya si Enrique sa kama—sa buong magdamag.
Muli,
nilagyan niya ng harang ang kanyang isip. Kung pababayaan niyang tumakbo ang
kanyang utak, baka ikabaliw niya iyon. Bahagya siyang napangiwi nang maramdaman
niya ang kirot sa kanyang kaselanan. At maging iyon, kung paano nangyari… ang
hindi maipaliwanag na sakit at sarap, ay tinanggihan ng kanyang utak.
Bumaba
siya sa kama. Ni hindi ito kumilos. Siguro nga ay lasing na lasing ito. Binawi
niya ang nag-iisang saplot na natira sa kanya na nahubad din sa huli. Hindi na
niya pinansin ang natuyong pahid ng dugo sa kanyang mga hita at sinuot niya ang
maliit na tela. Saka yakap ang dibdib na lumabas siya ng kwarto at bumaba sa
salas.
Kung
saan niya nadidismayang binawi ang sira na niyang pulang damit sa sahig.
Meron
pang isang piraso ng damit na natira at iyon ay ang roba ni Senyor Enrique.
Nag-aalala niyang minataan iyon, pero hindi siya pwedeng umuwi nang hubad!
Sa
huli, sinuot niya ang roba para matakpan ang kanyang katawan. Sigurado siyang
marami pang roba si Senyorito Enrique at hindi nito ipagdadamdam ang pagkawala
nang isa.
Pagkatapos
ay lumabas siya ng bahay.
At
tumakas na siyang muli sa kadiliman.
Chapter TWO
KIPKIP
SA KANYANG dibdib ang mga lapel ng roba, naglakad sa tabi ng kalsada si
Arianna. Hindi niya pinapansin ang anumang maaaring magbigay ng takot sa kanya.
Kaninang nilalakad niya ang kabilang direksyon, ang takot na naramdaman niya ay
nakatutok lamang sa kanyang patutunguhan. Pero tapos na iyon, tapos na lahat.
Pwede na silang makapagsimulang muli.
Bigla,
nakakita siya ng pagkilos sa kanyang unahan. Napatigil si Arianna, nag-aangatan
ang mga balahibo sa katawan sa atake ng takot. Pero napigil ang irit nang
makilala niya agad kung sino iyong nakatayo sa kanyang daraanan.
“Tommy!”
“Ate...?”
Nadismaya
siya nang mahulaan niya ang dahilan kung bakit ito naroroon ngayon. “Tommy...”
Nasa
mukha nito ang mas malalang pagkadismaya habang nakatitig ang tulala nitong mga
mata sa suot niya.
Humakbang
siya palapit. “Tommy...?”
Umangat
sa kanyang mukha ang mga mata nito. Mabilis na iyon ngayong napupuno ng luha.
“Totoo nga...?”
Sigurado
na ito, pero ang tanong pa rin sa huli. Naawa siya rito. “Tommy...”
Tuluyan
na itong umiyak.
Nasambot
niya ang bunsong kapatid bago ito bumagsak sa lupa.
“PAANO
MO nalaman?” mahinang tanong ni Arianna sa kapatid. Nakauwi na sila noon sa
bahay at buhay ang gasera sa gitna ng mesa sa kusina noong lumabas siyang muli
pagkatapos maglinis at magbihis. Naroroon ito, umiinom ng kape at hinihintay
siya.
Nagbuntunghininga
ito. Mapula pa rin ang mga mata nito at paligid niyon dahil sa pag-iyak nito
kanina. “Galing ako kina Aling Venus. Nagpunta ako sa bar para kausapin siya
tungkol sa kung pa’no ko... kung pa’no ko babayaran ang kinupit ko. Handa ko
nang gawin ang lahat. Pero tinawanan niya ako at sinabi niyang masyado pa akong
bata saka huwag na akong mag-alala dahil bayad ka na. Nagwala ako kasi isa lang
ang alam kong paraan para makabayad ka...” Parang babagsak na naman ang luha
nito. “Sinabi niya kung saan ka makikita noong nagsimula na akong magbasag ng
gamit, pero hindi na raw ako aabot pa. Tama siya, tama siya...”I binagsak nito
ang ulo sa mga kamay na nakakuyom sa mesa.
“May
nakarinig ba sa inyo? May nakaalam bang iba?” taranta niyang tanong.
Umiling
ito. “Wala. Wala, ate. Napagalitan pa niya ako sa pag-iingay ko. Sisirain ko
raw ang negosyo n’ya.”
Napapikit
siya, nakahinga nang maluwag. “Mabuti kung gan’on.”
Nasa
mukha nito ang nag-aantak nitong konsensya nang mag-angat ito ng tingin sa
kanya. “Ate... patawarin mo ako!”
“Napatawad
na kita!” giit niya rito. “Nagkamali ka, oo. Pero hindi ka masamang tao, Tommy.”
“Pero
dahil sa ginawa ko, ito ang nangyari sa ‘yo.”
Pinilit
niyang ngumiti. “Anong nangyari sa ‘kin? Wala. Walang nangyari sa ‘kin.”
Napatitig
ito sa kanya.
“Hindi
ka makukulong, iyon ang mahalaga. At siguro naman, hindi ka na uulit. Titigil
ka na rito at tutulungan mo kami ni Inay kumita dito sa hasyenda.”
“Ate—“
“Ibabaon
natin ang lahat sa limot. Walang kailangang makaalam. Ligtas na tayo... at kalilimutan
nating nangyari ang gabing ito. Naiintindihan mo ba?”
Ilang
sandaling nakatulala lang ito, pagkatapos ay tumango ito.
Nagbuntunghininga
siya. “Matulog ka na. Mayamaya lang ay umaga na at mamumuti pa tayo nang
ibebentang gulay.”
Nakayuko,
tumayo ito. “Opo, Ate.” Saka ito pumasok sa nag-iisang kwartong ginagamit
nilang mag-iina sa maliit na kubo.
Naiwan
siya sa mesa. Matagal niyang tinitigan ang ilaw sa gasera. Hindi itinaboy ng
paliligo ang mga kirot na iniinda pa rin ng kanyang katawan kaya iyong sinabi
niya kay Tommy, iyong paglimot, ay hindi madaling sundin para sa kanya.
Pero
hindi nito iyon kailangang malaman.
Nang
nagsimulang uminit ang kanyang mga mata, hinipan niya ang ilaw sa gasera.
At
sa dilim niya tahimik na iniyakan ang nawala sa kanya.
UNTI-UNTING
NAGMULAT ng mga mata niya si Enrique. He felt strange openning his eyes in a
room that he seemed to see for the first time—even when it was his own room in
his own house. Nagtataka niyang itinutok ang kanyang mga mata sa hindi
kumikilos na ceiling fan sa kisame.
Something
happened last night. Something beautiful that he couldn’t remember. Was it a
dream? Except he was lying naked on his bed.
Pumihit
siya at umabot sa kung sino sa kanyang tabi—isang imboluntaryong pagkilos bago
makahabol ang kanyang isip. Pagkatapos ay natigilan siya. There was noone
there. Nagsalubong ang kanyang mga kilay, saka sandaling natulala nang maisip
na hinahanap niya si Helena.
Pero
hindi... mali. He still loathed Helena like the plaque but she wasn’t the one sitting
on his muddled head right then. Ibang katawan ang hinahanap niya. Ibang babae.
Isang babaeng gusto niyang mayakap muli... gusto niyang maangking muli.
Shouldn’t have fallen asleep. I
still want her, want her again. Ang maalala ito habang nasa ilalim
niya ito, while he was driving himself into her... hard... loosing himself in
the moment. Loosing everything in him. Even the madness. Even the hate.
Saka
siya unti-unting nakaalala.
Umuwi
siya sa San Arkanghel Gabriel dahil wala siyang ibang matakbuhan. Wala pang
masyadong nakaaalam nang pag-iwan sa kanya ni Helena... but Brad knew. Pinsan
niya ang lalaki at isa sa kanyang matalik na kaibigan sa kabila nang malaking
pagkakalayo ng kanilang mga ugali. They got drunk, right here in this house.
Halos isang linggo siyang nakulong dito, walang katulong, walang ibang kasama.
At dumarating si Brad kapag may oras ito para samahan siya.
Hanggang
sa naubos na ang pasensya nito sa kanya.
“You
got to get off this, Enrique. Find other women, play for a while. Maraming
babae d’yan ang papayag sa affair na walang commitment. Hindi pwedeng
magkaganito ka dahil lang sa isang walang kwentang babae.”
“Lahat
sila, mga walang kwenta!”
"Not
everyone and you know it. Minalas ka lang.”
Ilang
sandaling hindi siya nakaimik. Alam niyang kapag ganoong marahan ang tinig
nito, ang naaalala nito ay ang mabait nitong ina. But the kind of woman her late
Auntie Bea was seemed to be one in a million—kung ang swerte niya ang
pagbabasehan.
“I
don’t want to play around. It’s just a waste of time,” reklamo niya.
Brad
knew that, too. “Kaya nga may plano ako. Pumayag ka lang. May babae akong
ireregalo sa ‘yo. Okay ito. Makakalimutan mo talaga si Helena kahit isang gabi
lang.”
“Call
girl?” sambit niya nang may pandidiri. “Are you kidding me?” Actually, hindi
niya gusto iyong ideyang galawin ang isang babaeng ginalaw ng iba, lalo na ng
pinsan niya.
Umiling
ito. “Siguro nga pero hindi ‘yung ordinaryong call girl lang. Hindi ‘yung
makikita mo basta sa mga bar. I know this mamasan, alam niya ang kailangan ko.”
Sa ekspresyon sa mukha niya, natawa ito. “Not mine, this time. I’ll ask someone
specially for you.”
“Sira
ang ulo ko kapag pumayag ako,” natatawa pa niyang sabi.
May
simpatya ang tinapon nitong tingin sa kanya. “At ibabalik ko sa ‘yo... papayag
ka bang matuluyang masira ang ulo dahil lang kay Helena?”
Dahil
doon... ewan niya pero namalayan na lang niyang pumapayag siya. Not to touch
the girl, he just wanted Brad to stop. Stop feeling sorry for him. Stop pitying
him. Lalo lang lumalala ang sama ng loob na kanyang nararamdaman. Lalo lang
bumabagsak ang pagtingin niya sa kanyang sarili.
And
everything culminated to last night.
He
touched the girl. Not just touched, he’s been taken by her the moment he saw
her beautiful, vulnerable face in the moonlight. She’d released the rage in him
and made him realize he could make love to another woman again. The way he did
with Helena.
No,
not even like that. When he possessed that woman last night, malaya siya sa
anino ni Helena at nang ibang masasamang mga alaala niya sa mga anak ni Eba.
Everything else was just forgotten. He wanted that again—her again, kahit alam
niya kung ano ito.
That
brought him up short.
Isa
itong call girl.
Isang
babaeng nagbebenta ng katawan.
Shouldn’t
that make him feel repulsed?
Except
it didn’t. Sa mga sandaling iyon ng pagtitimbang, mas mataas pa ang tingin niya
sa babaeng iyon kagabi kaysa kay Helena. She came here, bearing herself as what
she really was. Helena came to him bearing pretty strappings, but all she’s
come up to really was a whore, up for the highest bidder, mapait niyang naisip.
My
lady in red was more beautiful than Helena could ever be, nagmamalaki pa niyang
naisip bago siya natawa sa kanyang sarili.
Saka
siya muling natigilan.
Tumatawa
siya. Tumatawa... siya. And even at that moment, he was still smiling. He felt
like laughing at Helena’s face. She was a vain little bitch. She wouldn’t like
the idea of someone lowly in life being more beautiful even without the
strappings.
Tuluyan
na siyang bumangon. She’d be long gone by now, naisip niya habang tumitingin sa
labas ng bintana at nakikitang maliwanag na. Pero tatawagan niya si Brad para
ipaalam ditong kailangan ulit niya ang babaeng iyon... his lady in red. Maybe
he didn’t need someone to love. Maybe, what he needed was a mistress, someone
without a mask. Someone who would tell him exactly what she wanted without
taking his heart.
Yes.
Exactly that, satisfied niyang sabi sa kanyang sarili.
Then
he looked for his robe. Wala sa sahig. Naalala niyang sa baba pa lang ay
naghubad na siya kagabi.
Pero
lumipad lahat sa isip niya nang makita niya ang bahid ng dugo sa kamang
nalantad nang nahilang blanket noong tumayo siya.
Pakiramdam
niya ay namaga ang ulo niya.
Isa
lang ang ibig sabihin niyon... isa.
His
lady in red...
...was
a fucking virgin.
Napapikit
siya.
Pagkatapos
niyon, nangangatal sa galit na tinawagan niya si Brad.
MAAGA
PA ay kasama na ni Tommy si Arianna sa paglalako ng gulay.
Parang
walang ipinag-iba ang araw na iyon sa mga nagdaan maliban sa kasama na niyang
muli ngayon ang kapatid. Masayang pinapansin pa iyon ng mga suki sa labas ng
hasyenda. Matagal na siya ang nag-iisang nakasakay sa trybike at naglalako ng
kanyang paninda. Napagod si Tommy sa ganoong buhay at tumigil sa pagpasok sa
eskwela, pagkatapos ay naghanap ng trabaho sa bayan na mas sasapat daw sa
kanila ang kita kaysa sa karampot na kinikita nila sa pagtitinda ng gulay.
Alam
niyang nataranta na lang ito dahil sa paglaki ng kanilang gastos sa mga gamot ni
Inay. Bilang nag-iisa na ngayong lalaki sa pamilya, sa kabila ng batang edad ay
naramdaman nitong kailangan na nitong magpakalalaki at maghanap. Napadpad nga
ito sa bar ni Aling Venus, naging serbidora doon, boy, janitor. At kumita ito
ng sapat dahil na rin sa mga tip ng mga babaeng nagtatrabaho kay Aling Venus tuwing
napapatakbo ito sa kung anu-anong utos. Pero nang lumala ang sakit ng kanilang
Inay, nataranta na naman si Tommy.
Noon
ito nangupit kay Aling Venus. Naipagamot nila ang Inay niya sa pag-aakalang ang
dala nitong pera ay naipon nito habang ang iba pa ay inutang na idinahilan nito
sa kanya. Wala na ang pera nang malaman niya sa huli ang ginawa nito.
Pinatawag
siya ni Aling Venus sa bayan at nagbanta ito na kung hindi babayaran ni Tommy
ang salapi, ipakukulong nito ito.
Noong
isang linggo lang iyon. Isang linggong nataranta siya sa pag-iisip kung anong
gagawin habang hinahanap ang naglayas na si Tommy. Pinatawag siyang muli ni
Aling Venus kahapon, at nang magharap silang muli ay halos lumuhod na siya rito
sa pagmamakaawang hayaan na lang nitong magbayad sila nang paunti-unti, sa
makakaya nila sa kita sa bukid.
Pero
tinawanan lang nito iyon.
“Mabuti ba sana kung inutang n’yo
‘yung pera, pwede ‘yang sinasabi mo. Pero ninakaw ng kapatid mo ang pera kahit
mabuti ang pakitungo ko sa kanya rito. Naawa na nga ako sa kanya, nagtraydor pa
siya sa ‘kin... pero may paraan para
makabayad kayo nang hindi kayo nagpapawala kahit isang sentimo. Alam ko
namang wala kayong pagkukunan.”
Napatingin siya rito. Hindi siya
ignorante. Sa tingin nito sa kanya, nagkakutob siya kung ano iyong paraang
sinasabi nito.
At hindi siya nagkamali.
Bumalik
siya sa kasalukuyan sa tawag ni Tommy.
“Ate,
kung pwede pa raw matawaran ‘yung pakwan.”
“Ah,
oho, oho. Magkano ho bang gusto n’yo?” nakangiti niyang tanong sa parokyano.
Naubos
nila ang mga gulay at prutas nang umagang iyon, at nakabalik pa sila sa bahay
nang may sapat pang oras para makapagluto ng tanghalian.
MATAGAL
BAGO napakalma ni Brad si Enrique bago nito naunawaan ang sinasabi ng pinsan.
Natawa
pa ito. “What? She got you a virgin? Anak ng... kaya pala humingi pa ng
ekstrang bayad ang matandang ‘yon!”
Nagngitngit
ang mga ngipin ni Enrique. Ilang sandali ang pinalipas niya bago niya nagawang
muling makapagsalita. “She... was... a... virgin, Brad. Don’t you understand
what that means?”
“What?
In that business, all it amounts to is the price. I paid for a virgin, so I got
you a virgin.”
Hindi
siya makapaniwala sa kanyang narinig.
“Whoa,
wait...” nalilito nitong bawi sa kabilang linya. “Are you trying to tell me you
didn’t want a virgin? Look, pasensya na. Hindi ko rin alam. Ang sabi ni Aling
Venus, ikukuha niya ako ng bago—‘yung fresh sa business. Pero hindi niya
nilinaw na isang virgin ang ipapadala n’ya sa ‘yo. I really didn’t know.”
Napapikit
si Enrique. Sumasakit ang kanyang ulo. It was like they were talking about meat
in the market. It didn’t feel like that last night.
Naaalala
na niya lahat, bawat detalye. She was scared, a scared little thing, and he was
rough with her. Everytime he remembered how he’d entered her without knowing it
was her first time, he would cringe.
He
could be a woman-hater sometimes but he’d never deliberately hurt a lesser
gender. Kahit sa isang babaeng binayaran, even if she was the only one, alam
niyang hindi siya ganoon. At least, alam niyang hindi siya ganoon kababa,
mapait niyang naisip. But he was angry and drunk last night. He should have
noticed something.
“Look,
Enrique, these girls, when they enter this kind of... transactions they know
what they’re getting into. Matitibay ang kanilang mga sikmura at handa ang
kanilang loob. So it was a lousy first time for you, too. Pero we can remedy
that. Kukuha ako ng bago, ‘yung siguradong hindi virgin. Babawi ako.”
“Don’t
bother,” sambit niya. Mauubos lang ang pasensya niya sa pagpapaliwanag. “Just
find out who she is.”
“Whoa...
wait. Are you saying...?” Nagbuntunghininga ito. Ito naman ngayon ang mukhang
nauubusan ng pasensya. “Look, Enrique, let me take care of this, okay? Huwag ka
nang sumali. Walang kwentang gusot ito.”
“Brad,”
aniya sa malamig na tinig, “I should know who she is before tonight or you
don’t get that money for the new generators. And you should know not to treat me
with kid gloves.”
“I
didn’t... Enrique naman...”
“Fucking
bastard.”
Ibinaba
niya ang awditibo ng telepono bago ito may masabing magiging dahilan pa para
masira niya iyon.
Please like this Facebook page: Noelle Arroyo * Author
Ms. Noelle arroyo saan ko po ba mabibili to ang ganda kc ng story
ReplyDelete