Ngayon
ay si Lola Mariz na ang may-ari niyon.
Nagniningning
ang mga mata nito nang ibaling ang tingin sa kanya. “Totoo na talaga ito, Iha,
right? Akin na talaga ito?”
“Opo.
Inyong inyo na talaga ito, bago kong landlady!”
Napalo
siya nito sa braso. “Puro ka kalokohan! Kung hindi ka lang bayad na in advance
sa dati mong landlord hindi na kita pagbabayarin. Kung tutuusin ako pa ang may
utang sa ‘yo. Dahil sa ‘yo, malaki ang natipid ko sa sale.”
“Masaya
na akong nakatulong kahit papaano na matupad n’yo na sa wakas ang pangarap
n’yo,” aniya. “Ikot tayo? Excited na akong marinig ang mga plano n’yo.”
“Oo!
Hindi na ako makapaghintay magsimula!”
Naabala
sila sa diskusyon nang magandang kulay na ipipinta sa mga dingding at kung
anong klase ng antiques ang idi-display sa kung saang parte nang maluwang at
maaliwalas na shop.
Kaninang
umaga lamang nagkabayaran at nagkapirmahan. Dahil limang taong naka-lease sa
kanya ang apartment sa ikalawang floor, mananatili siyang tenant ng building sa
kabila nang pagbabago ng pagmamay-ari niyon. Doon na siya nakatira sa loob nang
tatlong taon mula noong magtrabaho siya sa Koronal City bilang chief editor sa
pinaka-circulated na newspaper sa lunsod at radio commentator naman sa
pinakamatandang radio station.
Nakilala
niya si Lola Mariz nang maging suki siya ng crafts and second hand books shop
na pagmamay-ari ng kaibigan nito at katabi rin lang ng bahay nitong tinitirhan.
Nagpipinta si Stelle sa kanyang spare time at doon siya bumibili ng kanyang art
supplies. Iyong mga nakilala pa niyang mga public personalities dito sa lunsod
dahil sa kanyang trabaho ay kaibigan din nito o may koneksyon dito kaya bukod
sa shop ay madalas din silang magtagpo sa ibang mga lugar. Active sa civic
duties si Lola Mariz. Ang pamilya nito,
ang mga Meneses, ay tubong Koronal at isa raw sa dating pinakamayaman at
pinakarerespeto. Kung hindi siya nagkakamali, ang ama o lolo yata ni Lola Mariz
ay dating governor dito habang may iba pa itong mga kamag-anak na may mga
posisyon sa provincial government sa kasalukuyan.
Isang
biyuda, meron itong nag-iisang apo na hindi pa niya nakikilala. Isang abogado,
sa Maynila ito nakabase at bihirang bihirang bumisita. Ang nag-iisa naman
nitong anak at asawa nito, unfortunately, ay namatay na bata pa man ang apo
nito kaya ito at asawa nito ang nagpalaki sa lalaki.
Nang matuklasan niyang ipagbibili nang dating
may-ari ang gusaling ito, agad niyang pinaalam iyon kay Lola Mariz.
Magma-migrate na sa States ang dating may-ari ng building. Kinausap niya si
Lola Mariz kung interesado itong rentahan itong commercial space. Maganda ang
lokasyon ng building, ilang bloke lang ang layo sa commercial hub ng city
proper tapos hindi magulo at maingay ang kalsadang kinabibilangan. Nilalakad
din lang iyon mula sa bahay nito. Kung makakahanap siya ng buyer, hihilingin
niyang ikonsiderang iparenta kay Lola Mariz iyon.
The
next day, na-shock siya nang sabihin nito sa kanyang bibilhin nito ang building
at kung pwede, mag-set siya ng appointment sa may-ari! She did so but only
because her friends had supported her with the decision. Ang nakakaasiwa sa
kanya ay ang hindi pagsipot ng apo nito para samahan ito kanina sa sale gaya
nang usapan ng mga ito, dahilan kung bakit siya lang ang kasama nito. Hindi
diniretsa ni Lola pero hindi sang-ayon si Attorney sa sale.
“Pa’no
ang apartment sa third floor? Gusto n’yo bang tulungan ko kayong ihanap ‘yon ng
rerenta?” tanong niya. Ginagamit ng landlord dati ang apartment na iyon.
Isinama na nito sa bentahan iyong mga muwebles.
Umiling
ito. “Naka-reserved na ang apartment na ‘yon para kay Andrew. Gusto kong
surpresahin siya pagdating n’ya rito nang sarili niyang space. That way, hindi
na siya magtatakas ng oras ng trabaho sa ‘kin.” Workaholic ang apo nito kaya
hindi raw makauwi nang madalas.
Gusto
niyang umismid. Laging nasisira ang pangakong bakasyon ng lalaking iyon kaya
ang hirap maniwala. Kesyo hangga’t hindi raw nakukuhang partner sa firm na
pinagtatrabahuhan nito ay naka-focus lamang ito sa trabaho. Pasko na nga lang
nakakabisita, nagbabaon pa ng trabaho.
Trabaho
nga lang kaya ang dahilan kung bakit hindi ito makauwi lagi? May hitsura ito sa
mga pictures nito. Matangkad, gwapo, at mestiso. Malakas ang dating. His
profession as a lawyer would be particularly appealing to women, too. It’s but
rational that he would have women lovers for his free time. Sabi pa naman ni
Lola, habulin daw ng babae ang apo nito.
“Stelle,
tingnan mo ito. Tamang tama itong pwesto para sa mga antique figurines na gusto
kong itinda,” tawag sa kanya ni Lola Mariz sa isang sulok ng shop. Lumapit siya
rito at agad na sumang-ayon sa ideya nito.
Nagdatingan
ang mga kaibigan nito para i-congratulate si Lola Mariz sa bentahan at tuluyan
nang nagkaingay. Reluctant siyang nagpaalam para dahil may naiwan pa siyang
trabaho sa office. Muli, nayakap siya ng matanda sa tulong niya bago siya
makaalis. Nakangiti pa siya nang makasakay na sa kotse niya.
Masaya
talaga si Lola Mariz kahit hindi dumating ang unreliable nitong apo at iyon ang
mahalaga. Hindi ang Atty. Andrew Meneses
na iyon. Aba, hindi kailangan ni Lola Mariz ang lalaking iyon dahil narito
naman sila.
Marami
yata itong reliable at supportive na mga kaibigan dito, ‘no?
HABANG PABABA sa
kanyang kotse nang hapong iyon, napansin niya agad na bukas ang pinto ng first
floor shop.
Napangiti
siya. Excited talaga si Lola Mariz. Pabalik-balik sa shop nito. Sa halip tuloy na
dumiretso sa hagdan paakyat sa mga apartments ay napadiretso siya sa bukas na
pinto. Pero napatigil siya nang makarinig ng tinig nang isang lalaki.
Correction.
Iritadong tinig nang isang lalaki.
“Lola,
ilang araw lang ang hiniling ko. Sabi ko sa inyo sa phone, hintayin n’yo ako
bago kayo magdesisyong bilhin ang building na ‘to. I was late for half a day!”
“At
sinabi ko rin sa ‘yo, anuman ang sabihin mo, nakapagdesisyon na ako. I tried to
wait for you but only so you can come with me to the sale pero hindi ka
dumating kaya si Stelle na lang ang sumama sa ‘kin.”
“Still,
sana hinintay n’yo pa rin ako. Pinilit kong mapaaga ang leave ko para
makarating ako agad dito.”
“You
think I can’t make my own decisions? Nagbigay na ba ako ng impresyon na senile
na ako, Andrew?”
Napahawak
siya sa bibig nang mapangiti dahil sa pagmamalaki kay Lola Mariz. O, napala mo. Por que abogado ka, akala mo
kaya mong i-bulldozer ang lola mo.
Syempre,
alam na niya kung sino ang lalaki. Sino pa kundi ang laging absent na apo, ang
attorney, si Andrew! Kung hindi ba naman talaga unreliable. Kung hindi absent,
late. Tapos maghahanap pa nang ibang masisisi?
Hay.
Looked like Lola Mariz could take care of herself. Nagsimula siyang umurong. Kaso,
noon naman siya nakita ni Lola.
“Oh,
good! You’re here, Stelle! Halika, ipakikilala kita sa apo ko.”
Drat. Hindi niya gustong makilala ang
apo nito. Lalo na ngayon na mukhang maghahanap pa ito nang ibang excuse para
ma-justify ang incompetence nito sa pag-aalaga sa lola nito. Pero wala siyang
choice at matapos ang isang buntunghininga ay nagpatuloy siya sa pagtungo sa
bukas na soon-to-be antique shop.
Noon
lumabas sa likod nang nakabalandrang shelf ang isang nakatiim-bagang na lalaki,
namumula sa magkahalong inis at pagkapahiya at nakatutok ang mga mata sa kanya
na parang mga laser beams.
Namalayan
na lang ni Stelle na kumakabog ang dibdib niya. Para siyang tumakbo nang
milya-milya. Una dahil sa furious nitong tingin. Pangalawa dahil hindi naging
reliable kahit mga pictures nito sa totoong Andrew.
Napakagwapo
nito, sobra matatawag na itong napakaganda. Matangkad, makisig ang katawan, at
nakakamagneto ang… anong tawag doon? Sex appeal. But she was looking at him
with not just a woman’s eyes—however innocent those eyes might have been until
now. She was also looking at him as the artist, the painter. At nangangati ang
mga kamay niyang ipinta ito.
Until
she realized the way he was looking at her. At alam niyang kahit bayaran siya,
hindi niya ipipinta ang lalaki. Ever.
Nakakita
na nang iba pang mapagbubuntunan ng sisi ang binata sa nangyari ngayong araw sa
lola nito.
Malinaw
na malinaw, walang iba iyon kundi siya.
AMINADO SI Andrew,
nagulat siya nang makaharap na sa wakas ang taong dahilan kung bakit nilustay
ng kanyang lola ang savings nito sa bangko para bumili nang isang buong
building na hindi naman nito gagamitin. Hindi lang nagulat—shocked siya. Ito si
Moreistelle Santos? He thought the woman would be old, o kaya at least may edad
na. Isang plain na manang na malapit sa
edad ng lola niya. Pero hindi. Ang babaeng nasa harap niya ngayon ay halatang
nasa middle twenties na. At walang plain dito.
Napakaganda
ni Moreistelle Santos. Totoong napakaganda. Pretty eyes, good bone structure,
at hugis pusong mukha—mas nababagay sa isang anghel sa halip na sa isang
manggagantso.
Kaya
naman pala nauto nito ang lola niya. With a face like that, she could fool
anyone. Hindi na siya magtataka kung bakit napakadali nitong naloko kahit
edukadong mga tao. Gaya ng lola niya at mga kaibigan nito.
Sa
suot nitong ismarteng puting blouse at pants, she resembled a cool executive,
right smack in the hallways of those tall corporate buildings. Anong ginagawa
nito dito sa Koronal at sa lumang building nang isang matanda nang newspaper
bilang editor-in-chief? Bakit pinili nitong dito manirahan nang mag-isa kaysa
sa Manila kung saan mas maraming oportunidad sa karera at social life?
Pinakilala
sila ni Lola Mariz sa isa’t isa at kung hindi dahil na kunot sa noo nito, hindi
siya makikipagkamay sa babae. Tapos kahit sa handshake nito ay wala siyang
maipula. Isang malambot at makinis na balat ang nag-register sa utak niya...
firm grip, warm handshake. Iyong klase ng handshake na katiwa-tiwala.
Hell,
if he didn’t know any better, she could easily fool him, too.
“Andrew?”
Napatingin
siya sa tawag ng lola niya. Nakamata ito sa kamay niya. Talo pa niya ang
sinindihan nang ma-realized niyang hawak pa niya ang kamay ni Stelle. Nahila
tuloy niya iyon na parang nakuryente!
“I’m
sorry,” aniya. She just stared back at him, very cool, habang nag-aalab ang
mukha niya! Siya, na kayang humarap sa mga criminals sa korte nang hindi
pinagpapawisan dahil alam niyang nasa panig siya ng hustisya at tumitig sa mga
mata ng mga ito nang hindi kumukurap. “I must have floated off somewhere. I do
that when I’m tired.”
Jeez,
kahit sa sarili niya, he sounded stupid. He cringed at his Lola’s pointed look.
“Pasensya
ka na, Iha. Nagdiretso na kasi kami rito pagdating niya kaya hindi pa siya
nakapagpapahinga.”
Nang
bumaling sa lola niya, tumamis ang ngiti ni Moreistelle. “Okay lang po. Sige,
Lola. Aakyat na ako. May kailangan din akong kunin bago ang slot ko sa radyo.” Muli
ay nawalan ng init ang ngiti nito nang tumingin sa kanya. “Sige, Andrew. Nice
meeting you.”
“Ikaw
rin,” aniya.
Liar, sita sa kanya nang isang tinig.
Pareho lang kami, ‘no?
Naramdaman
ni Andrew ang hawak ng lola niya sa braso niya. “Don’t worry, hindi ka nag-iisa.
She does that to people,” anito sa nanunudyong tinig.
“Ano
‘yon, ’La?” inosente niyang tanong.
Nagniningning
ang mga mata nito. “Hus! Kunwari ka pa!”
Namula
siya. “I thought I do that to people,” maktol niya sa mababang tinig. “Hindi
n’yo sinabing gan’on pala kaganda ang kaibigan n’yo.”
Iningusan
siya nito. “Malalaman mo sa susunod na mga araw na hindi lang pisikal ang
maganda kay Stelle. She’s not someone you can easily meddle with or… or you
can… dazzle with your good looks.”
“Dazzle?”
nakaangat ang isang kilay niyang tanong.
“Watching
too much Tru Blood on HBO,” anito. “Anyway, ngayon pa lang ay binabalaan na
kita para hindi ka mapahiya—tutal apo naman kita. Iyong napakagandang babaeng
katatapos mo lang makilala, minsan ay muntik nang nagmadre. D’on pa lang, you
should know that she’s not your average Jane.”
Katatapos
palang tumayo ang hasang niya sa nauna nitong sinabi—halos lahat na yata ng
karakter sa Tru Blood, nakapaghubad na—natunganga naman siya sa sumunod na
impormasyon.
Pero
bago siya makabawi, nagpalit ng topic ang lola niya. “O ano? Tayo na para
makapagpahinga ka na. Huwag mo na akong awayin tungkol sa building na ito,
Andrew, dahil wala ka na rin namang magagawa.”
Nakatiim
ang mga bagang na sumunod siya sa lola niya noong nilisan nila ang building
para umuwi. To think he was ecstatic yesterday after receiving his partnership
in the firm, isang surpresa na hindi pa niya nababanggit sa lola niya dahil sa
masamang balitang dinatnan niya—na binili na nito iyong building. Ni hindi pa rin
niya nasasabi rito na isang buwan ang bakasyon ito at mula ngayon, makauuwi na
siya nang madalas. Naunahan kasi siya nito sa pagbabalita nang “maganda” nitong
balita.
He
could still use his surprise to save the remaining of this day, naisip niya
matapos ma-assess ang sitwasyon. Halatang na-divert ang panenermon ng lola niya
sa kanyang pagkatulala sa kaibigan nito. For that, he was grateful.
Pero
hindi sa babaeng iyon. Ngayong hindi na niya ito kaharap, medyo nabawasan na
ang kanyang pagkamangha rito. He would be ready the next time. Mahirap
tanggapin na wala na nga siyang magagawa tungkol sa bentahan, but he would make
sure she would pay for every single cent his lola has splurged on this
disastrous investment.
One
way or another.
Chapter TWO
BLAG! BLAGADAG-BLAG!
Nagmulat
muna nang isang mata si Stelle, sunod ay kabila. Panaginip lang ba, o totoong
may bumagsak na kung anong mabigat sa labas ng pinto ng kanyang apartment?
Blag! Blagadag-dag!
Napabalikwas
na siya, napapaungol dahil may hinala siya kung sinong talipandas ang
nambubwisit sa labas. Bukod sa kanila ni Lola Mariz, may isa pang may hawak ng
susi ng duplicate sa bakal na gate sa baba. At sigurado siyang hindi si Lola
ang gumagawa ng racket.
Sinulyapan
niya ang relos sa wall ng kwarto niya. Namilog ang kanyang mga mata bago
nagsingkitan ang mga iyon.
Alas-tres
ng umaga?
Utang
na loob, ha?!
Tuluyan
na siyang bumangon, inis na inis. What was his problem? Hanggang ngayon ba,
siya pa rin ang sinisisi nito sa kapalpakan nito?
Tinawagan
siya ni Lola kahapon sa office para sabihing nagbalik sa Maynila ang apo nito
para kunin ang mga nakalimutan dahil sa pagmamadaling makauwi matapos mabasa
ang text message tungkol sa bentahan. Na pagbalik daw nito, na kagabi dapat, ay
sa apartment sa taas na ito tutuloy. Na isang buwan ang bakasyon nito sa
Koronal at dahil partner na ito sa law firm na pinagtatrabahuhan ay madalas na
itong makakauwi dito, at na tutulong daw ang lalaki sa paghahanda ng shop para
sa opining niyon in three weeks time.
Hindi
siya makapaniwala gaya nang dati pero dahil sobrang saya ni Lola Mariz,
lumambot na rin ang puso niya. Alam niyang ikalulungkot ni Lola Mariz kung
mahahalata nitong inis pa rin siya sa apo nito at alam niya ang hindi nito
direktang hinihiling sa pagtawag nito.
Therefore,
for the sweet old lady, she decided to welcome her grandson graciously… like a
decent neighbor should. Kaya naman niyang gawin iyon. Bakit hindi? Pasasaan
ba’t mauunawaan din ng aroganteng iyon na wala talaga siyang kasalanan sa
nangyari.
Kaso,
napuyat na nga siya sa kahihintay dito kagabi dahil hindi naman ito dumating,
heto’t inistorbo pa nito ang tulog niya. Pakiramdam ni Stelle, umuusok ang mga
teynga niya habang nagmamartsa sa pinto. Naririnig pa rin niya ito sa labas
pero sumilip muna siya sa peephole para makasiguro.
Sa
labas, nakita niya ang isang matangkad na lalaki, may bitbit na dalawang maleta
sa magkabilang kamay at malaking gym bag sa isang balikat. It was him, alright.
Pero hindi lang iyon ang napansin niya. Nakita niyang hirap itong nagmamaniobra
sa makipot na hallway patungong hagdan habang nagtatapon nang naaasiwang tingin
sa kanyang pinto.
Napawi
ang inis niya. He’d been careless, pero hindi nito sinadyang gisingin siya.
Bakit ba kasi ang dami nitong dala? Anong binalikan nito sa Maynila, buong
opisina nito? Wala ba itong laptop at flash drives?
Nagbubuntunghininga,
binuksan niya ang pinto. Parang on cue ay bumagsak na naman ang isang maleta.
Both
of them cringed.
Mabilis
nito iyong ni-recover sa sahig.
“I’m
sorry, Moreistelle. Nagising ba kita?” tanong nito habang inaaninag siya sa
doorway.
“At
ang buong block,” mapakla niyang sagot habang itinutukod ang isang braso sa
frame ng pinto. “Anong ginagawa mo?”
“Inaakyat
ko itong mga maleta ko sa taas.” Obviously,
kulang lang sa tono nito.
“Wala
bang balikan ‘yon? Hindi ba pwedeng isa-isa?”
Minataan
siya nito. “I’m too tired for sarcasm. Pwedeng bukas na lang?”
Napameywang
siya dahil sa tono nito. “Excuse me… inistorbo mo ang tulog ko, ikaw pa ang
masungit.”
“Well,
I’m sorry! I’ve had a long day and a tiring long drive home. I just want to
place these bags somewhere and crash. Kaya kung pwede, bukas na natin ituloy
ang ating chat?”
Nag-register
sa kanya iyong isang salita sa huli nitong mga sinabi—tinawag nitong home ang
Koronal.
May
parang pumisil sa puso niya.
His
lola would have been delighted to hear that.
At
natunaw na naman ang kanyang fickle na puso.
Matapos
ang isang malalim na buntunghininga, iniwan niya ang kanyang doorway. “Akin’ang
isa.”
Duda
siya nitong tiningnan. “Anong ginagawa mo?”
Napameywangan
niya ito. “Tama nga lang na abogado ka. Masyado kang mapagduda. Wala akong
balak na masama sa ‘yo kaso ako lang ang nag-iisang neighbor mo dito kaya ako
lang ang maoobligang tumulong sa ‘yo. Kagabi pa kita hinihintay dahil ibinilin
ka ni Lola at actually, napuyat nga ako dahil sa ‘yo. Tutal, ginising mo na
ako, eh ‘di lubus-lubusin mo na ang pang-iistorbo mo dahil wala nang ulitan ito.”
“But
I don’t need your help,” protesta nito.
“Hindi
mo ba naintindihan? Hindi ko ginagawa ito para sa ‘yo kundi para sa lola mo.
Saka nakalimutan mo na bang mababait nang di-hamak ang mga tagarito kaysa sa
mga taga-Maynila?”
“Hindi
ba’t galing kang Manila?” sarkastiko nitong paalala.
Nagulat
siya na alam nito. So, he had asked about her. And if he had asked about her,
malamang na alam na nitong wala siyang kasalanan sa sale. Nginitian niya ito
nang matamis. “And where do I live now?”
Parang
sasagot pa sana ito pero sa sumunod na sandali ay isinara nito ang bibig at
parang bugnot na isinuko sa kanya iyong mas maliit na maleta. Saka nito
i-pl-in-aster ang sarili sa dingding para mauna siyang makadaan patungong
hagdan.
Lumampas
naman siya, hindi halos nag-iisip, mas relieved na tinanggap nito ang tulong
kaysa sungitan siyang muli.
What
happened next was embarrassing.
Dahil
sikip, sumabit ang hawak niyang maleta sa maleta nito at nabagsak iyon sa
sahig—sa mga toes nitong exposed sa suot na leather sandals! “Aww!” sambit nito
sabay yuko. Kaso, napayuko rin siya dahil hinabol niya iyong maleta. Nag-umpugan
ang kanilang mga ulo. “Aww!” pakli niya sabay sapo sa noo niya.
Pagkatapos,
nagkatinginan sila nang masama.
“Won’t
you be careful?” angil nito.
“Kung
mauna ka na kaya sa hagdan? Ang sikip, eh,” inis niyang suhestyon. Alam niyang
namumula siya pero okay lang dahil ganoon din ito. This thing was getting
ridiculous but if she would laugh, baka lalo itong mainis. Mukhang wala pa
itong tulog.
Na-relieved
siya noong sumunod ito nang wala nang ibang maanghang na sinabi. Matapos ang pagbelat
sa likod nito, umakyat na rin siya.
Pero
sa anggulong iyon ay may hindi naiwasang matambad sa kanya.
His
sexy butt.
Hindi
niya gustong isipin kung bakit alam niya na seksi iyon—must be one of those
things that you just know. Nag-alab lalo ang mga pisngi niya. Ang dami niyang natututunang
bago mula nang makilala niya ito. Mga leksyong hindi siya sigurado kung gusto
niyang matutunan.
Noong
bata pa siya, markado na ang katigasan ng ulo niya kapag alam niyang tama siya,
ugaling pinag-alala ng mga magulang nila ni Illiac—na kakambal niya—bago siya
pumasok sa kumbento dahil alam ng mga ito ang kaistriktihan ng mga batas at
norms sa loob. Pero bata pa siya ay tanggap na niyang magmamadre siya. Natural
lang, alam niyang hindi siya mag-aasawa kaya parang na-program niya ang isip na
hindi isipin ang opposite sex sa romantikong aspeto kahit pa may mga sumubok
manligaw sa kanya sa school noon. Nang dumating ang panahon ng pagpasok niya sa
kumbento, sumunod siya. Nakainsulto pa sa kanya na nagulat ang kanilang mga
kaanak. They were so sure she wouldn’t go through with it.
Mahalaga
yata sa kanya ang naging pangako ng mga magulang niya para mabuhay silang
mag-iina sa delikado nitong pagbubuntis sa kanila ni Illiac. Bakit nagtaka pa
ang mga ito?
Pero
pari na si Illiac ngayon habang siya...
Gaya
nang dati, iniwas niya ang isip sa masakit na alaala at ibinalik ang sarili sa
kasalukuyan.
Saka
napangiwi.
Nagdududa
na kasi siya sa nangyayari sa kanya. For the first time ever, nagkakaroon na
siya ng clue tungkol sa bagay na iyon na normal sa iba pero hindi sa kanya.
Iyong sa mga libro at sa movies lang niya nauunawaan pero hindi sa tunay na
buhay. They called it physical attraction. She wasn’t sure she liked it.
Sa
dinami-dami naman ng mga lalaki, bakit dito pa? Halos nahuhulaan na niya ang
mangyayari kung malalaman nito. May suspetsa siyang mahihirapan siya. She could
barely understand the merits of dating with just observing it. Paano pa kung
totoong involved ang damdamin niya?
Marami
na siyang kaibigan ngayon sa Koronal City pero iyong iilang mga pagkakataon na
nagpaunlak siya sa date, she’d been bored to death. There was this game that
she couldn’t get. Bakit kailangang umarte? Bakit kailangang magsuot ng masks?
She couldn’t understand those masks. Kung gusto mo ang isang tao, bakit mo
kokontrolin? Bakit mo mamaniobrahin? Bakit hindi na lang ipakita ang totoo?
Bakit hindi pwedeng ipakita agad ang weaknesses at laging kailangang
magpa-impress? Hindi ba’t tinatanggap ng pag-ibig lahat? O hindi ba pareho
iyon? Ang pag-ibig at atraksyon? How come? Hindi ba naa-attract ang isang babae
o isang lalaki sa opposite sex nang hindi rin naghahangad na magtungo sa tunay
na pag-ibig iyon?
Too
many confusing questions.
Masama
ang tinging ipinukol niya sa sinusundan.
Ito
na ba ang lalaking makasasagot ng mga tanong na iyon?
Sobra
siyang nabagabag sa ideya, hindi niya napansin na tumigil na pala si Andrew sa
tapat ng pinto ng apartment nito.
Nabunggo
na naman siya rito.
At halatang
sa sobrang inis nito, ni hindi ito makatingin man lang sa kanya.
TOTOONG PAGOD na
pagod na si Andrew nang sa wakas ay dumating siya sa Koronal. Totoo ring wala
siyang gusto kundi mag-crash pagdating niya sa apartment. Wala siyang
intensyong gumawa ng ingay. Hindi niya sinasadya lahat ng ito.
Kaya
pakiramdam niya, teribleng unfair na sa kabila ng pagod, nag-react ang kanyang
katawan nang lumabas si Moreistelle sa apartment nito, nakasuot nang
pinakainosenteng baby pink pajamas na nakita na niya sa buong buhay niya, pero
nagmukha pa ring ang pinakamagandang bagong gising—o naistorbo ang gising—na
babae na nakita na niya. How the hell could she manage it? Sa kabila ng ere ng
kainosentihan, walang inosente sa ere nang pakikipagsagutan nito sa kanya.
Mabilis itong sumagot, may sass. But he was more focused on her lips, wala ring
lipstick pero mapula pa rin at parang ang lambot. Mula sa cool and sophisicated executive noong
makalawa, isa na ito ngayong napakaganda at birheng seductress.
Yes,
he knew a little about Moreistelle Santos now. He winced, hiding his face. He
knew a lot more than he cared about. Sa pagtatangkang makahanap ng ebidensyang
magdidiin dito sa pagiging manggagantsong pinaniniwalaan niya, nagtanong-tanong
siya sa mga kaibigan ng lola niya at sa mga tiyo niya—only to find out that she
was actually innocent. Na ang mga ito ang sumuporta sa purchase ng building
dahil maganda iyong investment. Kung hindi nga raw naunang ma-informed ang lola
niya tungkol sa sale, baka nag-unahan ang mga itong sumunggab sa oportunidad na
mabili iyon.
And he could not even grab at the rent as a
hidden agenda, kasi nga ang lola na niya ang landlady nito ngayon. There was no
way she could pay late or not at all for the monthly rent—she’s paid in
advance. For two years. Naka-lease rito ang apartment sa dati pa man nitong
landlord. Mukhang galing sa may kayang pamilya ang babae.
At
kung tutuusin, sila pa ang may utang na loob dahil sa araw ng sale, sinurpresa
nito ang lola niya sa pagwe-waive nito ng komisyon nito bilang ahente sa sale,
dahilan kung bakit naka-save din nang hindi birong halaga si Lola Mariz.
Therefore,
he was already embarrassed when she came out. Tapos naistorbo pa niya ang tulog
nito. Tapos, heto, tinutulungan na siya nito, talo pa niya ang ulol na aso sa
sungit.
He
was a little overwhelmed. Noone has pulled a chair under him before. He’s
always been prepared for every fight. Pero somehow, ang idahilang protective
lang siya sa lola niya ay hindi sapat.
Dahil
ang babaeng ito ang nasa tabi ng lola niya sa nagdaang dalawang taon kung
kailan wala siya.
And
to top the guilt off, heto’t bahagya na niyang makontrol ang sekswal na
atraksyong hindi lang imahinasyon sa kanya, as he’d hoped the whole time he’s
driving back. Nang mag-umpugan sila sa baba at naamoy niya ang amoy ng
strawberry sa buhok nito at baby powder—baby powder!—scent na kahalo nang
natural na amoy ng katawan nito, tumayo si Manoy sa atensyon. Nilipad ng hangin
ang pagod niya. Parang nagdahilan lang siya.
Nakarating
sila sa third level at nakahinga nang maluwag si Andrew. Thank God. Ilang
hakbang na lang at makapagtatago na siya sa apartment niya.
And
then wham…! Jesus.
Did
she have eyes?!
He
had to grit his teeth. Sa sunod nitong pagbunggo sa kanya, tumama ang dibdib
nito sa kanyang braso.
No
bra.
Now,
he not only has to contend with her scent, he had to contend with how soft… napalunok
siya… how soft she’d be all over if he could just… he could just…
Sumigid
ng malalikidong init sa kanyang mga ugat, sa mga himaymay ng kanyang
kalamnan—lumukob sa buo niyang katawan. Napapikit siya nang mariin at nagngalit
ang kanyang mga ngipin para lang mapanghawakan ang natitirang control sa
kanyang katinuan.
Nang
sa wakas ay nagawa niyang magmulat, natagpuan niyang nag-aalala itong
nakatingala sa kanya. “Talaga bang pagod na pagod ka na?”
Hindi
niya kinayang magsalita agad.
“Tst,”
anito. Kinuha nito ang susing nasa kamay niya, tinulak siya sa isang tabi at
binuksan nito ang pinto—Little Red Riding Hood beside the Big Bad Wolf. Pumasok
ito sa loob dala ang maletang maliit. Nabuhay ang ilaw sa salas. Natambad sa
kanya ang loob at nagulat siya—a grateful distraction to his sweet dilemma.
He’d expected to crash on a sofa. Sabi ng lola
niya ay naiwan ang ilang mga muwebles sa apartment. Pero nasa ayos ang lahat at
malinis na malinis, mukhang well-lived. Naamoy niya ang air freshener na gamit
ng lola niya sa bahay nito. At napangiti siya habang napapabuntunghininga.
Then
she came out from inside a door of what could only be the bedroom, since doon
nito dinala ang maleta niya.
He
froze again.
Biglang
hindi na safe ang apartment.
Dahil
batid na batid niyang ilang hakbang lang at naroroon na ang bed.
“Nilinis
ito ng lola mo kahapon sa paghahanda sa pagdating mo tapos kanina, nagluto siya
kaya may pagkain sa bago mong ref na pwede mong initin sa bago mong microwave
kapag nagutom ka. Your bedroom’s ready,” anito pa habang kinukuha ang duffel
bag na ibinagsak niya sa sahig at hinila patungo sa bukas na pintong
pinagdalhan nito nang naunang maleta.
He
couldn’t, wouldn’t even stop her. Hell,
why should he? Who ever told her it was safe to go inside a stranger’s
apartment alone was plain stupid? Apo ka
ng kaibigan niya, paalala sa kanya ng tinig na iyon. Do you think the boner would care right now, singhal niya sa tinig.
Big, bad wolf.
Napapikit
siya, pero napasunod din rito dala ang naiwang malaking maleta. There was the
bed. Ibinababa na nito ang comforter sa kama at binubugbog ang mga unan.
“Bagong
laba ang mga ito, malinis at mabango kaya siguradong makakatulog ka nang
mahimbing,” sabi pa nito.
Oh no, no sleeping tonight.
Tumayo
ito nang tuwid at pumihit sa kanya. Nginitian siya nito. Such a sweet face,
nakadama siya ng guilt. He’s being such a pervert. Kaibigan ito ng lola niya.
She has to leave now. Leave him alone.
“Iiwan
na kita. Kaya mo na sigurong mag-isa?” inosente nitong tanong.
He
gritted his teeth. Was she kidding?
One little lamb, two little lamb, three... no, not helping.
Sa
wakas ay nakapagsalita siya.