Tuesday, January 31, 2012

What We Get From Life, We Give Back

Like water from Earth that turns to gas and floats up in the heavens as clouds, they go back to earth as rain. Everything we take from life goes back. What we learn from experiences, from pain, from happiness, from relationships, from life in general, goes back in million ways. As an artist, it becomes more obvious. This becomes a process. What I get from my life is what I get to write in paper. What wisdom Mother Life and Father Time gives me, I write down in whatever quality and quantity and understanding I was able to process it. Just like any other artist using any other medium, I give it back in any way the world would let me. Obviously, mine's through publishing. But most important to remember is--what you read inside those pages are free. Even I do not own it, though the ego in me would glow when one compliments it. The packaging is not--the paper, ink, promotion, people who worked to get that thing to other people--that gets paid. But any amount you pay is not for what you get inside. What you learn inside, is free, paid forward to you, and you pay forward any way you have to--as if you have a choice--through how you act, what you sketch, what you say, what you write. It follows a dynamic that businessmen and politicians will not easily understand because their lives revolved around money and bills of rights. So they make contracts that says this belongs to this one and this belongs to that one because that one has the right or this one has the say--and mostly, they create war, really. They make this small, limited world where they have every degree of learning stand out only in paper or in whatever physical way it is possible. It is not the world of the artist. We build our tower of Babel whichever way possible, in whatever form, mostly intangible though you can touch it, you can use it.

As Father Time ages, people learn not to be destructive. As Mother Wisdom ages, learning becomes cumulative. And what's right and wrong becomes more complicated and complex. And the simplest, really, to those who get it.

At present, our tower, our forbidden grimoire, is the Internet. Will they still be able to burn the book?

Oh no, I don't think so. This is the 21st century, the age of the Aquarius, the era of the spirit.

Do you get what I mean? It's a bubble, I know. But do you get what it means?

From This Night to Forever


FROM THIS NIGHT TO FOREVER
By Noelle Arroyo

Matagal nang kilala ni Arianna si Enrique pero ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap na ito ang lalaking aangkin sa kanya isang gabing nasa gipit siyang sitwasyon. Ang inasahan niya ay impiyerno, hindi langit, sa mga bisig nito. At nang iwan na niya ito, tila may iniwan din siyang parte ng kanyang puso na ito lamang ang makapagbabalik.

Hindi niya inaasahang ipahahanap pa siya nito. At nang muling magtagpo ang kanilang mga landas ay gusto nitong tuluyan siyang ariin. Gusto niyang lumaban at tumakas. Dahil masasaktan siya nang labis kung pagnanasa lang ang dahilan nito at hindi pag-ibig…



Chapter ONE
TAHIMIK ANG YABAG ng mga paa, nilakad ni Arianna ang driveway mula sa gate patungong bahay. Madilim ang gabi at tanging ang liwanag lang ng buwan ang kanyang gabay. Tahimik din ang paligid, kung may ingay man ay nagmumula sa mga kuliglig.
Pero hindi sasapat iyon para matakpan ang malakas na kabog sa kanyang dibdib.
Mapula ang kanyang damit, simpula ng dugong dadaloy kung magtatagumpay ang kanyang lakad ngayong gabi. Bahagya nang nakita ang pagkatal ng kanyang kamay sa naisip. Nakarating ang dalaga sa baba ng tatlong baitang na hagdang marmol at sandali siyang tumigil. Sandaling sandali, inangat niya ang kanyang mukha para tanawin ang taas ng bahay… ang bintanang naroroon kung saan pakiramdam niya ay may nakasilip. Nanatili iyong madilim. Hindi niya makita kung may kurtina. Hindi niya makita kung may tao.
Pero sigurado si Arianna na merong tao roon. Isang lalaki. At siya ang hinihintay nito.
Yumuko siya, pumikit at ilang sandaling pinanlabanan ang nararamdamang pagkaliyo. Hindi pwedeng mataranta o manghina ang loob. Lampas na siya sa pag-urong, sa pagsuko. Wala nang ibang paraan. Ito lang.
Kailangan niyang iligtas ang kanyang kapatid. Ito lamang ang paraan.
Nakakuyom ang mga kamay, sa wakas ay kumilos si Arianna. Inakyat niya ang hagdan at nakarating siya sa malalaki at mabibigat na double doors. Hinawakan niya ang isa sa mga brass na hawakan at itinulak iyon matapos ang isang pisil. Hindi niya alam ang aasahan, pero nang magbukas ang pinto nang walang kahirap-hirap, pakiramdam niya ay noon lang siya talaga nakarating sa puntong wala na talagang urungan, magbago man ang kanyang isip o hindi. Matakot man siya o tumakbo.
Inangkin niya ang unang hakbang papasok sa bahay.
At napahingal nang maramdaman ang hila nang malalakas na mga kamay sa kanya patungo sa kadiliman.

PINANOOD NI Enrique ang paglalakad ng babae mula sa gate palapit sa bahay. There was no hesitant step there, just sure steps, a confident sway of the hips that seem so natural, so full of grace. Mahina siyang natawa sa description niyang naisip. So full of grace… yeah. So in contrast with the bloody red scrap of thin material that was her excuse for a dress.
 He has to admire the woman. Wala itong suot na anumang panakip sa lamig ng gabi. And she’s beautiful… what he could see of her, at least. Maputi ito, at dahil doon ay lumulutang ang malasutlang kutis sa kabila ng dilim, lumalaban sa pulang pulang tela nang malambot nitong damit. Brad did say she was going to be a beauty. Her long hair, looking full and soft, cascaded down her breasts and back in soft curls. Naramdaman niya ang pagsigid ng init sa kanyang laman nang makita sa kanyang isip na sumasabunot ang kamay niya sa kalambutan niyon sa unan habang inaangkin niya ang mainit nitong katawan.
Nagulat si Enrique sa kanyang sarili. Napatingin siya sa kopita ng alak na kanyang hawak. Lusting over a call girl, he has never lusted over a call girl this hard. He’s never lusted over a call girl, period.
So it must be the brandy.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa lumalapit na babae habang nakadarama nang pag-usbong nang kung anong satisfaction sa kanyang dibdib. Well and good, for the first time in weeks, he’d felt a stirring in his loins that did not involve Helena. After the bitch dumped him for someone richer, Enrique had been living in a swirl of shock. Hindi pa rin siya makapaniwala na salapi nga lang ang dahilan kung bakit siya nito minahal at na iyon din ang dahilan kung bakit siya nito iniwan. Hindi siya makapaniwala na sa walong buwan nilang relasyon, naitago nito sa kanya ang malaking bahaging iyon ng pagkatao nito. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng inalayan niya ng kanyang puso, buhay at kinabukasan ay isang malaking fake.
Hindi siya makapaniwala na siya, si Enrique Guerrero, ay nagawang mapaikot nang isang babae—fooled, blindsided by a fucking bitch. Hindi ba’t isinumpa niyang hindi siya matutulad sa kanyang ama?
Napupuno ng pait at galit ang dibdib at ulo ni Enrique nang makita niyang tumigil ang babae sa may baba ng hagdan. Naningkit ang kanyang mga mata nang makita niya iyong sandaling galaw na nagpapakita ng reluctance. Ng kaba. Ngumiti pa siya nang bahagya. Go on, run away. Be  scared. It’s not going to be easy for you tonight…
Pero hindi ito tumakbo. Sa halip, nag-angat ito ng mukha—at direktang tumitig sa kanyang mga mata na parang alam nitong naroroon siya.
Hindi lamang ang direktang titig na iyon, hindi lamang ang perpektong kagandahan ng mukha, kundi iyong emosyon ng kahinaan roon ang parang sibat na tumusok sa kanyang puso. Sobra ang naramdaman niyang salakay ng damdamin, bahagya siyang napaurong na para iyong isang literal, isang pisikal na suntok sa kanyang solar plexus.
It’s a trick of the light, pagdadahilan niya. Or he was not drunk enough. Nang makabawi siya, hindi na nakatingin ang babae sa bintana. Nagbuntunghininga siya, malalim, saka niya tuluyang inubos ang natitirang brandy sa kopita.
And then he was in a hurry to get downstairs. To take her.
And conquer her.
Another fucking daughter of Eve.
Get this over with, nagngingitngit ang mga ngipin na utos niya sa sarili. Get this over with. Get over that… that look on her face that seem to say she was about to cry. Bitches don’t really cry, they crack a laugh so pure and evil, the sound would make any self-respecting asshole cry. Get over her. Get over Helena’s fucking shadow. Get over them bitches. This is for you, Helena. This is for you, mother!
Nakarating siya sa pinto habang bumubukas iyon. Kasabay nang paglantad ng silhouette ng babae sa pintuan, umabot ang kanyang kamay at hinila niya ito papasok.
Narinig niya ang gulat, parang takot nitong paghingal. That seemed to spur the awakened devil in him more. Itinulak niya ang pinto pasara nang isa niyang kamay saka niya ito pasalyang isinandal sa likod nang isa pang pinto.
Isinabunot niya ang mga daliri niya sa malambot nitong buhok. As soon as his brain registered that it was softer than he’d imagined, hinawakan nang isa niyang kamay ang baba nito, sinapo ang panga.
Saka niya inangat ang mga labi nito sa kanyang mapanibasib na halik.

SA ASULTONG iyon, ni hindi nagkaroon ng pagkakataon na magmanhid ang utak ni Arianna gaya nang kanyang inaasam. Nahila siya mula sa labas pero sa halip na sa kaligtasan sa loob ng bahay ay sa panganib na walang katiyakan. Naramdaman niya ang sakit nang paghampas niya sa pinto noong tinulak siya roon ng mararahas nitong mga kamay, nang matipuno nitong katawan. Isa itong malaking lalaki, iyon ang tumakas sa kanyang tigagal na isip bago siya napahingal nang sabunutan nito ang kanyang buhok, marahas na sapuin ang kanyang panga, at sibasibin ang kanyang mga labi nang walang kaingat-ingat nitong halik.
Napapikit na lamang si Arianna. Inasulto siya ng amoy ng alak, marahas na kamay na humawak at pumisil sa isa niyang dibdib bago iyon bumaba upang saluhin ang isa niyang hita at iangat sa balakang nito. Ni hindi na siya makahinga sa halik nito pero muntik na siyang mapairit nang maramdaman ang matigas nitong pagkalalaki habang itinutulak nito iyon sa kanya. Hubad ito… hubad sa loob ng roba. Dios ko, Dios ko, huwag ganito, huwag po, iyon ang pumasok sa kanyang isip. Walang nakaaalam kung nasaan siya ngayon. Hindi niya pwedeng sabihin ito kahit kanino maliban kay Aling Venus. Baka tuluyang mamatay ang kanyang Inay kapag nalaman nito ang nangyayari sa nag-iisa nitong anak na babae sa mga sandaling iyon. Kailangan pa siya ng kanyang pamilya. Kailangan niyang mabuhay.
Inimpit niya ang iyak, ang daing, ang takot. Hindi siya pwedeng tumanggi. Hindi siya pwedeng tumulak. Makukulong si Tommy. Hindi pwdeng makulong ang kapatid ko.
Kailangan kong nakaligtas dito.
Nag-angat ng ulo ang lalaki at nagitla siya sa narinig na utos. “Kiss me, damn it! Kiss me back! You’re like a brick, whore. Kiss me!”
Nangatal ang kanyang mga labi. Umalpas ang iniimpit niyang daing. Hindi niya alam kung paano gagawin ang iniuutos nitong gawin.
“Magpaganda ka lang. Magpakita ka ng laman. Pustorahan mo ang mukha mo. Makita lang niya kung ga’no ka kaganda, alam na niya ang gagawin,” iyon ang sinabi sa kanya ni Aling Venus. “Hindi mo kailangang pakahirap. Humiga ka lang d’on at matatapos din ang lahat.”
 Ni walang oras para sa higaan. Inaangkin na siya nito dito sa likod ng pintuan.
“Damn it!”
Napapitlag na naman siya. Saka napahingal noong mula sa pinto ay pasalya siya nitong hinila sa madilim na kalooban ng bahay. Sa kabila ng dilim, nakalalagos ang sinag ng buwan sa manipis na mga kurtina at nakita niyang isa iyong maluwang na espasyo. At na hinihila siya nito sa isang dambuhalang sofa.
Napairit siya, hindi niya napigil, nang marinig niya ang ingay ng napunit na tela. Iirit sana siyang muli pero muli nitong inangkin ang kanyang mga labi. Bumagsak ang kanyang damit, nalantad ang kanyang dibdib. Sandali lang at naibaba nito ang straps ng kanyang bra at sumama ang brang iyon sa damit niya sa sahig. Natira ang kanyang panties.
Saka siya nito itinulak sa sofa.
Dios ko, Dios ko, Dios ko, Dios ko…
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inutusan ang kanyang sarili na mula sa sandaling iyon, hindi na siya mumulat pa.
Pero iyong inasahan niyang susunod na mangyayari ay hindi nangyari. Sa halip, nanatili ang lamig sa kanyang balat, nanatiling nakahiga siya roon, hindi nadadaganan, at wala siyang narinig na ingay sa sumunod na mga sandali maliban sa paghingal ng lalaking umasulto sa kanya sa pinto.
Napamulat si Arianna sa kabila ng takot. Anong ginagawa nito?
Pero nakatitig lamang sa kanya ang lalaki.
At namalayan na lang niyang napapatitig din siya rito.
Paanong hindi siya tititig, kilalang kilala niya ito.
Dios ko… si Senyorito Enrique!

NOONG PUMAYAG si Ariannang isuko ang kanyang dangal sa isang magdamag kapalit nang hindi pagsasampa ng kaso sa kanyang bunsong kapatid, hindi niya alam kung kanino siya ireregalo. Ang sabi lang ni Aling Venus ay regalo siya nang isang mayamang suki sa bar nito sa isang kaibigan at ang bayad sa kanya ay sasapat para sa halagang ninakaw ni Tommy sa kaha nito.
Ni sa hinagap, hindi niya inakalang ang lalaking pagreregaluhan sa kanya ay ang nag-iisang anak ni Don Sylverio Guerrero, ang mayamang hasyendero na nagmamay-ari nang tinitirikang lupa ng kanilang bahay. Oo nga’t isa ang bahay na ito sa mga pag-aari ng mga Guerrero. Kumabog lalo ang dibdib niya—ang bahay na ito ay pribadong pahingahan nang mismong lalaking ito. Pero ni hindi niya naisip... ni sa hinagap... Nakita na niya si Senyor Enrique nang ilang beses habang siya’y lumalaki pero laging sa malayo lamang. At sigurado siyang ni hindi siya nito napapansin.
Si Enrique… si Senyor Enrique, paano nangyari ito?
“My God… you’re so beautiful,” narinig niyang sambit nito.
Nasa katawan niya ang mga mata nito, unti-unting umaangat pabalik sa kanyang mukha. Nagtama ang kanilang mga mata. At nag-init ang kanyang mga pisngi nang noon nito ibinagsak sa sahig ang suot nitong roba.
Kahit kailan, sa buong dalawampu’t dalawang taon ng kanyang buhay, ay hindi pa nakakita nang hubad na katawan nang isang lalaki si Arianna.
Natulala siya, pero sandali lang dahil kumilos ito. Yumuko ito at binuhat siya nito mula sa sofa.
“This is better done in bed, don’t you think?”
Hindi, tanggi ng isip niya habang napapahawak nang mahigpit sa balikat nito sa takot na mahulog. Pero huli na ang lahat.
Bumubulusok na siya sa loob ng banging ang lalim ay walang katapusang kadiliman...

BAHAGYANG NANGATAL si Arianna nang maramdaman niya sa kanyang likod ang malamig na tela ng bedsheets sa kama. Napapikit siya dahil sa kwartong pinagdalhan nito sa kanya, walang pwedeng pagtaguang dilim. Bukas ang mga bintana at pumapasok sa mga iyon ang liwanag ng buwan. Kung mulat siya, makikita niya lahat nang gagawin nito sa kanya.
Ang nakapagtataka, iyong pagkasindak na naramdaman niya kanina ay nabawasan na. Na para bang nang makita na siya nito, nabawasan ang karahasan sa mga kilos nito. Hindi lamang iyon, nang makilala niya ito, may kung anong kabatirang hindi siya nito sadyang sasaktan ang pumawi sa matinding takot na nagdala ng pakiramdam sa kanyang hindi siya makaliligtas sa gabing ito kanina lang.
Kilalang patas ang mga Guerrero, karespe-respeto. Nang mamatay ang kanyang Itay, pwede na silang palayasin ng mga ito dahil wala nang nagtatrabaho sa lupa. May sakit sa puso ang kanyang Inay na lalong lumala nang mamatay ang asawa nito at bata pa noon si Tommy. Wala nang maaari pang asahan ang mga Guerrero sa kanila.
Pero hindi sila pinaalis ni Don Sylverio. Hindi lamang iyon, nagbibigay ng tulong ang mga ito sa mga panahon ng kalamidad sa kanilang mag-iina gaya nang ginagawa ng mga ito sa iba. Hindi sila sinita noong ginamit nila ang maliit na plot sa tabi ng kanilang nilipatan noong umalis sila sa mga bahay para sa mga pamilya ng mga trabahador para taniman ng gulay na pinagkakakitaan nila at kinukunan ng pagkain. At kapag may araw ng gamutan, isa ang kanyang Inay sa walang palyang sinusundo ng jeep na naghahatid sa lahat sa health center na pribadong minamantine ng mga Guerrero.
Nabubuhay pa silang mag-iina dahil sa mga Guerrero. Malaki ang utang na loob nila sa mga ito.
Napalunok siya noong humiga ito sa tabi niya. Ibinigay niya ang kanyang dangal para sa kaligtasan ng kinabukasan ng kapatid niya.
Pero hindi lamang pala. Hindi niya inakalang ibibigay niya iyon sa halagang mas mataas pa.
“Halikan mo ako,” narinig niyang utos nitong muli, pero hindi na sa marahas na tinig.
Sa mga sandaling iyon, handa na siyang sumunod.
Gagawin niya ang anumang ipagagawa nito. Sa buong magdamag.
Pagkatapos niyon, kalilimutan na niyang nangyari sa kanya ang gabing ito sa buo niyang buhay.

NAGMULAT SI Arianna.  
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nagkunwaring tulog, pero hindi iyon gaanong katagalan. Naririnig niya ang malalim at regular na paghinga ni Senyorito Enrique sa kanyang tabi. Nakatabing sa kanila ang kumot, sa ilalim niyon ay nakayakap sa kanya ang isa nitong braso at nakabuhol sa kanyang mga hita ang isa nitong hita. Sandali niyang pinroblema kung paano siya makakawala.
Kailangan na niyang umuwi. Tapos na ang kanyang trabaho. Tapos na ang lahat.
Dahan-dahan niyang binuhat ang kamay nito para ilagay sa tabi nito. Pagkatapos niyon ay ang hita naman nito. Dios ko, ang bigat! Isa itong matangkad na lalaki na may maskuladong katawan. Ang mga kababaihan sa hasyenda ay hinangaan ang kagwapuhan nito at porma sa malayuan. Hindi niya alam kung merong naglakas ng loob magparamdam ng interes. Mabait ang mga Guerrerro pero malinaw sa kilos ng mga ito ang malaking agwat nito sa lahat. Kumpara sa kanila, mistulang agila ang mga ito sa kalangitan habang sila’y mga sisiw na tumatanaw lamang.
Dito sa San Arkanghel Gabriel, ang mga ito ay mistulang mga diyos. Lahat ay nakikinig sa mga ito. Maging matataas na mga opisyal ay hindi magtatangkang kalabanin ang mga ito. Patas ang mga Guerrero pero nakakatakot namang kaaway. Bukod sa mag-ama, ang mga tiyuhin, ang ibang mga pinsan, at iba pang mga kaanak na basta may koneksyon ay nakikisabit. Pero ang mag-amang Sylverio at Enrique ang nakahihigit sa lahat.
Hindi niya inakalang nakasama niya si Enrique sa kama—sa buong magdamag.
Muli, nilagyan niya ng harang ang kanyang isip. Kung pababayaan niyang tumakbo ang kanyang utak, baka ikabaliw niya iyon. Bahagya siyang napangiwi nang maramdaman niya ang kirot sa kanyang kaselanan. At maging iyon, kung paano nangyari… ang hindi maipaliwanag na sakit at sarap, ay tinanggihan ng kanyang utak.
Bumaba siya sa kama. Ni hindi ito kumilos. Siguro nga ay lasing na lasing ito. Binawi niya ang nag-iisang saplot na natira sa kanya na nahubad din sa huli. Hindi na niya pinansin ang natuyong pahid ng dugo sa kanyang mga hita at sinuot niya ang maliit na tela. Saka yakap ang dibdib na lumabas siya ng kwarto at bumaba sa salas.
Kung saan niya nadidismayang binawi ang sira na niyang pulang damit sa sahig.
Meron pang isang piraso ng damit na natira at iyon ay ang roba ni Senyor Enrique. Nag-aalala niyang minataan iyon, pero hindi siya pwedeng umuwi nang hubad!
Sa huli, sinuot niya ang roba para matakpan ang kanyang katawan. Sigurado siyang marami pang roba si Senyorito Enrique at hindi nito ipagdadamdam ang pagkawala nang isa.
Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay.
At tumakas na siyang muli sa kadiliman.


Chapter TWO
KIPKIP SA KANYANG dibdib ang mga lapel ng roba, naglakad sa tabi ng kalsada si Arianna. Hindi niya pinapansin ang anumang maaaring magbigay ng takot sa kanya. Kaninang nilalakad niya ang kabilang direksyon, ang takot na naramdaman niya ay nakatutok lamang sa kanyang patutunguhan. Pero tapos na iyon, tapos na lahat. Pwede na silang makapagsimulang muli.
Bigla, nakakita siya ng pagkilos sa kanyang unahan. Napatigil si Arianna, nag-aangatan ang mga balahibo sa katawan sa atake ng takot. Pero napigil ang irit nang makilala niya agad kung sino iyong nakatayo sa kanyang daraanan.
“Tommy!”
“Ate...?”
Nadismaya siya nang mahulaan niya ang dahilan kung bakit ito naroroon ngayon. “Tommy...”
Nasa mukha nito ang mas malalang pagkadismaya habang nakatitig ang tulala nitong mga mata sa suot niya.
Humakbang siya palapit. “Tommy...?”
Umangat sa kanyang mukha ang mga mata nito. Mabilis na iyon ngayong napupuno ng luha. “Totoo nga...?”
Sigurado na ito, pero ang tanong pa rin sa huli. Naawa siya rito. “Tommy...”
Tuluyan na itong umiyak.
Nasambot niya ang bunsong kapatid bago ito bumagsak sa lupa.

“PAANO MO nalaman?” mahinang tanong ni Arianna sa kapatid. Nakauwi na sila noon sa bahay at buhay ang gasera sa gitna ng mesa sa kusina noong lumabas siyang muli pagkatapos maglinis at magbihis. Naroroon ito, umiinom ng kape at hinihintay siya.
Nagbuntunghininga ito. Mapula pa rin ang mga mata nito at paligid niyon dahil sa pag-iyak nito kanina. “Galing ako kina Aling Venus. Nagpunta ako sa bar para kausapin siya tungkol sa kung pa’no ko... kung pa’no ko babayaran ang kinupit ko. Handa ko nang gawin ang lahat. Pero tinawanan niya ako at sinabi niyang masyado pa akong bata saka huwag na akong mag-alala dahil bayad ka na. Nagwala ako kasi isa lang ang alam kong paraan para makabayad ka...” Parang babagsak na naman ang luha nito. “Sinabi niya kung saan ka makikita noong nagsimula na akong magbasag ng gamit, pero hindi na raw ako aabot pa. Tama siya, tama siya...”I binagsak nito ang ulo sa mga kamay na nakakuyom sa mesa.
“May nakarinig ba sa inyo? May nakaalam bang iba?” taranta niyang tanong.
Umiling ito. “Wala. Wala, ate. Napagalitan pa niya ako sa pag-iingay ko. Sisirain ko raw ang negosyo n’ya.”
Napapikit siya, nakahinga nang maluwag. “Mabuti kung gan’on.”
Nasa mukha nito ang nag-aantak nitong konsensya nang mag-angat ito ng tingin sa kanya. “Ate... patawarin mo ako!”
“Napatawad na kita!” giit niya rito. “Nagkamali ka, oo. Pero hindi ka masamang tao, Tommy.”
“Pero dahil sa ginawa ko, ito ang nangyari sa ‘yo.”
Pinilit niyang ngumiti. “Anong nangyari sa ‘kin? Wala. Walang nangyari sa ‘kin.”
Napatitig ito sa kanya.
“Hindi ka makukulong, iyon ang mahalaga. At siguro naman, hindi ka na uulit. Titigil ka na rito at tutulungan mo kami ni Inay kumita dito sa hasyenda.”
“Ate—“
“Ibabaon natin ang lahat sa limot. Walang kailangang makaalam. Ligtas na tayo... at kalilimutan nating nangyari ang gabing ito. Naiintindihan mo ba?”
  Ilang sandaling nakatulala lang ito, pagkatapos ay tumango ito.
Nagbuntunghininga siya. “Matulog ka na. Mayamaya lang ay umaga na at mamumuti pa tayo nang ibebentang gulay.”
Nakayuko, tumayo ito. “Opo, Ate.” Saka ito pumasok sa nag-iisang kwartong ginagamit nilang mag-iina sa maliit na kubo.
Naiwan siya sa mesa. Matagal niyang tinitigan ang ilaw sa gasera. Hindi itinaboy ng paliligo ang mga kirot na iniinda pa rin ng kanyang katawan kaya iyong sinabi niya kay Tommy, iyong paglimot, ay hindi madaling sundin para sa kanya.
Pero hindi nito iyon kailangang malaman.
Nang nagsimulang uminit ang kanyang mga mata, hinipan niya ang ilaw sa gasera.
At sa dilim niya tahimik na iniyakan ang nawala sa kanya.

UNTI-UNTING NAGMULAT ng mga mata niya si Enrique. He felt strange openning his eyes in a room that he seemed to see for the first time—even when it was his own room in his own house. Nagtataka niyang itinutok ang kanyang mga mata sa hindi kumikilos na ceiling fan sa kisame.
Something happened last night. Something beautiful that he couldn’t remember. Was it a dream? Except he was lying naked on his bed.
Pumihit siya at umabot sa kung sino sa kanyang tabi—isang imboluntaryong pagkilos bago makahabol ang kanyang isip. Pagkatapos ay natigilan siya. There was noone there. Nagsalubong ang kanyang mga kilay, saka sandaling natulala nang maisip na hinahanap niya si Helena.
Pero hindi... mali. He still loathed Helena like the plaque but she wasn’t the one sitting on his muddled head right then. Ibang katawan ang hinahanap niya. Ibang babae. Isang babaeng gusto niyang mayakap muli... gusto niyang maangking muli.
Shouldn’t have fallen asleep. I still want her, want her again. Ang maalala ito habang nasa ilalim niya ito, while he was driving himself into her... hard... loosing himself in the moment. Loosing everything in him. Even the madness. Even the hate.
Saka siya unti-unting nakaalala.
Umuwi siya sa San Arkanghel Gabriel dahil wala siyang ibang matakbuhan. Wala pang masyadong nakaaalam nang pag-iwan sa kanya ni Helena... but Brad knew. Pinsan niya ang lalaki at isa sa kanyang matalik na kaibigan sa kabila nang malaking pagkakalayo ng kanilang mga ugali. They got drunk, right here in this house. Halos isang linggo siyang nakulong dito, walang katulong, walang ibang kasama. At dumarating si Brad kapag may oras ito para samahan siya.
Hanggang sa naubos na ang pasensya nito sa kanya.
“You got to get off this, Enrique. Find other women, play for a while. Maraming babae d’yan ang papayag sa affair na walang commitment. Hindi pwedeng magkaganito ka dahil lang sa isang walang kwentang babae.”
“Lahat sila, mga walang kwenta!”
"Not everyone and you know it. Minalas ka lang.”
Ilang sandaling hindi siya nakaimik. Alam niyang kapag ganoong marahan ang tinig nito, ang naaalala nito ay ang mabait nitong ina. But the kind of woman her late Auntie Bea was seemed to be one in a million—kung ang swerte niya ang pagbabasehan.
“I don’t want to play around. It’s just a waste of time,” reklamo niya.
Brad knew that, too. “Kaya nga may plano ako. Pumayag ka lang. May babae akong ireregalo sa ‘yo. Okay ito. Makakalimutan mo talaga si Helena kahit isang gabi lang.”
“Call girl?” sambit niya nang may pandidiri. “Are you kidding me?” Actually, hindi niya gusto iyong ideyang galawin ang isang babaeng ginalaw ng iba, lalo na ng pinsan niya.
Umiling ito. “Siguro nga pero hindi ‘yung ordinaryong call girl lang. Hindi ‘yung makikita mo basta sa mga bar. I know this mamasan, alam niya ang kailangan ko.” Sa ekspresyon sa mukha niya, natawa ito. “Not mine, this time. I’ll ask someone specially for you.”
“Sira ang ulo ko kapag pumayag ako,” natatawa pa niyang sabi.
May simpatya ang tinapon nitong tingin sa kanya. “At ibabalik ko sa ‘yo... papayag ka bang matuluyang masira ang ulo dahil lang kay Helena?”
Dahil doon... ewan niya pero namalayan na lang niyang pumapayag siya. Not to touch the girl, he just wanted Brad to stop. Stop feeling sorry for him. Stop pitying him. Lalo lang lumalala ang sama ng loob na kanyang nararamdaman. Lalo lang bumabagsak ang pagtingin niya sa kanyang sarili.
And everything culminated to last night.  
He touched the girl. Not just touched, he’s been taken by her the moment he saw her beautiful, vulnerable face in the moonlight. She’d released the rage in him and made him realize he could make love to another woman again. The way he did with Helena.
No, not even like that. When he possessed that woman last night, malaya siya sa anino ni Helena at nang ibang masasamang mga alaala niya sa mga anak ni Eba. Everything else was just forgotten. He wanted that again—her again, kahit alam niya kung ano ito.
That brought him up short.
Isa itong call girl.
Isang babaeng nagbebenta ng katawan.
Shouldn’t that make him feel repulsed?
Except it didn’t. Sa mga sandaling iyon ng pagtitimbang, mas mataas pa ang tingin niya sa babaeng iyon kagabi kaysa kay Helena. She came here, bearing herself as what she really was. Helena came to him bearing pretty strappings, but all she’s come up to really was a whore, up for the highest bidder, mapait niyang naisip.
My lady in red was more beautiful than Helena could ever be, nagmamalaki pa niyang naisip bago siya natawa sa kanyang sarili.
Saka siya muling natigilan.
Tumatawa siya. Tumatawa... siya. And even at that moment, he was still smiling. He felt like laughing at Helena’s face. She was a vain little bitch. She wouldn’t like the idea of someone lowly in life being more beautiful even without the strappings.
Tuluyan na siyang bumangon. She’d be long gone by now, naisip niya habang tumitingin sa labas ng bintana at nakikitang maliwanag na. Pero tatawagan niya si Brad para ipaalam ditong kailangan ulit niya ang babaeng iyon... his lady in red. Maybe he didn’t need someone to love. Maybe, what he needed was a mistress, someone without a mask. Someone who would tell him exactly what she wanted without taking his heart.
Yes. Exactly that, satisfied niyang sabi sa kanyang sarili.
Then he looked for his robe. Wala sa sahig. Naalala niyang sa baba pa lang ay naghubad na siya kagabi.
Pero lumipad lahat sa isip niya nang makita niya ang bahid ng dugo sa kamang nalantad nang nahilang blanket noong tumayo siya.
Pakiramdam niya ay namaga ang ulo niya.
Isa lang ang ibig sabihin niyon... isa.
His lady in red...
...was a fucking virgin.
Napapikit siya.
Pagkatapos niyon, nangangatal sa galit na tinawagan niya si Brad.

MAAGA PA ay kasama na ni Tommy si Arianna sa paglalako ng gulay.
Parang walang ipinag-iba ang araw na iyon sa mga nagdaan maliban sa kasama na niyang muli ngayon ang kapatid. Masayang pinapansin pa iyon ng mga suki sa labas ng hasyenda. Matagal na siya ang nag-iisang nakasakay sa trybike at naglalako ng kanyang paninda. Napagod si Tommy sa ganoong buhay at tumigil sa pagpasok sa eskwela, pagkatapos ay naghanap ng trabaho sa bayan na mas sasapat daw sa kanila ang kita kaysa sa karampot na kinikita nila sa pagtitinda ng gulay.
Alam niyang nataranta na lang ito dahil sa paglaki ng kanilang gastos sa mga gamot ni Inay. Bilang nag-iisa na ngayong lalaki sa pamilya, sa kabila ng batang edad ay naramdaman nitong kailangan na nitong magpakalalaki at maghanap. Napadpad nga ito sa bar ni Aling Venus, naging serbidora doon, boy, janitor. At kumita ito ng sapat dahil na rin sa mga tip ng mga babaeng nagtatrabaho kay Aling Venus tuwing napapatakbo ito sa kung anu-anong utos. Pero nang lumala ang sakit ng kanilang Inay, nataranta na naman si Tommy.
Noon ito nangupit kay Aling Venus. Naipagamot nila ang Inay niya sa pag-aakalang ang dala nitong pera ay naipon nito habang ang iba pa ay inutang na idinahilan nito sa kanya. Wala na ang pera nang malaman niya sa huli ang ginawa nito.
Pinatawag siya ni Aling Venus sa bayan at nagbanta ito na kung hindi babayaran ni Tommy ang salapi, ipakukulong nito ito.
Noong isang linggo lang iyon. Isang linggong nataranta siya sa pag-iisip kung anong gagawin habang hinahanap ang naglayas na si Tommy. Pinatawag siyang muli ni Aling Venus kahapon, at nang magharap silang muli ay halos lumuhod na siya rito sa pagmamakaawang hayaan na lang nitong magbayad sila nang paunti-unti, sa makakaya nila sa kita sa bukid.
Pero tinawanan lang nito iyon. 
“Mabuti ba sana kung inutang n’yo ‘yung pera, pwede ‘yang sinasabi mo. Pero ninakaw ng kapatid mo ang pera kahit mabuti ang pakitungo ko sa kanya rito. Naawa na nga ako sa kanya, nagtraydor pa siya sa ‘kin... pero may paraan para  makabayad kayo nang hindi kayo nagpapawala kahit isang sentimo. Alam ko namang wala kayong pagkukunan.”
Napatingin siya rito. Hindi siya ignorante. Sa tingin nito sa kanya, nagkakutob siya kung ano iyong paraang sinasabi nito.
At hindi siya nagkamali.
Bumalik siya sa kasalukuyan sa tawag ni Tommy.
“Ate, kung pwede pa raw matawaran ‘yung pakwan.”
“Ah, oho, oho. Magkano ho bang gusto n’yo?” nakangiti niyang tanong sa parokyano.
Naubos nila ang mga gulay at prutas nang umagang iyon, at nakabalik pa sila sa bahay nang may sapat pang oras para makapagluto ng tanghalian.

MATAGAL BAGO napakalma ni Brad si Enrique bago nito naunawaan ang sinasabi ng pinsan.
Natawa pa ito. “What? She got you a virgin? Anak ng... kaya pala humingi pa ng ekstrang bayad ang matandang ‘yon!”
Nagngitngit ang mga ngipin ni Enrique. Ilang sandali ang pinalipas niya bago niya nagawang muling makapagsalita. “She... was... a... virgin, Brad. Don’t you understand what that means?”
“What? In that business, all it amounts to is the price. I paid for a virgin, so I got you a virgin.”
Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
“Whoa, wait...” nalilito nitong bawi sa kabilang linya. “Are you trying to tell me you didn’t want a virgin? Look, pasensya na. Hindi ko rin alam. Ang sabi ni Aling Venus, ikukuha niya ako ng bago—‘yung fresh sa business. Pero hindi niya nilinaw na isang virgin ang ipapadala n’ya sa ‘yo. I really didn’t know.”
Napapikit si Enrique. Sumasakit ang kanyang ulo. It was like they were talking about meat in the market. It didn’t feel like that last night.
Naaalala na niya lahat, bawat detalye. She was scared, a scared little thing, and he was rough with her. Everytime he remembered how he’d entered her without knowing it was her first time, he would cringe.
He could be a woman-hater sometimes but he’d never deliberately hurt a lesser gender. Kahit sa isang babaeng binayaran, even if she was the only one, alam niyang hindi siya ganoon. At least, alam niyang hindi siya ganoon kababa, mapait niyang naisip. But he was angry and drunk last night. He should have noticed something.
“Look, Enrique, these girls, when they enter this kind of... transactions they know what they’re getting into. Matitibay ang kanilang mga sikmura at handa ang kanilang loob. So it was a lousy first time for you, too. Pero we can remedy that. Kukuha ako ng bago, ‘yung siguradong hindi virgin. Babawi ako.”
“Don’t bother,” sambit niya. Mauubos lang ang pasensya niya sa pagpapaliwanag. “Just find out who she is.”
“Whoa... wait. Are you saying...?” Nagbuntunghininga ito. Ito naman ngayon ang mukhang nauubusan ng pasensya. “Look, Enrique, let me take care of this, okay? Huwag ka nang sumali. Walang kwentang gusot ito.”   
“Brad,” aniya sa malamig na tinig, “I should know who she is before tonight or you don’t get that money for the new generators. And you should know not to treat me with kid gloves.”
“I didn’t... Enrique naman...”
“Fucking bastard.”
Ibinaba niya ang awditibo ng telepono bago ito may masabing magiging dahilan pa para masira niya iyon.



Please like this Facebook page: Noelle Arroyo * Author