Showing posts with label story. Show all posts
Showing posts with label story. Show all posts

Tuesday, January 31, 2012

From This Night to Forever


FROM THIS NIGHT TO FOREVER
By Noelle Arroyo

Matagal nang kilala ni Arianna si Enrique pero ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap na ito ang lalaking aangkin sa kanya isang gabing nasa gipit siyang sitwasyon. Ang inasahan niya ay impiyerno, hindi langit, sa mga bisig nito. At nang iwan na niya ito, tila may iniwan din siyang parte ng kanyang puso na ito lamang ang makapagbabalik.

Hindi niya inaasahang ipahahanap pa siya nito. At nang muling magtagpo ang kanilang mga landas ay gusto nitong tuluyan siyang ariin. Gusto niyang lumaban at tumakas. Dahil masasaktan siya nang labis kung pagnanasa lang ang dahilan nito at hindi pag-ibig…



Chapter ONE
TAHIMIK ANG YABAG ng mga paa, nilakad ni Arianna ang driveway mula sa gate patungong bahay. Madilim ang gabi at tanging ang liwanag lang ng buwan ang kanyang gabay. Tahimik din ang paligid, kung may ingay man ay nagmumula sa mga kuliglig.
Pero hindi sasapat iyon para matakpan ang malakas na kabog sa kanyang dibdib.
Mapula ang kanyang damit, simpula ng dugong dadaloy kung magtatagumpay ang kanyang lakad ngayong gabi. Bahagya nang nakita ang pagkatal ng kanyang kamay sa naisip. Nakarating ang dalaga sa baba ng tatlong baitang na hagdang marmol at sandali siyang tumigil. Sandaling sandali, inangat niya ang kanyang mukha para tanawin ang taas ng bahay… ang bintanang naroroon kung saan pakiramdam niya ay may nakasilip. Nanatili iyong madilim. Hindi niya makita kung may kurtina. Hindi niya makita kung may tao.
Pero sigurado si Arianna na merong tao roon. Isang lalaki. At siya ang hinihintay nito.
Yumuko siya, pumikit at ilang sandaling pinanlabanan ang nararamdamang pagkaliyo. Hindi pwedeng mataranta o manghina ang loob. Lampas na siya sa pag-urong, sa pagsuko. Wala nang ibang paraan. Ito lang.
Kailangan niyang iligtas ang kanyang kapatid. Ito lamang ang paraan.
Nakakuyom ang mga kamay, sa wakas ay kumilos si Arianna. Inakyat niya ang hagdan at nakarating siya sa malalaki at mabibigat na double doors. Hinawakan niya ang isa sa mga brass na hawakan at itinulak iyon matapos ang isang pisil. Hindi niya alam ang aasahan, pero nang magbukas ang pinto nang walang kahirap-hirap, pakiramdam niya ay noon lang siya talaga nakarating sa puntong wala na talagang urungan, magbago man ang kanyang isip o hindi. Matakot man siya o tumakbo.
Inangkin niya ang unang hakbang papasok sa bahay.
At napahingal nang maramdaman ang hila nang malalakas na mga kamay sa kanya patungo sa kadiliman.

PINANOOD NI Enrique ang paglalakad ng babae mula sa gate palapit sa bahay. There was no hesitant step there, just sure steps, a confident sway of the hips that seem so natural, so full of grace. Mahina siyang natawa sa description niyang naisip. So full of grace… yeah. So in contrast with the bloody red scrap of thin material that was her excuse for a dress.
 He has to admire the woman. Wala itong suot na anumang panakip sa lamig ng gabi. And she’s beautiful… what he could see of her, at least. Maputi ito, at dahil doon ay lumulutang ang malasutlang kutis sa kabila ng dilim, lumalaban sa pulang pulang tela nang malambot nitong damit. Brad did say she was going to be a beauty. Her long hair, looking full and soft, cascaded down her breasts and back in soft curls. Naramdaman niya ang pagsigid ng init sa kanyang laman nang makita sa kanyang isip na sumasabunot ang kamay niya sa kalambutan niyon sa unan habang inaangkin niya ang mainit nitong katawan.
Nagulat si Enrique sa kanyang sarili. Napatingin siya sa kopita ng alak na kanyang hawak. Lusting over a call girl, he has never lusted over a call girl this hard. He’s never lusted over a call girl, period.
So it must be the brandy.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa lumalapit na babae habang nakadarama nang pag-usbong nang kung anong satisfaction sa kanyang dibdib. Well and good, for the first time in weeks, he’d felt a stirring in his loins that did not involve Helena. After the bitch dumped him for someone richer, Enrique had been living in a swirl of shock. Hindi pa rin siya makapaniwala na salapi nga lang ang dahilan kung bakit siya nito minahal at na iyon din ang dahilan kung bakit siya nito iniwan. Hindi siya makapaniwala na sa walong buwan nilang relasyon, naitago nito sa kanya ang malaking bahaging iyon ng pagkatao nito. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng inalayan niya ng kanyang puso, buhay at kinabukasan ay isang malaking fake.
Hindi siya makapaniwala na siya, si Enrique Guerrero, ay nagawang mapaikot nang isang babae—fooled, blindsided by a fucking bitch. Hindi ba’t isinumpa niyang hindi siya matutulad sa kanyang ama?
Napupuno ng pait at galit ang dibdib at ulo ni Enrique nang makita niyang tumigil ang babae sa may baba ng hagdan. Naningkit ang kanyang mga mata nang makita niya iyong sandaling galaw na nagpapakita ng reluctance. Ng kaba. Ngumiti pa siya nang bahagya. Go on, run away. Be  scared. It’s not going to be easy for you tonight…
Pero hindi ito tumakbo. Sa halip, nag-angat ito ng mukha—at direktang tumitig sa kanyang mga mata na parang alam nitong naroroon siya.
Hindi lamang ang direktang titig na iyon, hindi lamang ang perpektong kagandahan ng mukha, kundi iyong emosyon ng kahinaan roon ang parang sibat na tumusok sa kanyang puso. Sobra ang naramdaman niyang salakay ng damdamin, bahagya siyang napaurong na para iyong isang literal, isang pisikal na suntok sa kanyang solar plexus.
It’s a trick of the light, pagdadahilan niya. Or he was not drunk enough. Nang makabawi siya, hindi na nakatingin ang babae sa bintana. Nagbuntunghininga siya, malalim, saka niya tuluyang inubos ang natitirang brandy sa kopita.
And then he was in a hurry to get downstairs. To take her.
And conquer her.
Another fucking daughter of Eve.
Get this over with, nagngingitngit ang mga ngipin na utos niya sa sarili. Get this over with. Get over that… that look on her face that seem to say she was about to cry. Bitches don’t really cry, they crack a laugh so pure and evil, the sound would make any self-respecting asshole cry. Get over her. Get over Helena’s fucking shadow. Get over them bitches. This is for you, Helena. This is for you, mother!
Nakarating siya sa pinto habang bumubukas iyon. Kasabay nang paglantad ng silhouette ng babae sa pintuan, umabot ang kanyang kamay at hinila niya ito papasok.
Narinig niya ang gulat, parang takot nitong paghingal. That seemed to spur the awakened devil in him more. Itinulak niya ang pinto pasara nang isa niyang kamay saka niya ito pasalyang isinandal sa likod nang isa pang pinto.
Isinabunot niya ang mga daliri niya sa malambot nitong buhok. As soon as his brain registered that it was softer than he’d imagined, hinawakan nang isa niyang kamay ang baba nito, sinapo ang panga.
Saka niya inangat ang mga labi nito sa kanyang mapanibasib na halik.

SA ASULTONG iyon, ni hindi nagkaroon ng pagkakataon na magmanhid ang utak ni Arianna gaya nang kanyang inaasam. Nahila siya mula sa labas pero sa halip na sa kaligtasan sa loob ng bahay ay sa panganib na walang katiyakan. Naramdaman niya ang sakit nang paghampas niya sa pinto noong tinulak siya roon ng mararahas nitong mga kamay, nang matipuno nitong katawan. Isa itong malaking lalaki, iyon ang tumakas sa kanyang tigagal na isip bago siya napahingal nang sabunutan nito ang kanyang buhok, marahas na sapuin ang kanyang panga, at sibasibin ang kanyang mga labi nang walang kaingat-ingat nitong halik.
Napapikit na lamang si Arianna. Inasulto siya ng amoy ng alak, marahas na kamay na humawak at pumisil sa isa niyang dibdib bago iyon bumaba upang saluhin ang isa niyang hita at iangat sa balakang nito. Ni hindi na siya makahinga sa halik nito pero muntik na siyang mapairit nang maramdaman ang matigas nitong pagkalalaki habang itinutulak nito iyon sa kanya. Hubad ito… hubad sa loob ng roba. Dios ko, Dios ko, huwag ganito, huwag po, iyon ang pumasok sa kanyang isip. Walang nakaaalam kung nasaan siya ngayon. Hindi niya pwedeng sabihin ito kahit kanino maliban kay Aling Venus. Baka tuluyang mamatay ang kanyang Inay kapag nalaman nito ang nangyayari sa nag-iisa nitong anak na babae sa mga sandaling iyon. Kailangan pa siya ng kanyang pamilya. Kailangan niyang mabuhay.
Inimpit niya ang iyak, ang daing, ang takot. Hindi siya pwedeng tumanggi. Hindi siya pwedeng tumulak. Makukulong si Tommy. Hindi pwdeng makulong ang kapatid ko.
Kailangan kong nakaligtas dito.
Nag-angat ng ulo ang lalaki at nagitla siya sa narinig na utos. “Kiss me, damn it! Kiss me back! You’re like a brick, whore. Kiss me!”
Nangatal ang kanyang mga labi. Umalpas ang iniimpit niyang daing. Hindi niya alam kung paano gagawin ang iniuutos nitong gawin.
“Magpaganda ka lang. Magpakita ka ng laman. Pustorahan mo ang mukha mo. Makita lang niya kung ga’no ka kaganda, alam na niya ang gagawin,” iyon ang sinabi sa kanya ni Aling Venus. “Hindi mo kailangang pakahirap. Humiga ka lang d’on at matatapos din ang lahat.”
 Ni walang oras para sa higaan. Inaangkin na siya nito dito sa likod ng pintuan.
“Damn it!”
Napapitlag na naman siya. Saka napahingal noong mula sa pinto ay pasalya siya nitong hinila sa madilim na kalooban ng bahay. Sa kabila ng dilim, nakalalagos ang sinag ng buwan sa manipis na mga kurtina at nakita niyang isa iyong maluwang na espasyo. At na hinihila siya nito sa isang dambuhalang sofa.
Napairit siya, hindi niya napigil, nang marinig niya ang ingay ng napunit na tela. Iirit sana siyang muli pero muli nitong inangkin ang kanyang mga labi. Bumagsak ang kanyang damit, nalantad ang kanyang dibdib. Sandali lang at naibaba nito ang straps ng kanyang bra at sumama ang brang iyon sa damit niya sa sahig. Natira ang kanyang panties.
Saka siya nito itinulak sa sofa.
Dios ko, Dios ko, Dios ko, Dios ko…
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inutusan ang kanyang sarili na mula sa sandaling iyon, hindi na siya mumulat pa.
Pero iyong inasahan niyang susunod na mangyayari ay hindi nangyari. Sa halip, nanatili ang lamig sa kanyang balat, nanatiling nakahiga siya roon, hindi nadadaganan, at wala siyang narinig na ingay sa sumunod na mga sandali maliban sa paghingal ng lalaking umasulto sa kanya sa pinto.
Napamulat si Arianna sa kabila ng takot. Anong ginagawa nito?
Pero nakatitig lamang sa kanya ang lalaki.
At namalayan na lang niyang napapatitig din siya rito.
Paanong hindi siya tititig, kilalang kilala niya ito.
Dios ko… si Senyorito Enrique!

NOONG PUMAYAG si Ariannang isuko ang kanyang dangal sa isang magdamag kapalit nang hindi pagsasampa ng kaso sa kanyang bunsong kapatid, hindi niya alam kung kanino siya ireregalo. Ang sabi lang ni Aling Venus ay regalo siya nang isang mayamang suki sa bar nito sa isang kaibigan at ang bayad sa kanya ay sasapat para sa halagang ninakaw ni Tommy sa kaha nito.
Ni sa hinagap, hindi niya inakalang ang lalaking pagreregaluhan sa kanya ay ang nag-iisang anak ni Don Sylverio Guerrero, ang mayamang hasyendero na nagmamay-ari nang tinitirikang lupa ng kanilang bahay. Oo nga’t isa ang bahay na ito sa mga pag-aari ng mga Guerrero. Kumabog lalo ang dibdib niya—ang bahay na ito ay pribadong pahingahan nang mismong lalaking ito. Pero ni hindi niya naisip... ni sa hinagap... Nakita na niya si Senyor Enrique nang ilang beses habang siya’y lumalaki pero laging sa malayo lamang. At sigurado siyang ni hindi siya nito napapansin.
Si Enrique… si Senyor Enrique, paano nangyari ito?
“My God… you’re so beautiful,” narinig niyang sambit nito.
Nasa katawan niya ang mga mata nito, unti-unting umaangat pabalik sa kanyang mukha. Nagtama ang kanilang mga mata. At nag-init ang kanyang mga pisngi nang noon nito ibinagsak sa sahig ang suot nitong roba.
Kahit kailan, sa buong dalawampu’t dalawang taon ng kanyang buhay, ay hindi pa nakakita nang hubad na katawan nang isang lalaki si Arianna.
Natulala siya, pero sandali lang dahil kumilos ito. Yumuko ito at binuhat siya nito mula sa sofa.
“This is better done in bed, don’t you think?”
Hindi, tanggi ng isip niya habang napapahawak nang mahigpit sa balikat nito sa takot na mahulog. Pero huli na ang lahat.
Bumubulusok na siya sa loob ng banging ang lalim ay walang katapusang kadiliman...

BAHAGYANG NANGATAL si Arianna nang maramdaman niya sa kanyang likod ang malamig na tela ng bedsheets sa kama. Napapikit siya dahil sa kwartong pinagdalhan nito sa kanya, walang pwedeng pagtaguang dilim. Bukas ang mga bintana at pumapasok sa mga iyon ang liwanag ng buwan. Kung mulat siya, makikita niya lahat nang gagawin nito sa kanya.
Ang nakapagtataka, iyong pagkasindak na naramdaman niya kanina ay nabawasan na. Na para bang nang makita na siya nito, nabawasan ang karahasan sa mga kilos nito. Hindi lamang iyon, nang makilala niya ito, may kung anong kabatirang hindi siya nito sadyang sasaktan ang pumawi sa matinding takot na nagdala ng pakiramdam sa kanyang hindi siya makaliligtas sa gabing ito kanina lang.
Kilalang patas ang mga Guerrero, karespe-respeto. Nang mamatay ang kanyang Itay, pwede na silang palayasin ng mga ito dahil wala nang nagtatrabaho sa lupa. May sakit sa puso ang kanyang Inay na lalong lumala nang mamatay ang asawa nito at bata pa noon si Tommy. Wala nang maaari pang asahan ang mga Guerrero sa kanila.
Pero hindi sila pinaalis ni Don Sylverio. Hindi lamang iyon, nagbibigay ng tulong ang mga ito sa mga panahon ng kalamidad sa kanilang mag-iina gaya nang ginagawa ng mga ito sa iba. Hindi sila sinita noong ginamit nila ang maliit na plot sa tabi ng kanilang nilipatan noong umalis sila sa mga bahay para sa mga pamilya ng mga trabahador para taniman ng gulay na pinagkakakitaan nila at kinukunan ng pagkain. At kapag may araw ng gamutan, isa ang kanyang Inay sa walang palyang sinusundo ng jeep na naghahatid sa lahat sa health center na pribadong minamantine ng mga Guerrero.
Nabubuhay pa silang mag-iina dahil sa mga Guerrero. Malaki ang utang na loob nila sa mga ito.
Napalunok siya noong humiga ito sa tabi niya. Ibinigay niya ang kanyang dangal para sa kaligtasan ng kinabukasan ng kapatid niya.
Pero hindi lamang pala. Hindi niya inakalang ibibigay niya iyon sa halagang mas mataas pa.
“Halikan mo ako,” narinig niyang utos nitong muli, pero hindi na sa marahas na tinig.
Sa mga sandaling iyon, handa na siyang sumunod.
Gagawin niya ang anumang ipagagawa nito. Sa buong magdamag.
Pagkatapos niyon, kalilimutan na niyang nangyari sa kanya ang gabing ito sa buo niyang buhay.

NAGMULAT SI Arianna.  
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nagkunwaring tulog, pero hindi iyon gaanong katagalan. Naririnig niya ang malalim at regular na paghinga ni Senyorito Enrique sa kanyang tabi. Nakatabing sa kanila ang kumot, sa ilalim niyon ay nakayakap sa kanya ang isa nitong braso at nakabuhol sa kanyang mga hita ang isa nitong hita. Sandali niyang pinroblema kung paano siya makakawala.
Kailangan na niyang umuwi. Tapos na ang kanyang trabaho. Tapos na ang lahat.
Dahan-dahan niyang binuhat ang kamay nito para ilagay sa tabi nito. Pagkatapos niyon ay ang hita naman nito. Dios ko, ang bigat! Isa itong matangkad na lalaki na may maskuladong katawan. Ang mga kababaihan sa hasyenda ay hinangaan ang kagwapuhan nito at porma sa malayuan. Hindi niya alam kung merong naglakas ng loob magparamdam ng interes. Mabait ang mga Guerrerro pero malinaw sa kilos ng mga ito ang malaking agwat nito sa lahat. Kumpara sa kanila, mistulang agila ang mga ito sa kalangitan habang sila’y mga sisiw na tumatanaw lamang.
Dito sa San Arkanghel Gabriel, ang mga ito ay mistulang mga diyos. Lahat ay nakikinig sa mga ito. Maging matataas na mga opisyal ay hindi magtatangkang kalabanin ang mga ito. Patas ang mga Guerrero pero nakakatakot namang kaaway. Bukod sa mag-ama, ang mga tiyuhin, ang ibang mga pinsan, at iba pang mga kaanak na basta may koneksyon ay nakikisabit. Pero ang mag-amang Sylverio at Enrique ang nakahihigit sa lahat.
Hindi niya inakalang nakasama niya si Enrique sa kama—sa buong magdamag.
Muli, nilagyan niya ng harang ang kanyang isip. Kung pababayaan niyang tumakbo ang kanyang utak, baka ikabaliw niya iyon. Bahagya siyang napangiwi nang maramdaman niya ang kirot sa kanyang kaselanan. At maging iyon, kung paano nangyari… ang hindi maipaliwanag na sakit at sarap, ay tinanggihan ng kanyang utak.
Bumaba siya sa kama. Ni hindi ito kumilos. Siguro nga ay lasing na lasing ito. Binawi niya ang nag-iisang saplot na natira sa kanya na nahubad din sa huli. Hindi na niya pinansin ang natuyong pahid ng dugo sa kanyang mga hita at sinuot niya ang maliit na tela. Saka yakap ang dibdib na lumabas siya ng kwarto at bumaba sa salas.
Kung saan niya nadidismayang binawi ang sira na niyang pulang damit sa sahig.
Meron pang isang piraso ng damit na natira at iyon ay ang roba ni Senyor Enrique. Nag-aalala niyang minataan iyon, pero hindi siya pwedeng umuwi nang hubad!
Sa huli, sinuot niya ang roba para matakpan ang kanyang katawan. Sigurado siyang marami pang roba si Senyorito Enrique at hindi nito ipagdadamdam ang pagkawala nang isa.
Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay.
At tumakas na siyang muli sa kadiliman.


Chapter TWO
KIPKIP SA KANYANG dibdib ang mga lapel ng roba, naglakad sa tabi ng kalsada si Arianna. Hindi niya pinapansin ang anumang maaaring magbigay ng takot sa kanya. Kaninang nilalakad niya ang kabilang direksyon, ang takot na naramdaman niya ay nakatutok lamang sa kanyang patutunguhan. Pero tapos na iyon, tapos na lahat. Pwede na silang makapagsimulang muli.
Bigla, nakakita siya ng pagkilos sa kanyang unahan. Napatigil si Arianna, nag-aangatan ang mga balahibo sa katawan sa atake ng takot. Pero napigil ang irit nang makilala niya agad kung sino iyong nakatayo sa kanyang daraanan.
“Tommy!”
“Ate...?”
Nadismaya siya nang mahulaan niya ang dahilan kung bakit ito naroroon ngayon. “Tommy...”
Nasa mukha nito ang mas malalang pagkadismaya habang nakatitig ang tulala nitong mga mata sa suot niya.
Humakbang siya palapit. “Tommy...?”
Umangat sa kanyang mukha ang mga mata nito. Mabilis na iyon ngayong napupuno ng luha. “Totoo nga...?”
Sigurado na ito, pero ang tanong pa rin sa huli. Naawa siya rito. “Tommy...”
Tuluyan na itong umiyak.
Nasambot niya ang bunsong kapatid bago ito bumagsak sa lupa.

“PAANO MO nalaman?” mahinang tanong ni Arianna sa kapatid. Nakauwi na sila noon sa bahay at buhay ang gasera sa gitna ng mesa sa kusina noong lumabas siyang muli pagkatapos maglinis at magbihis. Naroroon ito, umiinom ng kape at hinihintay siya.
Nagbuntunghininga ito. Mapula pa rin ang mga mata nito at paligid niyon dahil sa pag-iyak nito kanina. “Galing ako kina Aling Venus. Nagpunta ako sa bar para kausapin siya tungkol sa kung pa’no ko... kung pa’no ko babayaran ang kinupit ko. Handa ko nang gawin ang lahat. Pero tinawanan niya ako at sinabi niyang masyado pa akong bata saka huwag na akong mag-alala dahil bayad ka na. Nagwala ako kasi isa lang ang alam kong paraan para makabayad ka...” Parang babagsak na naman ang luha nito. “Sinabi niya kung saan ka makikita noong nagsimula na akong magbasag ng gamit, pero hindi na raw ako aabot pa. Tama siya, tama siya...”I binagsak nito ang ulo sa mga kamay na nakakuyom sa mesa.
“May nakarinig ba sa inyo? May nakaalam bang iba?” taranta niyang tanong.
Umiling ito. “Wala. Wala, ate. Napagalitan pa niya ako sa pag-iingay ko. Sisirain ko raw ang negosyo n’ya.”
Napapikit siya, nakahinga nang maluwag. “Mabuti kung gan’on.”
Nasa mukha nito ang nag-aantak nitong konsensya nang mag-angat ito ng tingin sa kanya. “Ate... patawarin mo ako!”
“Napatawad na kita!” giit niya rito. “Nagkamali ka, oo. Pero hindi ka masamang tao, Tommy.”
“Pero dahil sa ginawa ko, ito ang nangyari sa ‘yo.”
Pinilit niyang ngumiti. “Anong nangyari sa ‘kin? Wala. Walang nangyari sa ‘kin.”
Napatitig ito sa kanya.
“Hindi ka makukulong, iyon ang mahalaga. At siguro naman, hindi ka na uulit. Titigil ka na rito at tutulungan mo kami ni Inay kumita dito sa hasyenda.”
“Ate—“
“Ibabaon natin ang lahat sa limot. Walang kailangang makaalam. Ligtas na tayo... at kalilimutan nating nangyari ang gabing ito. Naiintindihan mo ba?”
  Ilang sandaling nakatulala lang ito, pagkatapos ay tumango ito.
Nagbuntunghininga siya. “Matulog ka na. Mayamaya lang ay umaga na at mamumuti pa tayo nang ibebentang gulay.”
Nakayuko, tumayo ito. “Opo, Ate.” Saka ito pumasok sa nag-iisang kwartong ginagamit nilang mag-iina sa maliit na kubo.
Naiwan siya sa mesa. Matagal niyang tinitigan ang ilaw sa gasera. Hindi itinaboy ng paliligo ang mga kirot na iniinda pa rin ng kanyang katawan kaya iyong sinabi niya kay Tommy, iyong paglimot, ay hindi madaling sundin para sa kanya.
Pero hindi nito iyon kailangang malaman.
Nang nagsimulang uminit ang kanyang mga mata, hinipan niya ang ilaw sa gasera.
At sa dilim niya tahimik na iniyakan ang nawala sa kanya.

UNTI-UNTING NAGMULAT ng mga mata niya si Enrique. He felt strange openning his eyes in a room that he seemed to see for the first time—even when it was his own room in his own house. Nagtataka niyang itinutok ang kanyang mga mata sa hindi kumikilos na ceiling fan sa kisame.
Something happened last night. Something beautiful that he couldn’t remember. Was it a dream? Except he was lying naked on his bed.
Pumihit siya at umabot sa kung sino sa kanyang tabi—isang imboluntaryong pagkilos bago makahabol ang kanyang isip. Pagkatapos ay natigilan siya. There was noone there. Nagsalubong ang kanyang mga kilay, saka sandaling natulala nang maisip na hinahanap niya si Helena.
Pero hindi... mali. He still loathed Helena like the plaque but she wasn’t the one sitting on his muddled head right then. Ibang katawan ang hinahanap niya. Ibang babae. Isang babaeng gusto niyang mayakap muli... gusto niyang maangking muli.
Shouldn’t have fallen asleep. I still want her, want her again. Ang maalala ito habang nasa ilalim niya ito, while he was driving himself into her... hard... loosing himself in the moment. Loosing everything in him. Even the madness. Even the hate.
Saka siya unti-unting nakaalala.
Umuwi siya sa San Arkanghel Gabriel dahil wala siyang ibang matakbuhan. Wala pang masyadong nakaaalam nang pag-iwan sa kanya ni Helena... but Brad knew. Pinsan niya ang lalaki at isa sa kanyang matalik na kaibigan sa kabila nang malaking pagkakalayo ng kanilang mga ugali. They got drunk, right here in this house. Halos isang linggo siyang nakulong dito, walang katulong, walang ibang kasama. At dumarating si Brad kapag may oras ito para samahan siya.
Hanggang sa naubos na ang pasensya nito sa kanya.
“You got to get off this, Enrique. Find other women, play for a while. Maraming babae d’yan ang papayag sa affair na walang commitment. Hindi pwedeng magkaganito ka dahil lang sa isang walang kwentang babae.”
“Lahat sila, mga walang kwenta!”
"Not everyone and you know it. Minalas ka lang.”
Ilang sandaling hindi siya nakaimik. Alam niyang kapag ganoong marahan ang tinig nito, ang naaalala nito ay ang mabait nitong ina. But the kind of woman her late Auntie Bea was seemed to be one in a million—kung ang swerte niya ang pagbabasehan.
“I don’t want to play around. It’s just a waste of time,” reklamo niya.
Brad knew that, too. “Kaya nga may plano ako. Pumayag ka lang. May babae akong ireregalo sa ‘yo. Okay ito. Makakalimutan mo talaga si Helena kahit isang gabi lang.”
“Call girl?” sambit niya nang may pandidiri. “Are you kidding me?” Actually, hindi niya gusto iyong ideyang galawin ang isang babaeng ginalaw ng iba, lalo na ng pinsan niya.
Umiling ito. “Siguro nga pero hindi ‘yung ordinaryong call girl lang. Hindi ‘yung makikita mo basta sa mga bar. I know this mamasan, alam niya ang kailangan ko.” Sa ekspresyon sa mukha niya, natawa ito. “Not mine, this time. I’ll ask someone specially for you.”
“Sira ang ulo ko kapag pumayag ako,” natatawa pa niyang sabi.
May simpatya ang tinapon nitong tingin sa kanya. “At ibabalik ko sa ‘yo... papayag ka bang matuluyang masira ang ulo dahil lang kay Helena?”
Dahil doon... ewan niya pero namalayan na lang niyang pumapayag siya. Not to touch the girl, he just wanted Brad to stop. Stop feeling sorry for him. Stop pitying him. Lalo lang lumalala ang sama ng loob na kanyang nararamdaman. Lalo lang bumabagsak ang pagtingin niya sa kanyang sarili.
And everything culminated to last night.  
He touched the girl. Not just touched, he’s been taken by her the moment he saw her beautiful, vulnerable face in the moonlight. She’d released the rage in him and made him realize he could make love to another woman again. The way he did with Helena.
No, not even like that. When he possessed that woman last night, malaya siya sa anino ni Helena at nang ibang masasamang mga alaala niya sa mga anak ni Eba. Everything else was just forgotten. He wanted that again—her again, kahit alam niya kung ano ito.
That brought him up short.
Isa itong call girl.
Isang babaeng nagbebenta ng katawan.
Shouldn’t that make him feel repulsed?
Except it didn’t. Sa mga sandaling iyon ng pagtitimbang, mas mataas pa ang tingin niya sa babaeng iyon kagabi kaysa kay Helena. She came here, bearing herself as what she really was. Helena came to him bearing pretty strappings, but all she’s come up to really was a whore, up for the highest bidder, mapait niyang naisip.
My lady in red was more beautiful than Helena could ever be, nagmamalaki pa niyang naisip bago siya natawa sa kanyang sarili.
Saka siya muling natigilan.
Tumatawa siya. Tumatawa... siya. And even at that moment, he was still smiling. He felt like laughing at Helena’s face. She was a vain little bitch. She wouldn’t like the idea of someone lowly in life being more beautiful even without the strappings.
Tuluyan na siyang bumangon. She’d be long gone by now, naisip niya habang tumitingin sa labas ng bintana at nakikitang maliwanag na. Pero tatawagan niya si Brad para ipaalam ditong kailangan ulit niya ang babaeng iyon... his lady in red. Maybe he didn’t need someone to love. Maybe, what he needed was a mistress, someone without a mask. Someone who would tell him exactly what she wanted without taking his heart.
Yes. Exactly that, satisfied niyang sabi sa kanyang sarili.
Then he looked for his robe. Wala sa sahig. Naalala niyang sa baba pa lang ay naghubad na siya kagabi.
Pero lumipad lahat sa isip niya nang makita niya ang bahid ng dugo sa kamang nalantad nang nahilang blanket noong tumayo siya.
Pakiramdam niya ay namaga ang ulo niya.
Isa lang ang ibig sabihin niyon... isa.
His lady in red...
...was a fucking virgin.
Napapikit siya.
Pagkatapos niyon, nangangatal sa galit na tinawagan niya si Brad.

MAAGA PA ay kasama na ni Tommy si Arianna sa paglalako ng gulay.
Parang walang ipinag-iba ang araw na iyon sa mga nagdaan maliban sa kasama na niyang muli ngayon ang kapatid. Masayang pinapansin pa iyon ng mga suki sa labas ng hasyenda. Matagal na siya ang nag-iisang nakasakay sa trybike at naglalako ng kanyang paninda. Napagod si Tommy sa ganoong buhay at tumigil sa pagpasok sa eskwela, pagkatapos ay naghanap ng trabaho sa bayan na mas sasapat daw sa kanila ang kita kaysa sa karampot na kinikita nila sa pagtitinda ng gulay.
Alam niyang nataranta na lang ito dahil sa paglaki ng kanilang gastos sa mga gamot ni Inay. Bilang nag-iisa na ngayong lalaki sa pamilya, sa kabila ng batang edad ay naramdaman nitong kailangan na nitong magpakalalaki at maghanap. Napadpad nga ito sa bar ni Aling Venus, naging serbidora doon, boy, janitor. At kumita ito ng sapat dahil na rin sa mga tip ng mga babaeng nagtatrabaho kay Aling Venus tuwing napapatakbo ito sa kung anu-anong utos. Pero nang lumala ang sakit ng kanilang Inay, nataranta na naman si Tommy.
Noon ito nangupit kay Aling Venus. Naipagamot nila ang Inay niya sa pag-aakalang ang dala nitong pera ay naipon nito habang ang iba pa ay inutang na idinahilan nito sa kanya. Wala na ang pera nang malaman niya sa huli ang ginawa nito.
Pinatawag siya ni Aling Venus sa bayan at nagbanta ito na kung hindi babayaran ni Tommy ang salapi, ipakukulong nito ito.
Noong isang linggo lang iyon. Isang linggong nataranta siya sa pag-iisip kung anong gagawin habang hinahanap ang naglayas na si Tommy. Pinatawag siyang muli ni Aling Venus kahapon, at nang magharap silang muli ay halos lumuhod na siya rito sa pagmamakaawang hayaan na lang nitong magbayad sila nang paunti-unti, sa makakaya nila sa kita sa bukid.
Pero tinawanan lang nito iyon. 
“Mabuti ba sana kung inutang n’yo ‘yung pera, pwede ‘yang sinasabi mo. Pero ninakaw ng kapatid mo ang pera kahit mabuti ang pakitungo ko sa kanya rito. Naawa na nga ako sa kanya, nagtraydor pa siya sa ‘kin... pero may paraan para  makabayad kayo nang hindi kayo nagpapawala kahit isang sentimo. Alam ko namang wala kayong pagkukunan.”
Napatingin siya rito. Hindi siya ignorante. Sa tingin nito sa kanya, nagkakutob siya kung ano iyong paraang sinasabi nito.
At hindi siya nagkamali.
Bumalik siya sa kasalukuyan sa tawag ni Tommy.
“Ate, kung pwede pa raw matawaran ‘yung pakwan.”
“Ah, oho, oho. Magkano ho bang gusto n’yo?” nakangiti niyang tanong sa parokyano.
Naubos nila ang mga gulay at prutas nang umagang iyon, at nakabalik pa sila sa bahay nang may sapat pang oras para makapagluto ng tanghalian.

MATAGAL BAGO napakalma ni Brad si Enrique bago nito naunawaan ang sinasabi ng pinsan.
Natawa pa ito. “What? She got you a virgin? Anak ng... kaya pala humingi pa ng ekstrang bayad ang matandang ‘yon!”
Nagngitngit ang mga ngipin ni Enrique. Ilang sandali ang pinalipas niya bago niya nagawang muling makapagsalita. “She... was... a... virgin, Brad. Don’t you understand what that means?”
“What? In that business, all it amounts to is the price. I paid for a virgin, so I got you a virgin.”
Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
“Whoa, wait...” nalilito nitong bawi sa kabilang linya. “Are you trying to tell me you didn’t want a virgin? Look, pasensya na. Hindi ko rin alam. Ang sabi ni Aling Venus, ikukuha niya ako ng bago—‘yung fresh sa business. Pero hindi niya nilinaw na isang virgin ang ipapadala n’ya sa ‘yo. I really didn’t know.”
Napapikit si Enrique. Sumasakit ang kanyang ulo. It was like they were talking about meat in the market. It didn’t feel like that last night.
Naaalala na niya lahat, bawat detalye. She was scared, a scared little thing, and he was rough with her. Everytime he remembered how he’d entered her without knowing it was her first time, he would cringe.
He could be a woman-hater sometimes but he’d never deliberately hurt a lesser gender. Kahit sa isang babaeng binayaran, even if she was the only one, alam niyang hindi siya ganoon. At least, alam niyang hindi siya ganoon kababa, mapait niyang naisip. But he was angry and drunk last night. He should have noticed something.
“Look, Enrique, these girls, when they enter this kind of... transactions they know what they’re getting into. Matitibay ang kanilang mga sikmura at handa ang kanilang loob. So it was a lousy first time for you, too. Pero we can remedy that. Kukuha ako ng bago, ‘yung siguradong hindi virgin. Babawi ako.”
“Don’t bother,” sambit niya. Mauubos lang ang pasensya niya sa pagpapaliwanag. “Just find out who she is.”
“Whoa... wait. Are you saying...?” Nagbuntunghininga ito. Ito naman ngayon ang mukhang nauubusan ng pasensya. “Look, Enrique, let me take care of this, okay? Huwag ka nang sumali. Walang kwentang gusot ito.”   
“Brad,” aniya sa malamig na tinig, “I should know who she is before tonight or you don’t get that money for the new generators. And you should know not to treat me with kid gloves.”
“I didn’t... Enrique naman...”
“Fucking bastard.”
Ibinaba niya ang awditibo ng telepono bago ito may masabing magiging dahilan pa para masira niya iyon.



Please like this Facebook page: Noelle Arroyo * Author 

Friday, January 13, 2012

Ikaw Lamang - Precious Hearts Romances





"If you stop believing in me, I will not have anything else to hope for. Importante sa 'kin that you believe in me. At this point in my life, ikaw lamang ang importante..."

Alam ni Belle na imposibleng umibig sa kanya ang isang tulad ni Cedric Montepiedad. Guwapo ito, mayaman, overachiever, at anak ng may-ari ng hacienda sa kanilang lugar; samantalang siya ay isang simpleng barrio lass na ang tanging passion sa buhay ay magsulat ng mga kuwento. Ngunit tila ganoon ang nangyari kung ang pagbabatayan niya ay ang init ng mga halik nito sa kanya. Wala naman silang malinaw na unawaan. Gayunman, nang kailanganin nitong mag-aral ng master’s nito sa Harvard, ipinabaon niya rito ang isang bagay na napakahalaga sa kanya: ang kanyang sarili.
He promised to come back to her. Pero nalaman niyang nagkakamabutihan na pala ito at ang isang kaibigan niya na nag-aaral din sa Amerika at matagal nang may gusto rito. Ayaw niyang makahadlang sa kaligayahan nito, lalo pa’t nagbunga ang kapusukan nila…



PROLOGUE

TEN YEARS AFTER THE STORY…
There she is…
Dumating ang sandaling pinakahihintay ni Cedric. Bumukas ang pinto at lumabas ng bahay nito si Belle. Sampung taon na ang nagdaan, pero napakaganda pa rin nito. Simpleng kagandahang sa halip na mapingasan ng mga taon at mga karanasan ay parang lalo pang nadagdagan.
“You didn’t tell me she’s beautiful,” sita sa kanya ng kaibigan niyang si Grey na katabi niya sa front seats ng kotse. “Man… and you’re telling me this is all about the kid?”
Umiling siya. “Don’t be fooled by that beauty, Grey. Hindi simpleng babae o mahinang babae si Belle. Mas matapang siya at mas matatag kaysa sa ‘yo o sa ‘kin.”
“She kept the kid from you so you’d go on with your plans for your life, I get it. Ang hindi ko maintindihan, kung bakit kailangan pa niyang magtago kahit noong nakuha mo na ang gusto mo at sinubukan mo siyang hanapin.”
Nagbuntunghininga siya. “Is that really impossible? Baka meron na siyang ibang nakilala.”
“Oh. So do I detect jealousy in your voice?”
Tinapunan niya ito nang masamang tingin. “I came here to talk to her and you came with me for moral support. Remember?”
“Hindi ka makikipagbalikan sa kanya? Hindi ka manliligaw? Dude, she’s the mother of your kid.”
“Which she tried to hide from me.”
“So go and talk to her, then.”
Napatingin siyang muli sa harapan ng bahay. Kinukuha nito ang laman ng mailbox. Nakita niyang ngumiti ito nang may makita, saka napailing. Isa iyong box ng roses. Nasa koreo.
“Uh-oh. Mukhang may iba na nga siya. With a smile as sweet as that, the woman’s definitely in love.”
“Will you shut up?” naiinis niyang sambit.
“Shutting up.”
Nagdaan ang ilang sandali.
“Maybe she’s better off without me. Maybe she’s happier—“
“Pare, hindi mo malalaman kung hindi ka bababa sa kotse at hindi mo siya lalapitan.”
Napalunok siya. “Hindi ko pa rin nakakalimutan na itinago niya ang pagbubuntis niya para magawa ko ang gusto ko.”
“Then go and tell her that if you’d known, you’d much rather be with her than get another degree that would just waste away as a tablet in your display shelves,” marahan nitong sabi.
“What if letting go of her isn’t a bad thing?” Saan ba niya iyon narinig noon? Napabuntunghininga siya. Kay Belle. She believed in the goodness of everything, even bad things.
Pumasok na sa loob ng bahay si Belle. Nagbuntunghininga siya nang malalim, saka hinawakan ang manibela para buhayin ang engine ng sasakyan.
“Where are we going?” tanong ni Grey.
“I need more time to think of what I’m going to say,” aniya.
Pero muling bumukas ang pinto ng bahay at pakiramdam niya ay naririnig pa niya ang tawa nito nang makita ang mukha nitong namumula sa kasiyahan. Imagining the sound of Belle’s laugh made him hungrier than he had any right to be. Tumatawa ito habang hila-hila nang isang batang babae. Isang batang babae na alam niya kung ano ang edad.
Nine years old.
“There’s your little girl,” ani Grey sa kanya. “Now tell me, kailan ka pa magkakalakas ng loob magpakita sa kanila para malaman nilang natagpuan mo na sila?”
Dahil sa bikig sa kanyang lalamunan, hindi siya nakapagsalita.


Chapter ONE

THE STORY…
Nakakunot ang noo nang labing siyam na taong gulang na si Cedric habang nakabaling sa labas ng bintana sa backseat nang tumatakbong SUV. Wala siyang nakikita kundi ang kulay na green saanmang dako siya tumingin. Lahat ng shades ng green—light, dark, yellow green, at golden yellow na may greenish tint—mula sa madamong kapatagan hanggang sa bulubundukin na mistula’y borderline ng lugar na ito.
And it was depressing. Hindi pa man siya nakakarating sa hasyenda, naiinip na siya.
Pero hindi iyon lang ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni Cedric. He could have tolerated it at any other day. Pero pwersahan ang pagpapabakasyon sa kanya nang kanyang mga magulang sa sulok na ito ng mundo. In fact, pinatapon siya rito na parang batang wala pang kakayahan na mag-isip para sa kanyang sarili. Siya, na sa ikalabing-siyam na taon ng buhay ay nakatakda nang kumuha ng Masteral sa Harvard University.
Nakakatawa.
Ni hindi siya hinarap ng mga ito. Sa halip, pinaasikaso na lang siya sa loyal na alalay ng kanyang dad, si Andrew, na nakaupo sa tabi ng driver sa harapan at hindi na umimik matapos siyang sabihang isuot ang seatbelt. 
Like a kid.
The adults never really talked to him, anyway. At him, but not to him. It was like talking to a brick wall. Kapag hindi umaayon sa plano ng mga ito ang maririnig, nabibingi ang mga ito sa kanyang boses.
Ang nakakainsulto, pinatapon siya sa lugar na ito na parang isang suwail na anak na kailangang parusahan. “You have to slow down ang think, anak. You have to take a break,” sabi ng kanyang Mommy. Lumabas ang isang hindi makapaniwalang tawa sa kanyang bibig. Mapaklang tawa. Who would have believed that he was being treated like this right now because he has too many accomplishments?
Nag-aalala ang mga ito. Nag-aalala. Na baka raw nakalimutan na niyang bata pa siya, that he has to slow down. That however he busied himself, that wouldn’t make him forget the fact that his Uncle Tom was dead.
Gumuhit ang pamilyar na ngayong kirot—pamilyar pero hindi kailanman nabawasan—sa kanyang puso. Tumiim ang kanyang bagang. At gaya nang automatic na ginagawa kapag naaalala ang sakit, ibinalik niya sa pagmamaktol ang isip.
It was better to be angry than be hurt. He would choose anger any time of the day.
Kabibili lamang ng kanyang mga magulang sa hasyenda three months ago. He’d never been there, as his parents. Andrew arranged everything.
He wouldn’t be surprised if his mother bought the godforsaken place to be his cell—the best prison for her only son—until they forced him to do what they wanted him to do.
Ang mag-relax. Ang mag-isip.
Nakadama siya ng panic.
No, he couldn’t think. It was too painful. And he couldn’t relax. He has no right to relax. He has no right to be happy.
Napakurap-kurap siya. A sting in his eye. Namalayan na lang niyang nakatingin siya sa labas na parang umiiwas sa tingin nang kung sino kahit wala naman siyang kasama sa backseat. And then he was assailed by the mountains again.
Shit, everything was just so fucking green.
Naalala niya bigla ang childhood friend niyang si Grey. Kung kasama niya ito ngayon, the first thing the bastard would plan to do was to find a pretty village lass.  Grey would have thought an appropriate joke about the place, about the scenery, about the color. Unfortunately, his parents had shipped him to boarding school because he wanted to marry his girlfriend. And that’s that.
That seemed to have happened a long time ago, hindi noong isang taon lang. He’d left Grey behind a longer time than that. He’d left everybody behind.
Maybe it was his thoughts that were depressing, hindi ang scenery.
At ipinikit niya ang kanyang mga mata, nagdarasal na patahimikin nang kung sinong diyos ang in-charge sa ngayon ang kanyang isip.
Except noone seems to be in-charge. Lagi.
Dahil kahit kailan, hindi namahinga ang kanyang utak sa kaiisip.
NANG MAKAPASOK si Cedric sa pinto ng mansyon matapos bumwelta sa sasakyan isang segundo pagkaparada niyon, ang gusto niyang gawin muli ay lumabas sa open air.
“I have to get out,” putol niya sa welcoming speech nang tarantang caretaker. “Just… take my things upstairs. I’m going to take a walk.”
Piping tumango ang matanda. Pagpihit niya, naroon si Andrew at binigyan niya ito nang malamig na tingin. “That’s okay, right?”
“You know you’re free to do anything you want, Cedric.”
Sarkastiko siyang gumibik. “Yeah, right,” sabi niya bago niya ito nilampasan para muli ay makalabas sa bukas na front doors.
Para siyang hinahabol ng multo. Nang makatapak nang muli sa aspaltadong driveway, agad iyong nilamon nang kanyang mga paa hanggang sa nakatapak na siya sa malambot na damuhan. It was all he could do not to run.
He headed for the woods at the edge of the grounds. And for maybe about thirty minutes, he just did not mind where he was going. He just kept on walking.
Until his head cleared. There’s something about forests and woods that had always calmed him. Naramdaman niyang parang nahugas sa kanya ang tensyon at sama ng loob—pansamantala, at least—habang naglalakad nang mabilis at pinupuno ang kanyang baga nang malinis at malamig na hangin. Pumikit siya, hindi kayang itaboy ang muling pag-alala sa kanyang Uncle Tom. They always took hikes, camped, climbed mountains. Yes, they also loved horses but this… he loved being with him in forests most. Muntik na siyang mapaiyak nang maisip na napakatagal na siyang umiwas sa kahit anong klase ng greenery, immersing himself in his studies, to forget.
He’d caused his death. Siya ang may kasalanan kung bakit wala na ito. Siya.
He wished to forget but he couldn’t. He couldn’t.
Dahil ang hirap. Dahil saan man ito naroroon sa mga sandaling iyon, sigurado siyang hindi siya nito sinisisi. Hindi ang kanyang Uncle Tom. Nagngalit ang kanyang mga ngipin. Ang problema ay hindi iyon sapat para tumigil siya sa paninisi sa kanyang sarili. At ang pagkawala nito ay nananatiling isang masakit na sugat na nagnanaknak. Isang malaking kahungkagan na hindi niya alam kung paano niya pupunan.
Nasa gitna siya ng kagubatan at para siyang nauupos. Sa ganitong lugar sila madalas magtungo ni Uncle Tom. Sa ganitong lugar sila nagpapalipas nang masasayang mga oras. Hindi lamang iyon. Sa aliwalas ng hanging dumadampi sa kanyang pisngi, he could almost feel his hand, touching his face.
He’s never been anywhere where there’s so much greenery since Uncle Tom died. He shouldn’t be here.
Umalpas ang unang hagulhol sa kanyang bibig at tumakbo siya, gustong tumakas.
Napatigil lamang siya nang makarating sa gilid nang isang exposed na bangin sa kabilang dulo ng kakahuyan. He wanted to jump but he knew, as soon as he thought it, that he wouldn’t.
He wanted Uncle Tom to be proud of him, not be ashamed of him.
At doon, habang nanonood ang asul na kalawakan, hindi na niya nilabanan pa ang mga luha.
SISIPOL-SIPOL PA ang labing-anim na taong gulang na si Belle habang naglalakad sa kakahuyan. Dito siya nagdaraan dahil mas madaling makarating sa kanila sa halip na sa kalsada. Wala pa siyang makakasalubong na ibang tao.
Galing siya sa trabaho. Sa suot na maruming t-shirt, shorts na mula sa ginupit na lumang jeans at backpack sa kanyang likod, mukha siyang mas bata pa kaysa sa tunay niyang edad na sixteen. Nakasalapid pa mandin ang mahaba niyang buhok sa kanyang likod. Sa hardin kasi ng mga Aventura siya nagtrabaho ngayong araw na ito.
Tigil siya sa pagpasok. Sana’y fourth year highschool na siya pero hindi siya nag-enroll. Namatay kasi ang kanyang Mama at baon sila sa utang. Nagtatrabaho nga siya ngayon sa hasyenda ng mga magulang ng kanyang kaibigang si Casey. Marami kasing gawain sa bahay ng mga ito at doon siya tumutulong sa kung anu-ano, mula sa paglilinis hanggang sa pag-e-encode sa computer ni Tita Yeng na mommy nito. Kaibigan ng mama niya si Tita Yeng noong buhay pa ito. Ang mama niya ang mananahi ni Tita Yeng noon.
Napangiti siya, naaalala ang tudyo sa kanya ni Casey tungkol sa shortcut niyang kakahuyan. Kasi naman, basta napapasok na siya rito ay nagtatagal siya sa pag-uwi kaysa napapadali. Noong isang taon lang kasi ay may nadiskubre siyang secret spot sa kabila ng kakahuyan, isang bangin na nakatunghay sa ilog. Nagtatambay siya sa lugar na iyon dahil maaliwalas ang hangin, malambot ang damuhan at maganda ang tanawin. Nawiwili siyang magsulat. Tapos, kung alam kung saan bababa ay makararating sa ilog kung saan napakasarap maglangoy sa napakalinaw na tubig.
Isa pa sa sikreto niya ay ang kanyang sinusulat. Hindi na lang iyon short stories na ginagawa niya noong elementary pa siya, kundi isang love story na nasimulan niya bago namatay ang Mama niya at hanggang ngayon ay hindi niya matapos-tapos. Nobela na.
Paano kasi, masyado siyang nawiwili sa nakakikilig na istorya at buhay nina Gabriel at Esmeralda. Laging may bagong nangyayari kapag akala niya, patapos na. At susunggaban niya ang pagkakataong mapalawig pa ang kwento nang walang kahihiyan. Iyon talaga ang dahilan kung bakit nagtatagal siya sa kakahuyan.
Alam ni Casey ang tungkol sa kwento at tungkol sa bangin pero hindi ito mahilig magbasa kaya kinukwento na lang niya rito ang development ng kwento at hindi pa nito nararating ang bangin dahil ni hindi niya ito mapapasok sa kakahuyan. Palibhasa mayaman, delikado.
Malapit na siya sa bangin nang bigla siyang napatigil. May naulinigan siya, isang ingay na hindi pamilyar sa kakahuyang iyon.
Nagkamali ba siya, o nakarinig siya nang umiiyak na tao, nakakunot ang noo niyang tanong sa sarili. Pagkatapos ay nawala ang kunot na iyon nang muli niyang narinig ang ingay.
May umiiyak. May umiiyak talaga!
At hindi lamang iyon isang simpleng iyak. Parang hinuhugot ang iyak mula sa kaibuturan ng kaluluwa nito. Namalayan na lang ni Belle na naglalakad na naman siya, parang hinihila patungo sa direksyon kung saan nagmumula ang ingay. Palakas nang palakas iyon habang siya’y lumalapit.
Hanggang sa wakas ay nakawala siya sa kakapalan ng mga puno.
Pero hindi pa man siya nakakalabas, nakikita na niya ito.
Isang lalaki. Isang tingin dito at alam niyang hindi niya ito kakilala o nakita kahit saan dito at sa bayan kahit halos nakatalikod ito sa kanya. Mamahalin ang bihis nito at nadadala nito iyon, sa nakikita niya sa porma nito at tindig. Maganda rin ang kutis nito kahit lalaki, pantay ang pagkaputi at malinis. Mukha itong mayaman. Sina Casey lang naman ang mayaman sa malapit at ang kabilang hasyenda naman ay naipagbili na dahil nag-migrate na sa Europe ang mag-asawang matandang may-ari niyon. Kung merong bisita sina Casey, sana alam niya dahil araw-araw siyang naroroon.
Kung ganoon ay sino ito?
Napahakbang pa siya palapit, hindi natatakot. Tingin niya ay hindi ito masamang tao. Hindi tingin lang, kundi kutob. Dahil siguro sa iyak nito. Hindi niya maipaliwanag kung paano, pero may tumutugon sa kanya sa iyak na iyon. May nababagbag.
Naaawa siya rito. Sigurado siyang may nawala ritong isang importanteng tao, dahil iyon ang iyak niya noong namatay ang kanyang Mama, kahit nga handa na sila noon sa mangyayari. Kahit nagpapasalamat pa nga siya dahil hindi na ito nahihirapan pa. Namatay sa kanser sa dugo ang kanyang ina.
Ang isang taong umiiyak nang ganoon ay malalim magmahal, naisip niya. Kaya sa kaibuturan nang kanyang puso, batid niyang hindi ito masamang tao.
Pinanood niya ito nang hindi nahihiya. At nagulat pa siya nang makitang hindi pa ito isang mama. Para ngang hindi ito masyadong nalalayo sa edad niya. Kahit nakabaling ang mukha nito sa kabila, sapat na ang nakita niyang isang side ng mukha nito para makitang hindi ito matanda.  
At na hindi rin ito pangit. Napakagwapo nito.
Parang si Gabriel.
May kilig na gumuhit sa kanyang puso—kilig na agad niyang itinaboy. Umiiyak na nga ‘yung tao, kung anu-ano pang naiisip niya.
Sino kayang namatay? Pinanood niya ito, naaawa rito. At nang unti-unti nang humina ang pag-iyak nito, hindi na siya nakatiis.
Tumikhim siya.
Parang haplit na pumihit sa kanya ang ulo nito. Nang makita siya, napapitlag ito.
“Jesus fucking Christ!”
Napangiwi siya. Hindi niya inakalang magigitla ito nang ganoon. “Sorry.”
“A-Anong ginagawa mo? Kanina ka pa ba d’yan?” tanong nito habang naninigas sa pagkakatayo roon. Basa pa sa luha ang mga mata nito, namumula ang mga pisngi nito.
“Nagdaraan kasi ako at narinig kita kaya napalapit ako.” Sinipat niya ang mukha nito. Gwapo nga. Mas pa kaysa kaninang gilid lang ng mukha nito ang nakikita niya. Naku, kapag nakita ito ni Casey, tiyak na kikiligin ito rito. Ito kasi ang tipo ng lalaki na maka-crush-an nito. Habang siya, wala pa talagang natipuhan. Maliban siguro kung mabubuhay si Gabriel.
Pero hindi totoo si Gabriel, imbento lang ng imahinasyon niya. Sobrang perpektong karakter sa kanyang nobelang hindi matapos-tapos. Kahit naihambing niya ang lalaking ito kay Gabriel, para sa isang babaeng tulad ni Esmeralda si Gabriel—therefore, ganoon din ito. Si Casey na sing ganda at sing-yaman din ni Esmeralda ang bagay sa lalaking ito.
Ibinalik niya sa lalaki ang atensyon niya. As usual, lumipad na naman sa ere ang utak niya. “Okay ka lang ba?”
“No,” maikling sagot nito, na para bang wala itong panahong gustong sayangin sa pakikipagkwentuhan sa kanya. O sa kahit sino.
Pero curious siya. At kapag si Belle ang na-curious, sing-kapal nang sa kalabaw ang mukha niya. “Bakit ka umiiyak?”
May nagdaang ngiti sa mga labi nito, sobrang bilis para mapagkamalang hindi nangyari pero sigurado siyang nakita niya iyon. “Are you usually this inquisitive with strangers?” tanong nito habang naglalabas ng panyo.
“Hindi naman. Depende sa strangers. Kung mas matanda ka pa siguro, baka ni hindi ako nagpakita sa ‘yo.”
This time, hindi na naitago ang ngiting iyon. Halatang napilitan pero ngiti pa rin iyon. Mas gwapo ito kapag ganoon. “Hindi ka natatakot?”
Napaangat ang isa niyang kilay at tuluyan na siyang lumapit para ibaba ang kanyang bag sa damuhan. “Ikaw, nakakatakot? Pagkatapos kitang makitang umiiyak? Ano sa palagay mo?”
Sumimangot ito. Saka nagpahid ng luha.
Naupo siya sa damuhan at ibinaling ang tingin sa malayo para mabigyan ito ng privacy at pagkakataong i-compose ang sarili. Iba syempre iyong walang habas na panonood sa pag-iyak nito nang hindi nito nalalaman. Nakatingin pa rin siya sa malayo nang maupo ito sa hindi kalayuan sa damuhan.
“So, sinong namatay?” tanong niya.
“How do you know someone died?” tanong nito sa medyo naiinis na tinig.
Napangiti siya. “Gan’on din kasi ang naging iyak ko noong namatay ang Mama ko noong isang taon.”
Wala na ang inis nang magsalita ito. “I’m sorry.”
Sinulyapan niya ito. “Okay lang. Hindi mo naman alam, eh. Sabi ng kaibigan ko, minsan nga raw may pagkataklesa ako.”
“She’s right,” sagot nito, may amusement sa tinig. “How did she die?”
“Hindi pa patay ang kaibigan ko,” sagot niya, nananadyang manudyo.
“I meant your mother,” sabi nito, wala na ang amusement.
Mabilis itong mapikon. Obserba lang niya. “Leukemia. Na-diagnose siya na malala na. Hindi na siya nailigtas ng mga doktor,” sagot niya, hindi maitago ang damdamin sa tinig kahit sinubukan niya. Hindi yata maaalis ang sakit hanggang sa mamatay siya. Sana, matagal pa.
“I’m so sorry,” sabi na naman nito.
“Bakit ka ba sorry nang sorry? Ikaw ba ang nagbigay ng sakit sa nanay ko?” tanong niya, napapatingin muli rito.
Umikot ang mga mata nito. “Of course not. I’m sorry kasi alam kong mahirap mawalan ng ina.”
“Bakit, nawalan ka na ba ng ina?”