Friday, January 13, 2012

Ikaw Lamang - Precious Hearts Romances





"If you stop believing in me, I will not have anything else to hope for. Importante sa 'kin that you believe in me. At this point in my life, ikaw lamang ang importante..."

Alam ni Belle na imposibleng umibig sa kanya ang isang tulad ni Cedric Montepiedad. Guwapo ito, mayaman, overachiever, at anak ng may-ari ng hacienda sa kanilang lugar; samantalang siya ay isang simpleng barrio lass na ang tanging passion sa buhay ay magsulat ng mga kuwento. Ngunit tila ganoon ang nangyari kung ang pagbabatayan niya ay ang init ng mga halik nito sa kanya. Wala naman silang malinaw na unawaan. Gayunman, nang kailanganin nitong mag-aral ng master’s nito sa Harvard, ipinabaon niya rito ang isang bagay na napakahalaga sa kanya: ang kanyang sarili.
He promised to come back to her. Pero nalaman niyang nagkakamabutihan na pala ito at ang isang kaibigan niya na nag-aaral din sa Amerika at matagal nang may gusto rito. Ayaw niyang makahadlang sa kaligayahan nito, lalo pa’t nagbunga ang kapusukan nila…



PROLOGUE

TEN YEARS AFTER THE STORY…
There she is…
Dumating ang sandaling pinakahihintay ni Cedric. Bumukas ang pinto at lumabas ng bahay nito si Belle. Sampung taon na ang nagdaan, pero napakaganda pa rin nito. Simpleng kagandahang sa halip na mapingasan ng mga taon at mga karanasan ay parang lalo pang nadagdagan.
“You didn’t tell me she’s beautiful,” sita sa kanya ng kaibigan niyang si Grey na katabi niya sa front seats ng kotse. “Man… and you’re telling me this is all about the kid?”
Umiling siya. “Don’t be fooled by that beauty, Grey. Hindi simpleng babae o mahinang babae si Belle. Mas matapang siya at mas matatag kaysa sa ‘yo o sa ‘kin.”
“She kept the kid from you so you’d go on with your plans for your life, I get it. Ang hindi ko maintindihan, kung bakit kailangan pa niyang magtago kahit noong nakuha mo na ang gusto mo at sinubukan mo siyang hanapin.”
Nagbuntunghininga siya. “Is that really impossible? Baka meron na siyang ibang nakilala.”
“Oh. So do I detect jealousy in your voice?”
Tinapunan niya ito nang masamang tingin. “I came here to talk to her and you came with me for moral support. Remember?”
“Hindi ka makikipagbalikan sa kanya? Hindi ka manliligaw? Dude, she’s the mother of your kid.”
“Which she tried to hide from me.”
“So go and talk to her, then.”
Napatingin siyang muli sa harapan ng bahay. Kinukuha nito ang laman ng mailbox. Nakita niyang ngumiti ito nang may makita, saka napailing. Isa iyong box ng roses. Nasa koreo.
“Uh-oh. Mukhang may iba na nga siya. With a smile as sweet as that, the woman’s definitely in love.”
“Will you shut up?” naiinis niyang sambit.
“Shutting up.”
Nagdaan ang ilang sandali.
“Maybe she’s better off without me. Maybe she’s happier—“
“Pare, hindi mo malalaman kung hindi ka bababa sa kotse at hindi mo siya lalapitan.”
Napalunok siya. “Hindi ko pa rin nakakalimutan na itinago niya ang pagbubuntis niya para magawa ko ang gusto ko.”
“Then go and tell her that if you’d known, you’d much rather be with her than get another degree that would just waste away as a tablet in your display shelves,” marahan nitong sabi.
“What if letting go of her isn’t a bad thing?” Saan ba niya iyon narinig noon? Napabuntunghininga siya. Kay Belle. She believed in the goodness of everything, even bad things.
Pumasok na sa loob ng bahay si Belle. Nagbuntunghininga siya nang malalim, saka hinawakan ang manibela para buhayin ang engine ng sasakyan.
“Where are we going?” tanong ni Grey.
“I need more time to think of what I’m going to say,” aniya.
Pero muling bumukas ang pinto ng bahay at pakiramdam niya ay naririnig pa niya ang tawa nito nang makita ang mukha nitong namumula sa kasiyahan. Imagining the sound of Belle’s laugh made him hungrier than he had any right to be. Tumatawa ito habang hila-hila nang isang batang babae. Isang batang babae na alam niya kung ano ang edad.
Nine years old.
“There’s your little girl,” ani Grey sa kanya. “Now tell me, kailan ka pa magkakalakas ng loob magpakita sa kanila para malaman nilang natagpuan mo na sila?”
Dahil sa bikig sa kanyang lalamunan, hindi siya nakapagsalita.


Chapter ONE

THE STORY…
Nakakunot ang noo nang labing siyam na taong gulang na si Cedric habang nakabaling sa labas ng bintana sa backseat nang tumatakbong SUV. Wala siyang nakikita kundi ang kulay na green saanmang dako siya tumingin. Lahat ng shades ng green—light, dark, yellow green, at golden yellow na may greenish tint—mula sa madamong kapatagan hanggang sa bulubundukin na mistula’y borderline ng lugar na ito.
And it was depressing. Hindi pa man siya nakakarating sa hasyenda, naiinip na siya.
Pero hindi iyon lang ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni Cedric. He could have tolerated it at any other day. Pero pwersahan ang pagpapabakasyon sa kanya nang kanyang mga magulang sa sulok na ito ng mundo. In fact, pinatapon siya rito na parang batang wala pang kakayahan na mag-isip para sa kanyang sarili. Siya, na sa ikalabing-siyam na taon ng buhay ay nakatakda nang kumuha ng Masteral sa Harvard University.
Nakakatawa.
Ni hindi siya hinarap ng mga ito. Sa halip, pinaasikaso na lang siya sa loyal na alalay ng kanyang dad, si Andrew, na nakaupo sa tabi ng driver sa harapan at hindi na umimik matapos siyang sabihang isuot ang seatbelt. 
Like a kid.
The adults never really talked to him, anyway. At him, but not to him. It was like talking to a brick wall. Kapag hindi umaayon sa plano ng mga ito ang maririnig, nabibingi ang mga ito sa kanyang boses.
Ang nakakainsulto, pinatapon siya sa lugar na ito na parang isang suwail na anak na kailangang parusahan. “You have to slow down ang think, anak. You have to take a break,” sabi ng kanyang Mommy. Lumabas ang isang hindi makapaniwalang tawa sa kanyang bibig. Mapaklang tawa. Who would have believed that he was being treated like this right now because he has too many accomplishments?
Nag-aalala ang mga ito. Nag-aalala. Na baka raw nakalimutan na niyang bata pa siya, that he has to slow down. That however he busied himself, that wouldn’t make him forget the fact that his Uncle Tom was dead.
Gumuhit ang pamilyar na ngayong kirot—pamilyar pero hindi kailanman nabawasan—sa kanyang puso. Tumiim ang kanyang bagang. At gaya nang automatic na ginagawa kapag naaalala ang sakit, ibinalik niya sa pagmamaktol ang isip.
It was better to be angry than be hurt. He would choose anger any time of the day.
Kabibili lamang ng kanyang mga magulang sa hasyenda three months ago. He’d never been there, as his parents. Andrew arranged everything.
He wouldn’t be surprised if his mother bought the godforsaken place to be his cell—the best prison for her only son—until they forced him to do what they wanted him to do.
Ang mag-relax. Ang mag-isip.
Nakadama siya ng panic.
No, he couldn’t think. It was too painful. And he couldn’t relax. He has no right to relax. He has no right to be happy.
Napakurap-kurap siya. A sting in his eye. Namalayan na lang niyang nakatingin siya sa labas na parang umiiwas sa tingin nang kung sino kahit wala naman siyang kasama sa backseat. And then he was assailed by the mountains again.
Shit, everything was just so fucking green.
Naalala niya bigla ang childhood friend niyang si Grey. Kung kasama niya ito ngayon, the first thing the bastard would plan to do was to find a pretty village lass.  Grey would have thought an appropriate joke about the place, about the scenery, about the color. Unfortunately, his parents had shipped him to boarding school because he wanted to marry his girlfriend. And that’s that.
That seemed to have happened a long time ago, hindi noong isang taon lang. He’d left Grey behind a longer time than that. He’d left everybody behind.
Maybe it was his thoughts that were depressing, hindi ang scenery.
At ipinikit niya ang kanyang mga mata, nagdarasal na patahimikin nang kung sinong diyos ang in-charge sa ngayon ang kanyang isip.
Except noone seems to be in-charge. Lagi.
Dahil kahit kailan, hindi namahinga ang kanyang utak sa kaiisip.
NANG MAKAPASOK si Cedric sa pinto ng mansyon matapos bumwelta sa sasakyan isang segundo pagkaparada niyon, ang gusto niyang gawin muli ay lumabas sa open air.
“I have to get out,” putol niya sa welcoming speech nang tarantang caretaker. “Just… take my things upstairs. I’m going to take a walk.”
Piping tumango ang matanda. Pagpihit niya, naroon si Andrew at binigyan niya ito nang malamig na tingin. “That’s okay, right?”
“You know you’re free to do anything you want, Cedric.”
Sarkastiko siyang gumibik. “Yeah, right,” sabi niya bago niya ito nilampasan para muli ay makalabas sa bukas na front doors.
Para siyang hinahabol ng multo. Nang makatapak nang muli sa aspaltadong driveway, agad iyong nilamon nang kanyang mga paa hanggang sa nakatapak na siya sa malambot na damuhan. It was all he could do not to run.
He headed for the woods at the edge of the grounds. And for maybe about thirty minutes, he just did not mind where he was going. He just kept on walking.
Until his head cleared. There’s something about forests and woods that had always calmed him. Naramdaman niyang parang nahugas sa kanya ang tensyon at sama ng loob—pansamantala, at least—habang naglalakad nang mabilis at pinupuno ang kanyang baga nang malinis at malamig na hangin. Pumikit siya, hindi kayang itaboy ang muling pag-alala sa kanyang Uncle Tom. They always took hikes, camped, climbed mountains. Yes, they also loved horses but this… he loved being with him in forests most. Muntik na siyang mapaiyak nang maisip na napakatagal na siyang umiwas sa kahit anong klase ng greenery, immersing himself in his studies, to forget.
He’d caused his death. Siya ang may kasalanan kung bakit wala na ito. Siya.
He wished to forget but he couldn’t. He couldn’t.
Dahil ang hirap. Dahil saan man ito naroroon sa mga sandaling iyon, sigurado siyang hindi siya nito sinisisi. Hindi ang kanyang Uncle Tom. Nagngalit ang kanyang mga ngipin. Ang problema ay hindi iyon sapat para tumigil siya sa paninisi sa kanyang sarili. At ang pagkawala nito ay nananatiling isang masakit na sugat na nagnanaknak. Isang malaking kahungkagan na hindi niya alam kung paano niya pupunan.
Nasa gitna siya ng kagubatan at para siyang nauupos. Sa ganitong lugar sila madalas magtungo ni Uncle Tom. Sa ganitong lugar sila nagpapalipas nang masasayang mga oras. Hindi lamang iyon. Sa aliwalas ng hanging dumadampi sa kanyang pisngi, he could almost feel his hand, touching his face.
He’s never been anywhere where there’s so much greenery since Uncle Tom died. He shouldn’t be here.
Umalpas ang unang hagulhol sa kanyang bibig at tumakbo siya, gustong tumakas.
Napatigil lamang siya nang makarating sa gilid nang isang exposed na bangin sa kabilang dulo ng kakahuyan. He wanted to jump but he knew, as soon as he thought it, that he wouldn’t.
He wanted Uncle Tom to be proud of him, not be ashamed of him.
At doon, habang nanonood ang asul na kalawakan, hindi na niya nilabanan pa ang mga luha.
SISIPOL-SIPOL PA ang labing-anim na taong gulang na si Belle habang naglalakad sa kakahuyan. Dito siya nagdaraan dahil mas madaling makarating sa kanila sa halip na sa kalsada. Wala pa siyang makakasalubong na ibang tao.
Galing siya sa trabaho. Sa suot na maruming t-shirt, shorts na mula sa ginupit na lumang jeans at backpack sa kanyang likod, mukha siyang mas bata pa kaysa sa tunay niyang edad na sixteen. Nakasalapid pa mandin ang mahaba niyang buhok sa kanyang likod. Sa hardin kasi ng mga Aventura siya nagtrabaho ngayong araw na ito.
Tigil siya sa pagpasok. Sana’y fourth year highschool na siya pero hindi siya nag-enroll. Namatay kasi ang kanyang Mama at baon sila sa utang. Nagtatrabaho nga siya ngayon sa hasyenda ng mga magulang ng kanyang kaibigang si Casey. Marami kasing gawain sa bahay ng mga ito at doon siya tumutulong sa kung anu-ano, mula sa paglilinis hanggang sa pag-e-encode sa computer ni Tita Yeng na mommy nito. Kaibigan ng mama niya si Tita Yeng noong buhay pa ito. Ang mama niya ang mananahi ni Tita Yeng noon.
Napangiti siya, naaalala ang tudyo sa kanya ni Casey tungkol sa shortcut niyang kakahuyan. Kasi naman, basta napapasok na siya rito ay nagtatagal siya sa pag-uwi kaysa napapadali. Noong isang taon lang kasi ay may nadiskubre siyang secret spot sa kabila ng kakahuyan, isang bangin na nakatunghay sa ilog. Nagtatambay siya sa lugar na iyon dahil maaliwalas ang hangin, malambot ang damuhan at maganda ang tanawin. Nawiwili siyang magsulat. Tapos, kung alam kung saan bababa ay makararating sa ilog kung saan napakasarap maglangoy sa napakalinaw na tubig.
Isa pa sa sikreto niya ay ang kanyang sinusulat. Hindi na lang iyon short stories na ginagawa niya noong elementary pa siya, kundi isang love story na nasimulan niya bago namatay ang Mama niya at hanggang ngayon ay hindi niya matapos-tapos. Nobela na.
Paano kasi, masyado siyang nawiwili sa nakakikilig na istorya at buhay nina Gabriel at Esmeralda. Laging may bagong nangyayari kapag akala niya, patapos na. At susunggaban niya ang pagkakataong mapalawig pa ang kwento nang walang kahihiyan. Iyon talaga ang dahilan kung bakit nagtatagal siya sa kakahuyan.
Alam ni Casey ang tungkol sa kwento at tungkol sa bangin pero hindi ito mahilig magbasa kaya kinukwento na lang niya rito ang development ng kwento at hindi pa nito nararating ang bangin dahil ni hindi niya ito mapapasok sa kakahuyan. Palibhasa mayaman, delikado.
Malapit na siya sa bangin nang bigla siyang napatigil. May naulinigan siya, isang ingay na hindi pamilyar sa kakahuyang iyon.
Nagkamali ba siya, o nakarinig siya nang umiiyak na tao, nakakunot ang noo niyang tanong sa sarili. Pagkatapos ay nawala ang kunot na iyon nang muli niyang narinig ang ingay.
May umiiyak. May umiiyak talaga!
At hindi lamang iyon isang simpleng iyak. Parang hinuhugot ang iyak mula sa kaibuturan ng kaluluwa nito. Namalayan na lang ni Belle na naglalakad na naman siya, parang hinihila patungo sa direksyon kung saan nagmumula ang ingay. Palakas nang palakas iyon habang siya’y lumalapit.
Hanggang sa wakas ay nakawala siya sa kakapalan ng mga puno.
Pero hindi pa man siya nakakalabas, nakikita na niya ito.
Isang lalaki. Isang tingin dito at alam niyang hindi niya ito kakilala o nakita kahit saan dito at sa bayan kahit halos nakatalikod ito sa kanya. Mamahalin ang bihis nito at nadadala nito iyon, sa nakikita niya sa porma nito at tindig. Maganda rin ang kutis nito kahit lalaki, pantay ang pagkaputi at malinis. Mukha itong mayaman. Sina Casey lang naman ang mayaman sa malapit at ang kabilang hasyenda naman ay naipagbili na dahil nag-migrate na sa Europe ang mag-asawang matandang may-ari niyon. Kung merong bisita sina Casey, sana alam niya dahil araw-araw siyang naroroon.
Kung ganoon ay sino ito?
Napahakbang pa siya palapit, hindi natatakot. Tingin niya ay hindi ito masamang tao. Hindi tingin lang, kundi kutob. Dahil siguro sa iyak nito. Hindi niya maipaliwanag kung paano, pero may tumutugon sa kanya sa iyak na iyon. May nababagbag.
Naaawa siya rito. Sigurado siyang may nawala ritong isang importanteng tao, dahil iyon ang iyak niya noong namatay ang kanyang Mama, kahit nga handa na sila noon sa mangyayari. Kahit nagpapasalamat pa nga siya dahil hindi na ito nahihirapan pa. Namatay sa kanser sa dugo ang kanyang ina.
Ang isang taong umiiyak nang ganoon ay malalim magmahal, naisip niya. Kaya sa kaibuturan nang kanyang puso, batid niyang hindi ito masamang tao.
Pinanood niya ito nang hindi nahihiya. At nagulat pa siya nang makitang hindi pa ito isang mama. Para ngang hindi ito masyadong nalalayo sa edad niya. Kahit nakabaling ang mukha nito sa kabila, sapat na ang nakita niyang isang side ng mukha nito para makitang hindi ito matanda.  
At na hindi rin ito pangit. Napakagwapo nito.
Parang si Gabriel.
May kilig na gumuhit sa kanyang puso—kilig na agad niyang itinaboy. Umiiyak na nga ‘yung tao, kung anu-ano pang naiisip niya.
Sino kayang namatay? Pinanood niya ito, naaawa rito. At nang unti-unti nang humina ang pag-iyak nito, hindi na siya nakatiis.
Tumikhim siya.
Parang haplit na pumihit sa kanya ang ulo nito. Nang makita siya, napapitlag ito.
“Jesus fucking Christ!”
Napangiwi siya. Hindi niya inakalang magigitla ito nang ganoon. “Sorry.”
“A-Anong ginagawa mo? Kanina ka pa ba d’yan?” tanong nito habang naninigas sa pagkakatayo roon. Basa pa sa luha ang mga mata nito, namumula ang mga pisngi nito.
“Nagdaraan kasi ako at narinig kita kaya napalapit ako.” Sinipat niya ang mukha nito. Gwapo nga. Mas pa kaysa kaninang gilid lang ng mukha nito ang nakikita niya. Naku, kapag nakita ito ni Casey, tiyak na kikiligin ito rito. Ito kasi ang tipo ng lalaki na maka-crush-an nito. Habang siya, wala pa talagang natipuhan. Maliban siguro kung mabubuhay si Gabriel.
Pero hindi totoo si Gabriel, imbento lang ng imahinasyon niya. Sobrang perpektong karakter sa kanyang nobelang hindi matapos-tapos. Kahit naihambing niya ang lalaking ito kay Gabriel, para sa isang babaeng tulad ni Esmeralda si Gabriel—therefore, ganoon din ito. Si Casey na sing ganda at sing-yaman din ni Esmeralda ang bagay sa lalaking ito.
Ibinalik niya sa lalaki ang atensyon niya. As usual, lumipad na naman sa ere ang utak niya. “Okay ka lang ba?”
“No,” maikling sagot nito, na para bang wala itong panahong gustong sayangin sa pakikipagkwentuhan sa kanya. O sa kahit sino.
Pero curious siya. At kapag si Belle ang na-curious, sing-kapal nang sa kalabaw ang mukha niya. “Bakit ka umiiyak?”
May nagdaang ngiti sa mga labi nito, sobrang bilis para mapagkamalang hindi nangyari pero sigurado siyang nakita niya iyon. “Are you usually this inquisitive with strangers?” tanong nito habang naglalabas ng panyo.
“Hindi naman. Depende sa strangers. Kung mas matanda ka pa siguro, baka ni hindi ako nagpakita sa ‘yo.”
This time, hindi na naitago ang ngiting iyon. Halatang napilitan pero ngiti pa rin iyon. Mas gwapo ito kapag ganoon. “Hindi ka natatakot?”
Napaangat ang isa niyang kilay at tuluyan na siyang lumapit para ibaba ang kanyang bag sa damuhan. “Ikaw, nakakatakot? Pagkatapos kitang makitang umiiyak? Ano sa palagay mo?”
Sumimangot ito. Saka nagpahid ng luha.
Naupo siya sa damuhan at ibinaling ang tingin sa malayo para mabigyan ito ng privacy at pagkakataong i-compose ang sarili. Iba syempre iyong walang habas na panonood sa pag-iyak nito nang hindi nito nalalaman. Nakatingin pa rin siya sa malayo nang maupo ito sa hindi kalayuan sa damuhan.
“So, sinong namatay?” tanong niya.
“How do you know someone died?” tanong nito sa medyo naiinis na tinig.
Napangiti siya. “Gan’on din kasi ang naging iyak ko noong namatay ang Mama ko noong isang taon.”
Wala na ang inis nang magsalita ito. “I’m sorry.”
Sinulyapan niya ito. “Okay lang. Hindi mo naman alam, eh. Sabi ng kaibigan ko, minsan nga raw may pagkataklesa ako.”
“She’s right,” sagot nito, may amusement sa tinig. “How did she die?”
“Hindi pa patay ang kaibigan ko,” sagot niya, nananadyang manudyo.
“I meant your mother,” sabi nito, wala na ang amusement.
Mabilis itong mapikon. Obserba lang niya. “Leukemia. Na-diagnose siya na malala na. Hindi na siya nailigtas ng mga doktor,” sagot niya, hindi maitago ang damdamin sa tinig kahit sinubukan niya. Hindi yata maaalis ang sakit hanggang sa mamatay siya. Sana, matagal pa.
“I’m so sorry,” sabi na naman nito.
“Bakit ka ba sorry nang sorry? Ikaw ba ang nagbigay ng sakit sa nanay ko?” tanong niya, napapatingin muli rito.
Umikot ang mga mata nito. “Of course not. I’m sorry kasi alam kong mahirap mawalan ng ina.”
“Bakit, nawalan ka na ba ng ina?”

What You Mean to Me - Precious Hearts Romances





“Hindi ko pa rin alam kung ano’ng ginawa ko to deserve you, pero pagod na ako sa kakaisip at kakatanong. Mahal kita… `Yon lang ang alam ko.” 



Nang gabing magpunta si Anne sa bar ng kaibigan niya para sakanyang blind date ay desidido na siya sa plano niya—she would seduce her date hanggang sa may mamagitan sa kanila. Dahil gusto niyang magkaanak, iyon lamang.

Pero sa huling pagkakataon ay sinalakay siya ng takot. Hindi pala niya kayang gawin ang ganoon. At naroon si William para i-rescue siya. It did not matter that he was the president of the company where she worked; nakahanap siya ng masasandalan sa katauhan nito. Natagpuan na lang niya ang sariling sinasabi rito ang mga pangamba niya at ang mga pangyayari sa nakaraan niya na ni hindi niya magawang ikuwento sa mga kaibigan niya. Hindi niya inakalang ang pagkakataong iyon ang magiging daan upang pukawin ang mga damdaming akala niya ay hindi na siya capable na madama. At hindi niya kayang basta na lang ignorahin ang nadarama niya para dito.

Pero natatakot siyang isugal ang puso niya kay William…




Excerpt:

Chapter One

HINDI LANG KUMAKABOG na dibdib ang baon ni Anne noong itinulak niya ang pinto papasok  sa jampacked  na Yahoos Bar and Grill nang  gabing  iyon.  Bahagya  ring nangangatal ang kanyang mga kamay at mga tuhod habang sinasalubong ang lamig ng aircon mula sa loob pero dahil may kasunod lang siyang grupo ay napilitan siyang tumabi para  makapasok ang  mga  ito.  Napatayo  siya  sa  isang  madilim  na  sulok habang  tinatanaw  ang  maluwang  na  kalooban  ng  bar,  ang mga  executives  at  mga fashionistang sosyal na umiinom ng expensive wine at nagre-relax sa malalambot na mga couches sa mga booths, at ang mga open laptops.
Hindi niya napigilang mapangiti. Tama ang  binibida nina Jesse at Thea—Jesses business  was really doing  well. Si  Jesse  ay  isa  sa  kanyang  dalawang matalik  na kaibigan sa trabaho—ang isa pa ay si Thea—na nag-venture sa bar business kasama ang dalawang pinsan at kaibigan. Pero patuloy pa rin ito sa pagpasok sa office dahil ito ang head ng financial department ng korporasyon—kung saan sila nito kasama ni Thea—na pag-aari nang mayamang angkan nito,  bukod  sa  na  isa  itong  actual stockholder. Katuwaan  nga  lang  ang  venture  na  ito  na  hindi  akalain  ng  mga  itong papatok nang ganito. The first time she was here was during the opening. Ngayong gabi ang ikalawang beses na nakarating siya rito.
And what am I doing here again?
Moot  question.  Alam  niya  kung  bakit  siya  naroroon.  Hindi  lang  siya makapaniwala  na ito  na  ang  resulta  nang  isang  ideya  lang  na  naisip  niya a few months ago.
Which brought her thoughts to her other friend, si Dorothea, na supposed to be ay makakatagpo niya rito dahil ito ang may kilala at magsasama sa kanyang makaka-blind date. 
At sa naisip, nagbuhol ang kanyang paghinga kasabay nang pagkabog ng dibdib niya.
Kaya ko ‘to… kaya ko... sabi niya sa sarili sa kanyang isip habang napapapikit. In  this  case,  the  end  justified  the  means,  hindi  ba?  Ito ang exception  to  the  rule. More than anything else in the world right now, ito ang kanyang gusto.
Kung siguradong  sigurado  kang  ito  nga  ang  gusto  mo, bakit  nangangatog  ang mga tuhod mo?
Nagbuntunghininga siya. Because she has  never done anything like this before nor did she ever imagined she could even think of doing this. Pero napag-isipan na niya  lahat  at ito  na  ang  pinakamainan  na  paraan  para  makuha  niya  ang  kanyang kailangan. 
Isang beses lang naman niyang gagawin… with a virile, definitely fertile man, preferably  tonight  if  she  could  manage  it,  katwiran  niya  sa  sarili  niya  for  the umpteenth time. Fertile siya tonight, bahagyang nangangatal niyang naisip. 
At  pagkatapos  niyang  makuha  ang  kanyang  kailangan—isang  healthy  sperm cell—it would be very  easy to say she did not want to go out with  him again. Na hindi sila nag-click—uso pa ba ang ganoong term ngayon? Walang rason para hindi nito  isipin  na  hindi  siya  safe.  Sa  panahong  ito,  hindi  normal sa  isang  babae ang sadyaing magbuntis nang walang asawa and shes not talking about the scandal that would make. 
Sa panahong ito ng modernong mga kababaihan, simpleng career ang inuuna at ang desisyong magkaanak ay hindi na nakasalalay lang kung may asawa na o wala pa. May mga dalagang nang maayos na ang career ay nag-aampon. Umuuso iyon sa mga celebrities at mayayaman. Hindi na iyon masasabing absurd. 
Itong  naiisip  niyang  gagawin  niya  ngayong  gabi  para  magkaroon  siya  ng  baby ang  absurd,  not  to  mention  bordering  on  crazy,  kung  malalaman  ng  kanyang  mga kaibigan.
Yes, yes, thats it. It should be easy. Aakto lang siyang infatuated, really taken with the guy. If he would start flirting, sasakay siya. Kasi kung siya ang magsisimula baka  abutin  sila  ng  Pasko,  nangingiwi  niyang  amin  sa  sarili.  Hindi  iyon  isa  sa  mga natutunan niya sa buong dalawamput limang taon ng kanyang buhay, unfortunately.
Tapos kapag hinatid na siya nito sa bahay, she would invite him inside. Kunwari aalukin  niya  ito  ng  kape.  It  should  be  fairly  easy  to  tell  him  that  she  wanted  sex, right? Dahil wala nang ibang tao, hindi na naman siguro siya masyadong mahihiya. Of course she would have to drink something para lumakas ang kanyang loob. And then, kapag pumayag ito, she would just have to close her eyes…
Her mind refused to continue from there, at nagbubuntunghininga, nagmulat si Anne.
Para mapapitlag sa pagkagitla.
“Jesse! Jesus!” Napahawak siya sa kanyang dibdib.
Naroroon  ito  sa  harapan  niya. Matangkad  ang  lalaki,  kinailangan  pa  niyang iangat ang tingin niya para makita ang nakangisi nitong mukha. 
“So youre really doing it?”excited nitong tanong.
Napabuntunghininga siya. Hindi na siya magtataka kung malalaman niyang nag-bet pa ang dalawa kung darating siya o hindi ngayong gabi sa “date” niya. “Yes, I’m doing it,” sagot niya. Walang alam ang dalawa tungkol sa kanyang hidden agenda at wala siyang intensyong sabihin iyon sa mga ito. They were very protective friends, parang  kuya  at  ate  niya  at  hindi  nakatulong  na  pinakabata  siya  at  pinakamaliit  sa kanilang tatlo. Okay nang sa palagay ng mga ito, she was being very brave in finally moving on from the past and going out on this date. That was making them happy for her. Hindi niya gustong mataranta ang dalawa at isiping nasaan ang mga ito nang magpakita siya ng senyales na naloloka na siya. Dahil tiyak na iyon ang unang iisipin ng mga ito kung alam ng mga ito.
Kaya hindi niya sasabihin.
“How do I look?” tanong niya sa lalaki.
Inisang tingin lang siya nito. “Very beautiful but…” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya nito. “You need a drink. Wala pa sila, thank God. They cant see you like this. Namumutla ka, Anne. Para kang makikipag-date at gunpoint.” 
And they couldn’t have that, could they? Kailangan mukha siyang  eager. Kailangang mukha siyang confident. Men like confident women, iyong mukhang alam ang gagawin lagi. She was going to seduce this guy. She has to look convincing.
She needed that drink.
Mabuti na lang at narito si Jesse. 
Sa kabila nang dami ng tao, maluwang ang lugar. Naaamoy niya ang bango ng grilled meat at spices kalahok ng mga pabango. Ngayong nasa gitna sila ng mga tao, mas malakas ang amoy ng pabango kaysa alak.
Nakarating sila sa wakas sa booth na sinasabi nito at pinapasok siya nito sa isa sa  mga  couches  na  naka-fixed  sa  pwesto  palibot  sa  square-shaped  table  na  halos sing-baba lamang ng mga tuhod niya. 
Nang maupo siya, saka lang niya napansin na merong isang kopita ng alak sa kabila niya—at isang lalaking kaswal na nakaupo roon, naka-stretch ang mahabang biyas pababa sa sahig, nakatingin sa kanya.
Muntik na namang mapatayo si Anne. “Sir!”
Napalitan ng amusement ang boredom sa gwapo nitong mukha. Madalas makita ni Anne si William Angelo Calvalho. Una ay dahil pinsang buo ito ni Jesse at madalas itong  sumaglit  sa  office  nila dahil  sa  kung  anu-anong  dahilan. Both  in  their  early thirties, malapit ang dalawa sa isat isa. 
Pangalawa  ay  dahil  ito  ang  big  boss ng  kompanya—as in  the  President  of Calvalho  Enterprises.  May  dalawang  taon  na  rin  itong  nalagak  sa  pwestong  iyon prematurely nang biglang namatay ang ama sa heart attack. The family liked the way hed done things and he stayed. Mas gusto ng mga elder uncles ang golf at mas leisurely  na  pamamahala  sa  iba  pang  mga  negosyong  under  ng  kompanya  at hinayaan na ng mga ito ang big position sa young Calvalho na talaga namang bata pa ay hinahanda na ng ama nito sa posisyon ng pamamahala. 
Pero iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ito sa labas ng office. Parang bahagyang  nasurpresang  napagmasdan  siya  nito,  siguro  dahil  for  once,  nakasuot siya ng seksing damit. 
She was wearing a sleeveless pink dress, maigsi nang konti sa tuhod niya ang haba at hindi man fit na fit ay malambot ang tela kaya sumusunod din iyon sa hubog nang  kanyang  katawan. She  doubted  she  could  wear this  dress when  it  was displayed  on the  mannequin.  She never  had  the guts  to wear  anything  that look that… hot, ang word na ginamit ni Thea, namumula niyang naisip. Pero kinumbinsi siya ni Thea na isukat iyon and one look at herself in the mirror convinced her that she could, maybe, pull her secret plan through kung suot niya ang damit na ito.
Iyon  lang  ang  inasahan  niya.  Hindi  niya  inasahang  dahil  sa  damit  ay  titingnan siya ni Sir William na parang noon lang siya nito nakita.
Tumango siya sa kung anumang sinasabi sa kanya ni Jesse at nawala ito. Kung alam niyang iiwan siya nito kasama ang pinsan nito, sana umiling siya. Nakakaasiwa kaya ang pinsan nito.
Gwapo ang kaibigan niyang si Jesse in a way na kapag sinabing Calvalho Men, ibig sabihin gorgeous men. But  there was  always something about Sir William that when  he entered a  room,  everything and  everyone else  just seemed  to deem  in comparison  or  were  relegated into  a  corner,  unnoticeable because  you’d only be focused on him. 
Alam niyang isa iyon sa dahilan kung bakit effective itong leader nang kompanya bukod  sa obvious  requirements  na mayaman ito  at  matalino—finished  Business Administration  from  Harvard  University  Business  School  a  year before he  should have. But as if those werent enough, he was also sinfully sexy, blatantly handsome and had the hottest bedroom voice shed ever heard.
At  ang  magnetism na  iyon ang dahilan  kung  bakit  kapag nasa  loob  ito  nang isang room, ramdam na ramdam ng mga babae na ang mga ito ang lesser gender. 
Yep, the one who ironed the clothes and cooked the dinner and wore the nightie to bed for the hubby. She would bet that even the most accomplished woman she knew  would  feel  ready  to  commit  to  married  life  if  this  man  was  going  to  be  the other half of the committee.
Pero siya lang si Anne Reynoso, isang common accountant and employee. Hindi siya sanay sa mga lalaking gaya ni  Sir William, o na tingnan siya nito for the first time bilang ang flower na biglang nagkaroon ng kulay sa wallpaper. Dahil definitely, nakatitig ito ng mga sandaling iyon at nagsisimula nang pawisan ang kanyang noo.
“So… you and Jesse are going out.”
Parang binuhusan si Anne ng tubig. So that was it? Iyon ang dahilan kung bakit ganoon ang titig nito sa kanya? Muntik na siyang matawa sa relief.
Pero  napangiti  siya,  hindi  man  outright  na  natawa. Kasi  natutuwa  siya  sa pagkakamali nito. Sila ni Jesse? He he. Baka sina Jesse at Thea. Hindi pa nga lang alam ng mga ito iyon at one of these days, sana magkabistuhan na. “Hindi. I have a date pero hindi si Jesse.” 
Pero nanatili itong nakatitig sa kanya na parang naghihintay itong magbigay siya ng presentasyon or something. “So whos this date? Mukhang late.”
“That  rhymed,”  sambit  niya  sa  halip  sumagot  sa  tanong.  Bakit  ba  ito masyadong  interesado  sa  kanyang social life?  Hindi  niya  gustong  magkwento tungkol sa kanyang personal na buhay, lalo na tungkol sa kanyang date. Lalo’t ni hindi pa nga niya ito nakikilala.
Ngumiti ito na parang alam nito ang iniisip niya, dahilan kung bakit namula siya. “You shouldn’t wait on a man, Anne. It isn’t right. Lalo na kung first date,” marahan nitong sabi sa kanya.
Napatitig  siya  rito kasi,  he  actually  sounded  like  he  really  cared. Dahil  doon, hindi siya nainis sa patronizing tone nito. Also, she never realized he knew her first name. Laging Miss Reynoso ang tawag nito sa kanya sa trabaho.  “P-Pa’no mong nalamang first date?”
Ngumiti ito. “You have that look.”
She suddenly wanted to look at the mirror. “W-What look?” tanong niya, natataranta. First  date  look  o  iyong  look  nang  isang  taong  may  tatlong  taon  nang hindi nakikipag-date? Gosh, mahahalata kaya iyon nang makaka-date niya?
Bago  ito  makasagot,  may  nagbaba  ng  wine flute sa  kanyang  harapan.  Gulat siyang nag-angat ng tingin kay Jesse.
“Chardonnay,” anito. 
At nahulaan niyang iyon ang tinanguan niya kanina, kung anong wine ang gusto niya. Gusto niyang tanungin kung matapang ba ang wine dahil madali siyang maliyo sa alcohol pero nag-hesitate siya. Baka kung ano na namang mahalatang “look” sa kanya  nang  intrimidido  nitong  pinsan  kung  magtatanong  siya  nang  isang  dorky question gaya nang “Fourteen ba o forty percent ang alcohol content ng wine ko?”
Bumagsak naman si Jesse ng upo sa kanyang tabi. “Bakit kaya wala pa si Thea? She’s usually the first one inside that door on a Friday night.” Tumingin ito sa direksyon ng pinto pagkatapos ay may kinawayan doon. Napalingos siya, pero hindi alam  ang  mararamdaman  nang  makitang  hindi  si  Thea  ang  kinakawayan  nito  kundi ibang kakilala.
Dios  ko,  mamamatay  yata  ako  sa  suspense. Bakit  kasi  hindi  na  lang  siya umampon,  naiimbyerna  na  niyang  tanong  sa  sarili  kahit  naisip  na  niya  kung  bakit noon pa. 
Gusto niya ng baby na mula sa kanya. Gusto niyang maranasang ipagbuntis ito sa loob ng siyam na buwan, mag-labor para mailabas ito sa mundo at marinig ang unang iyak nito paglabas nito sa kanya—she wanted the whole works. 
Gusto niyang makita sa mukha niya iyong ngiti sa mukha ng Mama Benita niya noong isilang siya nito sa mga pictures na pinakita nito sa kanya noong nanganganak ito sa kanya. Iyon ang mga gusto niyang marasanan at hindi mangyayari iyon kung aampon siya nang ibang bata.
Mabuti  na  lang  at  naging  abala  ang  magpinsan  sa  pagkukwentuhan  tungkol  sa isa  pang  pinsan  na nag-mountain  climbing  sa  kung saang  bundok  sa  ibang  bansa. Pasimple siyang nagpilit mag-relax bago siya maingat na sumimsim sa kanyang wine glass.
Not  bad,  naisip  niya.  Sa  kaba,  hindi  siya  masyadong  nakakain  ng  dinner  sa apartment  niya  kanina.  The  wine  could  help  steady  her  nerves,  help  her  relax. Sumandal siya sa couch at ipinikit niya sandali ang kanyang mga mata.
Naisip niya si Thea, kung paanong sigurado siyang hindi ito magre-recommend ng  date  na  hindi  nito  kilalang  kilala. At  kung  sakali,  naroroon  si  Jesse  at  sigurado siyang kikilatisin din nito kung mabuting tao ang date niya. 
May konting alam ang mga ito sa nakaraan niya. Na gaya ng mga ito, at about the same time ay na-heartbroken siya. Na iyon ang dahilan kung bakit umalis siya sa dating  pinagtatrabahuhan  at  lumipat  sa  Calvalhos noong nagkaroon ng opening doon. Birds of the same feather flock together, ika nga. Nakita agad ng dalawa ang signs. Iyon  ang  unang  dahilan kung  bakit  sila  naging  magkakaibigan agad.  Ang  iba pang mga dahilan ay simpleng dahil magkasundo ang mga ugali nila.
Still,  they  did  not  know.  They  did  not  know  about  her  secret.  Kung  bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagde-date, hindi nag-iisip mag-boyfriend.
Kung bakit mas gusto niyang magkaanak nang walang asawa.
Namalayan niya habang nag-iisip nang malalim at nakapikit na hindi niya naririnig ang tinig ni Jesse kaya napamulat siya.
Nang  makita niyang  nakangiting pinanonood  siya  ni  Sir  William,  lumipad  ang karampot na relaxed feeling na na-achieve niya sa sandaling pagpikit. 
Natatawa ito. “Pasensya ka na, busy ang pinsan ko at palayas-layas siya. I did not mean to watch you. I have to remind you, though. Hindi magandang lugar ang bar to take a nap.”
“Hindi ako natutulog,” maktol niya sa mahinang tinig. 
“Good. Talk to me?”
Tumingin  siya  rito  at  kahit  yata nakasalalay  roon  ang  kanyang  buhay,  honest-to-God, wala siyang maisip na sasabihin dito. As in biglang nablangko ang kanyang utak.
“Mag-isa ka lang pumunta rito?” encouraged ng bedroom voice.
“O-Oo.”
“Taxi?”
Tumango na naman siya. “Halata rin bang hindi ako marunong mag-drive?”
Halatang nagulat ito. Tapos tumawa ito nang malakas.
Great. Pinagtatawanan siya nito. Just great. Pero nakakatuwa ang  hitsura nito habang tumatawa at napangiti na rin siya sa halip na mainsulto pa. 
Nagbalik  sa  mesa  si  Jesse at nagbaba  ng  pagkain  sa  harapan  niya. “Chicken Mushroom  Stroganoff,  my  recipe.” Ngumisi  ito  sa  kanya. “Look, eat  at tatawagan ko  si  Thea  sa  labas,  masyadong  maingay  dito.  She  really  should  be  here  by  now. Sandali lang ako.” 
At naiwan na naman siya sa pinsan nito. 
“Eat. Its really good.” Walang duda na utos iyon kahit nasambit ang mga salita sa pinaka-gentle na tinig.
At  nahulaan  niya  bigla  kung  bakit  ang  bait  nito  sa  kanya.  Kung  bakit  ito gumagawa ng conversation. Kung bakit siya nito inaabala kahit pwede naman itong umalis at wilihin ang sarili sa ibang taong hindi boring na gaya niya.
Halatang  halata  nitong  ninenerbyos  siya  gaya  nang  pagkakahalata  sa  kanya  ni Jesse. 
“Eat,” anitong muli,  this  time  sa  tonong  parang  susubuan  na  siya  nito  kapag hindi pa siya sumunod.
Tumingin  siya  sa  kanyang  plato,  sa  mukhang  masarap  na  pasta  dish  na naroroon, at hindi na siya sigurado kung makakaya pa niyang gawin ang balak niya. She couldn’t even convince the first two men she’d met tonight that she could go through this date. 
“Okay,” sambit niya sa mahinang tinig. 
Saka niya kinuha ang fork sa plato para magsimulang kumain.



Available in National Bookstores and Precious Pages Stores nationwide.

Monday, January 9, 2012

Six Kids and Twins


I have twins. I'm a mother of six already when I got my twins. The sixth is in the second grade and the first in college and suddenly, I'm pregnant with twins. Well, I know that I have a pair of twin aunts and about a pair of twin cousins, too. But I already have six adorable, noisy, boisterous, pasaway kids. Twins. Beautiful, elegant, both-cheek-dimpled, bubbly beautiful, beautiful twins. Who can resist them?

I will kill anyone who would!

Sofia Eleina and Sofia Ysabela are four month olds now and adored by everyone in the household. They  laugh and snicker, they can almost crawl, they still prefer being breastfed than bottle-fed. They watch TV, they coo and shout. Most of all, those adorable, charming, vivid smiles gets better and better. I still can't believe I have them. I wake up in the morning and the first thing I'll smell is their smell, and I'll smile. The first thing I'll reach out for is the one who's nearest. And I'll suddenly feel guilty for paying attention to one so I'll reach for the other. God help me. I get guilty a hundred times during a day since I've had them.

Sometimes I would go research about twins in the web just to see if I'm shaping up. It's a challenge, double-up and yes, I feel the pressure everyday. For after everything that I do, for every deed that I've committed, I know that one day I will be remembered for being what kind of a mother I've been. Everything else that I did felt selfish everytime I remember I'm a mother because this is the one role I feel very helpless of doing. whatever you read in mags and online about parenting doesn't really help on hand. You go with your instinct. and when you love so much, that instinct will give you everything you need. I love all my kids very much. And I'm scared because along the way, mistakes will be part of our lives. One parent already buckled under the pressure. It's all up to me now.

There are tons to say. It's always not enough.

A mother should do everything she could. 

And I will. 

Thursday, December 29, 2011

FAITH WOULD SUFFICE



wallpaper4god.com

There was a man who seemed to be in more than a bit of a fix for a long time now. He's got a mean supervisor at work, but it was the work he really wanted so he stayed. His wife got sick with diabetes at such a young age and the medical bills started to pile up. His children were doing good in school, but he has to find a school that's not so expensive because later in the year, he just couldn't keep up with the bills. He's got a good family, and he's got good friends, and being humble he never acknowledged that this was because he's a good man. He just knew these to be blessings so he was thankful in his prayers. Life should be happier in all sense. But he still has no money, and things are getting worse.
1.bp.blogspot.com



One day, there was a tropical storm and rains hit roofs really hard for a day and two. Suddenly, flood was ravaging the city and water came very fast. The man and his family run up the second floor of their house, but water reached that, too. And then they climbed up the roof.

And while his wife and kids were being drenched by rain that hit hard on the face, while they all hugged each other because of the cold, while they cried... so scared because there is no sign of rescue, the man couldn't help but cry out.

japanprobe.com
"Lord, I have been honest to you! I have followed your advice. I love my neighbor as I love myself. I love you more than anything or anyone else! I've always been honest and thankful in my prayers! But now, my family is in the worst danger I've ever seen anyone face! What have I done wrong? Save us! Make this go away!" Seeing his wife's pale face, his kids shivering, he threw his shame to the wind and added, "And make me a millionaire! I will buy a new house in a high place and buy the business so I can get rid of my nasty boss! Amen!"



flickr.com
They huddled in the roof for more than an hour more, shivering, waiting. Suddenly, the rain stopped. Flood went down little by little until they deemed it safe to go down the second floor of the house. Water slowly went down still, and the next day showed the terrible catastrophe the flood has left in its wake. 


A lot of people were killed, a lot of houses destroyed. As he and his family cleaned their house of soaked furniture and dirt and useless things, the man, ever thankful and sober, went down to his knees on the muddy floor and prayed to thank the Lord that his family was still complete.

turnbacktogod.com


The next day, he won the lottery.




And before the month was over, he's bought a new house in high ground where the ground was solid and water wouldn't flow in its natural route to find the sea. And he bought the business where he worked but he did not get rid of his former nasty supervisor because he has family, and because anyway, as the new boss, he can control him with an eagle eye and punish him if he deemed it fit. Of course, being a sensible man this was something he does not do without cause. So the mean supervisor couldn't make anyone under him suffer again. He brought his wife to doctors so she could be better treated, and he transferred his children to a better school. 
rccexperiments.blogspot.com


And then he prayed on the carpeted floor of his new bedroom, a little overwhelmed still because he's not been that rich. He prayed and he thanked the Lord for the new blessing, a little bewildered. What has made his Lord changed his fate?


And then he realized, with the epiphany of someone who'd suddenly waked, that in all of his prayers and all of his hymns, of all the things that he'd asked the Lord in his entire life, until that day that he'd prayed in the roof of his old house he had never thrown all his worries to the wind, and  BELIEVED his faith would suffice.
the-prayer.info