Wednesday, April 8, 2015

Blood Witch 1: The Witchling (teaser and excerpt) - Noelle Arroyo

Hi, readers!

Here's a new series from me. I've already sent the draft of the first book to the editors. My fingers are crossed, hope it'll get approved!

(***Please take note that this is only a draft. It might change, depending on the editors and whatever is needed on revision. But... ENJOY!)




(photo credit: Shutterstock)



THE WITCHLING
(Blood Witch 1)


Noelle Arroyo

Teaser:

There are witches, and there is Witch.

Namumuhay ng normal si Bettina, iyong klase ng kanormalan na nae-enjoy nang isang anak mayamang gaya niya. Nagtatrabaho siya sa kompanya ng pamilya, umuuwi sa bahay niyang sarili, at paminsan-minsan ay lumalabas kasama o hindi ang kanyang stepsister na si Veronica na isa ring malapit na kaibigan.
And then one night, she meets the handsome, virile, magnetic and mysterious Barron MonTierra.
At si Barron ang nagbukas ng kanyang mga mata sa mga bagay na hindi kayang basta tanggapin ng kanyang isip – tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, tungkol sa kanyang bloodline, at tungkol sa iba pang nilalang na gaya niya na nagtataglay ng magick at nabubuhay na parang mga imortal gaya nito. They call themselves Magickals. At na si Bettina ay isang witch.
But there is more to it all. Unti-unting natuklasan ni Bettina na hindi lang siya isang normal na witch. 
Habang sa dako pa roon, nararamdaman na nang ibang Magickals ang paggising ng kapangyarihan sa dugo ng Witch na hinihintay-hintay magbalik upang muling mabuo ang Unang Trono, at habang may nagpaplano ng selebrasyon, may nagpaplano rin ng paglipol...




“We live in Secret. We live in Silence. And we live Forever...”
Luis Marques, Asetian Bible

Terms:
Witch – ang tunay na kapangyarihang sumalin sa katawang lupa para mabuhay. Ang unang Witch, si Mireaia, ay nabuhay sa katawang sinilang mula sa isang human witch at isang Magickal.
witches – mga babaeng Mundi mula sa linya ng mga ancient human witches na may magickal powers. Madalas silang nagiging Priestesses kapag dumating na sa tamang edad. Maaari ring itawag sa mga female magickals na may malalakas na magickal powers, lalo na ang mga PureBloods.
Majikal/Magickal – mga tao/nilalang na pinanganak mula sa mga bloodlines na nabubuhay nang matagal, o makokonsiderang mga imortal.
PureBlood/Blood – mga Magickal na pinanganak sa royal bloodlines; katumbas ng royal blood o dugong bughaw ng mga Mundi sa mga bansa ng mga pangkaraniwang tao sa Lumina Solare.
Mundi – mga pangkaraniwang mga taong nakatira sa Lumina Solare na walang mahika sa dugo pero may kakayahang lumikha sa pamamagitan ng siyensa. Ilan sa mga matatalino at sensitibong Mundi ay nakababatid sa eksistensya ng mga Magickal. Ang karamihang natitira ay walang alam tungkol sa mga ito.
Warlock Lords – mga lalaking Magickal na pinanganak sa linya ng mga PureBloods. Noong panahon, tinawag din silang mga Warlords dahil sa kanilang pangunguna sa mga digmaan ng mga Magickal PureBloods sa ilalim ng Unang Trono laban sa mga rebeldeng Magickal Bloodlines.
Witch Princesses – mga witches na pinanganak sa linya ng mga PureBloods.
Lumina Solare – mundo/dimensyon ng mga buhay.
Lumina Slaba – mundo/dimensyon ng mga namatay na Magickal kung saan naninirahan ang mga ito sa ilalim ng araw na natatakpan ng buwan, o ng eternal eclipse. 
Alamat ng Abyss – ang kawalan na tinutungo ng mga namatay na Mundi. Dito rin nagtutungo ang undead na Magickal kapag isinuko na nila ang kanilang mahika para muling isilang sa dimensyon ng Lumina Solare sa bagong katauhan.
Eshikhan Desserts – disyerto sa Lumina Solare kung saan matatagpuan ang mga Eshikh, mga nilalang na may pakpak na parang sa mga paniki, maitim ang balat at kulot at maitim ang buhok. Sila ay magigiting na mga mandirigma at mabalasik kapag kaaway. Kapag nag-aalumpihit ang mga insekto, sinasabing nasa malapit lang ang mga Eshikh.
Speirian Skies – matitirik na mga bangin at rock formations na tirahan ng mga Speiro o mga angel-like beings dahil sa klase ng pakpak meron ang mga ito, kulay gintong buhok, maputing balat at kulay asul na mga mata. Gaya ng mga Eshikh, magigiting rin silang mga mandirigma, pero mas ispiritwal kaysa ibang mga Magickal, at mas madalas makisalamuha sa mga Mundi sa likod ng glamour para maitago ng mga ito ang pakpak. 
Fae – mga nilalang na nagmula sa mundong matagal nang kinalimutan ng panahon. Naunang namuhay ang mga Fae sa Lumina Solare bago pa man nakuha ng lupain ang pangalang ito, at ang bloodlines ng mga human witches ay sinasabing direktang nagmula sa mga royal bloodlines ng mga Fae nang makisalamuha ang mga ito sa mga tao. Kilala rin sa ngalang Fairies.



Ang Alamat

May mga witches.

At may Witch.

Ang alamat ng Witch ay tungkol kay Mireaia, at tungkol sa una at ikalawang circle ng Unang Trono ng mga nilalang na Magickal.

Sinasabing si Mireaia ay hindi pangkaraniwang witch, sa halip ay mula sa marubdob na kahilingan nang makapangyarihang mga Magickal na makasama ang tunay na Witch… maging reyna ito, asawa, kapatid, kaibigan, at pag-asa para sa isang hinaharap na malaya at matuwid para sa lahat.

Nabuo ang pisikal na katawan ni Mireaia sa pagsisiping ng High Priestess na si Morgana at High Priest na si Lucius sa gabi ng Spring Equinox. At mula sa bata ay nakita na agad ang palatandaan ng Witch hindi lamang sa isang birthmark, kundi sa pinakita nitong kapangyarihang hindi mapantayan nang kahit sinong Magickal sa kabila na isa itong Mundi. Taglay din ni Mireaia ang pagmamahal na hindi matatawaran at kabutihan sa sinuman o anumang nilalang, at handa ito laging magsakripisyo para sa mga minamahal. Sinasabing ang unang panahon ng mga Magickal ay puno ng panganib dahil sa tyranny nang mas makapangyarihang mga Magickal na nagtangkang sumupil sa mas mahina, at ang Unang Trono ay isang propesiyang lumabas sa bibig nang isang makapangyarihang seer nang magsimulang humiling ang mga Magickal sa kanilang mga pagdarasal nang isang tagapagligtas.

Nang magdalaga si Mireaia, siya ang naging Reyna nang Unang Trono, ang tronong binubuo ng Pure Magickal Bloodlines sa lupain ng Lumina Solare. Ang unang circle sa Unang Trono ay binuo ng Reyna sa pinakamataas na pwesto, ng High Priest na si Lucius, ng Consort mula sa angkan ng mga MonTierra na si Zyrus, at ng Warlord Guard na si Marcus na isang half-blood na Speiro at Eshikh. 

Ang sumunod ay ang circle na binubuo ng 13 witch daughters mula sa angkan ng Fae, at 13 warlord princes mula sa iba pang Magickal Purebloods kasama ang MonTierra.
Sinubukang kopyahin nang ibang mga magickal bloodlines sa ibang mga lupain ang Unang Trono ng Witch Queen, na ang unang dahilan ay para maibagsak ang nauna at maghari sa Lumina Solare. Pero lahat ng mga nagtangka ay nabigo. Pagod na ang mga Magickal sa pagdanak ng dugo. Pagod na ang lahat sa karahasan at kawalan ng hustisya. At naibagsak ang mga manggagaya dahil nanguna ang Unang Trono sa pagsugpo sa mga ito.
Ngunit sa kabila ng kapangyarihan ng Witch, dahil ang pisikal nitong katawan ay mula sa lupa at mahina para hawakan ang kapangyarihan nang matagal, tumanda si Mireaia gaya nang pangkaraniwang Mundi at namatay.

Sinasabing nagbalik ang Witch Queen nang ilang beses sa sumunod na mga milenyo para muling makapiling ang kanyang una at ikalawang circle, kahit sa pagdaan ng mga taon ay tuluyang nalagas ang Unang Trono at nagkaligaw-ligaw sa iba ibang lugar sa Lumira Solare ang descendants ng mga ito dahil sa nakakaalarmang pagdami ng mga Mundi at pag-unlad ng teknolohiyang hindi tumatakbo sa pwersa ng mahika.

Nang dumami ang Mundi nang higit pa kaysa mga Magickal, itinago ng huli ang kanilang kapangyarihan para makaiwas sa unang mga digmaang naganap noong panahon dahil sa pag-iimbot sa kapangyarihang hindi nararapat sa mga nauna. Iyon ang hinihingi ng panahon at mapayapang pamumuhay. Pero manaka-naka, umuusbong ang ilang mga rebelasyon at rebelyon. Pero dahil sa pagpupursige ng nabuong makapangyarihang coven na pinamumunuan pa rin ng mga nabubuhay pang mga myembro ng Unang Trono, naitatago ang mga iyon sa mga mata ng mga Mundi.

Pero sa paglipas ng panahon at pananahimik ng Unang Trono ay unti-unti ring muling nakapagbuo ng pwersa ang mga rebeldeng Magickal palihim sa coven.
Ang sa kasalukuyang panahon, binubuo na muli ng mga ito ng isang tronong muli ay susubok sa coven ngayong wala nang Unang Trono…

Sa kasalukuyan magsisimula ang kwento.





Chapter ONE

MAALINSANGAN ANG GABI sa isang urban neighborhood sa lunsod ng Maynila. Malalaking mga bahay, magagarang mga kotse sa mga garahe, at well-maintained na mga lawns ang makikita sa binibigay na liwanag ng perpektong nakahilerang mga post lamps sa gilid ng mga kalsada. 
Pero sa isa sa mga residensya roon ay masyadong maingay at maliwanag. Maririnig ang tugtog ng racy music mula sa loob at umaalpas sa mga bintana ang liwanag ng strobe lights at kaleidoscope. May party na nagaganap sa residenteng iyon, isang eleganteng restored manor house sa isang napakaluwang na real estate property, at pag-aari ni Elektra Madrid. 
Pero sa mga matagal nang nakatira sa subdivision, normal na ang ganoong mga pangyayari. Isa pa’y kilalang pilantropo at generous ang sikat at bilyonaryang businesswoman na si Elektra Madrid. Isa itong kilalang designer na may-ari ng ilang branches ng store na nagma-market ng clothing, perfumery at jewelry line dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. 
Napakarami nitong mga kaibigang puro sikat. Walang basta magrereklamo kung naiistorbo sa konting ingay o gulo kung kasama sa party ang mga anak ng mga kapitbahay nito. At ang mapadalhan ng imbitasyon ay nagpapahiwatig ng imbitasyon sa sirkulo nang isa sa pinakasikat at pinakamayanag elitista sa bansa. Sinong magrereklamo?  
Maraming mga SUVs ang nakaparada sa driveway, pero maliban sa iilan, kapansin-pansin ang dalawang babaeng umaakyat sa mga baiting patungo sa nakabukas na mga front doors ng Manor House. Hindi alintana ng dalawa ang alinsangan o ang ingay, o kung sakali man ay masyadong nakatutok ang mga ito sa bulungan para mapansin pa ang ibang mga bagay. 
Ang dalawa ay ang stepsisters na sina Bettina at Veronica. Pinag-iisipan pa rin nang mabuti ni Bettina kung bakit siya naroroon, habang si Veronica naman ay bahagya pang nagngungulngol na nahila ito sa ibang party para samahan siya rito. 
“I told you, you didn’t have to come with me. Sana hindi ko na sinabi sa ‘yo.”
“Are you serious? You don’t come to parties like this. What if you come into something seriously fucked? Baka bawiin ni Tito Fredo ang Firebird ko!”
“No, he’ll not.”
“Sino kayang fucked up ang nagpadala sa ‘yo ng text message na ‘yon?”
“I don’t know. Pwedeng ikaw. Stop cussing, will you?”
“Ako? Bakit ako?”
“Alam kong ayaw mo kay Ryan.”
“I don’t really not like him. Siguro playboy s’ya dati, pero alam niyang kapag nagloko s’ya sa ‘yo, lagot s’ya kay Tito Fredo.”
“No, of course not. Hindi nakikialam si Dad sa social life ko.”
“Walang dapat ipag-alala si Tito sa social life mo, I know,” natatawa nitong sabi. “Saka gusto s’ya ni Tito, kaya kung gagawa siya ng kalokohan sa unica hija nang isang powerful businessman, siguradong lagot s’ya.” May sinabi pa ito sa mahinang tinig at tiningnan niya ito. “What?” mas malakas nitong sabi.
“What did you just say?”
“Wala.”
“I heard you.” Nagbuntunghininga siya. “Ryan’s a good businessman, too. Hindi n’ya kailangan si Dad. Maimpluwensya na ang sarili niyang pamilya.”
Bahagyang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. “And yes, he might really like you.”
“He does. Isa pa, he doesn’t seem to be interested in you.”
Umikot ang mga mata nito. “Please. Not again.”
Ngumiti siya. Alam naman niya ang totoo – mas maganda at kaakit-akit si Veronica kumpara sa kanya. Mas interesting at lahat. Noong highschool, isa itong cheerleader at Prom Queen habang isa siyang nerd na mahilig sa computers. Sabi nito, maganda siya kung mag-aayos siya. But she wasn’t interested in being fashionable and running after new trends. Isa pa, subukin man niya hindi siya magiging isang Veronica na kapag ginawang damit ang kumot, magiging isa iyong instant fashion trend. She thrived on a quiet life, and work. Samantalang si Veronica ay isang extrovert na laging napapaligiran ng mga taong humahanga rito. For people who were close as friends, they couldn’t be more alike. Stepsisters pa mandin sila. Pero hayun nga, nalampasan nila ang stereotype at naging magkaibigan sila.
“Okay, sige. Tingnan natin kung totoo ang text message. Pero pagkatapos, uuwi ka na, ha?” anito.
Napaangat ang isa niyang kilay. “You made me dress up for the party. Ryan might like seeing me like this – if he’s truly here and the…that stupid text message isn’t true at all. Bakit ako uuwi agad? Ano ito, highschool?”
Nagdaan ang pag-aalala sa mukha nito, sandali lang. Pero noong itinago nito iyon agad, nagduda siya. Bakit ba masyado ito biglang protective ngayon sa kanya? Hindi naman siguro siya ganoon ka-ignorante para bigla itong umaktong big sister.
“Let’s go,” aniya bago niya tinulak ang mga pinto na nauna na niyang pinasok kanina kasama ang kanyang Daddy at si Tita Sofia. Malapit na magkaibigan sina Tita Elektra at ang kanyang stepmom at ito ang nag-encourage sa modeling career ni Veronica. Ito rin ang nag-insist na gumamit si Bettina ng stylist. Betina liked casual, comfortable clothes. Pero ang version niya ng kaswal ay pambahay sa isang Elektra Madrid. Noong nagtatrabaho na siya sa kompanya siya sumuko at pinayagan itong sa wakas ay i-manage ang kanyang wardrobe, sa relief ni Tita Sofia. “I mean, I don’t know what worries you. Andito lang ako kanina kasama ang Mom mo at si Dad. How different will it be…”
Pumasok sila sa sunod na entryway na malayong malayo sa hitsura niyon kaninang ibang party pa para sa mas grown friends, business or personal, ni Tita Elektra ang nagaganap sa bahay. 
At ilang sandaling tumayo lang sila nang makapasok na sa loob. She had to orient herself first. Sanay na si Veronica sa ganitong mga eksena.
It looked like she found herself in a different house, or on a set of True Blood. Beautiful people, sweaty bodies, sultry music, and dirty dancing on the floor that it almost resembled an orgy. Not that she knew what an orgy looked like. But she could imagine that this was a somewhat version of it. 
Hindi na iyon ang living room kanina. Naka-off ang main light pero sa halip na chandelier, may kaleidoscope at strobe lights sa ceiling na nagkukrus ang mga reflections sa ere, tumatama sa mga mukhang heavily made up at lango sa alak. May sume-sway lang sa music. Meron namang bigay na bigay sa pagsayaw. And the beat and the rhythm were, in these lights, sensuous and exhilarating. Inilayo niya ang kanyang naeskandalong mga mata sa mga katawang sobrang magdikit at magkiskisan sa ngalan ng pagsasayaw pero…
Muli, ibinalik niya ang tingin. May magkapareha sa isang sulok, parehong attractive, “nagsasayaw”. Pero ayon sa kilos ng mga katawan ay hindi lamang iyon ang ginagawa ng mga ito. Hindi man nagtatagpo ang mga labi, mas matindi pa sa paghahalikan ang ginagawa ng mga katawan. The way the man’s arms held the woman’s body, touched her… the way she threw her head back as she ground her body to his… it was like the prelude to making love. Their embrace was pure arousal and heat… and her eyes watched, mesmerized.
Inilayo muli ni Bettina ang kanyang mga mata sa magkapareha bago pa mapansin ni Veronica ang ginagawa niya at biruin na naman siya nito tungkol sa kanyang pagiging virgin.
“Do you think Celine sent you the message para guluhin kayo ni Ryan?” tanong ni Veronica malapit sa kanyang teynga para marinig siya nito sa ibabaw nang ingay. Celine was another model who already had her own fashion line courtesy of her very wealthy parents. Batch mate din nila ito sa school at noon pa man ay may pagkamaldita na. Isang spoiled brat, kapag may gusto ito, ginagawa nito ang lahat para makuha.
At ex nito si Ryan.
Ryan, her suitor. Hindi pa niya ito sinasagot. Hindi pa siya nagko-commit. But they were exclusively dating. Gwapo ito, matalino, charming, at successful na businessman. She honestly did not know what attracted him to her. Napaka-confident nito, napaka-charming, at perfect gentleman. Mga katulad ni Veronica ang nai-imagine niyang magugustuhan nito, hindi introvert na gaya niya. 
Pero ang posibilidad na maging nobyo niya ang lalaki ay nagpapasaya sa kanyang ama. Ryan was perfect, as far as her father was concerned. Kung dati, nakakunot agad ang noo nito kapag nababalitaang lumalabas siya on dates, iba ang reaksyon nito noong nalamang interesado sa kanya ang mayamang binata na nagkataon ding isang matinik na businessman.
She was always buried in her work that she really didn’t know about Ryan until she met him in a cocktail party that she attended only because Tita Sofia, Veronica’s mother, arranged it. Kung tutuusin, may iba pa siyang mga manliligaw na gwapo, mayaman din naman, at seryoso siyang nililigawan. Pero may kakaibang charm si Ryan. Kuha nito ang loob ng pamilya niya.
And he didn’t seem interested in Veronica. Ito pa lamang ang manliligaw niya na hindi nagtanong o na-curious tungkol sa kanyang sikat na modelong stepsister. Imposibleng hindi nito kilala si Veronica o ang koneksyon nito sa kanya kung ang ex nito ay si Celine. Mas nakakuha marahil iyon nang puntos sa kanya kaysa iba pa nitong mga kalidad.
She thought she had finally found a man who didn’t find Veronica more interesting. Nagpakasal si Tita Sofia at ang Daddy niya noong teenage years nila ni Veronica. Noong una ay may tensyon sa pagitan nilang dalawa ng bago niyang stepsister. Parang ilang ito sa kanya, at lalo naman siya rito. Hindi siya sanay na may maingay sa bahay at hindi lang maingay ang babae, sobrang candid pa. Noong huli ay nagkasanayan din sila. Inakala nitong dahil tahimik siya ay hindi niya ito welcome sa bahay. Pero hindi iyon totoo.  She liked Tita Sofia from the very start. Meron siyang sarili niyang ina na kahit wala na ay hindi mapapalitan kahit kailan sa puso niya. Ang maganda sa mommy ni Veronica, hindi nito kahit kailan sinubukang palitan ang mommy niya sa puso niya. Naging parang isa itong auntie sa kanya pero hindi ito umaktong ina. That didn’t mean she had not tried her best to become someone special to her. She was always there when she needed her, but Tita Sofia never tried to assume her mother’s role.
Maganda rin ang nangyari sa kanyang ama mula nang mapangasawa ito. Her father thrived in having an intelligent, business-minded woman for a wife. May nakikita siyang kasiglahan dito na wala noon. Matagal din kasi nitong dinibdib ang pagkamatay ng unang asawa at ang pagdating lang ni Tita Sofia sa buhay nito ang unti-unting bumuhay sa sigla ito. Kaya nilunok niya ang ingay ni Veronica kapag gusto niya ng katahimikan o kaya ay tiniis ang company nito kapag gusto niyang mapag-isa.
Veronica did not make it easy, deliberately or otherwise. Napakaganda nito, magaling mang-charm nang ibang tao, extrovert – at malayong malayo sa kanya. Nagagawa nitong mapalabas ang mga insecurities niya noon, dahilan kung bakit umiiwas siya rito hangga’t makakaya niya. Pero lagi itong nasa malapit, at laging maingay. At ang totoo, napaka-charming nito. Hindi ito madaling itaboy o iwasan  o kaya kainisan.
Pagsalta nila sa college, magkaibigan na silang malapit ng babae. Pinayagan siya ng kanyang amang lumipat sa isang condo unit malapit sa university sa ngalan ng independence. Nagulat siya noong sa parehong building kumuha nang sarili nitong unit si Veronica. Ayon dito, hindi siya nito iistorbohin, pero anytime na kailangan siya nito naroroon lang ito.
It worked. On the other hand, noong nagsisimula na itong magmodelo ay lagi rin niya itong nakikita. Kahit nasa twenty-sixth floor ang unit niya, natatanaw niya ang maganda nitong mukha sa tatlong giant billboards along EDSA. 
Pero hindi siya naiinggit sa kasikatan ng kanyang stepsister. Nalampasan na niya ang insecurities niya. Noon pa, tanggap na niya kung ano ang mga meron dito na wala sa kanya. A certified computer geek, masaya siya sa kanyang trabaho at hindi niya ma-picture ang kanyang sarili na nakikipagkompetensya sa stepsister niya sa larangan nito. 
She already had too much. She felt very lucky that she wasn’t born from a poor family, or that she didn’t have delinquent parents. Or she wasn’t raised a spoiled brat. Secure siya sa buhay niya. At masaya siya na meron siyang isang Veronica sa buhay niya.
Ibinalik niya ang atensyon niya sa party. Gaya ni Veronica, si Celine rin ang hinala niyang nagpadala ng message. Kung hindi si Ryan ang hinihinala niyang tinutukoy ng message, wala na siyang maisip pang iba. Imposibleng hindi pa alam ni Celine na nanliligaw sa kanya si Ryan, isa sa most eligible bachelor sa buong Manila. Kung ito nga ang nagpadala ng message, sino pa bang mahalagang tao ang tinutukoy nito kundi ang lalaki?
Someone important to you will be in E. Madrid’s party tonight, and he won’t be alone. Want to come and join us?
Pumasok sila sa receiving area ng bahay Ni Tita Elektra. “Hey, dito lang ako sa tabi mo. Don’t you dare go anywhere without me.”
Napatingin siya rito, nagtataka. “Vivi, hindi na ako bata.”
Binelatan siya nito. Ayaw nito ng nickname na iyon kasi. “Basta. Hindi ako aalis sa tabi mo kahit anong mangyari, okay?”
Nagbuntunghininga siya. “Okay.”
Maraming tao sa paligid nila at halos nararamdaman niya ang singaw ng mga katawan ng mga ito. Worse, she still had to shake off that hot pulsing inside her body that watching those two dancers aroused. Sa kabila ng room, may isang lalaking nakatingin sa kanya na ngumisi at kinindatan siya nang mapatitig siya rito dahil nagtataka siya kung bakit ito nakatingin. Na baka kilala niya ito. Pero hindi. Biglang bigla ay nagpasalamat siya na may kasama siya. Hindi pa siya na-exposed sa kahit isa sa mga parties ni Tita Elektra sa buong buhay niya at kung may lumapit sa kanyang lalaki, hindi niya alam ang gagawin niya.
Maaaring malapit din siya kay Tita Elektra, pero sa ibang klaseng environment sila nagkakatagpo. Laging either business meetings, business lunches, catch-up brunch or anupamang parehong mga pagkakataon sila nagkikita nito at madalas ay kasama ang kanyang Tita Sofia o minsan, siya, kapag hindi sila sinasadyang magkatagpo. Tuwing may time din lang ito, madalas siya nitong hilahin sa isang restaurant sakaling sa mall sila nagkasalubong para kumustahin siya. Kaibigan din nito ang kanyang Mommy noong panahon kaya may interes ito na may kasamang pag-aalala sa kanyang kalagayan. Pero kung another Tita Sofia sa kanya si Tita Elektra, alam din niya ang isa pa nitong mukha. She had heard about these racy parties… or what happened to these parties when two people liked each other enough. She had never been to one until now. 
Hindi lang come on looks, nakakatanggap rin sila ng mga curious looks habang naglalakad siya at malamang dahil bagong mukha siya. Sa advice ni Veronica, nagsuot siya ng party dress para hindi siya mag-stand out. Pumayag pa siya sa isang mini-black dress dahil naisip niya, tiyak na mas maiikli pa ang suot ng dadatnan niya. Pero hindi ang damit niya kundi marahil ay ang pagiging unfamiliar face niya ang dahilan kung bakit nakakuha pa rin siya ng pansin sa mga narito.
Hindi na lang niya pinansin ang mga ito dahil hindi iyon ang pakay nila rito, sa halip ay naghahanap ang kanyang mga mata at patingin-tingin siya sa mga sulok, sini-sino ang mga naroroon. After almost ten minutes of not seeing Celine or Ryan, she finally accepted that she had been fooled. 
Naiiling na tinalikuran niya ang huling pinto para pumihit kay Veronica. “Not here,” aniya. “Stupid me.”
Pero napansin niya ang mukha ni Veronica habang nakatingin ito sa ibang direksyon at kumabog ang dibdib niya. Veronica looked pissed off. 
Imboluntaryo siyang napalingos sa tinitingnan nito bago siya nanigas sa kanyang nakita. 
Sa isang sulok, nakasandal si Celine sa dingding, katabi ang walang iba kundi si Ryan na nakasandal din sa dingding paharap dito, sobrang lapit dito halos magdikit na ang katawan ng dalawa. He didn’t seem to be bored. He was looking mostly interested in Celine’s semi-exposed breasts. Nakasuot ito ng standard na black, thin, mini-dress, pero kung paano iyon dinadala ng katawan nito ay nagdala sa damit sa kategoryang mas mainit pa sa sexy. Hinahaplos naman ng babae ang batok nito, ginugulo ang buhok nito. 
Bettina froze at the intimate scene in the dark. For a moment, she did not know what she felt.
Tapos, bigla siyang nanlumo.
She thought she could trust him. 
And she did. Pero hindi pala dapat pagtiwalaan ang kanyang judgment pagdating sa lalaki.
“Bettina?” tawag nang isang mahinang tinig sa kanya.
Napalingos siya kay Veronica. “I’m so sorry, girl,” anito. 
Pinilit niyang ngumiti rito. “How about a drink?” nasambit niya. “I mean, wala namang nawala. Hindi ko pa s’ya boyfriend.”
“How about we go home now?”
Umikot ang kanyang mga mata sa ka-OA-yan nito. “No. I don’t want to go home yet, Ronee.” Lumunok siya, pinipigilang tumingin muli sa nakita na niya. “Ayokong umuwi na parang isang loser. Okay? Have a drink with me, and let’s please act like I really don’t care.”
“Can’t we do that anywhere else, hindi dito?” anito.
Napamata siya rito. “What’s the point kung sa bahay?” Kumunot na ang kanyang noo. “What’s wrong with you? May kaaway ka ba rito?”
“Wala,” sagot nito agad.
“Then can I please wallow for a bit before we go home? Kailangan ko nang isang drink, now, before I go there and stick his stupid face to her stupid nipples.”
Ito naman ang napamata sa kanya. “Let’s go.”
Walang masyadong tao sa bar sa sulok na pinagdalhan nito sa kanya sa isa pang room sa maluwang na lugar na iyon maliban sa bartender. Palibhasa may nag-iikot na mga waiters, hindi naglalapitan ang mga guests sa parteng iyon. Matapos humingi ng Margarita sa lalaki roon para sa kanilang dalawa, nag-usap sila nang mahina sa dulong sulok ng bar.
“Are you okay?” tanong nito.
Nagbuntunghininga siya. “Parang hindi. Ang init,” reklamo niya. Pero buhay naman ang aircon at dahil konti ang tao roon, dapat malamig. Nagbuntunghininga siyang muli para pakalmahin pa ang sarili. Pinipigilan niyang magalit. “I almost fell for him, you know. Akala ko talaga…”
“It’s Celine,” anito. “She’s a bitch.”
“Bitch or not, I can’t trust Ryan anymore. And that… that sucks.” Kumunot ang kanyang noo habang napapatuon siya ng tingin sa kanyang Margarita glass. 
“Anong iniisip mo?” tanong nito.
Nag-angat siya ng tingin dito. Tapos ay sa paligid niya. “Mainit.”
“How about we go home?”
Napatingin siya sa babae. Could Veronica possibly know? Of course not. Maliit pa siya noon. And since then, she had learned to control it. To forget it. Sigurado siyang hindi iyon sasabihin ng Daddy niya kay Tita Sofia, or ni Tita Sofia kay Ronee. It’s a family secret. It’s nothing, only came up when she’s angry. Matagal na siyang hindi nagagalit.
“It was Ryan, right?” paniniguro niyang tanong. Kasi baka naman nagkamali lang siya nang nakita niya. Madilim sa sulok na iyon kung saan magkatabi ang dalawa. “Hindi ako nagkamali sa nakita ko?”
“How about we pretend it’s Ryan’s twin?” sabi nito sa sobrang dorky at sarcastic na tinig, hindi niya napigilang matawa. At bigla, nabawasan ang init. At nakahinga siya nang konti. Nang mas maluwag.
It was going away, thank God.
Sumimsim siya ng cocktail… naramdaman niya ang pagdaan niyon sa kanyang lalamunan, ang alat sa gilid ng kopita, ang init na dinala niyon sa kanyang sikmura. It felt good, somehow, to drink and try to forget. “Mabuti na lang, hindi pa ako nahuhulog sa kanya nang sobra. I will hate crying for him. Hindi ko pa naranasang umiyak dahil sa isang lalaki…” Napakunot ang noo niya. “Is something wrong with me kaya, Ronee? I never had crushes. Hindi pa ako naloka sa isang lalaki na gaya mo sa marami mo nang naging mga boyfriends since we reached puberty—“
“Wow, thank you.”
“No, it’s not a bad thing,” sabi niya, natatawa. Saka unti-unting namatay ang ngiti niya. “Can you believe that I’m disappointed right now because Ryan is the first person, the first man, who had kissed me, and I liked it, and yet kapag tinatanong n’ya ako kung kami na ba talaga, I still… I still can’t commit?”
“He kissed you and you liked it?” tanong ni Ronee, parang kinakabahang sumulyap sa sulok kung saan naroroon ang bartender.
Hininaan niya ang boses niya dahil akala niya, ang inaalala nito ay baka marinig ng bartender ang kumpisal niya nang kanyang kaignorantehan. “Yes. He’s a good kisser.”
Ang Margarita naman niya ang sinulyapan nito. “O-kaaay. I’m not ure which is better, you going on information overload or you angry or crying right now. Christ, keep me safe.”
Inikutan niya ito ng mga mata sa ka-OA-yan nito. “’Yun na nga ang isa pang disappointment. Ang ikalawa, gusto ko si Ryan dahil gusto siya ni Daddy. But do you think I’ll commit to him just because of that, too? Bigla ko lang na-realized, after I saw him with Celine, that… that I really don’t… that if I’m going to fall for him, sana noon pa. At na naunahan lang ako nang nakita ko, pero hindi rin magwo-work out. Na nakakalungkot kasi after dating a man as handsome and as virile as him, hindi pa rin ako nakakaranas ma-in love. What is wrong with me?”
“Pero kanina, nagalit ka,” tanong nito na parang gusto nitong malinawan ang sinasabi niya.
“Kay Celine. I know her enough and I know Ryan enough para makasigurong si Celine ang nagsimula nito. I want to…” At muli, iyong init. Naiangat niya ang glass at uminom siya ng Margarita, at naubos iyon sa isang tunggang iyon lang. “Another glass, please?” polite niyang tawag sa bartender. 
At lumapit ito sa kanila.





Chapter TWO

SI BARRON. 
Nakatayo siya sa kabilang dulo ng bar, sa parteng medyo madilim at kung saan ay hindi siya basta nakikita o namumukhaan ng mga tao sa party. He was also using a glamour in a way that nobody would want to look the bar’s way unless he wanted them, too. Ang gusto lang niyang naroroon ay ang dalawang babaeng kasalukuyang nakaupo roon. 
He had felt her come in. Nasa taas siya ng manor, abala sa mga responsibilidad sa mga negosyong hawak ng mga MonTierra dito sa Pilipinas nang bigla niyang nadama ang presensya nito, malakas pero marahan, mabigat pero magaan… at pamilyar.
He already knew she had come back twenty-four years ago, but he managed to stay away because they all knew about the danger. Maraming mga matang nakatingin, nanonood sa bawat kilos ng witch warlord na dating kilalang si Zyrus, ang magician. He had also been the Witch Queen’s Consort. At kung muling isisilang ang Witch Queen, ang witch mate lang nito ang kailangang matyagan para malaman kung nasaan ito.
Sa halip, maingat na plinano ng mga MonTierra kung paano maaalagaan at mababantayan ang baby hanggang sa lumaki ito at makaalala at muling tugunin ang tawag ng Unang Trono.
Hindi ibig sabihin niyon ay hindi siya nahirapang pigilan ang sarili na hindi ito lapitan. Lagi-lagi, tuwing mararamdaman niya ito sa malapit ay nagagamit niya lahat ng pagtitimpi para hindi ito hanapin.  
Tonight wasn’t his fault. She wasn’t supposed to be here. Nararamdaman din niya si Veronica. What the hell was going on? Kung sino-sino ang nasa party na ito at kung hindi protected ang Queen…
Mabilis siyang kumilos, bumaba sa party at naghanap ng pwesto kung saan siya tahimik na makapagmamasid. Nakita na niya ang mga mukha ng mga bisita dati, pamilyar na sa kanya ang mga ito. Kumakabog ang kanyang dibdib sa paraang hindi pa niyon nagawa sa loob nang ilang milenya, at maingat niyang hinanap ang may-ari ng presensya hanggang sa ito na mismo ang lumapit sa kanya. O sa kung saan siya naroroon.
Isang tingin sa babae ay nakilala niya ito agad. Heart speaketh to heart, but soul speaketh in a way that was so much more… 
Veronica? What the hell are you doing?
Hindi nagtagal ang sagot ng tinawag. It’s not my fault. Someone texted her about… a guy who’s dating her right now and she came because of the text. 
Dating?
She’s 24, sarcastic na balik. During our time, she would have been too old for marriage. Of course she’s dating, anito sa kanya sa isip bago ito humingi ng dalawang Margarita sa kanya sa normal nitong tinig habang umaaktong hindi sila nag-uusap sa ibang paraan at na hindi sila magkakilala.
Noone told me she has started dating, angil niya habang tahimik na dinadagdagan ng magick ang kanyang glamour para harangan ang sarili niya kay Bettina. 
Probably because we’re all afraid you’ll do something rash. 
May gusto siyang sabihin tungkol doon, pero nilunok na lang niya at umurong siya sa sulok at sa dilim, mas malayo sa dalawa. 
I didn’t know you would be here. Ang alam ko lang, si Elektra ang narito. I already told her. I’m sure she’s done necessary measures before we even came.
She wouldn’t. Walang kahit isa rito ang nakakaalam tungkol kay Bettina maliban sa aming dalawa. We can’t mobilize people here or that would have caught attention. She should have told me.
Well, anuman ang rason ni Elektra kung bakit hindi niya sinabi sa iyo, we’re already here. And you’re here. Between you and me and Elektra, we should be able to protect her.
Hindi na idinagdag pa ni Veronica ang isang bagay na alam na nila pareho. Si Veronica ay isang Eshikh, after all, kahit kalahati lang iyon. Nasa dugo nito ang naturalesa nang isang matinik na tactician. Sigurado siyang bago pa man pumasok sa pinto ang dalawa, naka-plot na sa isip ng babae ang sunod na mga mangyayari.
Alam nila ni Veronica na ngayong narito si Bettina at narito siya, kailangan niyang gawin ang lahat para mabigyan ito ng proteksyon sa iba – at sa kanya. Iyon lang marahil ang dahilan, umaangil sa isip niyang naisip, kung bakit sinabi nito iyon bago niya makita si Bettina o makalapit ito sa kanila nang sapat para maramdaman siya ng babae. 
That would be a catastrophe. The Queen was tied to her emotionally. Ang maramdaman siya ay maaaring makapukaw sa magick nito, at beacon ang magick nang isang Magickal sa iba. Delikado kapag naramdaman ito nang ibang mga Magickal… iyong mga hindi dapat makaalam na nagbalik na itong muli…
Humugot nang malalim na buntunghininga si Barron sa sulok kung saan siya naroroon at kanina pa nilulunod ang mga mata sa bagong mukha ni Mireaia. Gaya nang naunang Witch, kakaiba ang taglay na ganda nang isang ito. Hindi iyon basta ganda, hindi iyong klase na mabilis mapapansin sa karagatan ng magagandang mukha. Hindi rin ito ni malapit sa pisikal na ganda nang unang Mireaia. This one’s features seem more delicate, the quiet face of an intelligent woman.
Pero sa sumunod na sandali, biglang nag-angat ito ng mukha at naghanap ang mga mata sa dilim kung saan siya naroroon, at pakiramdam ni Barron ay tinusok siya ng matatalas na mga kuko nang magtagpo ang kanilang mga mata.
They were Mereaia’s eyes.
The Witch’s eyes were green, but when she was angry or emotionally aroused, the irises of her eyes would turn to black. This woman’s eyes, this Mireaia’s eyes were all black. No green in it. Pareho ng hugis, ng inosenteng pagtutok, ng talino at walang dudang atensyon – at kapangyarihan. Tinusok siya ng tingin nito sa dilim, at sandali siya nitong tinitigan bago nito ibinaba ang mga mata para muling ibalik ang atensyon sa kausap nito. 
Pero sa kanyang kinatatayuan, pakiramdam ni Barron ay nakatulos pa rin ang mga paa niya sa sahig. Hindi siya agad nakakibo. Parang tinamaan ng kidlat ang kanyang puso. 
The Queen Witch’s eyes. His Witch Mate. There was no doubt about it.
Sa mga sandaling iyon, wala pa man kaalam-alam si Bettina, pero sa pagtatama ng kanilang mga mata ay pag-aari na siya nitong muli.  

ANG BARTENDER.
He was on the other end of the small bar again. Sana abala ito sa pagmamasid sa party para marinig iyong pinag-uusapan nila ni Veronica. Sandali niya itong sinulyapan sa dilim at nahirapan siya itong aninagin. Pero nang makita niyang nakatingin din ito sa kanya ay agad niyang ibinaba ang kanyang mga mata. 
He was staying away in the dark, giving them privacy. She felt she was the one who was being intrusive.
Pinilit niyang ngumiti kay Veronica. “I’m not entirely hopeless. May matitinong mga lalaki. Ilan din naman ang naging matino mong boyfriends. Ikaw lang ang pasaway.”
“O-kaaay, let’s drink up and be grateful that you found out soon enough about Ryan. Nakaiwas ka sa mas malaking komplikasyon.”
“Right,” aniya. “I have work to do at home pero—“
“Hep! Tapos na ang work, ah. Gabi na ngayon. Pwede naman ‘yan bukas. Tonight’s the night.” May pilyang ngiti sa mga labi nito noong sinabi nito iyon. Pagkatapos niyon ay nginitian nito ang direksyon ng bartender. “Mr. Poging Bartender, tig-isa pa kaming glass ng Margarita, please? Thank you!” Pagkasabi niyon, bahagya siya nitong binunggo. “Gwapo ang bartender,” kinikilig nitong bulong. “If he hits on you, sumakay ka, ha? Maano bang ngayong gabi lang, makipag-flirt ka lang.”
“Veronica!” shocked niyang sambit.
“Bettina, you’re 24. You’re ancient. C’mon!”
Ancient? Alam niyang ignorante siya sa pakikipag-date pero ancient? Masyadong naeskandalo sa sinabi nito, napalubog lang ang ulo niya at ni hindi niya tiningnan ang bartender sa kaba na baka naririnig nito ang sinasabi ni Veronica. “Luka-luka ka talaga. Pwedeng mag-relax na lang tayo? Bakit may ganyan pang kasama?”
“Para makalimot ka agad.” Kinindatan siya nito. “Nothing like flirting with a really cute guy to beat the depression away!”
“Hindi ako depressed!” tanggi niya. Hindi siya galit. Hindi rin siya naiinis. Oo, pretty disappointed. Pero hindi sapat para ma-depressed at maengganyo sa rebound.
“Good. Prove it. Have a good time.” 
Dumating ang Margaritas. Pero hindi agad lumayo ang bartender. “Anything else you beauties want?” tanong nito sa English na may curious accent. Hindi American, pero hindi rin masasabing standard British. Hindi niya iyon mapiho. Napatingin sila kapwa ni Veronica dito. 
Si Veronica, lalong lumuwang ang ngiti. Siya, napalunok nang makitang totoo nga palang napakagwapo nito. Bakit ba parang ngayon lang niya nakita nang lubos ang mukha nito, gayong pangatlong pagse-serve na nito sa kanila ng drinks? Pangahan ito, matangos ang ilong, nakangiti ang mga labi… pero ang mga mata nito, mahirap i-describe. Nakatitig sa kanya ang mga iyon, mainit na titig sa ilalim nang makakapal na mga pilikmata…. Magnetic eyes. Nang maglakbay sa mukha niya ang mga matang iyon, biglang inalinsangan ang kanyang buong katawan.
Bigla niyang nahuli ang kanyang sarili. Bakit ba siya nakikipagtitigan dito? And yet, she could not take her eyes away. Gwapo ito. Gwapo talaga, hindi ordinaryo. Ang asset nito ay ang mga mata nitong nangungusap makatitig. Pero hindi niya alam kung anong sinasabi ng mga iyon.
Mali. Naunawaan niya ang sinasabi ng mga matang iyon. He liked what he was seeing, they said. Pero may kung ano sa kanya, bunga siguro nang katatapos na naranasan niya kay Ryan, ang nagsasabing hindi iyon totoo.
At iyon ang dahilan kung bakit naibaba niya ang kanyang mga mata at nagawa niyang makaiwas sa titig.
“Ohh, wait…” ani Veronica, dahilan kung bakit napatingin siya rito nang bahagyang nagi-guilty. Nakalimutan niyang naroroon ito sa ilang mga sandaling iyon na magkahinang ang mga mata nila ng bartender! 
Inilalabas nito ang cellphone nito mula sa bulsa. At dahil magkatabi sila, nakita niya nang nag-ilaw ang screen nang magdaan doon ang thumb pad nito. 
“I have to talk to my friend who’s also here at the party,” sabi nito, gayong kitang kita naman niya sa screen ng CP na wala itong ka-text o kausap! Kinindatan siya nito habang sumisilid pababa sa bar stool. Tapos, ang bartender naman ang tiningnan nito. “I’ll take my time. Please make sure she doesn’t get drunk. Thank you.”
“Akala ko ba, hindi ako pwedeng—“
“Sabi mo, hindi na ito highschool, remember?” sabad nito bago ito tuluyang lumayo.
Naaalarma niya itong sinundan ng tingin. Nagpasalamat pa mandin siya kanina na may kasama siya matapos siyang kindatan ng lalaki sa kabilang room pero ngayon, iiwan siya nito kasama nang isang lalaki hindi rin niya kilala! Oo nga’t hamak na mas gwapo ito doon sa lalaking nasa loob pero-
Ano bang iniisip niya? Ano ngayon kung mas gwapo ito? O kahit pa ba may kung ano rito na mas may substance kaysa sa first impression niya noon kay Ryan. This man seemed more… something – more compelling, more appealing, more… dangerous. No, not more. Walang dangerous sa kahit anong parte ni Ryan. Ryan was just it, a good ideal boyfriend. Almost, if not for Celine.
Pero ang lalaking ito… na sa presensya pa lang ay kumakabog na ang dibdib niya sa hindi niya mawaring paraan at tumutugon ang kanyang katawan sa paraang nagbabalik niyong dating uncomfortable na init pero sa… sa ibang pakiramdam. She liked this heat. Her body felt alive in this heat. 
Sexual attraction?
Nang makarating sa bukana ng kabilang room, agad na nawala sa crowd si Veronica, nalamon ng mga party guests na naroon at tuluyan na siyang nawalan ng pagkakataong pigilan ito.
Humarap siya sa bar, saka nahihiyang napangiti nang makitang ngumiti sa kanya ang lalaki, iyong klase na nagsasabing hindi rin nito inasahan ang ginawa ng stepsister niyang luka-luka. Gusto niyang umalis pero nakakahiyang magmukha siyang prudish o kaya, heaven forbid, maarte. Hindi lang niya talaga alam ang gagawin sa ganitong mga pagkakataon. 
Bakit ba siya natataranta? Dahil ba mula nang magtagpo ang mga mata nila, hindi na siya makapag-isip? Parang kalasag para kay Bettina ang kanyang utak. Kapag hindi iyon gumagana, pakiramdam niya ay napaka-vulnerable niya. 
Natataranta rin siya sa nararamdaman niya. She didn’t know him, had never seen him before. Bakit ganito na lang ang reaksyon niya sa titig nito?





Chapter THREE

HINIHILA NANG KUNG ANONG PWERSANG hindi niya malabanan, napatingin siya ritong muli para makitang nakatingin pa rin ito sa kanya. He wasn’t particularly busy. Masipag ang mga servers sa labas. Tapos, malamlam lang ang liwanag dito. In fact, kung nasa malayo ang nakatingin, hindi basta makikita nang malinaw ang mukha ng bartender. No wonder no other woman came near. 
Hindi rin ito kapansin-pansin kung nakatayo lang sa isang gilid ng bar. Hindi nga niya ito napansin agad maliban noong lumapit ito at tumigil doon nang sapat na tagal para mapansin niya ito. 
“Hi,” anito sa maingat na tinig. “Mauubos na ang drink mo. Care for another one?”
She didn’t care for another one. Pero tumango siya. Hindi pa rin niya gustong umalis, na-realized niya. Hindi niya gustong madaanan ang eksenang iyon sa sulok kung saan naroroon sina Celine at Ryan. Baka kung ano na ang ginagawa ng mga ito roon ngayon. 
At sa totoo lang, interesado siya, kahit konti lang, malaman kung anong mangyayari sa susunod na mga sandali kung titigil siya rito.
“Thank you,” aniya noong dalhin nito sa kanya ang third glass niya ng Margarita.
Nagkibit ito ng mga balikat. “I’ve been heartbroken a few times, too.”
“I am not heartbroken…” sagot niya agad bago siya ma-offend sa hindi direkta nitong pag-amin ng pag-i-eavesdrop. Hindi naman sa sinisisi niya ito masyado. It wasn’t as if he could go anywhere else being the bartender. But wasn’t it his job to feign innocence? “Saka wala sa hitsura mo, really, ang klase na nakaranas na nang maraming heartbreaks. And any other bartender will pretend they didn’t hear a thing. Pero ikaw…” Bigla siyang napahiya rito at sa kanyang sarili. She sounded condescending. Para siyang nagmamaliit. That wasn’t right. “I’m sorry, I didn’t mean that—“
“Actually, you were right,” anito habang itinutukod ang braso sa ibabaw ng bar, dahilan kung bakit naging mas malapit pa ang mukha nito sa kanya. He looked better closer like that, as if that couldn’t happen. Pero mas gwapo ito, mas mesmerizing ang mainit makatitig na mga mata. Kung kanina, nahirapan siyang ilayo ang kanyang mga mata kesehodang katabi niya si Veronica, oh Lord… mas ngayon. Hindi niya gustong ilayo ang mga mata niya. Mas gusto niyang malunod sa titig nito kahit gaano katagal nito gusto.
At parang alam nito. Nakangiti ang isang dulo ng mga labi nito. Na-realized niya bigla na hindi lamang mga mata nito ang sexy. Mas sexy ang mga labi nito. 
“If I am a bartender, I’ll lose my job,” anito, habang parang namamalikmata niyang pinanonood ang mga labing iyon na nagsasalita. “I shouldn’t be saying something about what I heard. But…” Pababa nang pababa ang tinig nito, sexy bedroom voice. Ni hindi niya masabi kung paano nangyaring halos magkalapit na ang kanilang mga mukha, siguro dahil pareho na silang kumikilos palapit sa isa’t isa sa ibabaw ng bar. Na para bang may mga invisible strings na nakatali sa kanilang dalawa, at pahigpit nang pahigpit iyon. “I’m not a bartender. I’m just hiding here. And I am sorry that I can’t not open my mouth. Someone as lovely as you shouldn’t be treated the way you were treated. Gusto mong makaganti?”
Napapitlag siya sa sinabi nito. Gumanti? Oh no. No. Bad word. Maliit pa siya ay natutunan na niya ang konsekwensya ng salitang iyon. Naunawaan niya agad kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. She couldn’t hurt anyone. She couldn’t. He didn’t know her, he could not understand. Bad things happen when she started to think about hating, or about getting even.
I don’t want the world to get mad at me, Mommy.
“I shouldn’t… hindi tama. I just want… I think just letting him go is enough. Tutal nasa dating stage pa lang kami. Walang nawala sa akin.”
“Uh-huh. Except your faith in my gender. Hindi lahat kami, kasing hina nang muntik mo nang maging boyfriend.”
Tumingin siya sa lalaki, sa konotasyon sa sinabi nito – na gusto siya nito. Na interesado ito sa kanya. Na gusto nitong patunayan na hindi ito fickle gaya nang ibang mga lalaki. Na kaya nitong maging loyal sa kanya.
Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit niya naiisip ang ganitong mga weird na isipin? Loyal? They barely knew each other. What the hell? Pero muli siyang nag-angat ng tingin sa mga mata nito at kumalma agad ang natataranta niyang utak. Ano bang meron sa titig nito at hindi niya gustong kumawala roon?
Napalunok siya. May kung ano sa mga mata nito, mga pangako nang maraming mga hindi pa niya mabigyan ng pangalan. Mainit ang titig nito, nangungusap. Hindi lamang mga sekswal na pangako… marami pang iba. 
Hindi na naman siya makapag-isip. Ganito pala ang physically attracted… kung anu-anong nangyayari sa kanyang hindi niya maipaliwanag pero… pero masaya. Gusto niya. Bagong experience. Exhilarating… she had never met a man like him, she knew it. Kahit si Ryan hindi kayang tapatan ang kakaibang hatak nito sa kanya. At hindi niya maiwasang hindi ma-overwhelm na sa dinami-rami ng magaganda at seksing mga babae sa party, sa kanya nito ibinubuhos ang kung anumang power nito.
Power. Funny that she thought of it as that. Weird that she called it that. Pero kanina pa siya… weird. Kumunot ang kanyang noo. Yes, weird. Naghe-haywire ang brain cells niya, ang tibok ng puso niya – ang lahat ng cells sa katawan niya. Umiinit… umiinit… anong nangyayari sa kanya?
“Why don’t you dance with me?” tanong nito. 
Napatingin siya muli rito. He’s the answer. She just knew it. If only he would hold her. He would make it feel alright. “Yes,” sagot niya. 
Sa mabilis pero siguradong pagkilos, lumigid ang lalaki sa bar at bigla ay nasa tabi niya ito. Pumihit siya sa bar stool at sinambot siya nito noong bahagya siyang sumuray, saka siya ibinaba mula roon at nagdikit ang kanilang mga katawan. Napasinghap siya sa init at kiliti na naramdaman niya dahil doon. His arms went around her… and her hands reached up to his face. Everything was happening so fast. 
“What is happening to me?” tanong niya sa paos na tinig.
“Sshhhh… it’s going to be alright, my witchling.”
Naniwala siya rito kahit hindi niya alam kung bakit tinawag siya nitong witchling. And they started to sway, right there. Sumunod ang galaw nila sa naririnig nilang music sa kabilang room, pero sila lamang ang naroroon. But she didn’t care; she was only truly aware of the two of them. Hindi pa siya nakadama nang ganito katinding focus sa isang tao, maliban kapag nakatutok siya sa isang bagong program. Pero mas matindi pa rin ito.
The whole place could fall down on them and she really wouldn’t care.
And they danced. Bettina could dance. Hindi gaya nang ibang geeks, she had dance lessons while growing up. Her mother loved dancing and Bettina also loved dancing. Noong si Tita Sofia na ang in-charged sa kanyang edukasyon, siniguro nitong kumpleto iyon. Marunong din siyang tumugtog ng piano, mag-Karate, lumangoy na parang isang athlete at magpinta. 
Pero higit sa lahat ng extra-curricular activities, sa pagsasayaw siya totoong nag-enjoy. It relaxed her mind. She used dance to work out or to unwind and distract herself when she needed to distance herself away from work.
And he could dance. How their bodies meld against each other as they swayed. Hindi siya aware sa kung anong music ang nakasalang. She was only aware of the beat, of the rhythm of their bodies as they moved against each other, of the heat and sweat. As she closed her eyes when she melted against him, she again saw that couple dancing in the dark. Parang ganoon sila ng lalaking ito ng mga sandaling iyon… a prelude to sex.
Oh yes, naisip niya. If they would make love tonight, she might not stop it. Might. 
Nakalimutan niya lahat. Nakalimutan niya si Celine, si Ryan, si Veronica…
She was only aware of him… and his heart.
Which had no beat.
Napamulat siya. Pinakinggan niya ang dibdib nito kung saan nakahilig ang pisngi niya at kahit anong gawin niya, kahit naghintay siya, wala siyang naririnig. Wala siyang nararamdaman. 
He had no beat.
Napaangat ang ulo niya mula sa dibdib nito at maang siyang napatingala sa mukha nito. They were both tensed now. At base sa nakita niyang pagtiim ng mga bagang nito, alam na nito kung anong napansin niya.
At kung alam na nito… ibig sabihin hindi siya nagkakamali lang.
Napatulak siya rito.
“Bettina—“
“What are you? Oh my God… how did you know my name?” Pinilit niyang isipin kung nabanggit ba ni Veronica ang pangalan niya kanina pero hindi niya lubos maalala. Hinintay niyang sabihin nitong narinig nito iyon kanina, pero nakatingin ito sa kanya na parang natataranta. Kaya sabihin man nitong narinig nito kanina kay Veronica ang pangalan niya, hindi pa rin niyon mabibigyan ng excuse kung bakit hindi tumitibok ang puso nito.
“Oh my God… what are you?” 
Hindi ito agad nakasagot. At sapat na iyon para matakot siya. 
Muli, iyong init. Biglang bigla, dinala ng takot. Oh no. Oh no, I can’t—
Nagulat siya noong bigla na lang sumulpot sa tabi niya sina Veronica at Elektra.
“Barron, what the hell—“
“I’m heavily warded.” Napahawak ito sa ulo nito habang may takot sa mga matang nakatutok sa kanya ang titig nito. “Nagsasayaw kami. She heard my heart.”
Hinawakan siya ni Tita Elektra sa kanyang mga balikat. “We have to get her out of here. She’s signaling for miles—“
“Here. This will fix it,” ani Veronica habang may isinusuot na kwintas sa kanyang ulo. It was her stepsister’s favorite, iyong may pendant na jade.
“Anong nangyayari?” natatakot na niyang tanong.
Tumitig ito sa kanya. “You’re in danger. Now, Elektra will bring you home, Bettina. Ngayon na. Ngayon na!”
“Ikaw—“
“I’m staying. We have to fix this.” At humawak ito kay Barron, pumihit dito. “Go!”
Ang huli niyang nakita ay noong yumakap dito ang babae, at nagtagpo ang mga labi ng dalawa sa isang mainit na halik….

*****
I hope you liked it! Will announce in FB if it's a go.

Noelle Arroyo


Sunday, October 13, 2013

Southern Vampire Series and Other Favorites



I have been absolutely enthralled by series books my whole reading life. There was Robert Ludlum's Bourne Trilogy, and then Anne Rice's Vampire Chronicles Series, and then a number of others more before J.K. Rowling's Harry Potter Series, then Stephenie Meyer's Twilight Saga, Anne Bishop's Black Jewels Trilogy (and following books), and then Richelle Mead's Succubus Blues and Vampire Academy.

Recently had been Anita Blake: Vampire Hunter Series (yes, all that orgies, I kept up with it -- I am loyal that way), and now, Charlaine Harris' Southern Vampire Series. After the last book, I looked for a new series and tried our a few but stuck with Kevin Hearne's Iron Druid Chronicles, which made me laugh out loud so many times (even while shopping for milk, diapers, groceries, dang!). But I went back to Sookie Stackhouse's world again. I really love it. I love True Blood, and held off reading the books because I knew the stories will be very different and I was loyal to the TV Series, but when I started reading the book it's like coming home.

When I think about it, I'm the character-loyal reader. When a character gets under my skin I let them stay. They are so alive to me that they crackle with life. I live and breath in their world. And when I get my realistic hurdles in life, I ask myself what Georgina (Kinkaid), Rose (Hathaway), Jaenelle Angelline, Anita (Blake), Sookie (Stackhouse), Harry (Potter), Daemon (SaDiablo), Surreal (SaDiablo), Saetan (SaDiablo) will do (now you get the best characters I relate to most!). The Bible stories I like most are the ones where my favorite characters performed (clue: David). Regular people ask why I manage not to go out, not to have many friends, not want to travel to beautiful tourist places, etcetera. It isn't just because with my current responsibilities, it's not the realistic lifestyle for me. It's also because my favorite books make it easy for me to manage.

It's the same way when I write my humble romance stories--when the character gets under my skin it surely will be a memorable one, not just for me, but for my readers. When people ask me how I became a writer, the first answer I give is I am a prolific reader. I am more a reader than a writer, actually. Why romance, they ask? Oh. Why not? Romance rocks.


Sunday, September 2, 2012

Lords of the Shadows 1 - Delusions (In Writing)

I've already submitted this as a regular romance novel at PHR. Unfortunately, the reader found a little something for me to clarify so it as given back. It should have been easy to revise it and send it back, especially that we always needed the money, since all my kids are going to school now. Kaso, hindi matahimik ang kaluluwa kasi. When I started this story I really wanted it to be of supernatural theme. I was picturing Alexander as someone very mysterious and very dark. And so handsome and delicious and very wise also. I felt him to be someone very extraordinary. But I also felt I wasn't ready at the time (which was a year ago and I was on my way to delivering the twins. I cannot go deep in the story. As always happen to writers who has a family to feed, I went along with the mundane and tried writing to gain and not to follow the inspiration. And although I thought the result was passably okay, I also felt very dissatisfied with it. Mabuti na lang talaga, (fortunately) for revision.

This is still in writing, as well as the previous post. as the previous post that I plan to submit for GEMS, this is already more than 30,000 words long. I posted so you wouldn't think I've stopped writing. I didn't. There's another one for Black Bureau that is very emotional and a little difficult to write, but I'm loving the result very much. Plus, I have a job. I do freelance writing online and that's where I get our everyday budget. So depending on the number of clients/assignments, there are days when I can add much and there are days when I can barely put in a chapter, let alone a word, in the story. But it is nice to write stories because I want to, and because I love to, and because the characters are knocking again. There's no pressure on anyone--me and my characters and their world. Except the readers waiting for another installment of Black Bureau. :*) It's on it's way soon. Don't worry. I am not stopping the series. It's just the life happens. You know. But I will write my stories even when noone's reading them anymore, until I die.

Regarding the little frustration about PHR editors (not all of them, just one or two and yes, I didn't even know them so that's why I'm still sometimes steaming) I vented in my other post, don't mind them. Really. PHR editors are good. They're getting better. They're evolving. And a certain famous network can really make use of the simpleness of their formula. Jeez. Hindi ko na ma-enjoy yung pinonood kong teleserye dati kasi di ko na maintindihan kung anong klaseng gymnastics ang pinaggagawa sa istorya. Sinayang naman pati 'yung isang magaling na beteranang aktress at ginawang doormat 'yung babaeng bida. Iyong karakter na baliw ang dami sanang magagawa sa kanya in a good way that could inspire and add more drama, ginawang klase ng baliw na kahit pshychiatrist, hindi maiintindihan. Or maybe I'm biased because I wrote Joco Mendes. And he turned out fine. I love redemption naman kasi. Iyong niluto nang maayos. Naku, nao-obyus na ako. I've always felt that how writers write their stories (when they're supposed to be in their element) is how they regard their reader's intelligence. And this is a really famous drama here, and it reaches so many people. And it should help, not insult anyone's intelligence. Which it seems to be doing a lot. Hindi na nga ako nanonood kasi naninigas lagi panga ko. But my parents follow it, even when they're always cursing about twists a lot these past few weeks, reminding me of the time ex-President Arroyo used to appear on TV. Me nambato pa ng tsinelas, hehe.

I am digressing. I haven't been here a lot these days ( and I also haven't been out a lot for months) and I must have missed talking. Here's an excerpt to Delusions, Book 1 of the Lords of the Shadows series. There's still something missing in the formula, though... I'm still working on it, so expect a few changes when it finally arrives in your doorstep. The remaining question has always been: KELAN KAYA?!

But at least you know now that I have not stopped writing for you!

:)



LORDS OF THE SHADOWS 1
“Delusions”

NOELLE ARROYO

Chapter ONE

MAINGAT SA PAGTAPAK sa makipot na kahoy na tulay si Agatha habang inalalayan siyang makababa sa bangka ni Mang Julio, isa sa mga bangkero. Hinawakan siya nito sa braso hanggang sa nakatapak na ang mga paa niya sa daungang gawa sa malalapad at makakapal na mga tabla ng kahoy. Sa kabila nang naglolokong sikmura, nagawa niya itong mangitian sa pasasalamat bago nito binalikan ang pinsan niyang si Christian sa bangka. Siya naman ay bumaybay sa mas solidong tinatapakan para makababa sa buhangin at nang makarating doon, saka siya nakahinga nang maluwag.

Naiwan sa laot ang kanyang breakfast, nangingiwi niyang naalala habang napapahimas siya sa kanyang tiyan. Bahagya pa ngang nangangatal ang kanyang mga tuhod. Napadaan sila sa malalaking mga alon patungo rito dahil nagkataong masungit ang panahon. Normal na raw iyon, sabi ng mga bangkero, kahit sa mga araw na maaliwalas. Bukas daw kasi ang parteng iyon ng karagatan sa Silangan at Kanluran kaya malakas ang hangin at malalaki ang mga alon.

As if that could make her feel better. She did not dare ask about the statistics of boats getting lost at sea.

Ang napakapino at maputing buhanging tinatapakan ng kanyang mga paa ang nagdala ng ngiti sa mga labi ng dalaga. Huminga siya nang malalim at pinuno niya ang kanyang mga baga ng hangin. Fresh, salt air.  Saka siya napangiti. Kahit malamig iyon, she felt better. Nakababa na si Christian nang walang alalay ng bangkero; nagpatulong na lang ito sa pagbuhat sa bags ng equipments kina Mang Henry at Mang Julio. Pinanonood niya ang paglapit nito, at kumakabog ang kanyang dibdib.

She’s here, really here. Nakatapak siya sa buhangin ng Montierra Island, natatanaw ang Montierra Mansion sa kinatatayuan niya sa kabila nang manipis na ambon ng ulan. Nasa ibabaw iyon ng plateau sa isla, ang backdrop ay ang berdeng berdeng kagubatan ng isla na pinag-iingatan ng angkan ng mga Montierra. Na-realized ni Agatha na hindi siya talaga naniwalang makararating siya rito maliban ngayong naririto na sila. May parte sa kanyang hindi pa rin halos makapaniwala at medyo pa nalulula.

Ang Isla Montierra ay isa sa pinakamagandang private island resort sa buong Pilipinas. Hindi bukas ang isla sa publiko. Isa ito sa pinaka-pribadong lugar na kilala; sobrang pribado, kailangan pa nang mismong permiso ng mga Montierra, hindi nang kung sinong representative o opisina, para makarating dito kahit malalapit na mga kaibigan o kaya kilalang mayayaman rin ang mga ito. Pumapayag ang mga itong i-post sa mga blogs o mga artikulo ang ilang mga pictures pero ayon sa nabasa niya, nagdaraan muna sa screening ang mga cameras at cellphones bago mailabas sa isla ang mga iyon. Ayon din sa mga nabasa niya, mabuti nga raw na ngayon ay pwede na iyon, dahil dati ay off-limits ang isla sa kahit na sino. Noon iyong buhay pa si Donya Eunice, ina ng Tres Montierras na Aleron, Romano at Maximo, mga ama ng bagong henerasyon ng mga Montierra ngayon.

Pero sa kabila nang mas maluwag na mga patakaran, she never heard of anyone posting without permission. Sinong gustong sumuway sa mga Montierra at mag-suffer sa husgado kalaban ang matitinik na mga abogado ng mga ito dahil lang sa isang takas na picture?

May mga tsismis na may importanteng delegado nang ibang bansa, mga bilyonaryo at sikat raw mga Hollywood film stars ang nakarating na rito. May mga royalties pa nga na ni hindi namamalayan ng media dahil sa higpit ng security. Mga haka-hakang mas madalas pinaniniwalaan kaysa hindi. Ang mga Montierra ang isa sa pinakamayamang angkan sa buong mundo. Hindi sa Pilipinas lang, hindi sa Pacific Asia lang. Sa buong mundo. Ang mga kamag-anakan ng mga ito sa US at Europe, may koneksyon sa royal families doon. Isang loko lang ang hindi maniniwalang may katotohanan sa mga tsismis.

Pilantropo rin ang mga ito. Lahat na yata nang maiimbentong charitable project, meron ang mga Montierra. Meron para sa mga batang kalye, sa mga batang taga-ampunan, home for the aged, home for unwed mothers, livelihood programs for the disabled, scholarships, emergency funds kapag may typhoons o anumang klase ng disasters, meron pa para sa indigenous at environment. Sa huli ay aktibo ang buong pamilya, lalo na si Alexander Montierra na nag-iisang anak ni Maximo, na ekta-ektarya ang minamantineng ecological parks sa bansa kung saan naaalagaan ang mga hayop na delikadong ma-extinct at minamantine ang napakaraming matatandang mga puno sa mga kagubatan. Kasama na ang kagubatang iyon na natatanaw niya kung saan daw naka-preserved ang maraming importanteng species ng puno at halaman.

Wow.

If she hadn’t researched about them, she still would be in the dark about what she knew now. Na meron palang ganitong klase ng angkan dito sa Pilipinas. A regular person would not normally learn about them or the island because they did not appear on the news. Hindi madaling ipaliwanag kung bakit. Parang ilag ang media sa mga Montierra. May kasamang respeto, may kasamang takot. Parang langit ang taas ng mga ito. Isa pa ay napakaraming negosyo sa print ang kontrolado ng pamilya.

Nauunawaan niya ngayon kung bakit kapuri-puri ang isla. Ang hilera ng mga puno ng niyog, picture perfect na mga beachside huts, cabanas na napapalibutan ng mga sea creature statues, sculptured lawns na milya-milya ang lawak hanggang sa marating ng mga mata ang napakagandang luxurious island mansion ilang daang metro ang layo mula sa beach—lahat ng mga ito ay bumubusog sa kanyang mga mata sa kabila nang makulimlim na langit at lamig sa hangin. May kung anong isteryong sumisingaw mula sa isla. May kung anong klase ng nakamamagnetong mahika. Nangangati ang kanyang mga kamay na ilabas ang kanyang Nikon D4 at kumuha ng mga larawan paralang a-capture iyong kanyang nararamdaman. But no taking pictures was allowed without go signal from the mansion. She couldn’t dare.

She and Christian couldn’t be evicted. May trabaho ito. May misyon siya. Ang dalawang iyon ay parehong importante para sa kanilang dalawa.

Nagpasalamat sila kina Mang Julio at Mang Henry at hindi nagtagal ay nakabalik nang muli ang bangka sa laot patungo sa pinanggalingang port sa Batangas.

“Ang ganda nga pala rito, Ian!” sambit niya noong magkatabi na sila ni Christian sa buhangin. Naiisip niyang sana kasama nila si Erin, girlfriend nito at bestfriend niya pero hindi lamang ito. Naiisip din niya ang Mommy niya. Had she been here? Noong modelo pa ito at kasintahan ni Maximo Montierra? When she was only nineteen?

Sinulyapan siya nito, mapag-obserbang mga mata at may nagbabadyang pag-aalala. Sa nagdaang anim na buwan, malaki ang nabago sa buhay ni Agatha. Her mom died in a car accident while her dad just recently was diagnosed with cancer. Ian was a sensitive brother figure to her. Alam nito agad ang iniisip niya. O pinagdaraanan niya. “Okay ka lang ba d’yan, Mahal?”

Ngumiti siya para mataboy ang pag-aalala nito. Kinakabahan ito sa nakatakdang meeting nila kay Alexander Montierra, iyong client nito. Hindi pa rin ito makapaniwala na kinuha ito ng isang Montierra para i-disenyo ang isang summer cottage dito sa isla. Hindi niya gustong makadagdag pa sa alalahanin ng pinsan.

Interior Designer si Christian, freelancer sa kabila na may pag-aaring modest na real estate development business ang ama nito. He designed for his father, too, but he called the shots. Proud si Daddy Edds sa independence nang nag-iisang anak lalo’t lumaking walang gabay ito nang isang ina.

Iniwan si Daddy Edds ng asawa nito matapos nitong magtapat na bi-sexual ito at hindi na nito iyon gustong itago sa asawa. O sa kahit sino sa mga taong malalapit dito, for that matter. No, he never cheated on her, and she has the choice to stay within the marriage or not. Ian’s mother opted to leave. Hindi na iyon nakapagtataka pa, really. Dalagita na siya nang maunawaan niya na hindi pagiging friendly kundi flirting ang tawag sa mga gawi ni Tita Mimi sa mga lalaking kaibigan nito at ng asawa, o sa mga adult men sa subdivision. Hindi nagtagal ay may iba na itong kinakasama, mas mayaman at mas bata kay Daddy Edds. Which should be a good thing. Kasi mabilis na natapos ang pag-asam ni Ian na babalikan ito ng ina.
Bata pa siya, nakita na niya ang malaking difference sa mommy niya sa mommy ni Ian. Ian’s mother has other family now, and other children. Very spoiled brats. Minsan ay naiimbitahan si Ian sa dinner sa restaurant kasama ng Mommy nito at mga anak. Hindi nagtutungo si Ian mag-isa. At nagi-guilty siya sa perverse na kasiyahang nararamdaman niya tuwing makikitang nalolosyang na ang mommy nito sa stress sa mga anak na malayong malayo ang mga ugali kay Ian, o iyong pananabik at matinding panghihinayang sa mukha nito tuwing sila ay magpapaalam.

Malapit si Ian sa Mommy niya. Kung nagmistulang surrogate father niya si Daddy Edds, naging surrogate mother naman dito ang Mommy niya. Ang mommy niya at daddy ni Ian ay magkaibigang matalik mula college days habang half-brother naman ni Daddy Edds ang daddy niya, na hiwalay sa mommy niya noon pa at may iba na ring pamilya. Okay, so medyo complicated. Pero ang komplikasyon ay makikita sa kalituhang laging mae-encounter sa mga mukha nang mga nakakatuklas sa masalimuot na pagbubuhol-buhol ng kanyang family ties at kung paanong sa kabila niyon ay malalapit pa rin sila sa isa't isa. Nakatira silang lahat sa iisang subdivision. Kulang na nga lang tumira sila sa iisang bahay dahil halos ganoon na rin naman. Umuuwi lang sina Ian sa kabila kapag tulugan na. O siya sa kanila paminsan-minsan. At ang mga kapatid niya sa daddy niya, tumatakbo sa kanya kapag masyadong busy ang mga magulang para turuan ang mga ito ng assignments o kaya naman, sa kanila nagmemerienda kaya lagi silang may stock na nutritious food sa ref.

Nadamay sa kanila si Erin dahil kapitbahay rin nila ito at kababata pa ni Ian. Lumaki silang kalaro ito tapos wala itong mga magulang na gumabay rito sa paglaki. Anak ito sa pagkadalaga ng ina na tumangging pakasal sa ama nito, good thing because the man turned out to be a bum. Lumaki ito sa lola. Si Lola Adeling ay tumayong parang lola rin nila ni Ian.

And she stopped right there.

She did not want to remember her grandparents on her mother’s side. Kahit sino sa mga kaanak niya sa mga ito, in fact. Napupuno ang dibdib niya ng galit na hindi niya pwedeng i-express. At matinding pagkaasiwa.

Na mahirap ipaliwanag.

She was three years old when she went back to the country with her mother from Russia. Napakabata pa para malinaw na maalala iyong nag-iisang taon na tumigil sila ng Mommy niya sa mga kaanak nito sa Visayas. Hindi rin niya alam kung bakit hindi kailanman nagkwento ang mommy niya tungkol sa angkan ng mga Artisania. It was like they were disowned, iyon ang pakiramdam niya, sa lungkot na nakikita niya sa mukha nito kapag alam niyang naaalala nito ang tungkol sa mga kaanak nito.

Pero nagtataka siya, nadidismaya at aminadong lihim na masama ang loob nang isa lamang sa mga ito ang dumating sa libing ng Mommy niya. Pagkatapos ay sinama ang abo nito pabalik sa Visayas dahil iyon ang nasa huling testamento ng mommy niya. Hindi siya nakapagreklamo. Ni hindi niya gustong analisahin ang samu't saring mga naramdaman niya noong ni wala man lang nagtanong tungkol sa kanya. Iyong lalaking nagtungo sa wake at kumuha ng abo ng mommy niya pagkatapos, ilang beses niyang hinintay na kausapin siya. Pero maliban sa pagiging tahimik at polite kapag nakikipag-usap, wala na itong sinabing iba.
Kunwa ay kung interesado ba siyang bumisita sa mga kaanak nila sa probinsya? O kahit sabihin man lang na welcome siyang magtungo roon in the future, kung bibisita siya. O kahit man lang magtungo roon para madalaw niya ang abo ng mommy niya.

Wala man lang kahit na anong ganoon.

Wala man lang pinakitang kahit na anong interes na makilala siya nang lubos.

But what was worse still? There wasn't even a grave to visit. Just an urn that initially held the ashes before it was transferred to another container. Inilibing niya ang urn sa hardin ng bahay ng Mommy niya sa Cavite, doon sa spot kung saan ito madalas na nakaupo at nagpapalipas ng tahimik na mga sandali bago muling bumalik sa pagluluto o kaya ay pagpipinta. Doon siya nag-aalay ng bulaklak, bumibisita, kahit nakadarama siya nang malaking kawalan. Kahit hindi maalis sa kanyang isipan habang nakaupo sa bench at sa spot kung saan nakalibing ang urn na ang presensyang kanyang sinasamahan at kinasasabikan ay nasa isang maliit na isla sa pagitan ng Visayas at Mindanao.  

So she just stopped her thoughts and veered somewhere else whenever she remembered them. Or their absence on her mother's wake. Or their presence in her mother's financial statements. She did not want to think about them at all. Hindi sa ngayon.

Iyong pamilyang nakilala niya, however unorthodox they might seem to other people, ay nagmistulang ang pader na sinasandalan niya nang kunin nang aksidente ang Mommy niya sa buhay niya.

Hanggang sa guhuin ang pader na iyon nang pagtatapat ng daddy niya nang isang lihim na matagal nang nakatago sa kanya.

Isang araw, just barely a month ago, na-diagnose ang daddy niya na may isang rare heart disease na tinatawag na cardiac amyloidosis. Nagbibigay iyon ng apat na taong taning sa buhay nito at iyon ay kung papasailalim ito sa treatment. Pero hindi talaga apat na taon, o tatlo, o dalawa. Realistically, kung hindi mag-iingat ang daddy niya, pwede itong mamatay sa atake sa puso anytime.

Hindi siya makapaniwala na noong isang buwan lamang iyon. And she thought loosing her mother couldn't get worse that it already was. Pero bakit nagkaganoon?

Sa kasalukuyan, sumailalim na ang daddy niya sa chemotherapy treatment bukod sa pag-inom nang isang experimental drug na aprubado para sa multiple myeloma pero hindi pa sa sakit nito. Nagpakita ang gamot ng positibong mga resulta sa naunang nabanggit at sana, gumana ito sa sakit ng kanyang daddy.

My God. Her mother was dead, and the father she'd known was dying.

And the worst of it all?

Nagbuntunghininga siya.

Hindi pala ito ang tunay niyang ama.






Chapter TWO

ANG NANGYARI, nang malamang may taning na ang buhay nito, nataranta ng daddy niya at nagtapat sa kanya. Hindi nito kayang mamatay na may dinadala sa konsensya dahil hindi gaya nang mommy niya, hindi nito maunawaan kung bakit hindi nito pinaalam sa kanya ang totoo kahit man lang sa Last Will nito.

"I love you like my own, Iha," sabi nito. "I am dying. I want you to know the truth so you will also know how much I loved being your dad," paliwanag nito ng dahilan sa likod ng pagtatapat.

Nalaman niyang pinagbubuntis na siya ng mommy niya bago makasal ang mga ito noon sa ibang bansa. Half-brother ni Daddy Edds ang nakilala niyang ama at nagkilala ang mga ito noong isinama ni Daddy Edds ang Mommy niya sa pagbabakasyon sa Russia kung saan nakatira ang ina. Namatay nang maaga ang ama ni Daddy Edds at nakapag-asawang muli ang ina nito nang isang Pilipinong overseas worker sa St. Petersburg. Bunga ng pangalawang marriage ang daddy niya. Isang kumbinyenteng marriage of convenience ang nangyari dahil sa mga rasong hindi na importante sa kasalukuyan maliban sa pangunahing priority tungkol sa kanyang legitimacy. Nang makasal, nagbalik ang mommy niya sa Pilipinas kasama siya habang nagpaiwan pansamantala ang daddy niya roon para isara ang jewelry shop nito at sumunod para dito magbukas ng bago. He was a jewelry designer and presently owned three branches of top jewelry shops here in Manila, in  Cebu and in Hongkong.

Nang marinig niya ang pagtatapat ng kanyang daddy, napakarami niyang mga tanong pero natulala siya sa matinding pagkabigla. Nang makabawi siya nang sapat na ulirat, nakita niya ang desperasyon sa mukha nito. Ang pag-asam na sana ay maunawaan niya ang complicity nito sa pagtatago sa kanya ng katotohanan. And that more than anything else confirmed to her that he wasn't lying. That, and that he never lied. Not even about something trivial. Not while she was growing up. Not about this very serious matter.

Sobra niya itong nirerespeto para magalit dito. "Sino po ang tunay kong daddy, Dad?" mahina niyang tanong.
Napailing ito. "Hindi sinabi nang iyong mommy. Isa iyon sa kasunduan namin, na hindi ko aalamin ang tungkol sa kanyang nakaraan. Pasensya ka na, Iha. Kahit kailan hindi ko tinangkang alamin."

In retrospect, she realized that had she been alert, she would have realized there was something wrong with her parents' marriage. Kung mag-usap ang dalawa parang mag-partner sa negosyo sa halip na mag-asawang nagmamahalan. Magkasundong magkasundo ang mga ito sa kahit anong bagay at parang walang pagkakataon sa buong panahong nakasama niya ang mga itong magkasama na may pinagtalunan. Kahit ang paghihiwalay ay pinag-usapan nang matino. She was thirteen when her father left her mother, old enough to notice that they were not sharing the same bed, the same bedroom anyways. They did not even fight as well. Kahit noong nagkaroon na rin nang ibang pamilya ang daddy niya ay nanatiling magkaibigan ang mga ito.
Wala siyang sinisi. How could she? Ramdam niya na sa kabila nang lahat, mahal siya ng mga ito. Mahal siya nang kinalakhan niyang ama. Kahit may ibang mga anak, he would still take her out regularly, ask her about her week. About school. About her friends. He and his family were invited to family occasions. They came on her mother’s and her birth days. At nakakasama nila ang mga ito sa Boracay. Sa Puerto Galera. Sa Baguio. Sa Tagaytay. Ibang iba sa klase ng relasyon ni Ian sa inang umiwan dito.

She was surrounded by family. Hindi siya salat sa pagmamahal. Her mother was gone, and her father would soon follow. Napalunok siya sa naisip, but there was no doubt about how much they loved her and how much they respected each other. Iyong tawagang Mahal? Pasimuno iyon ng Mommy niya noong mga bata pa sila. Lahat nang kinikilala nitong pamilya, Mahal ang tawag nito. Kahit hiwalay na sa asawa, iyon ang tawagan ng mga ito. At iyon din ang tawag ng mommy niya sa napangasawa ng daddy niya at sa mga anak nito. Nakuha nila ang duda niya ay magiging isang family tradition dito.

So, bakit hinahanap pa rin niya ang tunay niyang ama?

“Agatha?”

“Okay lang ako,” apologetic niyang sagot. Nawala siya sa sarili.

Nagbuntunghininga ito at inakbayan siya. “Can you believe we’re really here?”

Natawa siya. “Mismong iniisip ko. Parang ang bilis. Noong isang araw lang natanggap mo yung tawag ng rep ni Alexander Montierra tapos heto na tayo ngayon.” Tapos, siya naman ang napabuntunghininga. "It feels so strange. Do you believe in serendipity?"

“Not in my case, just yours. Ano nga bang ginagawa ko rito?”  kinakabahan nitong tanong. Mas bata sa kanya nang isang taon si Ian, tuwid at pino ang buhok at may boy-next-door looks na hindi nagawang maitaboy nang pagba-body building nito para mapalaki ang dati'y nerd-thin na katawan. Iyong ekspresyon ng kaba sa pogi nitong mukha ay kumurot sa kanyang puso.

“’Wag ka ngang kengkoy d’yan, Mahal. Ubod ka kaya ng galing, ‘no? Imagine… Montierras. Si Alexander Montierra pa. Perfectionist daw siya at he likes your talent. Sabagay…" At binitiwan na niya ang pagkukunwari. "Kahit ako kinakabahan din para ‘yo. Pero kasi nga Montierra sila.”

Tumango ito at nagbuntunghininga muli, ni hindi nagtampo sa pagbaligtad niya. Ganoon naman kasi sila. Walang tatalo sa totoo. “Perfectionist sila and my work isn’t perfect. It’s quirky.”

Napaangat ang dulo nang isa niyang kilay. “Oy, ano ba? Your work is original, and alive, and unique.” She should know. Isa siyang creative na tao--painting at drawings, digital arts at graphic novels, furniture and handcraft ang art niya. She majored in Art History in college, kaya pwede siyang magtrabaho sa mga museo o kaya ay maging caretaker ng mga art colections. Pero ang kanyang edukasyon sa Arts ay nakuha niya sa kanyang ina, first-hand. Forte ni Christian ang mga colors at balanse sa disenyo mga bata pa man sila, at Interior Design ang tinapos nito sa kolehiyo. Si Erin naman, nag-Business Administration muna, at may balak na kumuha ng Law sa sunod na school year pagkatapos ng kasal nito kay Ian.

In fact, sa mga taong malalapit sa kanyang buhay, makakabuo na sila nang isang kompanya. Si Erin ang PR at businesswoman. Ang babae ang agent nila ni Christian pagdating sa kanyang pagiging freelance artists pero may posisyon silang dalawa sa kompanya ni Daddy Edds, hindi nga lamang regular ang oras niya sa pagpasok dahil sa pagpipinta niya at iba pang mga aktibidades na may kinalaman sa kanyang pagiging creative. Siya ang pumipirma sa payroll tuwing kinsenas at katapusan kapag wala si Daddy Boss, tawag nila rito ni Erin paminsan-minsan, sa Manila at auditor din siya ng general financial records ng kompanya. Ito ay kahit wala siyang background education sa finances. Ang totoo, proficient siya sa numbers pero masyadong ligaw ang isip para mag-major sa Accountancy kaya sa ikalawang semestre niya sa nasabing kurso ay nag-shift siya sa Art History. Isa pa, silent investor ni Daddy Edds ang Mommy niya. Nalipat na iyon sa kanyang mga balikat ngayon. She was virtually a business partner. Executive Assistant naman nito si Erin kaya ito ang regular na pumapasok araw-araw.

“Nakuha mo ang atensyon nang isang Alexander Montierra," pagpapatuloy pa niya. "Kapag kumalat na kinomisyon ka niya para sa kanyang summer cottage get-away dito sa island, magiging mas sikat pa ang mga designs mo kaysa sa mga seasoned, conservative at patapos ng mga Interior Designer experts kuno na pumupula sa ‘yo palibhasa naaagawan mo na sila ng market."

Sinundot nito ng daliri ang dulo ng ilong niya. “Oy, tama na. Nag-iinit ka na naman. Huwag mong kalimutan, magaling din kasi ang publicist ko.”

Nagpapasensya niya itong pinandilatan. “Mahal... oo na't magaling si Erin. Pero wala ‘yang galing-galing na ‘yan kung hindi siya bilib sa kanyang client. She’s only as good as her clients get.” Umangat pa ang baba niya sa ere palibhasa isa siya sa mga clients na iyon.

Napangiti ito. "You're only trying to make me feel better," anito.

"And also that. Pero hindi lang." Siya naman ang sumundot sa dulo ng ilong nito. "Makikipag-away ako kapag may umapi sa 'yo dahil may ipaglalaban ako, 'no? Magaling ka talaga."

Natigil sila sa pagtatalo nang makita nilang paparating na ang jeep na susundo sa kanila dito sa private jetty. Hinanda na nila ang kanilang mga bags sa paligid nila.

“Do you think he’s there?” tanong niya habang napapatanaw sa mansyon. May mga paru-paro siyang nararamdaman sa kanyang walang lamang sikmura. Palipad-lipad. Hindi komportable sa pakiramdam niya.

“We’ll soon find out,” ani Ian habang pinipisil ang kanyang balikat.

Nang pumarada ang jeep sa harapan nila, handa na sila. Nagbuntunghininga siya. They couldn’t get much readier than this.

Mayamaya lamang ay nagbibyahe na sila patungo sa Montierra Island Mansion, magkahawak kamay sa pagsuporta sa isa’t isa.

IBINABA NI AGATHA ang kanyang mga bags sa sahig ng guestroom. It was a beautiful room, bigger than she’d ever seen in any luxurious hotel or resort she’d ever been, with the view of the ocean outside a terrace that spanned the whole of that side of the mansion. Papasok pa nga lang sila ay sinalubong na sila nang mamahaling mga muwebles at art pieces na nakakapamilog sa kanilang mga mata. Ibinulong nila ni Christian sa isa’t isa ang pangalan ng mga artist/creators na parang sagradong mga rebulto ng mga santo ang sinasambit. Nakakamangha rin ang sahig sa foyer, non-recycled blue glass floor na mistulang frozen ocean surface. Mas sagrado ang naging tingin doon ni Ian kaysa sa mga muwebles na mas mahalaga sa kanya dahil isa ang pagtatrabaho sa kahoy sa media niya. Furniture making, hindi paglililok ng figures o rebulto.

"If only Erin can see this..." bulong nito. Interior design enthusiast si Erin. she would sure appreciate these elegant pieces. Kanina pa niya naiisip ang Daddy niya, si Tita Mimi at mga half-sisters niya dahil sa beach. Mahilig silang mag-picnic sa beach kapag bakasyon o weekends. Pero ngayong narito na sila sa loob ng bahay... “If Daddy Edds can see these,” nasambit naman niya habang nakatitig sa mga muwebles na may rustic design. French Provencal. That's what Daddy Edds loved. Sa palagay niya, hindi nakuha ni Ian ang talent nito sa interior designing sa ina nito. Sa isang tingin, alam agad ni Daddy Edds kung may taste ang isang art o furniture piece. Kapag sinabi nitong okay ang isang sketch niya ng isang furniture design, go signal na sa kanya iyon na ituloy ang project.

Pero sabay silang natahimik dahil sabay din silang nakaalala nang kanilang guilt. Walang alam si Daddy Edds sa lakad nila rito. Ang alam nito, may ibang project na tinungo ang anak. Ang alam nito, nasa isang resort siya sa Palawan, nagpe-paint. Pinigilan nitong tanggapin ng anak ang anyaya noon ni Alexander Montierra nang malaman nito ang tungkol doon dahil hindi pa raw ito handa sa impecable tastes ng mga Montierra--isang bagay na hindi nito ginawa kahit kailan. Iyong idahilan na hindi pa handa ang anak nito sa kahit na ano, o kaya ay subukang pakialaman ang mga desisyon nito. Hindi rin nito alam na natuklasan na niya ang sagot sa itinanggi nito noong tinanong niya ito kung may kinalaman ito tungkol sa tunay niyang ama.

Sabi nito, hindi nito alam kung may karelasyon ang Mommy niya noong panahong pinagbuntis siya nito. Pero alam nitong hindi siya tunay na anak ng daddy niya.

She did not believe it one bit. Imposibleng hindi nito alam. May kung ano lamang sa katotohanan na gusto siya nitong proteksyonan. Unfortunately, sobra talagang protective in nature si Daddy Edds. Minabuti niyang maghanap ng sagot sa ibang paraan. Sa Internet. Ace researcher si Agatha at walang mas magiging importante pa sa priority niyang makita ang ama. Dating modelo ang kanyang mommy at doon siya nagsimula. Nagre-search siya ng mga posts nong panahong sikat itong modelo. Late eighties and early nineties.

At natuklasan niyang noong panahong maaaring pinagbubuntis siya ng ina, ang kasintahan nito ay isang Montierra. And the man was no other than Maximo Montierra.

Tatlong taon nitong nobyo si Maximo Montierra noong nagmomodelo rin ito para sa advertising company ng lalaki. Tatlong taon. Hindi madaling itago iyon. Lalo na sa isang bestfriend.

At walang ibang naging nobya ang ina niya bago at pagkatapos nito dahil tatlong buwan pagkatapos ng break up, nakasal ito sa daddy niya. Seven months after the date of the wedding in Russia, ipinanganak siya. She was informed that she was born prematurely. Hindi na siya ngayon naniniwala.

Halos sigurado na.

Na ama niya si Maximo Montierra.

May naghatid sa kanila sa mga guestrooms na pansamantala nilang gagamitin habang hindi pa nila nakakausap si Alexander Montierra. Naghiwalay silang magpinsan sa labas ng mga pintuan, at nang maisara ni Agatha ang pinto sa kanyang likod, binitiwan niya ang mga bags niyang dala sa sahig saka nagtungo sa kama. Naupo siya sa gilid niyon saka natulala sa marikit na floweret prints sa dingding ng guestroom.
Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na ang kanyang masayahin, quirky at simpleng ina ay naging kasintahan nang isang Montierra.

Akala niya noong una ay simpleng mga modeling stints lang ang mga naging assignments nito kasi iyon ang sagot nito noong nagtanong siya. She ran across an old ad in an old website, printed it, and showed it to her. Sa advertisement, nakangiti ang isang bata pang Amethyst Buena, nakasuot ng 80s trend na damit, minomodelo ang isang sikat na coffee brand. Simpleng stints lang. Ilang stints lang. Not worth mentioning, really.

Pero hindi iyon totoo. Pagkatapos niyang makausap ang daddy niya at si Daddy Edds, nag-research siyang muli. Mas malalim this time. She was so determined.

At natuklasan niya, her mother had been really famous. Amethyst Artisania pa ito noon. Dalaga pa. Naging isa ito sa mga pangunahing modelo sa bansa at nagkaroon din ng mga modeling assignments abroad.

At nakita niya ang fully-made up, glamorous version ng mommy niya sa tabi ni Maximo Montierra noong ang lalaki na ang nire-research niya. Ito ang pinaka-visible sa magkakapatid na Montierra na sa research din lang niya unang nakilala. Ito ang bunso sa kilalang Tres Montierras--Aleron, Romulo at Maximo. Si Aleron Montiero ang namamahala sa lahat ng namanang mga negosyo ng mga Montierra sa ninuno ng mga ito. Si Romulo ang pangalawa at sa import and export at shipping lines ang linya. Bahagya nang makita ang mga ito maliban sa mga kuhang larawan para sa press releases o kaya ay Event Launches ng kompanya ng mga ito. At ni hindi pa malapitan ang mga ito ng media sa mga pagkakataong iyon.

Pero si Maximo, entertainment at fashion ang forte. Producer ito nang kung anu-ano mula sa music albums; big-budgeted o independent movies; at TV shows. Ang sarili nitong korporasyon ay umbrella sa tatlong kilalang international clothing lines. He’s also in perfume and on wines. Dahil sa nature ng mga negosyo nito, lagi itong nasa public eye kahit madalas na nakatayo itong mag-isa. Kasali pero hindi naman talaga. Nakatayo sa sarili nitong spotlight. Parang dugong bughaw. Gaya nang iba pang mga Montierra, gwapo ito, matangkad, may edad na pero awtokratiko pa rin ang dating. May charisma. May charm.

At ama ito ni Alexander Georgino Montierra.

Sa malas, hindi pa rin niya masabi kung ito ang kanyang ama sa mga pictures nito. Kamukhang kamukha kasi siya nang kanyang Mommy… iyong un-glamorous na mommy na kinalakhan niya. Iyong nanay na madalas naka-apron kapag nagluluto o nagpipinta. When she got older, nagsimula siyang magtaka at magtanong sa isip niya. Hindi ito nagkaproblema sa pera kahit hindi ito empleyado o negosyante. Hindi ito dumaing sa presyo ng mga bilihin gaya nang ibang mga mommies na naririnig niya. On the other hand, hindi rin naman ito nag-i-splurge maliban sa mga recipe books, art books o libro ng paborito nitong mga authors. Sa mga paintings nito, tatak nang isang simpleng five-petal flower ang signature nito sa halip na pangalan nito at hindi ito nagmamadaling magbenta ni nagtutungo sa mga exhibits para i-promote ang sariling artwork, to the frustration of her agent. Her father had steady jobs but they seem more comfortable than his friends with wives who were helping out financially. Sila pa nga ang takbuhan sa mga emergencies. Kahit noong naghiwalay na ang mga ito ay hindi rin sila nakaranas kapusin sa salapi. Hindi sila suportado ng daddy niya at hindi humingi ang mommy niya. In fact, kaya naging posible ang pag-expand ng jewelry business ng daddy niya, dahil sa financial backing na natanggap nito mula sa Mommy niya pagkatapos maghiwalay ng mga ito. Generous din ang mommy niya sa pagbibigay ng regalo sa kambal na naging tsikiting ng daddy niya sa second wife nito, ang adorableng sina Alina at Aleli.

That was weird to others, pero iba ang mommy niya sa ganoong paraan. How could she stress enough?

Iba ang kanyang pamilya.




Chapter THREE

AFTER THE CAR ACCIDENT and the wake, na-shock siya nang matuklasan niyang may malalaki itong mga investments sa malalaking mga kompanya at mga bangko at dibidendo pa lang niyon ay labis na labis na sa kanilang mag-ina. The money must have come from her modeling days. Hindi lamang ang knack nito sa paghawak ng pera ang namana niya, pati ang produkto niyon. Namana niya iyon lahat, kaya kahit hindi siya magtrabaho ay buhay siya at komportable hanggang pagtanda niya.

Pero hindi lamang iyon ang natuklasan niya.

Her mom had been sending money to her relatives' province. Tahimik nitong sinusustentuhan ang pamilyang kahit isang pangalan ay hindi man lang lumabas sa bibig nito kahit minsan. The money was being sent regularly to an account named after a woman. Isang Andrea Salcedo. Hindi niya kilala ang babaeng iyon, pero ang Salcedo ay isa sa mga apelyido ng mga kaanak nila.

Nagbuntunghininga siya. Binigyan niya ng instructions ang accountant ng mommy niya na ituloy ang regular na pagpapadala ng pera, pero hindi pa niya alam kung anong balak niyang gawin in the future tungkol sa mga ito. Hindi pa niya alam. Merong mas importanteng bagay siyang kailangang unahin. Okay lamang namang ipagpatuloy ang sustento hindi lamang dahil desisyon iyon ng mommy niya sa pera nito noong nabubuhay pa ito kundi dahil na rin labis-labis ang pera para ipagdamot. Hindi rin siya bulagsak sa pera, turo iyon ng mommy niya. Nor did she plan on stop working. Kumikita na siya sa mga artworks niya noong nasa highschool pa man siya at may sweldo siya sa office ni Daddy Boss. Hindi niya kailangang baguhin ang lifestyle niya dahil lang natuklasan niyang milyonarya siya. She did not even want to think about the money.

Pero naiisip niya iyon dahil sa puntong hindi siya naghahanap sa ama niya dahil kailangan niya ng pera o naghahangad siya sa mana na tiyak niyang unang iisipin nang kahit sinong makakaalam kung bakit narito siya sa isla.

Gusto lang niyang makita si Maximo Montierra sa malapitan. Gusto niyang malaman kung anong namana niya sa physical features nito; kung may lukso ng dugo; kung makikilala siya nito dahil sa mga features niyang nakuha sa mommy niya. Daddy Edds didn’t know that when Alexander Montierra’s rep contacted Ian, agad na nagsama ang mga ulo nilang tatlo--siya, si Ian, at si Erin-para makarating sila rito ni Ian nang hindi nito nalalaman bago pa man nito tinangkang pigilan ang anak sa proyekto nang matuklasan nito iyon sa ibang tao. Ang alam ni Daddy Edds, binitiwan agad ni Ian iyon base sa payo nito. Pero ginawa nila ito dahil na rin sa reaksyon ni Daddy Edds noong tinanong niya ito tungkol sa katotohanan sa kanyang tunay na mga magulang. Noong natuklasan niya ang dating romantic relationship ng mommy niya at ni Maximo Montierra, she instantly knew Daddy Edds had lied to her. Kaya itinago nila iyon mula rito sa simula pa.

But she has no plans about what to do beyond meeting Maximo. Gusto lang niya itong makita. Ang anumang higit pa roon ay ipaaalam muna niya kay Daddy Edds. Ang nakilala niyang ama ay nasa ospital, lumalaban sa isang klase ng nakamamatay na sakit na ayon sa mga doktor ay wala nang lunas. So far, she knew him to still be fighting.

Pero meron pa siyang isang daddy, may pagmamalaki sa dibdib niyang naiisip. Meron pa siyang Daddy Edds.

Hindi niya ito kayang mag-isa. She already resented on hindsight what she knew others would think once she claimed she was one of the insanely wealthy Montierras.

The thought was too shameful to even think about but she wasn't that stupid to hope it would never happen. Na mapagkamalan siyang interesado sa mana.

Tumayo siya at sinimulang hilahin ang isa sa mga bags para madala sa ibabaw ng mesa at mabuksan. Habang kumukuha ng pamalit na damit pagkatapos niyang mag-shower, naaalala niya iyong naulinigan nila ni Ian kaninang nasa sariling opisina pa sila ng mga Montierra sa Batangas Port. May warehouse kasi ang kompanya ng mga ito roon at ang opisina ay para sa warehouse at siya na ring nag-a-arrange ng mga byahe patungong isla at pabalik.

Naulinigan nila ni Ian sa staff na may mga modelong parating sa isla dahil may photo shoot ang mga ito para sa isang malaking campaign ad ni Maximo Montierra. That he was already here, brought in by a helicopter last night from Manila.

Napalunok siya.

Baka sa unang araw niya rito ay makaharap niya ito agad. And she didn’t still know what to feel about that.
She suddenly needed air. Dinampot niya ang cellphone at tinawagan si Erin matapos sulyapan ang relos niya sa bisig habang palabas siya ng pinto ng guestroom niya para lumabas sa terasa. Hindi pa break. Sana wala ito sa meeting. Napangiti siya nang bago pa siya makarating sa railings sa gilid ng terrace, naririnig na niya ang tinig nito sa kabilang linya. Puno ng pag-aalala sa likod nang matinding relief.

“Mahal! So how’s everything?”

“Well, I really wish you’re here,” unang mga salitang umalpas sa bibig niya habang nakatanaw sa malawak na puting beach at maasul-berdeng dagat. That was what she suddenly felt, that Erin should be here with her and Ian and they were all enjoying the wonderful view. In spite of the cold air or the clouds that looked swiftly becoming terrible. Pero hindi siya nag-aalala. Kung uulan mabilis siyang makatatakbo sa room niya. “The island’s really beautiful, Erin. The little I see of it nakakatuwa na. Hindi pa kami nakakapag-explore no’n, ha? We’ve only been about--“ sumulyap siya sa kanyang relos, “thirty minutes more or less in the island pero humahanga na ako sa mga nakita ko pa lang. Nagbe-blend ang man-made sa natural dito at walang tulak-kabigin sa ganda o sa rangya. At may trivia ako para sa ‘yo--off limits ang forest. The entire forest, really. Very protective si Alexander Montierra sa place at privacy ng lugar kasi kanya pala talaga ito. As in the entire island, namana niya mula sa Lola Montierra niya at pinagagamit lang niya iyong mansion sa pamilya at guests para hindi na galawin pa iyong kabila, iyong considered na private territory niya talaga.”

Nasa tinig ni Erin ang amusement nang makasingit. “At nalaman mo ito agad dahil…?”

Natawa siya. “Inusisa ko ang driver. You know… tourist-style. Sabi niya, strict si Alexander Montierra when it comes to his house rules, or in this case-island rules-pero other than that, hindi naman daw siya nakakatakot. Mukha naman ngang hindi siya takot-yung driver-sa kanya-kay Alexander Montierra-kaya tingin ko naman nasa mabuting kamay ang Apple Pie mo kung ‘yun ang worry mo.”

“You know he’s not the only one I am worried about,” anito pagkatapos ng kanyang tirada. “Not that it’s not nice to know. I’m worried about you, too. How are you holding up?”

“Ahhhh…” Nagbuntunghininga siya at isinasabit sa teynga ang buhok na nilalaro ng hangin at humaharang sa mukha niya. “I really don’t wanna… think about it or talk about it much… baka magka-nervous breakdown ako. How's dad? May narinig ka na bang bagong balita sa ospital?"

"Tumawag nga ako kaninang umaga kasi baka nga tumawag ka. Ang sabi ni Tita Karen, under treatment na siya nung bagong experimental drug. He's asleep, pero he seems to be doing well," anito.

Nagbuntunghininga siya. "Mabuti naman. Hindi ba raw ako hinahanap?" Regular siyang dumadalaw sa daddy niya sa ospital maliban nitong nakaraang tatlong araw dahil nga sa pagparito nila ni Ian.

"Huwag kang mag-alala. Mukha naman daw hindi na-upset nang malamang wala ka rito sa Manila. Para pa nga raw na-relieved na makakapahinga ka sa pag-aalala sa kanya."

"Sus." Napalunok siya sa awtomatikong pagkakaroon ng bikig sa lalamunan niya. "Hindi ako magpapahinga sa pag-aalala sa kanya hangga't hindi siya gumagaling. He is not going to die," mariin niyang sambit. "Ang dami kong pera. Kahit maubos 'yon lahat, gumaling lang siya. Hindi papayag sina Alina at Aleli na mawalan ng mabait na daddy. And I'm sure Mom will understand, kung sakali. she would do the same if she's alive." Saka siya nagbuntunghininga para kalmahin ang kanyang sarili. Tapos, naramdaman niyang nagpa-panic na nga siya. “What if he’s here and I round a corner and there he is and I suddenly do something stupid?!”

Ni hindi man lang nalito si Erin na ibang daddy na naman ang pinag-uusapan nila. “Hay… mahal… ‘wag ka ngang mag-alala! Everything’s going to be alright. And as soon as I can, susunod ako sa inyo d’yan, I promise.” Nasa Hongkong pa si Daddy Edds noong umalis si Ian sa Manila, may inasikaso na may kinalaman sa negosyo. Kunwa ay nasa Palawan na siya bago ito nagpa-Hongkong. Nagtagpo na lang sila ni Ian sa Batangas patungo rito pero hindi nakasama si Erin kasi walang ibang tatao sa opisina. Hindi naiiwan iyon nang wala kahit isa sa dalawa.

“P-Paano kung hindi pala s’ya ang tunay kong ama?”

“Ang tanong, anong balak mong gawin kung siya pala?” salungat nito, epektibong inilalayo ang isip niya sa posibilidad na baka hindi na niya makilala ang tunay niyang ama. “Lahat na halos ng clue, meron na. Kulang na lang eh DNA test, ‘di ba?”

Napabuntunghininga na naman siya. “I don’t know…” sa huli ay sambit niya.

“Tumawag si Daddy Edds. Sabi ko, hindi ka pa umuuwi habang si Ian, may project. Okay lang ba?”

“Uh-huh. He’s not gonna call me,” relieved niyang sambit. Ang Mommy niya noon, kapag nagpipinta ay off lahat ng mga communication devices. Alam na ng mga kaibigan nito ang dahilan kapag hindi ito makontak. Her mom would go to their provincial house in Cavite. She would be off-limits to the world in a few days to a week or two. Or three. Pwera kapag tumatawag ito sa kanya gabi-gabi para i-check siya at kumustahin ang school day bago siya matulog. Napabuntunghininga siya nang malalim para mapagluwag ang biglang nagsikip na dibdib. God, how she missed her mom! May mga pagkakataon, kung wala ang kanyang extended family, na para siyang malulunod sa pakiramdam na nag-iisa na lang siya sa mundo. Na ulila na siya talaga. Wala ng mga magulang… napalunok siya. Erin knew how she felt. Iyong mga namatayan na ng mga magulang, sila ang nakakaunawa sa nararamdaman nang isa’t isa. In Erin's case, pumanaw na si Lola Adeling. “E-Erin… thank you. Hindi ko magagawa ito kundi dahil sa ‘yo.”

“You know me. Partners in crime, as always,” anito.

Sandali silang nagtawanan. Sandali lang. Pareho silang nag-aalala sa pagdating ng panahon na magtatapat na sila kay Daddy Edds.

“Win or fail, you know you have family, right?” anito kapagdaka. “Anuman ang mangyari, narito kami.”

Napangiti siya habang nag-iinit ang mga mata. “Oo naman. Syempre alam ko na ‘yon.”

“Good. Now… ilayo mo sa kung sinong sirena d’yan sa isla ang Apple Pie ko, ha? Alam mo naman ‘yan… nilalandi na ng babae hindi pa alam.”

Napangiwi siya. May ganoon ngang katangahan ang kanyang pinsan.

Pinsan.

Napakagat-labi siya. Nag-init na naman ang kanyang mga mata. Ang kanyang ilong, nagbara. Nang lumabas ang totoo, nataranta si Daddy Edds. Na baka magbago siya kasi noong simula ay naasiwa siya. Napahiya. Hindi naman pala siya tunay na kadugo ng mga ito kasi hindi siya tunay na anak ng half-brother nito. Nang matuklasan nito iyon matapos ng mga iyakan ay nasermunan pa siya ng katakot-takot, ang pinupunto ay kung paanong naisip-isip niyang dahil lang sa ganoon ay may magbabago sa pagtingin nito sa kanya bilang anak o ni Ian sa kanya bilang pinsan. If possible, lalo pa silang naging close sa isa’t isa. Lalo itong naging protective sa kanya.

Iyon ang operative word--protective. May hinala siya na kapag nalaman nito na sumuway sila ni Ian rito, uusok ang bungo nito. Pero bakit hindi ito magsabi nang totoo? Bakit kailangan nitong itago ang nalalaman nito? She has a right to know, matigas ang ulo niyang katwiran sa isip.

“Oo, promise,” pangako niya noong nakakapagsalita na siya. Nagpaalam na siya bago ito naman ang maiyak sa kanya. At nangingiti pero basa ang mga mata, ibinaba niya ang cellphone.

Pagkatapos ay unti-unting namatay ang ngiti at tulala siyang napatitig sa malayo. Nagbuntunghininga siya nang malalim habang naaalala ang kanyang mommy. She still wondered why she wasn’t told. Oo nga’t naging mabilis ang mga pangyayari bago ito namatay. Just one unlucky night and a drive from Cavite back to Manila. Nagpilit itong umuwi kasi birthday ni Daddy Edds kinabukasan and she wanted to surprise him. Malakas ang ulan. Madulas ang kalsada. And then she was gone.

Napalunok siya habang hindi na mapigilan ang pagpatak ng luha. She missed her so much--kahit naiinis siya rito dahil sa nakalilitong mess na iniwan nito sa buhay niya. Her mom was the strongest woman she knew, the wisest, the most protective mother.

Anong dahilan at hindi nito pinaghandaan man lang na ipaalam sa kanya ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao gayong nagawa nitong paghandaan ang kanyang kinabukasan o maging ng mga kaanak nito sa event na may mangyari rito? Punong puno ito ng spirit. Punung puno ito ng buhay. Minsan nga nanghihinayang siya kung bakit hindi niya nakuha ang ugali nitong palaging masaya. Iyong klase na parang laging may magandang surpresang naghihintay sa bawat kanto.

Instead, she was more serious, always impulsive, always emotional. Her mother was a beautiful woman. Nasa postura pa rin nito at pagdadala ng sarili ang mga kalidad nang isang graceful na tao at iyong gandang sinasabi niya ay nanggagaling mas higit sa aura nito--parang liwanag na nagmumula sa kalooban nito.

Lumalabas-labas ito with friends--she’s had a lot of friends--kapag may panahon mula sa pagpipinta. Nagkaroon ito nang ilang relasyon sa mabubuting mga lalaki mula noong mahiwalay sa asawa. Matitinong mga lalaki. Andaming nagrereklamong walang makitang mabait at matinong lalaki sa panahon ngayon pero ganoon ang laging kumakatok sa kanilang pinto, in love na in love sa mommy niya. Yet she never was in a really serious relationship. She could have loved again. She would have been happy again. she certainly deserved it as far as she was concerned. Pero kung sakali mang mai-in love pa itong muli, hindi na iyon mangyayari kasi iniwan na nito ang mundo.

Nakagat niya ang ibabang labi nang mangatal ang mga iyon habang iniisip na kahit mas magulo pa rito ang mga problema, tatanggapin niya lahat basta naroon ito sa tabi niya. Basta nakakausap niya ito, natatanong, nasisisi. She could accept any reason she was given, patatawarin niya. Basta kasama niya ang mommy niya.

Hindi ganito. Ang hirap walang ina.

Nagbagsakan na nang tuluyan ang kanyang mga luha.

Sa blurred na paningin napansin ni Agatha ang lalaki sa beach. Napapitlag siya, palibhasa naiisip na rin niya noon si Ian na baka biglang lumabas ng kwarto nito at makita siya roong parang timang na umiiyak. Parang batang nawawala, na actually ay ang tunay na nararamdaman niya.

Tapos, nakita niya ang lalaki sa beach at para siyang na-violate kahit alam naman niyang open ang terasa sa mga mata nang kahit sino within seeing distance.

Siya nga itong umiiyak sa isang public spot kaya bakit hindi siya nito mapapansin? Kasabay nang imboluntaryong pag-urong ay ang pag-angat ng mga kamay niya sa kanyang mukha para pahirin ang luha nang likod ng mga palad.

Then she was back in her room in a flash, without having any recollection how she got there so fast.

Ang narinig na lang niya ay ang tunog ng pinto ng kwarto niya nang maisara niya iyon sa kanyang likod, ang sobrang pag-iinit ng mga pisngi niya sa kahihiyan, at ang nakabibinging pagtibok ng kanyang puso.





Chapter FOUR

NOONG NAKAUPO NA SIYA sa gilid ng kama, nakikita pa rin niya ang lalaki sa beach. She immediately saw that he was tall, well-toned ang muscled na katawan, tanned. Nang mapahid niya ang luha, lumukso ang puso niya. Because he was incredibly good-looking.

It was just a second… but she could see everything in delicious detail inside of her head now. Na parang isa iyong picture na na-scanned at pinagmamasdan niya sa napakalinaw na screen ng kanyang laptop. Dark curly hair with bronze highlights, aristocratic nose, dark piercing eyes. With his tanned skin, he looked like a golden god. Senswal na mga labi… rebeldeng mga labi. Remembering them produced a teasing pleasure climbing up her spine. Nag-alab ang kanyang mukha nang ma-realized niyang sa unang pagkakataon ng kanyang buhay, nakadama siya nang pagnanasang mahalikan ng mga labi nang isang lalaki. At iyon sa gitna ng pag-e-emote tungkol sa kanyang buhay!

Nakakahiya talaga! Pero hindi niya magawang maitatwang iyon ang naramdaman niya. Iyong nakakikiliting kilabot, nagsimula nang makita niyang nakatitig ang mga mata nito sa kanya…

Sandali lang iyon… isang segundo lang… it felt like a lifetime. Para siyang nahigop sa isang vacuum. It’s the weather, pagdadahilan niya sa huli. Nakakadala ang gloom, ang misteryo, ang karisma. He couldn’t be that beautiful. His eyes couldn’t have been that magnetic, that charismatic. Walang mga matang ganoon. Walang lalaking ganoon--unless in a work of art or in a paranormal movie.

Alpha?

Umalpas sa kanyang isip ang isang salita. She'd encountered it in her research, may isang exclusive group of men daw na ang tawag ay ALPHA. It actually stood for something, an organization who consisted of alpha males. Hindi iyong tunay niyong kahulugan lamang sa diksyunaryo. Sila iyong mga lalaking anak ng mga mayayamang elitista na ginu-groom para maging sunod na alpha male ng pamilya. Sabi sa blog article na nabasa niya, these men were being trained from the crib. That they knew each other. That it was very exclusive. At isang honor sa isang pamilya ang magkaroon ng myembro na kasama sa grupong ito. She came across the blog because some of the men suspected to be involved where the Montierra brothers, and their sons. Nakakadala ng imahinasyon basahin ang blog na iyon. Kapareho halos kapag nakaka-imagine ka ng mga Vikings, o kapareho ng mga ito.

Hindi niya alam kung sino ang lalaki at hindi niya alam kung bakit naisip niya ang Alpha. But he has such presence, something she’d only experienced while imagining what an Alpha member would be like.

Tapos natigilan siya nang may isa na namang naisip.

Kasama sa listahan si Alexander Giorgino Montierra, hindi ba?

Pero may agad na nagprotesta. Of course that wasn't him. May edad na ito, hindi ba? Nabigla siya nang ma-realized niya na wala siyang kongkretong kaalaman tungkol sa eksaktong edad ng client ni Ian. Palibhasa kasi nakasentro kay Maximo ang research niya.

Ang alam niya, anak ito ng Maximo sa unang asawa nito. Naghiwalay ang dalawa matapos maipanganak si Alexander, pagkatapos ay na-annul ang kasal. Ibig sabihin ay walang asawa si Maximo noong makarelasyon nito ang mommy niya. There was no reason not to marry her when her mom got pregnant with her. Pagkatapos ng mommy niya, naikasal pa nang isang beses si Maximo pero naghiwalay din ang mga ito. There was no child. Since then, hindi na nabalitaang nagkaroon pa nang ibang karelasyon ang lalaki.

What the hell... naisip niya. Parang mommy niya. Wala nang iba pa. Kahit nagkaroon ng pangalawang asawa, it was very obvious through every picture she could find of them that Maximo did not love his second wife. Malamig, tigil, at walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa mga camera. Maganda ang ex-wife nito, pero may kung ano sa ekspresyon sa mukha na hindi maganda. Mataray ang mga mata, matapobre kung makatingin. She would not even look at the cameras.

Maaaring kaanak o malapit na mga kaibigan ng pamilya na bisita sa isla. He did not look at all like the Montierra men. Oo nga’t naroon ang basics, but he was rugged-looking. A little rough around the edges. Elegante at sophisticated ang mga Montierra. Naka-suits palagi sa mga pictures, at kung hindi man pormal na kasuotan ang kailangan ng okasyon ay mukha pa ring kontrolado ang pagkakasuklay nang bawat hibla ng buhok, gusot sa damit, o pagkilos.

Iyong lalaking nakita niya sa beach ay hindi ganoon. There's... there was something in him she could not easily define. Nakakakaba, nakakaasiwa. At nakaka-excite, sa huli ay pag-amin niya dahil hindi iyon kayang maitatwa. Napasulyap siya sa salamin at nakita pa niya ang pamumula ng mga pisngi nito. He looked like a dangerous man, yet... it wasn't because she felt like he would hurt her. Not physically. Ang presensya nito, kahit ganoon kalayo sa kanya, ay masyadong malakas. Masyadong nakaka-overwhelm. At hindi pa siya nakakasalamuha nang isang lalaking kagaya nito.

She forcefully pushed the man from her mind as she started taking care of her things. She probably might not see him again. She shouldn’t, napapabuntunghininga pa niyang naisip. His presence made her quake.
Baka kapag nagkita sila, hindi niya mapigil ang reaksyon. She did not like that one bit.

Ano kaya ang mararamdaman ni Erin kapag ito ang nakakita sa lalaking iyon? Siya lamang ba ang may ganitong reaksyon?

Nagtungo siya sa banyo at nag-shower na. Hanggang sa natabunan na nang napipinto nilang meeting ni Ian kay Alexander Montierra ang atensyon niya at nakalimutan na rin niya ang tungkol sa lalaking natanaw niya sa beach.

UNFORTUNATELY, HINDI natuloy ang meeting nila kay Alexander Montierra. Humingi ito ng apology through a mansion staff na nagsabing mayroong importanteng bagay na kailangang asikasuhin ang amo nito. Sa halip ay nagbilin itong mag-enjoy muna sila sa beach at i-enjoy ang tanghalian. Mangyayari ang meeting kinabukasan.

Nasa beach sila, sinusunod ang payo nito, nang matanaw nila ang yateng may dala ng mga modelo ni Maximo sa isla. Alam nila iyon dahil nag-uusap-o nagbubulungan-ang staff sa napakaluwang na dining hall kaninang nag-lunch sila roon. May meeting ang mga Montierra, natuklasan pa nila sa mga bulong habang nag-aakyat ang mga ito ng pagkain sa pinagmi-meeting-ang lugar sa ibang lebel ng mansyon. Habang kumakain sila ni Ian nang sila lamang sa napakahabang mesang nakikita lamang niya sa mga movies tungkol sa mga royal families ng Britain, parang nag-e-echo ang mga bulungan ng staff. Parang may hindi nagustuhan si Alexander Montierra sa pagdadala ng mga modelo ng ama nito sa isla. Hindi niya masiguro kung dahil sa dami ng mga ito noong una, pero niyong huli ay may nasambit ang staff tungkol sa isang napahamak na modelo nang lumampas ito sa napagkasunduang boundary. Nag-explore ito sa gubat ng isla. At naaksidente ito roon. Kinailangan itong ilipad ng chopper paalis ng isla para madala agad sa ospital sa Batangas.

Nang sapat na ang lapit ng yate para makita ang mga detalye at napailing siya habang nai-imagine na meron nga yatang kailangang ipag-alala si Alexander sa mga parating na bisita. Naka-beach attire sa deck ang mga sakay niyon, nagsasayawan, may hawak na mga kopita ng alak na pawang mga nakaangat sa ere. May masaya at bass-filled na tugtog na nagmumula sa yate.

Kilalang party shark si Maximo Montierra. He was considered the rebel among his conservative relatives. Successful ito sa busines-very successful, actually-pero hindi naging sapat iyon para maiwasan na magmistula itong isang pariah sa pamilya nito. Hindi maitago ng bland na mga articles tungkol sa Tres Montierras ang pagkadisgusto nina Aleron at Romulo kay Maximo at sa mga practices nito. Ang absent laging anak, si Alexander, ay iba pang bagay. Hindi actually pagkadisgusto, pero halatang maingat sa mga binibitiwang mga salita ang kahit sinong Montierra tungkol sa panganay at nag-iisang anak ni Maximo Montierra at dahil dito kaya hindi openly kinakastigo nang kahit sino si Maximo.

Muli, hindi niya alam kung paano ito naging boyfriend nang kanyang mommy. Her mom only drank table wine during dinner and champagne on special occasions. Hindi ito nakikipagsosyalan. Well, may sosyalan at may sosyalan. Ang mommy niya, iyong klase ng book club sosyalan. She loved listening to classical music. She listened to Eckhart Tolle. She did yoga ang meditation. And she’s a vegetarian. My God, ang tanging hamburger patties na pinapayagan nito sa sandwich nito ay iyong gawa sa tinadtad na puso ng saging! Habang si Maximo Montierra, iyong rare steak na klase ng tao.

“Okay ka lang?” untag ng tinig ng pinsan niya. Alam niyang napansin nito at pamumula sa mga mata niya nang sumama siya rito patungong lunch pero hindi na lang ito nagsalita.

“Never been better,” sambit niya sa matinis na tinig.

Inakbayan siya nito. “Mahal… it’s going to be alright.”

Bahagyang nag-init ang kanyang mga mata. “I really miss Mom,” nasambit niya.

Pinisil ni Ian ang balikat niya at hinalikan siya nito sa tuktok ng kanyang ulo.

Nang matago na sa gilid ng island ang yate sa pagdaong niyon sa jetty, bumalik na sila sa mansion para maghanda sa dinner.

MABILIS ANG TIBOK ng puso ni Agatha habang palabas siya ng pinto ng kanyang kwarto. Maingat siyang nagtungo sa hagdan. Pababa iyon, pagkatapos ay nagpo-fork sa gitna. Ang isa ay patungo sa first floor ng mansion, ang pangalawa ay patungo sa beach. Sumulyap pa siya sa likod niya, sa pinto ng pinsan, nag-aalalang baka gising pa ito at maisip biglang lumabas sa sandaling tinatakasan niya ito. Huli siyang sumilip sa kwarto nito, nakalatag ang mga designs at nagre-review na naman ito. Kung alam nitong bababa siya, sasamahan siya nito, at hindi niya ito gustong maistorbo.

Nakasabay nila sa dinner kanina ang mga modelong hinatid ng yate sa isla. Nang mapansin niyang minamataan nang isa sa mga male models ang legs niya, sinamantala niya ang pagkakataon. She struck conversation, nakipagkilala rin sa iba. She liked Art and Marc among the males, si Divee sa mga babae.

They were friendly and nice. Ang mga ito at si Divee ang umimbita sa kanya sa bonfire.

Pumayag siya. Chances and opportunities were hard to miss up in her situation. Makiki-mingle siya sa mga ito sa pag-asang may matuklasang bago tungkol kay Maximo Montierra. Kapag sinwerte siya, baka bumaba ito sa beach at malapitan niya. They didn’t need to be introduced. Gusto lang niya itong makita sa  malapitan. She would think what to do after that later. Kapag naramdaman niya iyong hinahanap niyang lukso ng dugo.
Simple lang naman itong plano niya at hindi niya kailangang mag-nose bleed.

She wore a skimpy bikini, isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nagpaalam kay Ian. Sa suot niyang chocolate brown bikini sa ilalim nang isang patadyong, which was her moms, tiyak na gagwardyahan siya nito. Kahit tiyak na mas maliit pa sa bikini niya ang suot nang iba at magmumukha siyang konserbatibo. Maganda siya. Nakikita niya ang mukha niya sa salamin at alam niyang maganda siya. Pino at magandang hugis ng kilay, almond eyes, matangos na ilong, full lips. Naaalala niya noong bata pa siya na ang mga mata niya ang parang kapansin-pansin lang sa kanyang mukha dahil malalaki ang mga iyon. Bumble bee ang tudyo sa kanya ng mga kaklase niya noon. Her face soon grew in proportion and now, they said her eyes made her look innocent. Nangungusap daw. Whatever foolishness that meant. Sino namang tao ang may gustong makita sa mga mata ang iniisip o nararamdaman? Lalo na siya na lagi na lamang natatalo ng mga damdamin niya.

Alam din niyang seksi siya hindi dahil marunong siyang magbigay ng judgment tungkol sa ganoong mga bagay kundi dahil sa reaksyon sa kanya ng mga lalaki kapag nagsusuot siya ng mga damit na fit. Her limbs weren’t proportioned to her body, iyon ang sabi ng kanyang artist eyes. Mahahaba ang kanyang mga biyas kumpara sa kanyang katawan. Kaya nga siya matangkad, gaya nang kanyang Mommy. Pero maganda sa paningin nang iba ang katangiang iyon. Maganda ang hugis ng kanyang katawan, iyon ang aminado siya. At sana, magamit niya ang mga nabanggit ngayong gabi. Sana makatulong ang mga iyon sa misyon niya.  

Lalo tuloy bumibilis ang pagtibok ng puso niya at parang dumarami ang maliliit na mga butterflies sa kanyang sikmura habang naiisip ang mga iyon. She has never done anything like this before. Iyong para siyang sleuth. Parang imbestigador. Parang spy. Pababa na siya sa hagdan, malapit na sa fork. Nasa beach na kaya si Maximo Montierra? Paano kapag aktwal na silang magkaharap, anong gagawin niya?

Ang totoong tanong, masusunod naman kaya niya ang plano niya?

Napalunok siya. She realized that she would never know how ready she was until they were face-to-face.
Nasa party din kaya iyong gwapo sa beach kanina, bigla niyang naisip. That’s better. Na-distract siya  at medyo kumalma ang mga paru-paro. Gwapo naman kasi talaga ang lalaking iyon, nakakamalikmata. She would love to sketch him, or paint him on canvas. Lalo pa siyang kumalma habang naiisip ang kabuuan ng imaheng iyon sa kanyang canvas, ang mga matang iyon na nakakamagneto habang nakatitig sa kanya. She felt her face starting to flame, her knees starting to weaken. Okaaayy… maybe she better back down, think of another person. It wasn't turning into a good idea after all.

Natatawa sa sarili, lumiko siya sa fork, iyong pababa sa beach.

At nabangga sa isang matigas, mataas na bagay.

No, it wasn’t a wall, although it surely felt like that. It wasn’t a wall at all--kundi dibdib.

Nang isang lalaki.

Well, would you believe it?

Maskuladong mga kamay ang umabot sa kanya bago siya tuluyang mabuwal. Nang mag-angat siya ng ulo at makumpirma ang una niyang nakita, naliyo siya at lalong nanlambot sa hawak nito.

Kasi, sa dinami-rami naman ng pader--dibdib--na mababangga niya, iyon pang sa lalaki sa beach kanina. Iyong lalaki sa kanyang canvas sa future. The one with the hypnotic, mesmerizing eyes.

No wonder, hindi siya makahinga.

“Hey… are you… alright?” nag-aalalang tanong ng baritonong tinig.

Oh sure. Of course he would have the sexiest male voice she’d ever heard. Velvety, low, parang kulog sa malayo. It shouldn’t have surprised her. “I-I’m f-fa-fine.”

Mukhang hindi ito naniwala. Sinong maniniwala? She sounded like a moron. “I think you should sit down,” kontrang utos ng authoritative na tinig.
Ni hindi siya nakapiyok, naupo na lang nang pabagsak sa baitang ng hagdan na parang isang naka-programmed na robot. O jelly ace. Robot at jelly ace. Magkakontra. Parang lugaw ang kanyang utak. Concussion ba ‘to? Ang sakit ng kanyang pwet, matigas ang hagdan. At napansin pa rin niya sa kabila ng katarantahan...

Mas gwapo pa ito ngayon kaysa kaninang nasa malayo ito. Doon sa beach. My God, mas gwapo ito, mas charismatic sa malapit. Iyong klase ng nakatutunaw na kagwapuhan. Iyong klase na nakakatagpo mo sa sinehan. Preferably supernatural. Hindi vampire, eh. This man was certainly alive. In more ways than one.

And he's not even pale. His skin is really golden tan. Seksing kulay. Eksotiko. She has never seen any man this perfectly beautiful before.

Napaungol siya habang napapapikit.

His strong arms went still on her, then tighter. She could feel the heat from his body radiating to her. She could smell him, a pleasant smell of after-shave, wine and… something. Hindi niya matukoy. Hindi naman karaniwang body odor. A man’s perfume? Mabango. Masarap. Like food. Like what ambrosia would smell. Muntik na siyang matawa sa sarili. Ambrosia at this moment. A delicious dessert. Or the food of the gods?

How the hell would she know how that smelled?

But he was real. Really real. And he smelled really, really good.

And she was really... really doomed, naisip niya habang--horror of horrors!--nagdilim ang kanyang paligid at nawalan siya ng malay.


* I hope you enjoyed this excerpt. :)