Sunday, December 25, 2011

Black Bureau Elites 12 - For Love and for Glory


Agents Specs and Violet

Noelle Arroyo



SA isang simpleng exhibit ng private collections na mga artifacts nang isang napakayamang pilantropo, isang krimen ang nagaganap. Ninanakaw ng isang sophisticated group of thieves ang isang five hundred year old mummy… at naipit sa gitna niyon sina Agent Specs at Violet.

Sa kolehiyo pa man ay magkaibigang matalik na sina Alejandra Salcedo at Billie Kuran at sobrang ideal ng pagkakaibigang iyon, hindi tuloy nila magawang maamin ang lihim nilang mga damdamin sa isa’t isa. Pero nang napasama sila’t nakidnap ng mga nagnakaw sa mummy, at isang historian/archeologist na dating propesor ni Billie sa kolehiyo, ay pagkakataon na ang nagtulak sa kanilang “mabisto”.

Kasabay nang pag-usbong ng kanilang mga damdamin ay ang tawag ng misyon nila sa bayan—ang iligtas ang mummy at ang Puso ni Solomon na ang pinagtataguan ay itinuturo ng body tattoos nito. Dahil ang mummy ay isa sa mga maharlikang ninuno ng bansa at simbolo nang kagitingan at karangyaan ng nakaraan ng mga Pilipino bago dumating ang mga mananakop—at ang Puso ni Solomon ay ang simbolo nang katotohanan tungkol sa isang nakaraan na magbabalik sa identity ng mga anak ng bansa.

Isa iyong misyon na mas mahalaga pa sa kanilang pag-ibig—mas mahalaga pa sa kanilang mga buhay.

At hindi nila kapwa alam kung may posibilidad ba na mailigtas nila ang mummy, ang Puso ni Solomon, at maging ang kanilang pag-ibig.

“Multo ko iyong magising ka isang umaga at matagpuan ang sarili mong in love sa kung sinong Pontio Pilato. And I know I’ll wring his neck before I hang myself.”



Chapter ONE

“ANO? Nagbibiro ka ba?”
Iyon ang gulat na naitanong pa ni Allie kay Billie bago siya nito ibinalibag sa mats ng dojo.
Sandaling umikot ang paligid at nang mag-focus sa mukha nito ang mga mata niya, napabuntunghininga na lang siya. Sanay na siyang itinatapon nito kung saan-saan sa mats—that’s why she had been to every spot and every corner of those mats, naisip niya nang may magkahalong sarcasm at pagsuko. Dinaganan siya nito para sa grappling at para iyong pakikipag-grapple sa isang maliit na bear nang isang kuting—iyon bang alam niyang wala na siyang pag-asa? Kahit malaki na rin ang in-improve niya nitong nagdaang mga taon sa combat sessions na mandatory kahit sa mga in-house elites, hindi naman nito natanggap ang nickname nitong Little Elf dito sa gym ng Black Bureau for nothing.
Elf ang tawag nila sa kanilang combat instructor na anim na beses nag-champion sa Martial Arts sa buong Southeast Asia, si Harold Monzon. Bakulaw kasi sana ito sa taas na six’ two” kung hindi malapad ang katawan dahil sa bukul-bukol na mga muscles kaya nagmumukha itong pandak—hence the misnomer Elf. At naging Little Elf si Billie Kuran dahil sineryoso nito ang pag-aaral ng Combat Martial Arts at nabihasa ito hanggang sa puntong ang mga ekstrang oras nito sa gym ay napupunta sa pag-a-assist nito sa instructor sa pag-train sa mga junior elites at bagong recruits. Kaya rin kayang kaya na nitong harapin kahit sino sa kanilang field elites—at pulbusin ang mga kulelat na gaya niya.
Hindi talaga maliit si Billie. Pantay lang sila halos at sa taas na five’ eight” ay average lang ang taas nito sa pangkaraniwang Pilipinong male habang siya, sa taas na five’ seven” ay matatawag nang matangkad sa pangkaraniwang Pilipinang babae. Iyon nga lang, pangkaraniwan ding matatangkad ang kanilang male elites kaya sa tabi ng mga ito, parang mas mababa pa ito kaysa totoo.
Pero hindi naman ito pahuhuli sa iba pa nitong physical assets. Matangos na ilong, deep-set na mga mata at mga labing seksi kung makangiti, hindi nga lang nito alam na alam niya iyon o ni iniisip niya iyon—ang mga assets na bumawi sa kakulangan nito sa height. Dark ang kulay ng balat nito at malinis ang kutis pero bahagyang mabalbon. Ang pinakagusto niya sa lahat ay ang mga mata nito. Mababait ang mga iyon, may makapal at malantik na pilikmata na parang sa babae. May mga Arabyano daw kasing nahalo sa mga ninuno nito at sa mga ito rin nito nakuha ang bahagyang maitim nitong balat. Isa sa mga iyon, noong panahon ng mga Kastila na pinapalitan ng Christianized names ang mga pangalan nang dinatnang mga tao sa mga isla, ang nagpilit sa apelyidong Kuran dahil Muslim ang mga ito. Nakaligtas ang ninunong iyon dahil hindi pa outright na nakikipag-away sa mga sibilisadong lahing dinatnan ang mga bagong dating, pero kinailangang magtago sa mga kamag-anak sa Mindanao at Indonesia ang sumunod na mga henerasyon ng Kuran para makaligtas sa opresyon at panlulupig sa mga rebelde ng mga Kastila.
Sa kabila ng gothic t-shirts at jeans na pangkaraniwan na nitong get up araw-araw at iyong five o’clock shadow na persistent sa pagtubo sa kabila nang regular na pagse-shave nito ng panga, he managed to always look clean and fresh—yes, parang sa mga deodorant commercials. And those wavy, dark hair more than made up for the thick lenses of his spectacles that he only looses when he’s combating with somebody on the mats. Nakasuot ito ng contact lenses kapag narito. Minsan hindi siya sanay na nakatutok sa kanya ang maririkit na mga matang iyon nang walang harang kahit man lang ba salamin. Matindi itong makatitig sa isang tao kapag nalilito ito rito—gaya niya rito sa mga sandaling iyon—at ang epekto ng titig na iyon ay makamandag, batid man nito iyon o hindi. Bahagya na niyang nalabanan ang kiliting naramdaman ng kanyang traydor na katawan.
Kiliting nakapagpapaalala sa kanya tungkol sa matagal na niyang na-overcome na atraksyon rito sa university noon… at nagdadala rin ng kutob na mali siya ng akalang nalampasan na niya iyon. Good thing that he didn’t have a clue about it—at all—dahil hindi niya alam kung paano niya iha-handle iyon kung sakali.
“Why’d you think I was joking?” sa wakas ay tanong nito.
“You’re asking me out… on a date,” paalala niya rito habang nagpipilit pumalag.
Lalong kumunot ang noo nito habang nanatiling mahigpit ang hawak. “Yes. Hindi ka nakikipag-date right now?” At nakikita niyang gumana ang utak nito na parang machine, hinahanap sa memorya kung sino ang huli niyang naka-date. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. “Anong ginawa ni Mike?” Hindi nito gusto si Mike, alam niya. Nayayabangan ito rito. Hindi man nito sinabi pero halatang na-relieved ito noong sinabi niyang busted na sa kanya ang dating manliligaw.
Isa itong over-protective friend. Piling pili niya ang mga lalaking pwedeng umastang protective sa kanya dahil uber-dependent din siyang babae. So far, nag-iisa pa lang ito at inaabuso naman nito iyon nang walang kahihiyan. “Wala…!” sagot niya habang pinandidilatan ito, na peligro sa kanyang lumuluwa nang eyeballs dahil nasa leeg niya ang isang muscle-an nitong braso. “Wala pa…. hindi pa… naman niya… ako dinadala sa… isang… museum!”
Umangat ang isang makapal na kilay sa isang ekspresyong insolente at cute. Cute na cute. “So? Para museum lang—”
“Ng… artifacts!” Nag-tap siya. Nilubayan siya nito. Naghabol siya ng oxygen, fast.
“Anong masama sa artifacts?” tanong nito na parang takang taka nga.
Mas madali na ngayong mandilat. “Mukha ba akong artifact kind of date?!”
Sa labas ng mats, narinig ang naimpit na tawanan ng mga nanonood. Pero mukhang ni hindi man lang natawa ni nabagbag si Billie. “I’ve noone to bring.”
Oh. Of course. So logical of him. “At ano naman ngayon sa ‘kin?” sarcastic niyang tanong.
“You’re a friend?” hopeful nitong sabi. Para pang emphasis, noon siya nito inalalayang makatayo.
Bilang ganti, bumalik siya sa attack stance sabay nang pagsama rito ng tingin. At kahit nagtatawanan na naman sa labas ay hindi siya umagwat. Kasi, totoong masama ang kanyang loob.
Unfair… so unfair. Pero soo true. Dahil sa nagdaang walong taon nila rito sa BB right after graduation from college, naisama na siya nito nang ilang beses bilang “date” sa mga okasyong wala itong ibang madala pero inaasahan ng well-meaning na mga kaanak na may madadala ito. Ang galing galing niya sa mga okasyong iyon dahil “friend” siya nito.
Gaya nga nang sabi niya, abusado.
Pero syempre, hindi na naman iyon ang lumabas sa kanyang bibig.
“Specs, we’re talking about like ancient—dead—people.”
“Mummies are actually fascinating, like thick books that’s just waiting to be read.” Muling narinig ang impit na tawanan sa labas ng mats at natatawa nitong tiningnan ang mga kaibigan nila doon. “They are,” giit nito.
“Ayoko pa rin,” singhal niya kay Billie nang tumingin itong muli sa kanya.
Muli, iyong insolenteng tingin. “They’re not going to strike you ‘coz they’re dead. Not like your vampire.” Umiling pa ito na para siyang lost cause. Tinutudyo na naman siya nito sa pagkahibang niya sa supernatural fiction.
Umingos siya. “At least, pwede silang pagnasaan. While your mummies…” OA siyang nangatal. Nagtawanan na naman ang kanilang audience.
Bumulong ito. “Kung gusto mong makita si Edward Cullen, I can make you a wax figure.” Bahagya siyang kinilig sa bulong na iyon. Delicious. Pero nag-revert din agad ito sa normal na kaswal at lohikal na pagsasalita. “Pero kung tunay na katulad niya ang hinahanap mo, tatanda kang walang asawa. Plus, maybe he likes grays. Didn’t you ever notice that Bella always dress in grays? No violet in there whatsoever,” sabi nito habang sinusulyapan ang ilang highlights ng violet na naroroon sa kanyang dark brown na buhok.
“You are helpless!” inis niyang sambit.
Nagbuntunghininga ito habang bumabagsak ang mga balikat. “Alejandra, please…? I can’t just bring anyone tonight. Ikaw ang gusto kong isama. Please…?”
“Uh-oh,” halos sabay-sabay na sambit ng mga nasa labas ng mats. Kapag ganoon na ang hitsura ni Specs, wala nang makahindi rito—lalong lalo na ang bestfriend nitong si Violet.
Siya naman ang tumingin sa mga ito, exasperated. “Tigil!”
“Noong tinawagan ako ni Prof. Tamayo, nag-insist siya na isama kita. I mean, bukambibig kasi kita dahil nga kaibigan kita at iba ang inisip niya.” Bahagya itong naasiwa. “Kaysa kulitin niya ako tungkol sa lovelife ko, I let him think what he wanted to think.  I mean, he did not have to know you’re not really a date. Gusto talaga kitang isama. Eh ‘di kunwari na lang, date kita.”
Bago siya makasagot, tumikhim si Elf sa labas ng mats. “May plano kayong tapusin ito bago mag-Christmas?”
Nagtawanan na naman. Umikot ang kanyang mga mata. Tuloy, hindi niya napansin noong biglang kumilos si Billie, para tapusin ang session nila bago mag-Christmas, pwera noong nakatihaya na ulit siya sa mats at biktima ng kata-gatame, isang effective grappling technique kung saan mananatili siyang nadadaganan anuman ang kanyang gawin maliban na lang kung meron siyang superhuman strength.
Nag-tap na lang ulit siya nang tatlong beses sa mats kaysa mahirapan pa. He was so close… very, very close and her head was starting to get woozy. Kaya mahirap.
Ang hirap talaga.
Disappointed itong umiling. “My, Violet… you are getting lazy.”
Binelatan niya ito.
“Payag ka na?” natatawa nitong tanong.
“Nooo…” sagot niya habang umiiling.
Pero kilala na siya nito at alam nitong payag na siya. Tumatawang hinalikan siya nito sa kanyang pawisang noo saka siya binitiwan para maalalayang tumayo.

NAKANGITI SI Billie habang nakayuko sa ilalim ng buhos ng shower sa isang stall sa locker room ng mga male elites, hinahayaang magbigay ng kalma sa kanya ang mahinang ugong ng ingay nang ibang male elites na nasa locker room ng mga sandali ring iyon at nagkukwentuhan habang naghahanda sa pag-uwi.
Pumayag si Allie—mabuti na lang. Once she’d met the mummified remains of Rajah Bata, it would be worth it, he just knew it—maliban kung magbabago ng isip si Mr. Baltazar II sa pagpayag nitong makita niya at nang kanyang kasama iyon. Hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin siya sa tawag ni Prof. Tamayo, na hindi lang imbitado siya nang mismong meari ng private museum at mga laman niyon kundi iniimbita rin siya nito—siya—na makita ang mummy. Hindi fond sa mga mummies ang kanyang kaibigan, he gets it, pero merong exception sa lahat ng bagay at ang mummy na ito ang cool sa lahat ng cool. At kung meron mang nakakaunawa sa kung anumang cool, si Allie iyon.
Ang existence ng mummy ay isang lihim na kontrobersya na lumilindol ngayon sa napakaliit na archeological community ng bansa. Isang enthusiast ng History si Billie at kung hindi siya nasabak agad sa mundo ng Black Bureau, baka na-pursue niya iyon pagka-graduate niya. Sa income niya sa BB, he could have gone back to the university for a post-grad degree and could have still managed to support his widowed mother and little sister.
Pero oras ang kanyang kalaban. On call sila sa BB 24/7. Knowing what being a BB agent entailed, how important it was in making the future a safer place for his family and his fellow citizens that were mostly struggling innocents, he prioritized this job more than anything else. Hindi insensitive sa kanyang sitwasyon ang Chief. Binibigyan siya nito nang leave kapag invited siya sa mga archeological projects ng mga kaibigan niya sa field, including former professors of his sa university gaya ni Prof. Tamayo. At kapag walang mabigat na kailangang gawin ang Psych Department o kaya ay may panahon si Agent Professor mag-stand in para sa kanya ay nakakasama siya maging sa mga ordinaryong digs o lectures. Of course, kapag importante ang misyon ay pinipili pa rin niyang manatili sa BB. Iyon pa rin ang kanyang priority.
Si Agent Professor ay isa sa mga original elites at nag-recruit sa kanila sa Black Bureau. Iyong mga mind games na madalas nilang gawin for fun noong estudyante pa lang sila nito—sila nina Alejandra, Agent Violet na ngayon; at Cheska, Agent Whisper na ngayon—ay paghahanda na pala nito sa kanila sa nakatakda nilang maging papel sa Black Bureau. He was coded Specs dahil sa kanyang obsesyon sa mga libro o sa kahit anong mapag-aaralan—at dahil na rin daw matindi siyang makatitig sa likod ng ‘spectacles’ sa kanyang mga mata kapag “pinag-aaralan” niya ang isang tao, ayon kay Allie.
He could have told her that it wasn’t always about studying someone. Like her, for instance. Minsan nawiwili lang siya talagang tumitig sa maganda at napaka-expressive nitong mukha. But he could not tell her that—he couldn’t even think of doing that.
Consultant na lang ngayon si Agent Professor dahil nakapag-asawa na ito at meron ng mga anak. She still teach at the university and still managed to write books about Psychology, but being a part of Black Bureau was still the closest job to her heart.
Si Prof. Epifanio Tamayo naman nga ay dati rin niyang propesor noon sa kolehiyo. Natuwa ito sa kanyang interes sa field of study nito—isa itong historian/archeologist—and he was more than happy to bring him along to archeological sites in the country and in Asia. Dahil doon ay naging malapit sila sa isa’t isa at nagtuturingang parang mag-tiyuhin. Isa na rin sigurong dahilan na malayo rito ang mga anak na lumaki sa nakahiwalayang asawa at siya naman ay ulila sa ama at natagpuan nila sa isa’t isa ang pangungulila sa mga ito.
Mamayang gabi ay private viewing ng koleksyon ng mga Asian artifacts ng bilyonaryo at most reclusive na pilantropong si Julian Baltazar II—ang ikatlong beses pa lang nitong pagpapakita ng priceless collections nito dito sa bansa. Imbitado nito ang mga mayayamang may interes tumulong sa mga local archeologists at proyekto ng mga ito, for which he himself was an active supporter. Naimbitahan siya dahil sa rekomendasyon ni Prof. Tamayo.
At ang matanda ang naggiit na magdala siya ng date. Ang alam nito, nagtatrabaho siya sa massive corporation ng mga Ventura at dahil sa mga pagkakataong inuuna niya ang trabaho kaysa pagsama rito kahit nagkataong weekend ang schedule ng dig ay nag-aalala ito sa kanya.
Pinakahuli raw nitong gustong mangyari sa kanya ay ang matulad siya rito—isang workaholic na initsapwera ang buhay hanggang sa mahuli na ang lahat. Naging masyado itong tutok sa trabaho at pag-aaral, napabayaan nito ang ‘pag-aaral’ kung paano maging mabuting asawa at ama kaya nang iwan ito ng asawa at isama ang mga anak para sumama sa lalaking mas makapagbibigay ng panahon at pagmamahal sa mga ito ay wala itong nagawa. “They were better off with him, not with me who often misses birthdays and anniversaries…”
The old man seemed especially worried about him lately, that’s why he obliged on bringing a date. Pero importante sa kanya ang matanda kaya hindi niya gustong magdala nang kung sino lang babae para ipakilala rito. 
So he’s bringing Alejandra.
And it all sounded simple, but it wasn’t. Really. It was getting harder, being so close to her, and…
He’s had short affairs with women who were like him, masyadong busy sa karera. Sex was sometimes part of it, but without the complication, without the cumbersome ties, simply because there was no time for it. May mga gabing sumusumpong ang pagnanasang merong makaulayaw dahil kahit pa gaano ka-fulfilling ang trabaho, hindi niyon maibibigay ang klase ng fulfillment at kaligayahan na maibibigay nang isang taong nagmamahal, isang taong naghihintay sa bahay at kinasasabikang makasama sa buong magdamag. Unfortunately, ang ganoong klase ng tao ay hindi madaling matagpuan. Kaya iyon, paminsan-minsan ay nakakatagpo siya ng gaya niya, at pareho silang enthusiastic sa role-playing hanggang sa matapos ang lahat at dalhin ng umaga ang katotohanang alam nilang darating dahil maraming beses iyong nangyayari.
Madalas siyang nakakatakas sa ganoong palusot.
Pero kapag nakakikita siya ng mga taong in love, naaalala niya ang isa pang dahilan—ang totoong dahilan.

(This is the 12th book of The Black Bureau Elites, a sequel series to The Eagle and the Dove Series of Noelle Arroyo from Precious Hearts Romances. You can buy the books at National Bookstores, Precious Pages Bookstores and online bookstores that sell Filipino paperbacks.)

Friday, December 23, 2011

How Do You Know You've Grown Up?

I started this blog for me to learn, to practice diligence, to keep at it, to think of ideas to write... and write, write, write. These days I have to focus hard because any tiny little thing can distract me. Pfft. 

Anyway, this idea came to me... when? As usual, I can't remember. Too many things to think about. One more thing to transfer to paper. So I have this opinion about what I think are milestones in lives of people that will say that, "Yay, I have finally, FINALLY, grown up.


1. When you don't complain about anything and everything that's under the sun because you know it's already there (you just can't do anything to change the situation and you knew that because you've tried) and you just have to do the best that you can to make it work;

2. When you know when to let go because there's nothing else that you can do (supposing you've done everything you can possibly do, again, and you've done even the impossible, and still no-can-do);

3. When you chose to eat veggies without a gripe (or maybe some because you are used to griping about green food) because you know it will prolong your life even when you hate it growing up (Ha-ha. Is that right? Of course, this is as opposed to people who eat veggies because it makes them look younger. But that's alright, too.) Actually, this only pertains to making decisions even for the most mundane things like food and sticking to it because you've always known it's the fair thing to do, you were just too immature to do it before;

4. When you finally realize that life is always calling on you to learn, learn, learn and that learning is everything to life. You will finally stop asking why, why, why...;

5. When you finally realize there's no real right or wrong thing to anything because right and wrong is always subjective, but truth is always constant and that's the only reliable way to base your decisions upon. Even when truth turned out to be bad. It's still the starting point. It's still the only way for you to set yourself free.


6. When you've become not a burden to anyone but someone to depend on, a leader, even if only a quiet one following on. 



I also tried to ask other people and tried to read articles from the net and here's what I find.


7. Being able to switch from serious to silly depending on companions (serious with other people and at work but silly and funny when with loved ones). I suppose this pertains to being confident in your skin with about everyone.

8. Oooh, I like this one. A mature person knows to praise others where it's due and not get all the credit for success done by a team. A mature person knows the success of the venture is praise itself for his participation and that is enough for him.


9. Being able to accept the consequences of your actions and not blame anybody else for the failure or worse, wash hands. Ahh... no balls, eh?

10. Being humble and mature enough to know you're not right all the time and saying sorry when you're wrong. Oh... right.

11. You know how to wait because the best things in life are not free. You dedicate time, effort, faith. You believe to achieve. Yay. I know it's not easy but this actually makes a lot of sense, don't it?

12. And last but certainly not the least, for a mature person, being right is not important. You will not sacrifice a relationship for the sake of being right. You will not clobber and kill anyone because you are right. You will not detonate a bomb, take a gun and shoot somebody, or flip the table over because you are right. You don't throw people to the lions or set them on fire alive. If you know you are right, absolutely sure about it, then you don't need to win an argument to prove your point. You already win and nobody else has to affirm that for you.


I realized I have a whole lot to learn still. But maybe I can start by affirming to myself that I am grown up. Then I can start with what I have a work with that. (Conjecture no. 1)  

And well, the truth is, with the death rate getting higher and higher these days, what with pollution and crime and sickness and calamities and stressful, soo stressful days and what-have-we--the list never ends--we should be clamoring to reach the stage when we can be called "mature" at once. Forget about religion, government, race, affiliation, geography, age, sexual orientation, sexual affiliation and another what-have-we. Just think that if there's about ninety percent mature people in the whole world right now, what kind of world would this be? Ninety-percent people to take care of the immature ones. And you're one of the ninety-percent. Think of what that could solve all over.

Hmm. Nice thing to think about. 

Thanks to my friends over at Facebook for the input. God bless! =)






Tuesday, December 20, 2011

Enchanted Daughters of the Ancient Fairy 6



THE DANCER & THE SHAPESHIFTER

NOELLE ARROYO

 

 

Teaser

MULA nang matalo sa konsyerto nina Guinevere at Caleb ay hindi nagparamdam sa mga Encantara si Leica Soldita Malvado. But on the day Georgette le Charme Encantara, the last of the Enchanted Daughters, dreamed her Prince Hero dead, nagalaw ang balanse ng enerhiya sa magical realm. Inagaw ni Leica ang kapangyarihan ng Diyosa ng Kalikasan at hindi na lang ang kanyang buhay ang nanganganib sa masamang bruja kundi kaligtasan ng sangkatauhan at nang lahat ng mga nilikha sa buong mundo.
Pero hanggang hindi naililigtas ang kanyang Prince Hero, alam ni Georgette na wala siyang silbi sa lahat. O kahit sa kanyang sarili.

SI Daniel ay isang manunulat na shapeshifter na kahit kailan ay hindi pa nakalayo sa invisible na isla ng Vernaa. Pero nang matuklasan niyang meron siyang misyong mas malawak kaysa kanyang simpleng eksistensya—at makakasama niya sa misyong iyon si Georgette na isang fairy-witch—hindi siya halos makapaghintay na simulan ang kanyang adventure.
Sa imahinasyon niya sila nagsimula, pero sa isang masalimuot na pangitain nang ina ni Daniel noong sanggol pa lang siya magtatapos ang kwento ng mananayaw at nang kanyang Buriway.
Ang tanong, pagkatapos ng kwento ay buhay pa rin kaya silang dalawa?

“Sa panaginip ko, halos mabaliw ako noong akala ko namatay ka. Hangga’t hindi ka nila nakikita hindi ako natahimik. Noong dumating ka bilang bayawak, kahit hindi pa ako sigurado na ikaw nga ‘yon gumaan agad ang aking dibdib. Kung hindi pa kita mahal n’on hindi ko na alam kung ano ‘yon.”


Kahit na ako’y makapagsalita ng iba’t ibang wika

ng mga tao at mga anghel,

para lamang akong kampanang kumakalembang

o pompiyang na maingay

kung wala akong pag-ibig.


1 Corinto 13: 1

 

 


ONE


BILOG ANG BUWAN nang gabing iyon ng Marso at mistula iyong isang makapangyarihang bantay na mapagpasensyang nakatanod sa lahat ng nilalang sa lupa.
Sa pusod ng gubat sa rancho ng mga Encantarang nasa dulo ng bayan ng San Bernardino, magaan ang mga paang nagsasayaw pauwi si Georgette. Ang tangi niyang gabay ay ang liwanag sa taas na nakakatakas sa mga butas sa pagitan ng mga dahon at dalang ilaw ng mga mumunting alitaptap na masiglang nagsisisunuran sa bawat niyang pagkilos. Minsan, tumatakbo siya; minsan ay lumulukso… at naririnig ang kanyang masayang halakhak tuwing dumadapo ang maliit na mga ilaw sa kanyang balat. Yapak ang mga paa niyang patingka-tingkayad sa mahamog na damuhan na parang isang naglalarong ballerina sa sariling entablado… o mas tamang sabihing witch enchantress sa sariling maka-kalikasang kaharian.
Isa iyong gabi na puno ng magic. Sa mga bansa sa Norte, simula ng spring… simula ng buhay. Buntis ang lupa at malapit nang manganak. Nararamdaman niya ang mahika sa nagtatampisaw na liwanag mula sa makapangyarihang buwan sa kalangitan. Hinihinga niya iyon sa kapaligiran.
Mabini siyang tumatalon sa ibabaw nang nakausling ugat nang isang matandang puno. Nang bumagsak ang kanyang mga paa sa lupa ay nakaipit na ang orkidyas sa kanyang teynga. Natatanaw na ang hardin ni Lola Mertha sa labas ng gubat at bumilis ang takbo niya. Nagpasalamat siya sa mga alitaptap sa pagsama ng mga ito sa kanya.
At nang makalabas siya sa kagubatan ay ngumiti siya sa liwanag ng buwan na bumagsak sa kanyang mukha at nagbigay ng banayad na init na unti-unting lumukob sa kanyang katawan bilang isang magical na enerhiya.
Tinungo ni Georgette ang bed rock sa gitna ng hardin ng mga bulaklak at nahiga siya roon. Ang spot na iyon sa gitna ng hardin ang kanyang pinakapaborito sa buong universe. She did her dreaming here—both asleep and awake.
Dito rin niya naiisip maging kanyang mga problema.
Nataboy ang saya sa kanyang dibdib.
Tatlong buwan na lang—TATLONG BUWAN—at siya naman ang haharap sa sumpa sa kanya ni Tita Leica. Ni anino nang kanyang mangingibig, hindi pa nakikita. Ginagamit na lahat ng paraang praktical at mahiko para hanapin ito pero hindi pa rin ito mahanap. Kahit sa mga visions ng mga seers, wala.
Where. Was. Her. Prince?
Masyadong nanghina si Tita Leica mula noong mataboy ito kay Aleka ng awit ng pag-ibig nina Ate Guinevere at Kuya Caleb nang gabi ng konsyerto. Naroroon din nang gabing iyon si Gregory at ito si Aleka ay nakatakda sa isa’t isa. Isang taon matapos gumaling si Aleka mula sa masamang epekto nang mapagkontrol na salamangka ni Tita Leica noong alipin pa nito ito ay ikinasal ang dalawa at ngayon ay tahimik nang naninirahan sa rancho.
Pero hindi pa rin nagpaparamdam sa kanila ang masamang bruha kaya nag-aalala lahat sa kung anumang maaaring hinahanda nito para makaganti at makuha siya.
Itinataboy niya ang takot niya sa pag-alalang binigyan ng proteksyon ng kapangyarihan si Kuya Orlando bago pa nito makilala si Ate Soliel. Malakas ang kapangyarihan ng pag-ibig. Throughout history, man has always been fickle and weak… but love always remained steadfast in the end.
Nanonood sa nagkikislapang mga bituin sa langit, napabuntunghininga siya. Sa Norse Mythology, noong nilikha ni Prometheus ang mga nilalang sa mundo, sinadya nitong nakayuko ang lahat ng mga hayop maliban sa nag-iisang biniyayaan ng pagkatuto. Hinulmahan nito ito ng tuwid na spine para makatayo, makatingala sa langit at mamasdan ang kalawakan ng perpektong sistema ng mga buwan, ng mga planeta at kumikinang na mga bituin.
Na nagsasabing kahit gaano man kagulo sa mundo, posible ang perfection sa universe. Na kung susundin ng tao ang batas ng kalikasan, they could achieve that beautiful perfection. Eventually, everything would be alright.
Thank you, Prometheus, nangingiti niyang naisip.
Hinanap nang kanyang mga mata ang mga bituin ni Lolo Pilay. Pero madaling-araw na at kapag tinawag niya ito sa ganoong oras, she might give the poor old man a heart attack.
Napalabi siya. Ang pagiging paranoid ni Lolo Pilay ay understatement pa lang ng paranoia nang lahat. Hindi ibig sabihin na hindi lumalabas si Leica, hindi ito nakakaisip nang masama. Malamang na sine-save nito ang pinakamatinding pagsalakay na gagawin nito sa huling mga araw bago ang kanyang kaarawan. Dahilan kung bakit natatakot siya para sa kalagayan nang kanyang mangingibig, saanman ito naroroon.
Tumagilid sa pagkakahiga si Georgette at nang mamasdan ang mga bulaklak ay gumaan kahit papaano ang kanyang loob. Kung ipipikit niya ang kanyang mga mata ay alam niyang makikita niya ang maririkit na mga kulay na parang nasa kasikatan iyon ng araw—pula, rosas, dilaw, orange, pinakamatingkad na blue at pinakamaputing puti sa lahat ng mga puti. Kahit ang kaberdehan ng mga sanga at tsokolateng kulay ng mga katawan ng puno ay buhay na buhay.
Pero napakaganda pa rin ng mga ito sa kabila nang mabining liwanag ng gabi… kagandahang misteryoso… mystical. Nangungusap iyon sa kanya, binubura ang takot niya—sinasabing ligtas ang kanyang mangingibig saan man ito naroroon… nabibigyan ng proteksyon ng kapangyarihan nang kanilang nakatakdang pag-ibig.
Nalukob siya ng kapayapaan at unti-unti siyang inantok. Naghikab siya kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata.
She could hear a soft song in the wind… the songs of distant fairy voices. Nakakaengganyo iyong pakinggan… nanghehele… nagpapaantok.
Nang makatulog siya, ni hindi niya iyon halos namalayan.

NANG MAGMULAT muli si Georgette ay napakunot-noo siya.
Gabi pa rin.
Pero napakadilim. Tumingala siya. Nasaan ang bilog na buwan? Nasaan ang kanyang mga bituin?
Then she realized that she wasn’t awake.
She was dreaming.
And it wasn’t a pleasant dream. Hindi halos makita ang mga bulaklak. Hindi matanaw ang liwanag nang kanyang mga kaibigang alitaptap sa bukana ng kagubatan. Everything was black ang gray. She did not like it.
May narinig siyang mahinang tunog sa kanyang tabi at naiinis na napalingon siya roon. Pagkatapos ay umalpas sa kanyang bibig ang napakalakas na irit.
“Eeeeeeeeeeeek!”
Halos mahalit ang lalamunan ni Georgette sa pagsigaw. Nagtatayuan ang mga balahibo sa kanyang buong katawan nang mahulog siya sa lupa sa tarantang paglayo sa kanyang nakita.
May butiki sa ibabaw ng bato! Hegante at napakahabang butiki!
Anong ginagawa ng bayawak sa kanyang panaginip?!
Gusto mang tumakbo, sa sobrang sindak ay nanigas siyang parang flagpole.  Baka habulin siya nito! Saka niya naalala…
Oo nga pala! Fairy ako, witch pa—powerful  ako. At bakit ako matatakot eh panaginip ko ito?!
Pero anong gagawin niya sa butiki, nadidismaya rin niyang naisip. Hurting it made her cringed. Wala naman itong ginagawa kundi panoorin siya sa kanyang kawalan ng poise. That’s not enough for her to zap it to oblivion.
“Ano naman kayang klase ng panaginip ito?” naiungol niya.
Monitor lizards were reptiles, weren’t they? Kinilabutan na naman siya. Pero sinermunan niya ang kanyang sarili.
Georgette, you’ve handled clay zombies. Snap out of it!
“Right,” sabi niya nang malakas. “It’s just a lizard. No problem,” dagdag pa niya. She could maybe stare it down.
At nakipagtitigan nga siya rito, pinakikita ritong hindi siya natatakot. Na kahit anong gawin nito, hindi siya tatakbo at hindi siya sisigaw at hindi siya hihingi ng saklolo.
What was it doing in her dream, anyway. Usually, she could control her dreams. As in really. Kapag-pumapangit-na-nagigising-na-siya-period. Pinahid niya ang pawis sa kanyang noo. May nakita ba siyang bayawak o pictures niyon recently para managinip siya nang ganito?
Wala naman siyang maalala.
Ang laki nito talaga, mas malaki pa sa water lizard na nakita niya sa Manila Zoo. But instead of black skin and white spots, this one’s colors were very alive they were almost breathing. Ito lang ang nag-iisang may kulay sa gray and white niyang panaginip.
Pinaalala niya sa sariling reptile ito, pinsan ng mga alligators at ahas. Walang cute na reptile.
Wrooong. Tortoises were reptiles and tortoises were cute.
And that was it. Even as she tried, she wasn’t that scared of the lizard anymore.
Dahil nagsisimula na siyang ma-curious.
“And God hath made the word CURIOUS and CURIOUS was GEORGETTE,” lumabas sa kanyang bibig.
Napangiwi siya. Guilty. Siya ang fly sa flame. And Ate Soliel and Ate Guinevere weren’t here in her dream to shoo her away.
At in fairness sa bayawak, it wasn’t really a dangerous-looking flame. Hindi pa rin ito kumikibo. Ang mga mata nito ay half-lidded na parang antok o bored. His skin was scaly but the colors were extra-ordinary—dilaw ng araw at berde ng bagong sibol na halaman. Sandaling kumibo ang buntot nito, a flicking that took its own time and didn’t scare her at all, habang patuloy siya nitong pinanood na parang naghihintay itong ipahiya na naman niya ang kanyang sarili.
Hindi na talaga siya natatakot. Maingat siyang lumapit. Huwag sana itong manunggab dahil baka magitla siya at magi itong butiki sa kisame.
Pero wala pa rin itong ginawa. His eyes followed her, oo, pero gaya lang nang isang bored na pusang nakakita ng kilala pero ni hindi nagkainteres bumati. Parang si Garfield, mukha nga lang bayawak.
Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng bato. Kumiling ang ulo nito na parang gusto siyang makita sa mas magandang anggulo.
At kumibinsido na si Georgette na walang masamang balak sa kanya ang bayawak. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, basta alam lang niya.
She reminded herself again that she was inside a dream, very conscious, but still in a dream. And she knew—this wasn’t just an ordinary dream. It’s a magical dream. Anong mensahe ng panaginip na ito sa kanya?
Noong natititigan na niya ito nang walang takot, napagtanto niyang hindi talaga ito pangit. Gaya nang ibang nilalang, it has a beauty all its own. Van Gogh painted flowers that were picked from the countryside then sold years after his death for millions of dollars because now, the beauty of the flowers could be seen through his eyes. Ganoong klase ng perspective.
At lalo siyang nakumbinsing merong mensahe sa kanya ang panaginip.
“Hello…” sabi niya rito. Improvement. Kinakausap na niya ang bayawak. Ano naman kayang gagawin niya kung bigla itong sumagot?
Right. Butiki.
Inangat niya ang kanyang kamay at dahan-dahan niya iyong ipinatong sa ibabaw ng ulo nito.
Pagkalapat na pagkalapat nang kanyang kamay rito, nakarinig siya nang mahinang ingay na hindi nalalayo sa kuntentong purr nang isang pusa. Hindi niya napigilang matawa.
Ahhh. Alam na niya ang misteryo.
He’s a confused bayawak who thought himself a cat.
“You just love that, don’t you? Someone must have spoiled you reckless.”
It opened its mouth and flicked its tongue out. Nandidiri niyang nabawi ang kanyang kamay. Nilawayan siya nito!
“Eeeww. Daniel, kadiri ka!”
Natigilan siya.
Daniel….?
Now where did that come from?
Daniel… ulit niya sa kanyang isip, hindi maipaliwanag ang init na lumukob sa kanyang katawan hanggang sa maabot niyon ang kanyang puso.
“D-Daniel…?” mahina niyang bulong habang nabibingi sa kabog nang kanyang dibdib.
For a moment, nothing happened.
Pagkatapos ay nagsimula itong mangatal. Nangaligkig ang mga spikes sa ibabaw nito at kumislot ang mahaba nitong buntot. Taranta siyang napatayo. Lumakas ang seizure, then blood spurted from his eyes.
“Oh my God…!” naiiyak niya sa takot.
Hindi na lang ang spine kundi ang mga buto ang gumagalaw sa loob ng balat nito na parang gustong umalpas! Sindak na natulala si Georgette dito.
Dahil alam niya kung anong nangyayari. Nagdaraan siya sa ganoon gabi-gabi.
Her beautiful bayawak was changing form right infront of her eyes!
Pero hindi gaya niya na nababalutan ng liwanag, nililindol ito nang kung anong delubyo mula sa loob. It looked so painful, napaluha siya sa sobrang awa rito. Lumapit na naman siya para sumaklolo.
Pero sa kanyang panghihilakbot, bigla itong sumabog.
“Daniieeeeel!” irit niya.
Sa harap niya, umalpas rito ang mahahabang mga biyas, flat na torso at matipunong dibdib nang isang lalaki. Huli ang ulong ang mukha ay nababahiran nang matinding sakit, takot, at matinding pagkatuliro.
Gumiray ito sa ibabaw ng bato. Georgette had no time to get out of the way… bumagsak ito sa kanya. Bumagsak sila sa damuhan, crushing little wild flowers on the ground. Air was forced out of her lungs. Mabigat ito.
Umungol ito.“Georgette...!”
The feeling of suffocation vanished when she heard that. Pero bumagsak ang ulo nito sa kanyang balikat at hindi na ito gumalaw.
She turned her shocked eyes to look at his bloody face. Parang nagyelo ang puso niya nang makilala niya ito.
Ang kanyang Prince sa wishing well.
And he looked dead.
Nagising si Georgette sa mataas na sikat ng araw.
At umaalpas sa kanyang bibig ang klase ng sigaw na hindi pa narinig mula sa kanya kahit kailan.