Here's a new series from me. I've already sent the draft of the first book to the editors. My fingers are crossed, hope it'll get approved!
(***Please take note that this is only a draft. It might change, depending on the editors and whatever is needed on revision. But... ENJOY!)
(photo credit: Shutterstock)
THE WITCHLING
(Blood Witch 1)
Noelle Arroyo
Teaser:
There are witches, and there is Witch.
Namumuhay ng normal si Bettina, iyong klase ng kanormalan na nae-enjoy nang isang anak mayamang gaya niya. Nagtatrabaho siya sa kompanya ng pamilya, umuuwi sa bahay niyang sarili, at paminsan-minsan ay lumalabas kasama o hindi ang kanyang stepsister na si Veronica na isa ring malapit na kaibigan.
And then one night, she meets the handsome, virile, magnetic and mysterious Barron MonTierra.
At si Barron ang nagbukas ng kanyang mga mata sa mga bagay na hindi kayang basta tanggapin ng kanyang isip – tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, tungkol sa kanyang bloodline, at tungkol sa iba pang nilalang na gaya niya na nagtataglay ng magick at nabubuhay na parang mga imortal gaya nito. They call themselves Magickals. At na si Bettina ay isang witch.
But there is more to it all. Unti-unting natuklasan ni Bettina na hindi lang siya isang normal na witch.
Habang sa dako pa roon, nararamdaman na nang ibang Magickals ang paggising ng kapangyarihan sa dugo ng Witch na hinihintay-hintay magbalik upang muling mabuo ang Unang Trono, at habang may nagpaplano ng selebrasyon, may nagpaplano rin ng paglipol...
“We live in Secret. We live in Silence. And we live
Forever...”
― Luis Marques, Asetian Bible
Terms:
Witch – ang tunay na kapangyarihang sumalin sa katawang lupa para mabuhay. Ang unang Witch, si Mireaia, ay nabuhay sa katawang sinilang mula sa isang human witch at isang Magickal.
witches – mga babaeng Mundi mula sa linya ng mga ancient human witches na may magickal powers. Madalas silang nagiging Priestesses kapag dumating na sa tamang edad. Maaari ring itawag sa mga female magickals na may malalakas na magickal powers, lalo na ang mga PureBloods.
Majikal/Magickal – mga tao/nilalang na pinanganak mula sa mga bloodlines na nabubuhay nang matagal, o makokonsiderang mga imortal.
PureBlood/Blood – mga Magickal na pinanganak sa royal bloodlines; katumbas ng royal blood o dugong bughaw ng mga Mundi sa mga bansa ng mga pangkaraniwang tao sa Lumina Solare.
Mundi – mga pangkaraniwang mga taong nakatira sa Lumina Solare na walang mahika sa dugo pero may kakayahang lumikha sa pamamagitan ng siyensa. Ilan sa mga matatalino at sensitibong Mundi ay nakababatid sa eksistensya ng mga Magickal. Ang karamihang natitira ay walang alam tungkol sa mga ito.
Warlock Lords – mga lalaking Magickal na pinanganak sa linya ng mga PureBloods. Noong panahon, tinawag din silang mga Warlords dahil sa kanilang pangunguna sa mga digmaan ng mga Magickal PureBloods sa ilalim ng Unang Trono laban sa mga rebeldeng Magickal Bloodlines.
Witch Princesses – mga witches na pinanganak sa linya ng mga PureBloods.
Lumina Solare – mundo/dimensyon ng mga buhay.
Lumina Slaba – mundo/dimensyon ng mga namatay na Magickal kung saan naninirahan ang mga ito sa ilalim ng araw na natatakpan ng buwan, o ng eternal eclipse.
Alamat ng Abyss – ang kawalan na tinutungo ng mga namatay na Mundi. Dito rin nagtutungo ang undead na Magickal kapag isinuko na nila ang kanilang mahika para muling isilang sa dimensyon ng Lumina Solare sa bagong katauhan.
Eshikhan Desserts – disyerto sa Lumina Solare kung saan matatagpuan ang mga Eshikh, mga nilalang na may pakpak na parang sa mga paniki, maitim ang balat at kulot at maitim ang buhok. Sila ay magigiting na mga mandirigma at mabalasik kapag kaaway. Kapag nag-aalumpihit ang mga insekto, sinasabing nasa malapit lang ang mga Eshikh.
Speirian Skies – matitirik na mga bangin at rock formations na tirahan ng mga Speiro o mga angel-like beings dahil sa klase ng pakpak meron ang mga ito, kulay gintong buhok, maputing balat at kulay asul na mga mata. Gaya ng mga Eshikh, magigiting rin silang mga mandirigma, pero mas ispiritwal kaysa ibang mga Magickal, at mas madalas makisalamuha sa mga Mundi sa likod ng glamour para maitago ng mga ito ang pakpak.
Fae – mga nilalang na nagmula sa mundong matagal nang kinalimutan ng panahon. Naunang namuhay ang mga Fae sa Lumina Solare bago pa man nakuha ng lupain ang pangalang ito, at ang bloodlines ng mga human witches ay sinasabing direktang nagmula sa mga royal bloodlines ng mga Fae nang makisalamuha ang mga ito sa mga tao. Kilala rin sa ngalang Fairies.
Ang Alamat
May mga witches.
At may Witch.
Ang alamat ng Witch ay tungkol kay Mireaia, at tungkol sa una at ikalawang circle ng Unang Trono ng mga nilalang na Magickal.
Sinasabing si Mireaia ay hindi pangkaraniwang witch, sa halip ay mula sa marubdob na kahilingan nang makapangyarihang mga Magickal na makasama ang tunay na Witch… maging reyna ito, asawa, kapatid, kaibigan, at pag-asa para sa isang hinaharap na malaya at matuwid para sa lahat.
Nabuo ang pisikal na katawan ni Mireaia sa pagsisiping ng High Priestess na si Morgana at High Priest na si Lucius sa gabi ng Spring Equinox. At mula sa bata ay nakita na agad ang palatandaan ng Witch hindi lamang sa isang birthmark, kundi sa pinakita nitong kapangyarihang hindi mapantayan nang kahit sinong Magickal sa kabila na isa itong Mundi. Taglay din ni Mireaia ang pagmamahal na hindi matatawaran at kabutihan sa sinuman o anumang nilalang, at handa ito laging magsakripisyo para sa mga minamahal. Sinasabing ang unang panahon ng mga Magickal ay puno ng panganib dahil sa tyranny nang mas makapangyarihang mga Magickal na nagtangkang sumupil sa mas mahina, at ang Unang Trono ay isang propesiyang lumabas sa bibig nang isang makapangyarihang seer nang magsimulang humiling ang mga Magickal sa kanilang mga pagdarasal nang isang tagapagligtas.
Nang magdalaga si Mireaia, siya ang naging Reyna nang Unang Trono, ang tronong binubuo ng Pure Magickal Bloodlines sa lupain ng Lumina Solare. Ang unang circle sa Unang Trono ay binuo ng Reyna sa pinakamataas na pwesto, ng High Priest na si Lucius, ng Consort mula sa angkan ng mga MonTierra na si Zyrus, at ng Warlord Guard na si Marcus na isang half-blood na Speiro at Eshikh.
Ang sumunod ay ang circle na binubuo ng 13 witch daughters mula sa angkan ng Fae, at 13 warlord princes mula sa iba pang Magickal Purebloods kasama ang MonTierra.
Sinubukang kopyahin nang ibang mga magickal bloodlines sa ibang mga lupain ang Unang Trono ng Witch Queen, na ang unang dahilan ay para maibagsak ang nauna at maghari sa Lumina Solare. Pero lahat ng mga nagtangka ay nabigo. Pagod na ang mga Magickal sa pagdanak ng dugo. Pagod na ang lahat sa karahasan at kawalan ng hustisya. At naibagsak ang mga manggagaya dahil nanguna ang Unang Trono sa pagsugpo sa mga ito.
Ngunit sa kabila ng kapangyarihan ng Witch, dahil ang pisikal nitong katawan ay mula sa lupa at mahina para hawakan ang kapangyarihan nang matagal, tumanda si Mireaia gaya nang pangkaraniwang Mundi at namatay.
Sinasabing nagbalik ang Witch Queen nang ilang beses sa sumunod na mga milenyo para muling makapiling ang kanyang una at ikalawang circle, kahit sa pagdaan ng mga taon ay tuluyang nalagas ang Unang Trono at nagkaligaw-ligaw sa iba ibang lugar sa Lumira Solare ang descendants ng mga ito dahil sa nakakaalarmang pagdami ng mga Mundi at pag-unlad ng teknolohiyang hindi tumatakbo sa pwersa ng mahika.
Nang dumami ang Mundi nang higit pa kaysa mga Magickal, itinago ng huli ang kanilang kapangyarihan para makaiwas sa unang mga digmaang naganap noong panahon dahil sa pag-iimbot sa kapangyarihang hindi nararapat sa mga nauna. Iyon ang hinihingi ng panahon at mapayapang pamumuhay. Pero manaka-naka, umuusbong ang ilang mga rebelasyon at rebelyon. Pero dahil sa pagpupursige ng nabuong makapangyarihang coven na pinamumunuan pa rin ng mga nabubuhay pang mga myembro ng Unang Trono, naitatago ang mga iyon sa mga mata ng mga Mundi.
Pero sa paglipas ng panahon at pananahimik ng Unang Trono ay unti-unti ring muling nakapagbuo ng pwersa ang mga rebeldeng Magickal palihim sa coven.
Ang sa kasalukuyang panahon, binubuo na muli ng mga ito ng isang tronong muli ay susubok sa coven ngayong wala nang Unang Trono…
Sa kasalukuyan magsisimula ang kwento.
Chapter ONE
Pero sa isa sa mga residensya roon ay masyadong maingay at maliwanag. Maririnig ang tugtog ng racy music mula sa loob at umaalpas sa mga bintana ang liwanag ng strobe lights at kaleidoscope. May party na nagaganap sa residenteng iyon, isang eleganteng restored manor house sa isang napakaluwang na real estate property, at pag-aari ni Elektra Madrid.
Pero sa mga matagal nang nakatira sa subdivision, normal na ang ganoong mga pangyayari. Isa pa’y kilalang pilantropo at generous ang sikat at bilyonaryang businesswoman na si Elektra Madrid. Isa itong kilalang designer na may-ari ng ilang branches ng store na nagma-market ng clothing, perfumery at jewelry line dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Napakarami nitong mga kaibigang puro sikat. Walang basta magrereklamo kung naiistorbo sa konting ingay o gulo kung kasama sa party ang mga anak ng mga kapitbahay nito. At ang mapadalhan ng imbitasyon ay nagpapahiwatig ng imbitasyon sa sirkulo nang isa sa pinakasikat at pinakamayanag elitista sa bansa. Sinong magrereklamo?
Maraming mga SUVs ang nakaparada sa driveway, pero maliban sa iilan, kapansin-pansin ang dalawang babaeng umaakyat sa mga baiting patungo sa nakabukas na mga front doors ng Manor House. Hindi alintana ng dalawa ang alinsangan o ang ingay, o kung sakali man ay masyadong nakatutok ang mga ito sa bulungan para mapansin pa ang ibang mga bagay.
Ang dalawa ay ang stepsisters na sina Bettina at Veronica. Pinag-iisipan pa rin nang mabuti ni Bettina kung bakit siya naroroon, habang si Veronica naman ay bahagya pang nagngungulngol na nahila ito sa ibang party para samahan siya rito.
“I told you, you didn’t have to come with me. Sana hindi ko na sinabi sa ‘yo.”
“Are you serious? You don’t come to parties like this. What if you come into something seriously fucked? Baka bawiin ni Tito Fredo ang Firebird ko!”
“No, he’ll not.”
“Sino kayang fucked up ang nagpadala sa ‘yo ng text message na ‘yon?”
“I don’t know. Pwedeng ikaw. Stop cussing, will you?”
“Ako? Bakit ako?”
“Alam kong ayaw mo kay Ryan.”
“I don’t really not like him. Siguro playboy s’ya dati, pero alam niyang kapag nagloko s’ya sa ‘yo, lagot s’ya kay Tito Fredo.”
“No, of course not. Hindi nakikialam si Dad sa social life ko.”
“Walang dapat ipag-alala si Tito sa social life mo, I know,” natatawa nitong sabi. “Saka gusto s’ya ni Tito, kaya kung gagawa siya ng kalokohan sa unica hija nang isang powerful businessman, siguradong lagot s’ya.” May sinabi pa ito sa mahinang tinig at tiningnan niya ito. “What?” mas malakas nitong sabi.
“What did you just say?”
“Wala.”
“I heard you.” Nagbuntunghininga siya. “Ryan’s a good businessman, too. Hindi n’ya kailangan si Dad. Maimpluwensya na ang sarili niyang pamilya.”
Bahagyang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. “And yes, he might really like you.”
“He does. Isa pa, he doesn’t seem to be interested in you.”
Umikot ang mga mata nito. “Please. Not again.”
Ngumiti siya. Alam naman niya ang totoo – mas maganda at kaakit-akit si Veronica kumpara sa kanya. Mas interesting at lahat. Noong highschool, isa itong cheerleader at Prom Queen habang isa siyang nerd na mahilig sa computers. Sabi nito, maganda siya kung mag-aayos siya. But she wasn’t interested in being fashionable and running after new trends. Isa pa, subukin man niya hindi siya magiging isang Veronica na kapag ginawang damit ang kumot, magiging isa iyong instant fashion trend. She thrived on a quiet life, and work. Samantalang si Veronica ay isang extrovert na laging napapaligiran ng mga taong humahanga rito. For people who were close as friends, they couldn’t be more alike. Stepsisters pa mandin sila. Pero hayun nga, nalampasan nila ang stereotype at naging magkaibigan sila.
“Okay, sige. Tingnan natin kung totoo ang text message. Pero pagkatapos, uuwi ka na, ha?” anito.
Napaangat ang isa niyang kilay. “You made me dress up for the party. Ryan might like seeing me like this – if he’s truly here and the…that stupid text message isn’t true at all. Bakit ako uuwi agad? Ano ito, highschool?”
Nagdaan ang pag-aalala sa mukha nito, sandali lang. Pero noong itinago nito iyon agad, nagduda siya. Bakit ba masyado ito biglang protective ngayon sa kanya? Hindi naman siguro siya ganoon ka-ignorante para bigla itong umaktong big sister.
“Let’s go,” aniya bago niya tinulak ang mga pinto na nauna na niyang pinasok kanina kasama ang kanyang Daddy at si Tita Sofia. Malapit na magkaibigan sina Tita Elektra at ang kanyang stepmom at ito ang nag-encourage sa modeling career ni Veronica. Ito rin ang nag-insist na gumamit si Bettina ng stylist. Betina liked casual, comfortable clothes. Pero ang version niya ng kaswal ay pambahay sa isang Elektra Madrid. Noong nagtatrabaho na siya sa kompanya siya sumuko at pinayagan itong sa wakas ay i-manage ang kanyang wardrobe, sa relief ni Tita Sofia. “I mean, I don’t know what worries you. Andito lang ako kanina kasama ang Mom mo at si Dad. How different will it be…”
Pumasok sila sa sunod na entryway na malayong malayo sa hitsura niyon kaninang ibang party pa para sa mas grown friends, business or personal, ni Tita Elektra ang nagaganap sa bahay.
At ilang sandaling tumayo lang sila nang makapasok na sa loob. She had to orient herself first. Sanay na si Veronica sa ganitong mga eksena.
It looked like she found herself in a different house, or on a set of True Blood. Beautiful people, sweaty bodies, sultry music, and dirty dancing on the floor that it almost resembled an orgy. Not that she knew what an orgy looked like. But she could imagine that this was a somewhat version of it.
Hindi na iyon ang living room kanina. Naka-off ang main light pero sa halip na chandelier, may kaleidoscope at strobe lights sa ceiling na nagkukrus ang mga reflections sa ere, tumatama sa mga mukhang heavily made up at lango sa alak. May sume-sway lang sa music. Meron namang bigay na bigay sa pagsayaw. And the beat and the rhythm were, in these lights, sensuous and exhilarating. Inilayo niya ang kanyang naeskandalong mga mata sa mga katawang sobrang magdikit at magkiskisan sa ngalan ng pagsasayaw pero…
Muli, ibinalik niya ang tingin. May magkapareha sa isang sulok, parehong attractive, “nagsasayaw”. Pero ayon sa kilos ng mga katawan ay hindi lamang iyon ang ginagawa ng mga ito. Hindi man nagtatagpo ang mga labi, mas matindi pa sa paghahalikan ang ginagawa ng mga katawan. The way the man’s arms held the woman’s body, touched her… the way she threw her head back as she ground her body to his… it was like the prelude to making love. Their embrace was pure arousal and heat… and her eyes watched, mesmerized.
Inilayo muli ni Bettina ang kanyang mga mata sa magkapareha bago pa mapansin ni Veronica ang ginagawa niya at biruin na naman siya nito tungkol sa kanyang pagiging virgin.
“Do you think Celine sent you the message para guluhin kayo ni Ryan?” tanong ni Veronica malapit sa kanyang teynga para marinig siya nito sa ibabaw nang ingay. Celine was another model who already had her own fashion line courtesy of her very wealthy parents. Batch mate din nila ito sa school at noon pa man ay may pagkamaldita na. Isang spoiled brat, kapag may gusto ito, ginagawa nito ang lahat para makuha.
At ex nito si Ryan.
Ryan, her suitor. Hindi pa niya ito sinasagot. Hindi pa siya nagko-commit. But they were exclusively dating. Gwapo ito, matalino, charming, at successful na businessman. She honestly did not know what attracted him to her. Napaka-confident nito, napaka-charming, at perfect gentleman. Mga katulad ni Veronica ang nai-imagine niyang magugustuhan nito, hindi introvert na gaya niya.
Pero ang posibilidad na maging nobyo niya ang lalaki ay nagpapasaya sa kanyang ama. Ryan was perfect, as far as her father was concerned. Kung dati, nakakunot agad ang noo nito kapag nababalitaang lumalabas siya on dates, iba ang reaksyon nito noong nalamang interesado sa kanya ang mayamang binata na nagkataon ding isang matinik na businessman.
She was always buried in her work that she really didn’t know about Ryan until she met him in a cocktail party that she attended only because Tita Sofia, Veronica’s mother, arranged it. Kung tutuusin, may iba pa siyang mga manliligaw na gwapo, mayaman din naman, at seryoso siyang nililigawan. Pero may kakaibang charm si Ryan. Kuha nito ang loob ng pamilya niya.
And he didn’t seem interested in Veronica. Ito pa lamang ang manliligaw niya na hindi nagtanong o na-curious tungkol sa kanyang sikat na modelong stepsister. Imposibleng hindi nito kilala si Veronica o ang koneksyon nito sa kanya kung ang ex nito ay si Celine. Mas nakakuha marahil iyon nang puntos sa kanya kaysa iba pa nitong mga kalidad.
She thought she had finally found a man who didn’t find Veronica more interesting. Nagpakasal si Tita Sofia at ang Daddy niya noong teenage years nila ni Veronica. Noong una ay may tensyon sa pagitan nilang dalawa ng bago niyang stepsister. Parang ilang ito sa kanya, at lalo naman siya rito. Hindi siya sanay na may maingay sa bahay at hindi lang maingay ang babae, sobrang candid pa. Noong huli ay nagkasanayan din sila. Inakala nitong dahil tahimik siya ay hindi niya ito welcome sa bahay. Pero hindi iyon totoo. She liked Tita Sofia from the very start. Meron siyang sarili niyang ina na kahit wala na ay hindi mapapalitan kahit kailan sa puso niya. Ang maganda sa mommy ni Veronica, hindi nito kahit kailan sinubukang palitan ang mommy niya sa puso niya. Naging parang isa itong auntie sa kanya pero hindi ito umaktong ina. That didn’t mean she had not tried her best to become someone special to her. She was always there when she needed her, but Tita Sofia never tried to assume her mother’s role.
Maganda rin ang nangyari sa kanyang ama mula nang mapangasawa ito. Her father thrived in having an intelligent, business-minded woman for a wife. May nakikita siyang kasiglahan dito na wala noon. Matagal din kasi nitong dinibdib ang pagkamatay ng unang asawa at ang pagdating lang ni Tita Sofia sa buhay nito ang unti-unting bumuhay sa sigla ito. Kaya nilunok niya ang ingay ni Veronica kapag gusto niya ng katahimikan o kaya ay tiniis ang company nito kapag gusto niyang mapag-isa.
Veronica did not make it easy, deliberately or otherwise. Napakaganda nito, magaling mang-charm nang ibang tao, extrovert – at malayong malayo sa kanya. Nagagawa nitong mapalabas ang mga insecurities niya noon, dahilan kung bakit umiiwas siya rito hangga’t makakaya niya. Pero lagi itong nasa malapit, at laging maingay. At ang totoo, napaka-charming nito. Hindi ito madaling itaboy o iwasan o kaya kainisan.
Pagsalta nila sa college, magkaibigan na silang malapit ng babae. Pinayagan siya ng kanyang amang lumipat sa isang condo unit malapit sa university sa ngalan ng independence. Nagulat siya noong sa parehong building kumuha nang sarili nitong unit si Veronica. Ayon dito, hindi siya nito iistorbohin, pero anytime na kailangan siya nito naroroon lang ito.
It worked. On the other hand, noong nagsisimula na itong magmodelo ay lagi rin niya itong nakikita. Kahit nasa twenty-sixth floor ang unit niya, natatanaw niya ang maganda nitong mukha sa tatlong giant billboards along EDSA.
Pero hindi siya naiinggit sa kasikatan ng kanyang stepsister. Nalampasan na niya ang insecurities niya. Noon pa, tanggap na niya kung ano ang mga meron dito na wala sa kanya. A certified computer geek, masaya siya sa kanyang trabaho at hindi niya ma-picture ang kanyang sarili na nakikipagkompetensya sa stepsister niya sa larangan nito.
She already had too much. She felt very lucky that she wasn’t born from a poor family, or that she didn’t have delinquent parents. Or she wasn’t raised a spoiled brat. Secure siya sa buhay niya. At masaya siya na meron siyang isang Veronica sa buhay niya.
Ibinalik niya ang atensyon niya sa party. Gaya ni Veronica, si Celine rin ang hinala niyang nagpadala ng message. Kung hindi si Ryan ang hinihinala niyang tinutukoy ng message, wala na siyang maisip pang iba. Imposibleng hindi pa alam ni Celine na nanliligaw sa kanya si Ryan, isa sa most eligible bachelor sa buong Manila. Kung ito nga ang nagpadala ng message, sino pa bang mahalagang tao ang tinutukoy nito kundi ang lalaki?
Someone important to you will be in E. Madrid’s party tonight, and he won’t be alone. Want to come and join us?
Pumasok sila sa receiving area ng bahay Ni Tita Elektra. “Hey, dito lang ako sa tabi mo. Don’t you dare go anywhere without me.”
Napatingin siya rito, nagtataka. “Vivi, hindi na ako bata.”
Binelatan siya nito. Ayaw nito ng nickname na iyon kasi. “Basta. Hindi ako aalis sa tabi mo kahit anong mangyari, okay?”
Nagbuntunghininga siya. “Okay.”
Maraming tao sa paligid nila at halos nararamdaman niya ang singaw ng mga katawan ng mga ito. Worse, she still had to shake off that hot pulsing inside her body that watching those two dancers aroused. Sa kabila ng room, may isang lalaking nakatingin sa kanya na ngumisi at kinindatan siya nang mapatitig siya rito dahil nagtataka siya kung bakit ito nakatingin. Na baka kilala niya ito. Pero hindi. Biglang bigla ay nagpasalamat siya na may kasama siya. Hindi pa siya na-exposed sa kahit isa sa mga parties ni Tita Elektra sa buong buhay niya at kung may lumapit sa kanyang lalaki, hindi niya alam ang gagawin niya.
Maaaring malapit din siya kay Tita Elektra, pero sa ibang klaseng environment sila nagkakatagpo. Laging either business meetings, business lunches, catch-up brunch or anupamang parehong mga pagkakataon sila nagkikita nito at madalas ay kasama ang kanyang Tita Sofia o minsan, siya, kapag hindi sila sinasadyang magkatagpo. Tuwing may time din lang ito, madalas siya nitong hilahin sa isang restaurant sakaling sa mall sila nagkasalubong para kumustahin siya. Kaibigan din nito ang kanyang Mommy noong panahon kaya may interes ito na may kasamang pag-aalala sa kanyang kalagayan. Pero kung another Tita Sofia sa kanya si Tita Elektra, alam din niya ang isa pa nitong mukha. She had heard about these racy parties… or what happened to these parties when two people liked each other enough. She had never been to one until now.
Hindi lang come on looks, nakakatanggap rin sila ng mga curious looks habang naglalakad siya at malamang dahil bagong mukha siya. Sa advice ni Veronica, nagsuot siya ng party dress para hindi siya mag-stand out. Pumayag pa siya sa isang mini-black dress dahil naisip niya, tiyak na mas maiikli pa ang suot ng dadatnan niya. Pero hindi ang damit niya kundi marahil ay ang pagiging unfamiliar face niya ang dahilan kung bakit nakakuha pa rin siya ng pansin sa mga narito.
Hindi na lang niya pinansin ang mga ito dahil hindi iyon ang pakay nila rito, sa halip ay naghahanap ang kanyang mga mata at patingin-tingin siya sa mga sulok, sini-sino ang mga naroroon. After almost ten minutes of not seeing Celine or Ryan, she finally accepted that she had been fooled.
Naiiling na tinalikuran niya ang huling pinto para pumihit kay Veronica. “Not here,” aniya. “Stupid me.”
Pero napansin niya ang mukha ni Veronica habang nakatingin ito sa ibang direksyon at kumabog ang dibdib niya. Veronica looked pissed off.
Imboluntaryo siyang napalingos sa tinitingnan nito bago siya nanigas sa kanyang nakita.
Sa isang sulok, nakasandal si Celine sa dingding, katabi ang walang iba kundi si Ryan na nakasandal din sa dingding paharap dito, sobrang lapit dito halos magdikit na ang katawan ng dalawa. He didn’t seem to be bored. He was looking mostly interested in Celine’s semi-exposed breasts. Nakasuot ito ng standard na black, thin, mini-dress, pero kung paano iyon dinadala ng katawan nito ay nagdala sa damit sa kategoryang mas mainit pa sa sexy. Hinahaplos naman ng babae ang batok nito, ginugulo ang buhok nito.
Bettina froze at the intimate scene in the dark. For a moment, she did not know what she felt.
Tapos, bigla siyang nanlumo.
She thought she could trust him.
And she did. Pero hindi pala dapat pagtiwalaan ang kanyang judgment pagdating sa lalaki.
“Bettina?” tawag nang isang mahinang tinig sa kanya.
Napalingos siya kay Veronica. “I’m so sorry, girl,” anito.
Pinilit niyang ngumiti rito. “How about a drink?” nasambit niya. “I mean, wala namang nawala. Hindi ko pa s’ya boyfriend.”
“How about we go home now?”
Umikot ang kanyang mga mata sa ka-OA-yan nito. “No. I don’t want to go home yet, Ronee.” Lumunok siya, pinipigilang tumingin muli sa nakita na niya. “Ayokong umuwi na parang isang loser. Okay? Have a drink with me, and let’s please act like I really don’t care.”
“Can’t we do that anywhere else, hindi dito?” anito.
Napamata siya rito. “What’s the point kung sa bahay?” Kumunot na ang kanyang noo. “What’s wrong with you? May kaaway ka ba rito?”
“Wala,” sagot nito agad.
“Then can I please wallow for a bit before we go home? Kailangan ko nang isang drink, now, before I go there and stick his stupid face to her stupid nipples.”
Ito naman ang napamata sa kanya. “Let’s go.”
Walang masyadong tao sa bar sa sulok na pinagdalhan nito sa kanya sa isa pang room sa maluwang na lugar na iyon maliban sa bartender. Palibhasa may nag-iikot na mga waiters, hindi naglalapitan ang mga guests sa parteng iyon. Matapos humingi ng Margarita sa lalaki roon para sa kanilang dalawa, nag-usap sila nang mahina sa dulong sulok ng bar.
“Are you okay?” tanong nito.
Nagbuntunghininga siya. “Parang hindi. Ang init,” reklamo niya. Pero buhay naman ang aircon at dahil konti ang tao roon, dapat malamig. Nagbuntunghininga siyang muli para pakalmahin pa ang sarili. Pinipigilan niyang magalit. “I almost fell for him, you know. Akala ko talaga…”
“It’s Celine,” anito. “She’s a bitch.”
“Bitch or not, I can’t trust Ryan anymore. And that… that sucks.” Kumunot ang kanyang noo habang napapatuon siya ng tingin sa kanyang Margarita glass.
“Anong iniisip mo?” tanong nito.
Nag-angat siya ng tingin dito. Tapos ay sa paligid niya. “Mainit.”
“How about we go home?”
Napatingin siya sa babae. Could Veronica possibly know? Of course not. Maliit pa siya noon. And since then, she had learned to control it. To forget it. Sigurado siyang hindi iyon sasabihin ng Daddy niya kay Tita Sofia, or ni Tita Sofia kay Ronee. It’s a family secret. It’s nothing, only came up when she’s angry. Matagal na siyang hindi nagagalit.
“It was Ryan, right?” paniniguro niyang tanong. Kasi baka naman nagkamali lang siya nang nakita niya. Madilim sa sulok na iyon kung saan magkatabi ang dalawa. “Hindi ako nagkamali sa nakita ko?”
“How about we pretend it’s Ryan’s twin?” sabi nito sa sobrang dorky at sarcastic na tinig, hindi niya napigilang matawa. At bigla, nabawasan ang init. At nakahinga siya nang konti. Nang mas maluwag.
It was going away, thank God.
Sumimsim siya ng cocktail… naramdaman niya ang pagdaan niyon sa kanyang lalamunan, ang alat sa gilid ng kopita, ang init na dinala niyon sa kanyang sikmura. It felt good, somehow, to drink and try to forget. “Mabuti na lang, hindi pa ako nahuhulog sa kanya nang sobra. I will hate crying for him. Hindi ko pa naranasang umiyak dahil sa isang lalaki…” Napakunot ang noo niya. “Is something wrong with me kaya, Ronee? I never had crushes. Hindi pa ako naloka sa isang lalaki na gaya mo sa marami mo nang naging mga boyfriends since we reached puberty—“
“Wow, thank you.”
“No, it’s not a bad thing,” sabi niya, natatawa. Saka unti-unting namatay ang ngiti niya. “Can you believe that I’m disappointed right now because Ryan is the first person, the first man, who had kissed me, and I liked it, and yet kapag tinatanong n’ya ako kung kami na ba talaga, I still… I still can’t commit?”
“He kissed you and you liked it?” tanong ni Ronee, parang kinakabahang sumulyap sa sulok kung saan naroroon ang bartender.
Hininaan niya ang boses niya dahil akala niya, ang inaalala nito ay baka marinig ng bartender ang kumpisal niya nang kanyang kaignorantehan. “Yes. He’s a good kisser.”
Ang Margarita naman niya ang sinulyapan nito. “O-kaaay. I’m not ure which is better, you going on information overload or you angry or crying right now. Christ, keep me safe.”
Inikutan niya ito ng mga mata sa ka-OA-yan nito. “’Yun na nga ang isa pang disappointment. Ang ikalawa, gusto ko si Ryan dahil gusto siya ni Daddy. But do you think I’ll commit to him just because of that, too? Bigla ko lang na-realized, after I saw him with Celine, that… that I really don’t… that if I’m going to fall for him, sana noon pa. At na naunahan lang ako nang nakita ko, pero hindi rin magwo-work out. Na nakakalungkot kasi after dating a man as handsome and as virile as him, hindi pa rin ako nakakaranas ma-in love. What is wrong with me?”
“Pero kanina, nagalit ka,” tanong nito na parang gusto nitong malinawan ang sinasabi niya.
“Kay Celine. I know her enough and I know Ryan enough para makasigurong si Celine ang nagsimula nito. I want to…” At muli, iyong init. Naiangat niya ang glass at uminom siya ng Margarita, at naubos iyon sa isang tunggang iyon lang. “Another glass, please?” polite niyang tawag sa bartender.
At lumapit ito sa kanila.
Chapter TWO
Nakatayo siya sa kabilang dulo ng bar, sa parteng medyo madilim at kung saan ay hindi siya basta nakikita o namumukhaan ng mga tao sa party. He was also using a glamour in a way that nobody would want to look the bar’s way unless he wanted them, too. Ang gusto lang niyang naroroon ay ang dalawang babaeng kasalukuyang nakaupo roon.
He had felt her come in. Nasa taas siya ng manor, abala sa mga responsibilidad sa mga negosyong hawak ng mga MonTierra dito sa Pilipinas nang bigla niyang nadama ang presensya nito, malakas pero marahan, mabigat pero magaan… at pamilyar.
He already knew she had come back twenty-four years ago, but he managed to stay away because they all knew about the danger. Maraming mga matang nakatingin, nanonood sa bawat kilos ng witch warlord na dating kilalang si Zyrus, ang magician. He had also been the Witch Queen’s Consort. At kung muling isisilang ang Witch Queen, ang witch mate lang nito ang kailangang matyagan para malaman kung nasaan ito.
Sa halip, maingat na plinano ng mga MonTierra kung paano maaalagaan at mababantayan ang baby hanggang sa lumaki ito at makaalala at muling tugunin ang tawag ng Unang Trono.
Hindi ibig sabihin niyon ay hindi siya nahirapang pigilan ang sarili na hindi ito lapitan. Lagi-lagi, tuwing mararamdaman niya ito sa malapit ay nagagamit niya lahat ng pagtitimpi para hindi ito hanapin.
Tonight wasn’t his fault. She wasn’t supposed to be here. Nararamdaman din niya si Veronica. What the hell was going on? Kung sino-sino ang nasa party na ito at kung hindi protected ang Queen…
Mabilis siyang kumilos, bumaba sa party at naghanap ng pwesto kung saan siya tahimik na makapagmamasid. Nakita na niya ang mga mukha ng mga bisita dati, pamilyar na sa kanya ang mga ito. Kumakabog ang kanyang dibdib sa paraang hindi pa niyon nagawa sa loob nang ilang milenya, at maingat niyang hinanap ang may-ari ng presensya hanggang sa ito na mismo ang lumapit sa kanya. O sa kung saan siya naroroon.
Isang tingin sa babae ay nakilala niya ito agad. Heart speaketh to heart, but soul speaketh in a way that was so much more…
Veronica? What the hell are you doing?
Hindi nagtagal ang sagot ng tinawag. It’s not my fault. Someone texted her about… a guy who’s dating her right now and she came because of the text.
Dating?
She’s 24, sarcastic na balik. During our time, she would have been too old for marriage. Of course she’s dating, anito sa kanya sa isip bago ito humingi ng dalawang Margarita sa kanya sa normal nitong tinig habang umaaktong hindi sila nag-uusap sa ibang paraan at na hindi sila magkakilala.
Noone told me she has started dating, angil niya habang tahimik na dinadagdagan ng magick ang kanyang glamour para harangan ang sarili niya kay Bettina.
Probably because we’re all afraid you’ll do something rash.
May gusto siyang sabihin tungkol doon, pero nilunok na lang niya at umurong siya sa sulok at sa dilim, mas malayo sa dalawa.
I didn’t know you would be here. Ang alam ko lang, si Elektra ang narito. I already told her. I’m sure she’s done necessary measures before we even came.
She wouldn’t. Walang kahit isa rito ang nakakaalam tungkol kay Bettina maliban sa aming dalawa. We can’t mobilize people here or that would have caught attention. She should have told me.
Well, anuman ang rason ni Elektra kung bakit hindi niya sinabi sa iyo, we’re already here. And you’re here. Between you and me and Elektra, we should be able to protect her.
Hindi na idinagdag pa ni Veronica ang isang bagay na alam na nila pareho. Si Veronica ay isang Eshikh, after all, kahit kalahati lang iyon. Nasa dugo nito ang naturalesa nang isang matinik na tactician. Sigurado siyang bago pa man pumasok sa pinto ang dalawa, naka-plot na sa isip ng babae ang sunod na mga mangyayari.
Alam nila ni Veronica na ngayong narito si Bettina at narito siya, kailangan niyang gawin ang lahat para mabigyan ito ng proteksyon sa iba – at sa kanya. Iyon lang marahil ang dahilan, umaangil sa isip niyang naisip, kung bakit sinabi nito iyon bago niya makita si Bettina o makalapit ito sa kanila nang sapat para maramdaman siya ng babae.
That would be a catastrophe. The Queen was tied to her emotionally. Ang maramdaman siya ay maaaring makapukaw sa magick nito, at beacon ang magick nang isang Magickal sa iba. Delikado kapag naramdaman ito nang ibang mga Magickal… iyong mga hindi dapat makaalam na nagbalik na itong muli…
Humugot nang malalim na buntunghininga si Barron sa sulok kung saan siya naroroon at kanina pa nilulunod ang mga mata sa bagong mukha ni Mireaia. Gaya nang naunang Witch, kakaiba ang taglay na ganda nang isang ito. Hindi iyon basta ganda, hindi iyong klase na mabilis mapapansin sa karagatan ng magagandang mukha. Hindi rin ito ni malapit sa pisikal na ganda nang unang Mireaia. This one’s features seem more delicate, the quiet face of an intelligent woman.
Pero sa sumunod na sandali, biglang nag-angat ito ng mukha at naghanap ang mga mata sa dilim kung saan siya naroroon, at pakiramdam ni Barron ay tinusok siya ng matatalas na mga kuko nang magtagpo ang kanilang mga mata.
They were Mereaia’s eyes.
The Witch’s eyes were green, but when she was angry or emotionally aroused, the irises of her eyes would turn to black. This woman’s eyes, this Mireaia’s eyes were all black. No green in it. Pareho ng hugis, ng inosenteng pagtutok, ng talino at walang dudang atensyon – at kapangyarihan. Tinusok siya ng tingin nito sa dilim, at sandali siya nitong tinitigan bago nito ibinaba ang mga mata para muling ibalik ang atensyon sa kausap nito.
Pero sa kanyang kinatatayuan, pakiramdam ni Barron ay nakatulos pa rin ang mga paa niya sa sahig. Hindi siya agad nakakibo. Parang tinamaan ng kidlat ang kanyang puso.
The Queen Witch’s eyes. His Witch Mate. There was no doubt about it.
Sa mga sandaling iyon, wala pa man kaalam-alam si Bettina, pero sa pagtatama ng kanilang mga mata ay pag-aari na siya nitong muli.
ANG BARTENDER.
He was on the other end of the small bar again. Sana abala ito sa pagmamasid sa party para marinig iyong pinag-uusapan nila ni Veronica. Sandali niya itong sinulyapan sa dilim at nahirapan siya itong aninagin. Pero nang makita niyang nakatingin din ito sa kanya ay agad niyang ibinaba ang kanyang mga mata.
He was staying away in the dark, giving them privacy. She felt she was the one who was being intrusive.
Pinilit niyang ngumiti kay Veronica. “I’m not entirely hopeless. May matitinong mga lalaki. Ilan din naman ang naging matino mong boyfriends. Ikaw lang ang pasaway.”
“O-kaaay, let’s drink up and be grateful that you found out soon enough about Ryan. Nakaiwas ka sa mas malaking komplikasyon.”
“Right,” aniya. “I have work to do at home pero—“
“Hep! Tapos na ang work, ah. Gabi na ngayon. Pwede naman ‘yan bukas. Tonight’s the night.” May pilyang ngiti sa mga labi nito noong sinabi nito iyon. Pagkatapos niyon ay nginitian nito ang direksyon ng bartender. “Mr. Poging Bartender, tig-isa pa kaming glass ng Margarita, please? Thank you!” Pagkasabi niyon, bahagya siya nitong binunggo. “Gwapo ang bartender,” kinikilig nitong bulong. “If he hits on you, sumakay ka, ha? Maano bang ngayong gabi lang, makipag-flirt ka lang.”
“Veronica!” shocked niyang sambit.
“Bettina, you’re 24. You’re ancient. C’mon!”
Ancient? Alam niyang ignorante siya sa pakikipag-date pero ancient? Masyadong naeskandalo sa sinabi nito, napalubog lang ang ulo niya at ni hindi niya tiningnan ang bartender sa kaba na baka naririnig nito ang sinasabi ni Veronica. “Luka-luka ka talaga. Pwedeng mag-relax na lang tayo? Bakit may ganyan pang kasama?”
“Para makalimot ka agad.” Kinindatan siya nito. “Nothing like flirting with a really cute guy to beat the depression away!”
“Hindi ako depressed!” tanggi niya. Hindi siya galit. Hindi rin siya naiinis. Oo, pretty disappointed. Pero hindi sapat para ma-depressed at maengganyo sa rebound.
“Good. Prove it. Have a good time.”
Dumating ang Margaritas. Pero hindi agad lumayo ang bartender. “Anything else you beauties want?” tanong nito sa English na may curious accent. Hindi American, pero hindi rin masasabing standard British. Hindi niya iyon mapiho. Napatingin sila kapwa ni Veronica dito.
Si Veronica, lalong lumuwang ang ngiti. Siya, napalunok nang makitang totoo nga palang napakagwapo nito. Bakit ba parang ngayon lang niya nakita nang lubos ang mukha nito, gayong pangatlong pagse-serve na nito sa kanila ng drinks? Pangahan ito, matangos ang ilong, nakangiti ang mga labi… pero ang mga mata nito, mahirap i-describe. Nakatitig sa kanya ang mga iyon, mainit na titig sa ilalim nang makakapal na mga pilikmata…. Magnetic eyes. Nang maglakbay sa mukha niya ang mga matang iyon, biglang inalinsangan ang kanyang buong katawan.
Bigla niyang nahuli ang kanyang sarili. Bakit ba siya nakikipagtitigan dito? And yet, she could not take her eyes away. Gwapo ito. Gwapo talaga, hindi ordinaryo. Ang asset nito ay ang mga mata nitong nangungusap makatitig. Pero hindi niya alam kung anong sinasabi ng mga iyon.
Mali. Naunawaan niya ang sinasabi ng mga matang iyon. He liked what he was seeing, they said. Pero may kung ano sa kanya, bunga siguro nang katatapos na naranasan niya kay Ryan, ang nagsasabing hindi iyon totoo.
At iyon ang dahilan kung bakit naibaba niya ang kanyang mga mata at nagawa niyang makaiwas sa titig.
“Ohh, wait…” ani Veronica, dahilan kung bakit napatingin siya rito nang bahagyang nagi-guilty. Nakalimutan niyang naroroon ito sa ilang mga sandaling iyon na magkahinang ang mga mata nila ng bartender!
Inilalabas nito ang cellphone nito mula sa bulsa. At dahil magkatabi sila, nakita niya nang nag-ilaw ang screen nang magdaan doon ang thumb pad nito.
“I have to talk to my friend who’s also here at the party,” sabi nito, gayong kitang kita naman niya sa screen ng CP na wala itong ka-text o kausap! Kinindatan siya nito habang sumisilid pababa sa bar stool. Tapos, ang bartender naman ang tiningnan nito. “I’ll take my time. Please make sure she doesn’t get drunk. Thank you.”
“Akala ko ba, hindi ako pwedeng—“
“Sabi mo, hindi na ito highschool, remember?” sabad nito bago ito tuluyang lumayo.
Naaalarma niya itong sinundan ng tingin. Nagpasalamat pa mandin siya kanina na may kasama siya matapos siyang kindatan ng lalaki sa kabilang room pero ngayon, iiwan siya nito kasama nang isang lalaki hindi rin niya kilala! Oo nga’t hamak na mas gwapo ito doon sa lalaking nasa loob pero-
Ano bang iniisip niya? Ano ngayon kung mas gwapo ito? O kahit pa ba may kung ano rito na mas may substance kaysa sa first impression niya noon kay Ryan. This man seemed more… something – more compelling, more appealing, more… dangerous. No, not more. Walang dangerous sa kahit anong parte ni Ryan. Ryan was just it, a good ideal boyfriend. Almost, if not for Celine.
Pero ang lalaking ito… na sa presensya pa lang ay kumakabog na ang dibdib niya sa hindi niya mawaring paraan at tumutugon ang kanyang katawan sa paraang nagbabalik niyong dating uncomfortable na init pero sa… sa ibang pakiramdam. She liked this heat. Her body felt alive in this heat.
Sexual attraction?
Nang makarating sa bukana ng kabilang room, agad na nawala sa crowd si Veronica, nalamon ng mga party guests na naroon at tuluyan na siyang nawalan ng pagkakataong pigilan ito.
Humarap siya sa bar, saka nahihiyang napangiti nang makitang ngumiti sa kanya ang lalaki, iyong klase na nagsasabing hindi rin nito inasahan ang ginawa ng stepsister niyang luka-luka. Gusto niyang umalis pero nakakahiyang magmukha siyang prudish o kaya, heaven forbid, maarte. Hindi lang niya talaga alam ang gagawin sa ganitong mga pagkakataon.
Bakit ba siya natataranta? Dahil ba mula nang magtagpo ang mga mata nila, hindi na siya makapag-isip? Parang kalasag para kay Bettina ang kanyang utak. Kapag hindi iyon gumagana, pakiramdam niya ay napaka-vulnerable niya.
Natataranta rin siya sa nararamdaman niya. She didn’t know him, had never seen him before. Bakit ganito na lang ang reaksyon niya sa titig nito?
Chapter THREE
Hindi rin ito kapansin-pansin kung nakatayo lang sa isang gilid ng bar. Hindi nga niya ito napansin agad maliban noong lumapit ito at tumigil doon nang sapat na tagal para mapansin niya ito.
“Hi,” anito sa maingat na tinig. “Mauubos na ang drink mo. Care for another one?”
She didn’t care for another one. Pero tumango siya. Hindi pa rin niya gustong umalis, na-realized niya. Hindi niya gustong madaanan ang eksenang iyon sa sulok kung saan naroroon sina Celine at Ryan. Baka kung ano na ang ginagawa ng mga ito roon ngayon.
At sa totoo lang, interesado siya, kahit konti lang, malaman kung anong mangyayari sa susunod na mga sandali kung titigil siya rito.
“Thank you,” aniya noong dalhin nito sa kanya ang third glass niya ng Margarita.
Nagkibit ito ng mga balikat. “I’ve been heartbroken a few times, too.”
“I am not heartbroken…” sagot niya agad bago siya ma-offend sa hindi direkta nitong pag-amin ng pag-i-eavesdrop. Hindi naman sa sinisisi niya ito masyado. It wasn’t as if he could go anywhere else being the bartender. But wasn’t it his job to feign innocence? “Saka wala sa hitsura mo, really, ang klase na nakaranas na nang maraming heartbreaks. And any other bartender will pretend they didn’t hear a thing. Pero ikaw…” Bigla siyang napahiya rito at sa kanyang sarili. She sounded condescending. Para siyang nagmamaliit. That wasn’t right. “I’m sorry, I didn’t mean that—“
“Actually, you were right,” anito habang itinutukod ang braso sa ibabaw ng bar, dahilan kung bakit naging mas malapit pa ang mukha nito sa kanya. He looked better closer like that, as if that couldn’t happen. Pero mas gwapo ito, mas mesmerizing ang mainit makatitig na mga mata. Kung kanina, nahirapan siyang ilayo ang kanyang mga mata kesehodang katabi niya si Veronica, oh Lord… mas ngayon. Hindi niya gustong ilayo ang mga mata niya. Mas gusto niyang malunod sa titig nito kahit gaano katagal nito gusto.
At parang alam nito. Nakangiti ang isang dulo ng mga labi nito. Na-realized niya bigla na hindi lamang mga mata nito ang sexy. Mas sexy ang mga labi nito.
“If I am a bartender, I’ll lose my job,” anito, habang parang namamalikmata niyang pinanonood ang mga labing iyon na nagsasalita. “I shouldn’t be saying something about what I heard. But…” Pababa nang pababa ang tinig nito, sexy bedroom voice. Ni hindi niya masabi kung paano nangyaring halos magkalapit na ang kanilang mga mukha, siguro dahil pareho na silang kumikilos palapit sa isa’t isa sa ibabaw ng bar. Na para bang may mga invisible strings na nakatali sa kanilang dalawa, at pahigpit nang pahigpit iyon. “I’m not a bartender. I’m just hiding here. And I am sorry that I can’t not open my mouth. Someone as lovely as you shouldn’t be treated the way you were treated. Gusto mong makaganti?”
Napapitlag siya sa sinabi nito. Gumanti? Oh no. No. Bad word. Maliit pa siya ay natutunan na niya ang konsekwensya ng salitang iyon. Naunawaan niya agad kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. She couldn’t hurt anyone. She couldn’t. He didn’t know her, he could not understand. Bad things happen when she started to think about hating, or about getting even.
I don’t want the world to get mad at me, Mommy.
“I shouldn’t… hindi tama. I just want… I think just letting him go is enough. Tutal nasa dating stage pa lang kami. Walang nawala sa akin.”
“Uh-huh. Except your faith in my gender. Hindi lahat kami, kasing hina nang muntik mo nang maging boyfriend.”
Tumingin siya sa lalaki, sa konotasyon sa sinabi nito – na gusto siya nito. Na interesado ito sa kanya. Na gusto nitong patunayan na hindi ito fickle gaya nang ibang mga lalaki. Na kaya nitong maging loyal sa kanya.
Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit niya naiisip ang ganitong mga weird na isipin? Loyal? They barely knew each other. What the hell? Pero muli siyang nag-angat ng tingin sa mga mata nito at kumalma agad ang natataranta niyang utak. Ano bang meron sa titig nito at hindi niya gustong kumawala roon?
Napalunok siya. May kung ano sa mga mata nito, mga pangako nang maraming mga hindi pa niya mabigyan ng pangalan. Mainit ang titig nito, nangungusap. Hindi lamang mga sekswal na pangako… marami pang iba.
Hindi na naman siya makapag-isip. Ganito pala ang physically attracted… kung anu-anong nangyayari sa kanyang hindi niya maipaliwanag pero… pero masaya. Gusto niya. Bagong experience. Exhilarating… she had never met a man like him, she knew it. Kahit si Ryan hindi kayang tapatan ang kakaibang hatak nito sa kanya. At hindi niya maiwasang hindi ma-overwhelm na sa dinami-rami ng magaganda at seksing mga babae sa party, sa kanya nito ibinubuhos ang kung anumang power nito.
Power. Funny that she thought of it as that. Weird that she called it that. Pero kanina pa siya… weird. Kumunot ang kanyang noo. Yes, weird. Naghe-haywire ang brain cells niya, ang tibok ng puso niya – ang lahat ng cells sa katawan niya. Umiinit… umiinit… anong nangyayari sa kanya?
“Why don’t you dance with me?” tanong nito.
Napatingin siya muli rito. He’s the answer. She just knew it. If only he would hold her. He would make it feel alright. “Yes,” sagot niya.
Sa mabilis pero siguradong pagkilos, lumigid ang lalaki sa bar at bigla ay nasa tabi niya ito. Pumihit siya sa bar stool at sinambot siya nito noong bahagya siyang sumuray, saka siya ibinaba mula roon at nagdikit ang kanilang mga katawan. Napasinghap siya sa init at kiliti na naramdaman niya dahil doon. His arms went around her… and her hands reached up to his face. Everything was happening so fast.
“What is happening to me?” tanong niya sa paos na tinig.
“Sshhhh… it’s going to be alright, my witchling.”
Naniwala siya rito kahit hindi niya alam kung bakit tinawag siya nitong witchling. And they started to sway, right there. Sumunod ang galaw nila sa naririnig nilang music sa kabilang room, pero sila lamang ang naroroon. But she didn’t care; she was only truly aware of the two of them. Hindi pa siya nakadama nang ganito katinding focus sa isang tao, maliban kapag nakatutok siya sa isang bagong program. Pero mas matindi pa rin ito.
The whole place could fall down on them and she really wouldn’t care.
And they danced. Bettina could dance. Hindi gaya nang ibang geeks, she had dance lessons while growing up. Her mother loved dancing and Bettina also loved dancing. Noong si Tita Sofia na ang in-charged sa kanyang edukasyon, siniguro nitong kumpleto iyon. Marunong din siyang tumugtog ng piano, mag-Karate, lumangoy na parang isang athlete at magpinta.
Pero higit sa lahat ng extra-curricular activities, sa pagsasayaw siya totoong nag-enjoy. It relaxed her mind. She used dance to work out or to unwind and distract herself when she needed to distance herself away from work.
And he could dance. How their bodies meld against each other as they swayed. Hindi siya aware sa kung anong music ang nakasalang. She was only aware of the beat, of the rhythm of their bodies as they moved against each other, of the heat and sweat. As she closed her eyes when she melted against him, she again saw that couple dancing in the dark. Parang ganoon sila ng lalaking ito ng mga sandaling iyon… a prelude to sex.
Oh yes, naisip niya. If they would make love tonight, she might not stop it. Might.
Nakalimutan niya lahat. Nakalimutan niya si Celine, si Ryan, si Veronica…
She was only aware of him… and his heart.
Which had no beat.
Napamulat siya. Pinakinggan niya ang dibdib nito kung saan nakahilig ang pisngi niya at kahit anong gawin niya, kahit naghintay siya, wala siyang naririnig. Wala siyang nararamdaman.
He had no beat.
Napaangat ang ulo niya mula sa dibdib nito at maang siyang napatingala sa mukha nito. They were both tensed now. At base sa nakita niyang pagtiim ng mga bagang nito, alam na nito kung anong napansin niya.
At kung alam na nito… ibig sabihin hindi siya nagkakamali lang.
Napatulak siya rito.
“Bettina—“
“What are you? Oh my God… how did you know my name?” Pinilit niyang isipin kung nabanggit ba ni Veronica ang pangalan niya kanina pero hindi niya lubos maalala. Hinintay niyang sabihin nitong narinig nito iyon kanina, pero nakatingin ito sa kanya na parang natataranta. Kaya sabihin man nitong narinig nito kanina kay Veronica ang pangalan niya, hindi pa rin niyon mabibigyan ng excuse kung bakit hindi tumitibok ang puso nito.
“Oh my God… what are you?”
Hindi ito agad nakasagot. At sapat na iyon para matakot siya.
Muli, iyong init. Biglang bigla, dinala ng takot. Oh no. Oh no, I can’t—
Nagulat siya noong bigla na lang sumulpot sa tabi niya sina Veronica at Elektra.
“Barron, what the hell—“
“I’m heavily warded.” Napahawak ito sa ulo nito habang may takot sa mga matang nakatutok sa kanya ang titig nito. “Nagsasayaw kami. She heard my heart.”
Hinawakan siya ni Tita Elektra sa kanyang mga balikat. “We have to get her out of here. She’s signaling for miles—“
“Here. This will fix it,” ani Veronica habang may isinusuot na kwintas sa kanyang ulo. It was her stepsister’s favorite, iyong may pendant na jade.
“Anong nangyayari?” natatakot na niyang tanong.
Tumitig ito sa kanya. “You’re in danger. Now, Elektra will bring you home, Bettina. Ngayon na. Ngayon na!”
“Ikaw—“
“I’m staying. We have to fix this.” At humawak ito kay Barron, pumihit dito. “Go!”
Ang huli niyang nakita ay noong yumakap dito ang babae, at nagtagpo ang mga labi ng dalawa sa isang mainit na halik….
*****
I hope you liked it! Will announce in FB if it's a go.
Noelle Arroyo
No comments:
Post a Comment